webnovel

Mansion's Hidden darkness

Others
Completed · 52.5K Views
  • 13 Chs
    Content
  • ratings
  • NO.200+
    SUPPORT
Synopsis

Masaya at puno nang pangarap ang pamilya Monreal lalo na ang puno ng pamilya na si Mang Carlitos.Kaya ng magkaroon ng pagkakataong at may dumating na napakagandang offer para sa kanilang pamilya ay hindi na ito nagdalawang isip pa na tanggapin iyon sa ngalan ng kanyang mga pangarap para sa mga anak. Ang pagiging caretaker ng isang daang taong gulang na mansion ng mga de saavedra at lahat ng binepisyo ay ibinigay maging ang schoolarship para sa apat niyang mga anak.Ngunit papaano kung ang kapalit noon ay ang buhay nilang lahat?Kapalit ng kanilang kasaganaan ay ang kamatayang dulot ng itinatagong lihim ng mansion de saavedra. Dito natin makikita ang totoong pagmamahal ng kanilang pamilya at pagpapahalaga sa isa't isa. Hi sa aking mga tagabasa.. magandang buhay sainyo.. heto na naman po ako nagpapasalamat sa mga nagbabasa ng aking mga kwento.. Sana po suportahan ninyo ang aking mga isinusulat simula sa simula hanggang sa pagtatapos nito. Huwag din po kayong mag alinglangang magkumento sa mga paragraph kung sa tingin niyo ay mayroong mali..upang mas mapag igihan at mapabuti ko po sa susunod. maraming maraming salamat po.?

Chapter 1CHAPTER 1(Bagong Simula)

Masaya at excited ang buong pamilya Monreal habang binabagtas ng kanilang karag karag na sasakyang ang bako- bakong daan patungo sa Mansion de Saavedra. Kung saan sila na at ang kanilang pamilya ang magiging tagapangalaga ng halos isang daang taon ng mansion na nakatayo mismo sa pusod ng malawak na kalupaan ng yumaong señora Anselma at Don Temoteo.Sila kasi ang napiling mangangalaga ng mansion habang wala ang mga anak ng yumaong mag asawa dahil nakabasi ang mga ito sa amerika at masisira lamang ang naturang mansion kung walang mangangalaga rito.

Hindi rin alam ni mang carlitos kung bakit hindi na lamang ibinibinta o di kaya'y tirhan ng mga anak ng yumaong mag asawa nang sa ganun ay mas mapangalagaan pa ng mga ito ng mabuti ang mansiyon.

Habang minamaneho ang kanilang karag karag na pick up ay hindi maiwasan ng bunsong anak ni mang carlitos na si susie ang magtanong.

"papa, malayo pa po ba tayo?"Wika nito habang nakamasid sa labas na dinadaanan nila.

Nagising naman ang magkakapatid na mahimbing ang tulog kanikanina lang. may apat na anak si mang Carlitos at aleng Valeen. Si Carolina ang panganay na likas ang pagiging matalino sa lahat ng magkakapatid.Si carlitos II ang mayabang na anak na lalake at nag iisang lalakeng anak ng mag asawa.

Si Alleen ang boyish ngunit napakasipag na anak at tahimik lamang at ang bunsong si Susie na walong taong gulang na ngayon.Nag iinot na . nag ayos ng upo si Carlitos o kilala sa tawag na dos.

"Ano ba yan, parang ang layo na ng binabagtas na natin pero parang wala pa yata akong natatanaw na kabihasnan.". sa halip puro yata gubat ang dinadaanan natin!" nagmamaktol na reklamo ng binatilyo habang nakatanaw sa unahan.

"Eh, puro ka naman reklamo diyan dos, eh kung nagpaiwan ka nalang doon sa bulacan at doon mo naman yata gusto tumira at dahil nga andoon ang crush mong si marlene."Naiinis namang sabat ni Carolina sa kapatid.

"Wala naman akong sinasabi ah.. bakit ba nagrereact ka diyan.!!""???taas kilay na sagot nito sa kapatid.

"Di ba nga ayaw mo sa pupuntahan natin, kasi mas gusto mo doon sa bulacan at maraming barkada doon."

Giit pa ni Carolina na mas nakaangat pa ang kilay habang tinintingnan ang kanyang kapatid.

"Magsitigil na kayo huh!!" ayukong may nagrereklamo sainyo dahil ito ang mas makakabuti para sa ating lahat."mababa ngunit matigas ang bawat salitang binitawan ni mang carlitos sa mga anak.

Wala naman nang nag salita sa mga ito ngunit mas nanatiling tahimik lamang ang pangatlong anak na si alleen.

likas nga sa dalagita ang pagiging tahimik, kahit nga no'ng nandoon pa sila sa bulacan, talagang wala itong ginawa kundi ang mag aral, bahay at trabaho sa maliit nilang bukirin.

