(A Filipino Novel) Celia Beatrix Montemayor was just an ordinary girl until she met a stranger that changed her life. She fell inlove. She regrets the fall. This was the first time she have fallen inlove, and it was the wrong fall. A love that's impossible. (a/n: this is unedited and a bit weird, lmao. Read at your own risk.)
Napabuntong hininga lang si Bea habang nakatanaw sa labas ng bintana ng coffee shop na kung saan sya nagwo-work. Nagbibilang na lang sya ng mga taong dinadaan-daanan lang yung coffe shop. Yun lang ang magawa nya since wala namang costumer.
Napasulyap lang sya sa phone nya at napasimangot, naisip nya na halos parehas ang coffee shop at ang phone nya. It's both empty. Ano bang aasahan nya sa phone nya eh wala naman syang ka-text.
"Siguro dapat na tayo mag-close ngayon Bea." Sabi sa kanya nung boss nya na galing sa kusina.
"Ah, sige po sir."
"...you know, you should find another job Bea." Nagulat sya sa nasambit ng boss nya.
"Ha? Bakit po sir?"
Napa-iling si Andrei ng mapatingin sya sa paligid, "Kita mo namang walang katao-tao dito, hindi na kumikita ang coffee shop."
Nataranta si Bea sa narinig, mawawalan sya ng trabaho? Hindi pwede. Yun lamang ang pinagkukuhaan nya ng pera panggastos sa araw-araw at pangtuition nya sa college. Walang ibang sumusuporta sa kanya kung'di ang sarili nya.
Hirap pa naman syang makahanap ng trabaho dahil pag-tuwing nag-aaply sya ay wala ng bakanteng pwesto para sa kanya. Sa Drei's Coffee Shop lang sya sinuwerte, pero hindi naman kumikita ng maayos.
"Pero sir! Wala na po akong trabahong mapapasukan, malas po ako pagdating sa paghahanap ng trabaho."
Napakamot sa ulo si Andrei, "Kaso Bea, magsasara na 'tong DCS. There's nothing i could do."
"Ha!? Bakit ngayon nyo lang ito sa akin sinabi sir?"
"Sorry, i didn't have the time to tell you."
Parang gustong maiyak ni Bea sa nalaman. Pag nawalan na sya ng trabaho, mapipilitan syang huminto sa pag-aaral nito dahil wala na syang pagkakakitaan ng pera pambayad ng tuition nya. Hindi na mangyayari ang pangarap nya.
"You don't have to worry Bea, babayaran pa rin naman kita. And i promise na dadagdagan ko na lang yun para may pambayad ka sa school mo, all i can do is to wish you luck in finding a new job."
Napatango na lang si Bea sa kanyang boss. Tinapik na lang sya ni Aundrei sa balikat at bumalik sa kusina. Kukunin na sana ni Bea ang mga gamit nya ng may pumasok sa Coffee shop.
Bumalik sya sa kanyang pwesto para kunin ang oorderin ng costumer. "Yes sir? What's your order?"
Nang magkatinginan silang nung costumer, she felt something while they were looking at each other. Namangha sya sa magandang mata nito, it was grey----more like silver. Then she was lost looking at his eyes. Bumalik sya sa realidad ng magsalita ang costumer nya. Medyo napahiya pa sya sa nagawa nya, but the costumer didn't mind.
"Black coffee." Aniya't parang gusto ni Bea na marinig ulit ang boses ng lalaki dahil parang mala-anghel ang boses nito.
"U-Uhm, that would be 23 pesos sir."
"Okay." Nang magbayad na ang costumer, pinuntahan nya si Andrei. "Sir black coffe po."
Nasupresa si Andrei sa narinig, "Woah, may costumer?"
"Meron sir."
"Himala ah?" Natawa silang parehas, "Sige bumalik ka na doon, ako na bahala."
"Okay." Pagkabalik ni Bea sa counter, nandun pa rin ang yung costumer. Gwapo sana ito pero ang creepy ng dating nito dahil titig na titig ito sa kanya, iba kasi ang tingin nya. Seryoso masyado ang hitsura.
Napalunok si Bea dahil kinabahan sya ng unti, "Sir, do you need anything else?" Tanong nya.
Nang makalapit sya rito ay may ipinakitang litrato yung lalaki. "Kilala mo ba 'to?" Tanong nya.
Pagkatingin nya sa litratong hawak ng lalaki ay nanlaki ang mata nya. "Anong kailangan mo kay Audrey?"
Sumingkit ang mga mata nang lalaki sa kanya at itinabi muli ang litratong hawak nya. "So kilala mo nga sya?" Napalunok muli si Bea at tumango lamang.
Tatanungin nya sana ulit yung lalaking kung anong kailangan nito kay Audrey, ang bestfriend nya. Pero naunahan sya ng estranghero na ito.
"Can you bring me to her?"