Samantala;
Habang Lulan ng kakarag karag niyang pick up si Mang Carlitos patungong simbahan sa kabilang baranggay ay hindi niya maiwasang mapaisip ang tungkol sa mga nangyayari sa kanilang bayan.Naisip niyang hindi lamang ito nagkataon,at maaring tama ang kanyang anak.
"Diyos ko gabayan po ninyo kami.."mahinang usal niya habang nakatutok ang mga mata sa dinadaanang kuba kubang kalsada.Mahina lamang ang kanyang pagpapatakbo ng kanyang sasakyan ngunit hindi niya kontrolado ang mga dinadaanan niya.Kaya laking gulat niya ng bigla na lamang may bumulaga sa kanyang unahan na isang batang babae at hindi niya iyon napaghandaan.Sa sobrang gulat niya ay hindi niya natapakan ang kanyang preno, at tanging manibela lamang ang kanyang naikot pakaliwa kung saan malalim na bangin ang naroon.Ngunit sa kasamaang palad ay hindi na niya napigilan ang pag bulusok ng kanyang sasakyan pababa at nagpagulong gulong ito hanggang sa sumabit ang sasakyan sa isang malaking puno.Ngunit wala nang malay ang kaawa awang si mang Carlitos at hindi na niya nakita at narinig pa ang paglapit ng itim na usok at malakas na pagtawa nito.
Sa mansion naman ay hindi parin natitinag ang mag ina sa matinding takot sa kanilang nasaksihan.Maging si alleen ay nabalot din ng matinding takot dahil sa pagbukas ng kanina lamang ay saradong sarado na pintuan ng kwartong iyon.Maging ang kanyang utak ay hindi na rin gumagana dulot ng matinding pagkabigla.Pinipilit niyang labanan ang takot niya ngunit pakiramdam niya ay pinipilit siyang hatakin ng sarili niyang katawan.
"Alleen!""Pssssttttt....Halika ditoooo...hehehhehe!!"""Bigla siyang natinag ng mula sa pintuan ng kwartong iyon ay nakatayo ang batang babae,marungis, gilay gilay ang suot nitong puting bistida at walang anumang suot sa kanyang mga paa.
Wala sa kanyang sariling inihakbang niya ang kanyang mga paa palapit sa pintuan at pumasok doon.Ang kanyang ina na kanina lamang ay nakatayo at naninigas sa matinding takot ay bigla na lamang bumagsak.Sa matinding pagkabahala ay hindi na niya naisip pa ang kailangan niya sa loob ng kwartong iyon at dali dali niyang binalikan ang ina na walang malay.
"mama!!mama!!""gising!umiiyak niyang sigaw habang niyuyogyog ang kanyang ina..
"mama!!"gising!!"halos mapugto ang kanyang hininga ng pilitin niyang iangat ang ina mula sa pagkakasubsob nito sa sahig.Napakabigat nito dahil medyo may kalakihang babae ito kaya hirap siyang akayin ang ina.
"Allleeeeennnnn...""Tulungan mo kami.."Isang nakakapangilabot na mga tinig ang kanyang naririnig mula sa kung saang bahagi ng mansion.
Hindi isa,dalawa o tatlo.. kundi napakaraming mga boses na tila ba ikinulong sa lugar na iyon.
"Tulungan mo kami..""Huwag mong hayaang maghari ang kasamaan alleen.."anang isang tinig na tila nasa ilalim ng hukay.
"Sino kayo!?"Maawa na kayo sa amin!!""layuan ninyo kami!""sigaw niya habang pinipilit paring akayin ang walang malay na ina.
"Tulungan mo kami!"""..iyon lamang ang paulit ulit na kanyang naririnig habang ang mga gamit na nasa loob ng kwartong iyon ay lumulutang na tila may mga buhay.
Batid niyang hindi niya magagawa ang kalabanin ang mga kaluluwang naroroon dahil wala siyang kakayahan at tao lamang siyang natatakot din.
Nawawalan na siya ng pag asa dahil nahihirapan siyang akayin ang ina pababa ng mansion at kung ipipilit niya ay siguradong silang mag ina ang mahuhulog sa mataas na hagdan ng mansion.
Pumikit siya at nanalangin ng taimtim.
"Diyos ko po, tulungan niyo po ako na mas maging matapang at makayanan ko po ang mga nangyayaring ito.. tulungan niyo po akong mailigtas ko ang aking pamilya sa nag aambang kasamaan.maawa ka po sa akin."tumutulo ang mga luhang hinaing niya.Dumilat siya,at ganun na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng makita ang lumulutang na aklat ng kamatayan habang isa isang bumubuklat ang bawat pahina nito habang lumulutang sa ere.
Nanginginig man sa matinding takot ay hindi na siya nagdalawang isip pa at mabilis niyang binitawan ang ina at agad pumasok sa loob ng kwartong iyon upang kunin ang nakalutang na aklat.