Naiintindihan naman niya ang naging dahilan ng ama na mas pinili nitong tanggapin ang alok ng pamilya de Saavedra na sila ang maging tagapangalaga ng mansion, halos lahat naman kasi ng magandang offer ay binigay nito.

Sinagot nang mga ito ang pagpapaaral sa kanilang lahat at kahit nga benipisyo ng ama ay kumpleto din.Maging ang sahod nito ay maganda rin ang bigay at maaari din silang magsaka sa malaking lupa mga mga de Saavedra.

Kaya nga kahit ayaw man nilang magkakapatid ay mas nanaig pa rin ang kagustuhan ng kanilang ama dahil sa mas mapapabuti ang kanilang kinabukasan doon.Hindi na kailangan may tumigil sa kanilang magkakapatid para lang mapagtapos ang kanilang panganay.Aminado siya at nakikita niya ang lahat ng pagsisikap ng kanilang mga magulang para lang mapagtapos silang magkakapatid.

Nasa edad kinse'y na siya ngunit nasa second year pa lamang siya dahil noong nakaraang taon ay tumigil siya sa kanyang pag aaral para lang makaalpas ang panganay nila sa ikalawang taon sa kolehiyo dahil nagkasakit noon ang kanyang mama at ubos lahat ang ipon ng mga ito moon .Kaya nga tumigil siya para may makatulong ang ama sa bukid dahil mas nakikita niya ang pagsisikap ng mga magulang nila.Naisip niya nga na sana naging totoong lalake na lang siya, di'y sana ay mas malaki pa ang maitutulong niya sa mga ito.Hindi gaya ng kuya Dos niya na mas priority pa nito ang barkada at kayabangan nito.

Minsan naiinis siya sa mga kapatid dahil wala na itong ginawa kundi ang maglakwatsa, ang ate Carolina naman niya ay mas priority nito ang pag aaral, ni'y ultimo nga paglalaba hindi nito alam.

Sabagay matalino at magaling naman itong magpinta at ang pag aalaga ng mga daliri nito ang tanging inaalala nito dahil ayaw nang ate niya na masira ang kamay nito dahil ayaw nitong manginig ang mga kamay.

Napabuntong hininga siya sa isiping iyon;Ang bunso naman nila kasing si Susie ay di pa naman maasahan sa mga gawain, halos puro laro pa din naman ang inaatupag nito.Samantalang siya ay parang katulong na walang sahod ang nangyayari sa kanya.Ayaw man niyang magreklamo pero parang ganun na nga.Idinilat niya ang kanyang mga mata upang umiwas na lamang sa mga isiping nakakasama sa kanyang kalooban.Ayaw naman niyang magtanim ng sama ng loob sa mga magulang o kapatid niya dahil sa hindi pagiging pantay ng mga ito sa kanila.Itinuoon na lamang niya ang paningin sa labas kung saan naaaliw ang kanyang mga mata sa luntiang paligid.

Ito pa ang isa sa mga pinakagusto niya kung bakit mas gusto niyang tumulong sa bukid, iyon ay ang pagkaaliw niya sa mga pananim lalo na tuwing nagkukulay luntian ang mga ito.

Iwan ba niya ngunit tuwing nakakakita siya ng halamang luntian ay pakiramdam niya nabubuhay ang anumang bagay na nasa loob niya.

Iba talaga ang pakiramdam niya sa luntiang lugar.Animo'y binibigyan nito ng masayang buhay ang bawat lugar na madaanan nila.

"Maghanda na kayo at malapit na tayo."

Hindi na siya nagulat pa nang marinig amg sinabi ng kanilang ama. NAkita niya kasi mula sa malayo ang karatola na nakaarko sa unahan.

"MANSION DE SAAVEDRA"

kaya marahan niyang tinapik ang kapatid na si susie upang gisingin ito.

'"gising na andito na tayo."marahang wika niya saka muling sumulyap sa labas ng bintana ng kanilang sasakyan.Ngunit ganun na lamang ang panlalaki` ng kanyang mga mata ng masagi ng kanyang paningin ang animo'y bata na biglang tumakbo papasok ng gubat.Pakiwari niya ay nasa limang taon gulang pa lamang ito at kakaiba ang kasuotan nito. Iyong tipo na parang sa sinaunang panahon.

"Nakita mo ba iyon susie?" Yung bata?" itinuro pa niya sa kapatid ang lugar kung saan pumasok ang bata.

"wala naman akong nakikita ate eh, kundi puno."wika pa nito na nangingiti.

"Anong bata ka diyan, "!!wala namang bata na pupunta sa gubat na yun at napakasukal na ng lugar na yun."Sabat naman ni Dos saka bigla siyang kinutusan sa ulo.

"aray ano ba naman kuya!" reklamo pa niya.

