Mandee's POV
Teka, asan na sina Mica at Ann? Wala pa ah! Kaya ang ginawa ko, syempre nag-tutbras ako!
Nakita kong pumasok si Ann. Blanko ang mukha. Maya-maya dumating na rin si Mica. Blanko rin ang mukha. Anyare sa kanila?
"Anong nangyare?" tanong ko sa kanila pero tiningnan lang nila ako.
TEKA! HINDI KAYA...
BAKA PINARUSAHAN DIN SILA NUNG WAISS HEXE?!! Di 'to pwede! Hindi pwedeng sama-sama kaming ganito ang mukha! Baka magkapalitan kami ng mukha! Yung maganda kong mukha, napunta kaya Mica! Tas yung mukha ni Mica napunta kay Ann! Yung mukha ni Ann napunta sakin! Anong sasabihin ng mga magulang ko neto?
'The Expressionless Trio'
Eh? Pangit pakinggan! -_-+ aiiiisssshhhh!!!
"Ano bang nangyari?" tiningnan lang ulit nila ako. Pero ba't ganoon? May namumuong tubig sa mata nila? Ako yung pinag-aalala ng mga bruhildang 'to eh! "Sabihin niyo na kasi. Parang-awa niyo na! ayokong magkapalitan tayong tatlo ng mukha!"
Biglang lumaki ang mga mata nila at sinabing "HUH?!"
"Ano ba 'yan? Di niyo yun alam? Yung mukha ko mapupunta keh Mica, yung mukha ni Mica mapupunta kay Ann, tas yung mukha ni Ann mapupunta sakin. Parang ganun. Diba tao kayo dapat alam niyo yun!"
Bigla naman silang napaubo. Mali ba yung explanation ko? May mali ba kong nasabi?
"Matutulog na ko. Ikaw din Mandee." Sabi ni Ann.
"I'm tired." Sabi ni Mica pero may namumuo talagang tubig sa mata nila eh! Kaya ang ginawa ko, hinawakan ko ang balikat nilang dalawa at tiningnan ang mata nila.
"Anong ginagawa mo?" tanong ni Ann.
Tama nga! Pero bakit may tubig sa mata nila? Ano ngang tawag diyan?
Loading...
Loading....
95% complete....
Loading failed!
Ah basta! May tawag dun!
"Ano yang tubig sa mata niyo?" tanong ko.
"Ah wala..." sabi ni Mica "Mag-iinit muna ako ng tinapay at kakain." Sabi niya at umalis sa harap ko.
Si Ann naman, tiningnan ko. I hear her sigh at umupo sa kama.
"Kasi.. ganito yung nangyari... kanina nakita ko sina---"
"WHAT THE HECK IS THIS?!" parehas kaming nagulat ni Ann nung sumigaw si Mica. Kaya pinuntahan namin.
"Anyare?" tanong ko.
"BAKIT.MAY.CELLPHONE.SA.LOOB.NG.OVEN.TOASTER?!" nanggigigil niyang tanong. Nakita kong hawak niya yung cellphone ko.
"Ah. Kasi wala na kong mapaglagyan eh. Kaya dyan ko nilagay." Syempre ako sumagot nun! #ProudToBe
"Cellphone sa loob ng oven toaster? Eh para lang sa tinapay yun! Hindi sa mga gadgets!
"Ahh ganon ba. Sa susunod sa ilalim ko na lang ng kama ilalagay. Oh kaya doon!" at tinuro ko yung bagay na malaki tapos kapag binuksan mo, malamig at maraming pagkain.
Nakita kong napahampas sila sa noo. Anong meron? May lamok ba? Yan siguro yung ginagawa ng mga tao kapag nag-uusap sila. Magaya nga sa susunod pag may kausap ako! -_-