"bilisan mo alleen.. andiyan na sila."!'Bago pa man siya makalapit sa lumulutang na aklat ay muling lumitaw ang batang babae at itinuturo nito ang isang bahangi ng kwartong iyon na hindi niya napansin noong naroon siya.Animo'y isang kwadro na mayroong triangulong nakatatak sa gitna nito at tila ba pinipilit iyong buksan ng kung sinumang naroon sa loob niyon.Natigilan siya habang pinagmamasdan ang pag galaw ng kwadrado na iyon kasabay ang pagbagsak ng tila isang pintuan na hindi niya napansin.Kasunod noon ang tila isang napakalakas na pagdagundong ng tawa ng isang halimaw na nanggagaling roon.Naninigas ang kanyang mga tuhod at di makapaniwala sa muling pagkasaksi sa nakakatakot na pangayayaring iyon.
"alleennnnn....tulongan mo kami.."sabay sabay niyang narinig mula sa kung saan ang muling paghingi ng tulong ng mga tinig na iyon kaya muli siyang nagkaroon ng lakas upang labanan ang matinding takot.Sa isang iglap ay halos talunin` niya ang gadipang nakalutang na aklat at agad itong kinuha at mabilis niyang tinakbo ang pintuan palabas ng kwarto upang balikan ang ina.
Ngunit ganun na lamang ang kanyang takot at pagkabahala ng wala na roon ang ina sa kinalalagyan nito kanina.
"Mama!!"mama!!""Nag aalalang sigaw niya habang binabagtas ang hagdan pababa.Nagtataka siya kung papaanong nakaalis ang ina doon dahil walang malay ito kanina,ngunit hindi na lamang niya inintindi ang kanyang naiisip at mabilis na lumabas nang mansion upang hanapin ang kanyang ina..
"Mama!!Mama!!"Muli niyang tawag dito ng nasa loob na siya ng kanilang bahay ngunit hindi ito sumasagot.
"kahit sa kabilang bayan yata eh dinig na dinig iyang boses mo"!mula sa kanyang likuran ay nagsalita ang kanyang kuya dos, kakarating lamang nito mula sa eskwela Kasunod nito ang kanyang kapatid na si Susie.
"Kuya,buti andito na kayo.. si mama!""iyak niya dahil sa matinding pag aalala dahil sa biglang pagkawala ng ina.
"bakit nasaan si mama ate!?bulalas ni susie.
"may nangyari ba kay mama?!"nag aalalang tanong ng kuya niya.
Napabagsak siya ng upo sa maliit na sofa dahil sa panlulumo kung paano niya ipapaliwanag sa mga kapatid ang nangyayari sa kanila.
"Ano ba alleen,,tinatanong kita!!sumagot ka..may nangyari ba kay mam!!?naiinis na tanong nito sa kanya.
Wala siyang nagawa kundi ikinuwento dito ang nangyari at nangyayari.Nakita niya ang biglang pag guhit ng takot sa mga mata nito ngunit saglit lamang iyon.
"Totoo ba ang sinasabi mong iyan?!""kung ako pinagluluko mo alleen huh!"galit na wika nito sa kanya.
"Kuya, bakit kailangan ko pa bang pagbiro sa nangyayari ngayon"! naiinis na pahayag niya sa kapatid.
"May punto si ate kuya.. sabat naman ni susie.
"Kung ganun, alam na ba ito ni papa?"Tanging tango lamang ang isinagot niya sa kapatid dahil sa matinding pagod na nararamdaman niya.
"Eh, nasaan si papa?"si susie ang nagtanong.
"pumunta ng simbahan sa San Luis, pero kaninang umaga pa iyon, At hanggang ngayon di parin bumabalik kuya.."Nag aalalang wika niya.
"Sige dito lang kayo.. at hanapin ko si mama.."hindi na ito nagdalawang isip pa at agad itong tumungo sa loob ng mansion upang hanapin ang kanilang ina.
"Ate.. ibig bang sabihin nito ay nagkakatotoo ang mga napapanaginipan ko"!Bigla siyang napatitig sa bunsong kapatid dahil sa sinabi nito.""Teka,Anong ibig mong sabihin huh susie?!"nagugulamihang tanong niya rito.
"eh kasi ate, lagi kong napapanaginipan ang mga hindi magandang nangyayari dito sa mansion, kagaya ngayon."Natatakot nitong pahayag.
"Hindi naman siguro susie..manalig na lamang tayo na malalampasan natin ang lahat ng ito.. ll at sana hindi mangyari ang kinatatakutan natin."Niyakap niya ang kapatid upang maibsan ang takot nito.
Maya maya pa ay humahangos na bumalik ang kuya nila at bigo itong mahanap ang kanilang ina.
"anong gagawin natin ngayon kuya!?Natatakot na tanong ni susie sa kapatid.