'"ikaw kasi nagsimula na naman ang kawirduhan mo.. isasali mo pa yang kapatid natin."dagdag pa nito.

" Eh sa meron nga akong nakitang bata eh,.. giit pa niya dahil alam niyang aasarin naman siya ng kapatid.

"suuuuuuuhhhhh!!"" sabay iling iling nito at inikot ikot ang mga mata na sadyang nang aasar.

"Tumigil na nga kayo..!!sita ng kanilang ama."napakaliit na bagay ay talagang pinapalaki ninyo." Saka ikaw alleen, baka nananaginip ka lang at kung ano ano na naman yang pumapasok sa kukote mo sa kakapanood ng horror movie."dagdag pa ng kanilang ina.Talagang simulat sapul hindi niya talaga alam kung bakit lahat na lamang yata ng ginagawa o sinasabi niya ay talagang kontra ito.Lagi nitong sinasabi na nagsisinungaling na naman siya.

Sa halip na sumagot ay mas pinili na lamang niyang manahimik upang hindi na humaba pa ang kanilang usapan.

NASA harapan na sila ng malaking mansion at tumigil na ang kanilang sasakyan kaya mabilis siyang bumaba at umikot sa compartment upang maibaba ang kanilang mga gamit.Siya ang nauna dahil nasa loob pa ang mga kapatid at magulang niya.

Nang akma na niyang bubuksan ang compartment ng sasakyan ay bigla na lamang niyang nakita ulit ang bata na kani kanina lang nawala sa masukal na gubat. Nasa taas ito nang mansion at nakasilip sa bintana habang sinisitsitan siya nito.Ngunit agad din namang nawala.

Sa halip na magsalita ay mas pinili niyang manahimik na lamang.. Dahil naisip niyang baka anak ng kanilang magiging kasama ang batang iyon..

Itinuloy niya ang kanyang ginagawa..

"Yeyyy!! salamat nakarating na din tayo." masayang bulalas ni Carolina nag bumaba ito ng sasakyan.

"wow..!!ang ganda naman ng mansiyon na ito." bulalas namab ni susie habang umuunat unat.

Samantalang si Dos ay hindi natuwa..

"Saan kaba naman nakakita ng mansion sa gitna ng kawalan."wika pa nito.ang laki nga nang mansiyon na to ang layo naman sa siyudad."dugtong pa at saka ibinagsak ang dalang bag.

"Huwag ka na nga magreklamo Dos.."sita ng kanilang ina rito.

"Hali na kayo, mag sipasok na kayo."anyaya nang kanilang ama..

Ito ang nauna sa loob at sumunod naman sila.Hindi na bago rito ang pasikot sikot dahil bago pa man silang mag anak pumunta rito ay nauna na ang kanilang ama na nagpunta dito para tingnan ang kanilang magiging kalagayan.At dahil nagustuhan ni Mang Carlitos ang lugar kaya hindi na ito nag alinlangan pa na tanggapin ang alok na trabaho na maging care taker ng Mansion.Masaya ang kanilang pamilya dahil napakalaki ng magiging tirahan nila kahit may sarili silang bahay sa likod.

Ngunit maliban kay alleen na animo'y may kakaibang nararamdaman sa lugar na iyon.

pakiramdam niya ay may mga hindi maganda sa lugar na iyon. O naisip lamang niya iyon dahil nga naninibago lang siya sa lugar.

"Oh siya, mag ayos na kayo ng mga gamit ninyo.,anang nanay nila habang nakaupo ito sa sofa.Inililibot nito ang paningin sa paligid,.

"Ang ganda nitong ating titirhan hon huh,"nakangiting binalingan nito ang kanilang ama na kakatapos lamang maghakot ng kanilang mga gamit.

"ang laki din,"dagdag pa ng mama nila.

"oo nga,ipinasadya talaga ito ng mga de saavedra para maging tirahan ng magiging caretaker nila.

Isa pa kung sa eskwelahan naman ay malapit lang din naman dito."Fifthteen minutes lang at School na ng kolehiyo at highschool sa kabilang baranggay."pagbabalita nito.

"kaya nga kahit magsisimula na naman tayo ng panibago, eh kinuha ko na at sayang din,napakalaking oportunidad nito para sa ating lahat."masayang wika ng kanilang ama.

Kahit ang kanina lang na naiinis na kuya Dos niya ay sumang ayon na din naman.Paano naman kasi mas di hamak na malaki ang titirhan nila ngayon keysa dati nilang tirahan sa bulacan.

kumpleto din sa kagamitan at may kuryente din.

kaya Hindi na iti kumontra pa., maging ang ate niya ay wala din namang reklamo, maging si susie.Maliban lamang talaga sa kanya na hindi mapakali at hindi maipaliwanag ang pakiramdam niya sa panibagong tirahan nilang magpamilya.

You May Also Like