"hintayin natin si papa,at baka makatulong siya sa paghahanap kay mama."sagot niya.Ngunit nag aalala din siya sa ama dahil hanggang ngayon ay wala pa ito.Hindi ugali ng kanilang ama ang umuwi ng ganun katagal pag may pinupuntahan ito lalo na sa ganitong sitwasyon.Kaya nakakapagtaka na hanggang ganitong malapit ng dumilim ay wala pa din ito.
"oh siya, mag asikaso ka na muna nang makakain natin alleen, at subukan kong hanapin si mama sa ibang kwarto ng mansion."Tumayo ang kapatid upang muling bumalik sa loob ng mansion ngunit napabaling ito ng tingin sa kanina pa niyang hawak na libro.
"ano ba iyang hawak mo alleen?!pansin ko di mo pa iyan binibitawan.. ano ba yan?!"biglang lumapit ang kapatid niya sa kanya at kinuha ang hawak niyang aklat ng kamatayan.Hindi na siya nakapag protesta pa ng kunin nito iyon mula sa kanya at isa isang binuklat ang naturang aklat.
"Ano to?"!naguguluhang tanong nito sa kanya habang pinagmamasdan nito ang mga larawan.
"iyan ang mga larawan na sinasabi ko sainyo kuya!!pahayag niya.
"Kung ganun totoo nga ang sinasabi mo..!!""wika nito.
"ehhhhhhhh!!""bigla silang mapalingon kay susie ng bigla na lamang itong sumigaw habang nakikisilip sa mga larawang nakapaskil sa aklat.
"bakit!"halos sabay pa silang magkapatid.
"iyong larawan kuya..Tingnan mo.. Nakakatakot.. Si... si...si mama..!!kandautal utal na bulalas nito."
"anong si mama ang pinagsasabi mo!"naiinis na tanong ni dos.
"Tingnan mo nang maigi ang larawan kuya.. di ba kamukha ni mama".umiiyak na sabi nito habang itinuturo ang larawan babaeng nakatali sa isang puno kung saan may dumadaloy na tubig sa ilalim nito.
"oo nga kuya.'halos di makapaniwalng bulalas niya.
"Teka,.. sa...nag isip ito..
"Sa puno ng nara iyan kuya.. Diyos ko po.. paanong napunta si mama doon!"Nahihintakutang wika niya.
"pero larawan lang ito.. kaya papaano mo naman nasabing nandoon si mama!?nag aalalangang sagot ng kapatid na si dos.
"mabuti pa kuya puntahan na lang natin ang puno ng nara at nag masigurado natin kung totoo ba iyang nandiyan sa larawan o hindi."mungkahi niya na agad naman sinangayunan ni susie.
Bagama't alam niyang hindi pa din naniniwala ang binatang kapatid ay sumunod na lamang ito sa kanilang dalawa ni susie.At hindi nga sila nagkamali, naroon nga ang kanilang ina.
"mama!!""Sigaw ni susie ng makita ang nakagapos na ina sa punong nara.
"paanong nakarating si mama dito!"nagtatakang tanong ni dos.
"diko alam kuya.. pero kailangan natin makuha si mama.. dahil mag gagabi na.."!sagot niya at mabilis na nilapitan ang ina..
"mama.. mama....""tinapik niya ang ina upang gisingin ito ngunit wala pa rin itong malay.
"ako nga.!!bahagya siyang itinulak ni dos upang ito ang magtanggal ng tali sa ina..
"mama.. huhuhu..umiiyak na tawag naman ni susie..
"manahimik ka nga susie"..saway niya sa kapatid..
"baka may makarinig pa sa atin dito.'"
"Tulungan mo ako alleen at ang bigat ni mama."Tawag naman sa kanya ni dos kaya agad siyang lumapit dito.Pinagtulungan nilang akayin ang ina pabalik ng kanilang tirahan.Ngunit kahit dalawa na sila ay halos hirap pa din silang akayin ang kanilang ina.
Malapit na sila ng mansion ng matanaw nila ang panganay na si Caroline.Agad naman itong lumapit sa kanila ng matanaw silang akay ang kanilang magulang.
"Diyos ko.. anong nangyari kay mama!!""bulalas nito ng makalapit sa kanila.Sa halip na sagutin ang tanong nito ay siya ang nag tanong.
"Bakit ka andito ate!?pag aalala niya.
"eh bakit ba..wala ba akong karapatan umuwi? kung hindi pa ako umuwi eh hindi ko man lang malalaman ang nangyari kay mama".Irap nito sa kanya.
"Hindi naman sa ganun ate eh.. hindi mo kasi naiintindihan eh.."
"anong hindi ko naiintindihan huh alleen?"pagalit nitong tanong sa kanya.Sasagot pa sana siya ngunit sinigawan sila ni dos.
"Tumigil nga muna kayo!!Unahin muna natin si mama!!dalhin muna natin sa kwarto.. saka mamaya na iyang bangayan niyong dalawa!!"sa sinabi ng kapatid ay parang napahiya siya kaya tahimik na lamang niyang tinulungan ang kuya niya na madala sa kwarto ang kanilang ina.
.
"