Lunes,
abala na silang magkakapatid sa pag gayak upang pumasok sa eskwela.Ang ate Carolina niya ay Linggo pa ng hapon bumalik ng siyudad upang doon na sa boarding house nito magpalipas ng linggo dahil mahihirapan naman ito kung ngayon pa ito babalik sa inupahan nito.
"Kuya dos, bilisan mo na.."halos nagmamadali si susie na lumabas ng kanilang bahay para sumabay sa kapatid.Binilhan kasi ng kanilang papa ng motorsiklo ang kuya niya upang maging service nito pagpasok sa eskwela.
"alleen, sasabay ka ba?! "tawag ng kuya niya habang pinapaandar ang motorsiklo nito.
"Huwag na kuya,.. mauna na kayo ni susie.." sagot niya dahil hindi pa siya nakakapagbihis.Na late kasi siya ng gising kanina dahil ang tagal niyang nakatulog kagabi dahil sa dami ng mga sumasagi sa isip niya.
"Bakit ayaw mo pa sumabay!"nagulat siya ng magsalita ang kanyang ama mula sa labas ng pintuan ng kanilang kwarto.
"Ah, eh kasi papa, magagalit na naman si kuya pag pinaghintay ko pa..,"sagot niya habang abala sa pagsasapatos.
"minuto lang naman ang hihintayin,." giit pa nito.
"huwag na ho, baka ma late pa si kuya., nasa kabilang baranggay pa naman ang school nila."tumayo siya saka kinuha ang mga gamit.
"maglalakad nalang ako papa, tutal marami naman tricycle sa labasan ng hacienda.,.isa pa mag peprepare pa ako ng baon."mahinang sagot niya sa ama saka kumuha ng ng baon saka inilagay sa kanyang tupper ware.Maya maya pa ay narinig niya ang pagharurot ng motor ng kuya dos niya, tinignan niya ang oras at medyo maaga pa naman.medyo malapit naman ang kanilag school kaya walang problema iyon.
Matapos siyang makapaghanda ng babaunin ay nagpaalam na siya sa ama, wala kasi si aleng valleen dahil nasa bayan ito at maaga pang nag tinda ng kanilang mga gulay.
"papa, aalis na po ako."tawag niya sa ama na noon ay abala naman sa pag aayos ng gamit nito sa pagsasaka.
"oh siya, sige ingat anak."nagmano siya sa ama bago tuluyang umalis.
Habang nasa masukal na daan ay pasipol sipol pa siya.
Iyon lang ang mahirap sa kanya dahil wala man lamang dumadaang tricycle dahil nga looban at dulong bahagi na ang hacienda, tanging sila lamang ang dumadaan doon.
Binilisan niya ang paglakad upang makarating agad sa sakayan ng bigla na lamang may sumitsit sa kanya.Nagtaka siya dahil nasa magubat pa lamang siya na bahagi ng hacienda. sampung minuto pa kung mabilis ag lakad niya bago marating ang sakayan.
"psssstsst"ulit ng kung sinong tumatawag noon.
Lumingon lingon siya ngunit wala siyang nakita.
Bahagya siyang kinabahan, at biglang nagsisi kung bakit hindi pa siya sumabay sa mga kapatid kanina.
"pssstttt...hehhhehhehhe!!!""biglang nagsitayuan ang kanyang balahibo dahil sa nararamdamang takot dahil nga hindi na paninitsit ang ginagawa kundi tumatawa pa ito na animo'y bata.
"psssstssttt..."ulit na naman.. ngunit mas lalo siyang kinabahan dahil pakiramdam niya ay nasa likuran lamang niya ang bata na sumisitsit sa kanya.At dahil sa matinding takot ay kumaripas siya ng takbo upang agad makalayo sa lugar na iyon at makarating sa sakayan ng tricycle.
Buti na lamang at sakto ang dating niya, dahil tinatawag siya ni anafie upang doon sumakay sa sinasakyan nitong tricycle.
"alleen!!dito oh.. may isa pa!!""kaway nito habang tumatawag.Halos mapugto ang kanyang hininga ng makalapit sa mga ito.
"o, bakit parang namumutla ka yata?!"nagtatakang tanong nito sa kanya.
"mamaya na doon sa school ikukwento ko sayo."nahihingal niyang sagot saka mabilis na naupo sa tabi nito at saka umandar ang sinasakyan nilang trycicle.
Habang nagtuturo ang kanilang subject teacher ay hindi mapakali si Alleen.Maraming mfmga katanungan ang bumabagabag sa isip niya.Isang subject nalang at matatapos na dahil magtatanghali na rin naman.
"anafie?"marahan niyang siniko ang kaibigan na noon ay abala sa pagsusulat.
"bakit?"oh, bakit di ka yata nagsusulat?"Inginuso pa nito ang kanyang notebook na kahit isang litra man lamang ay wala siyang naisulat.
"may problema ka ba?"kunot ang noong tanong nito sa kanya.
"wala, kaya lang kasi ang daming sumasagi sa isip ko eh."ihinilamos niya ang kanyang dalawang kamay sa kanyang mukha.
"bakit ano ba iyan? at baka may maitulong ako sayo?."pabulong na tanong nito dahil nakita nilang tumingin sa kanila ang kanilang guro.
"mamaya, pagkatapos ng klase at maaga pa naman, pwedi ko ba makausap ang lola mo?"naiilang na tanong niya sa kaibigan.
"huh'?bakit?"nagtatakang tanong nito sa kanya.
"tungkol lang doon sa kwento mo sa akin eh.."
"hala,, bakit? naku alleen dapat pala hindi ko na sayo kweninto eh."pasensiya ka na."
"okay lang iyon, saka mas maganda nga na nasabi mo sa akin eh dahil kahit papaano eh alam ko ang kwento sa mansion ng mga de saavedra."nakangiting pahayag niya rito.
"Tungkol ba ito doon sa kay mang kanor, nabalitaan ko kasi yung nangyari kay mang kanor doon sa may punong nara na pinagkukunan ng tubig ng ibang taga baranggay, parte pa iyon ng hacienda de saavedra diba?" pabulong na sabi nito.
"oo,"tumango siya.Hindi na siya magtataka kung bakit alam nito ang nangyari dahil nasa kabilang bahagi ng baranggay cabyan malapit ang pinakadulo ng hacienda de saavedra at iyon din ang bahagi na binuksan ng kanyang ama upang hindi na dumaan sa mas malapit sa mansion ang mga tao na kukuha ng tubig sa puno ng Nara.
Magsasalita pa sana siya ng biglang may bumagsak na eraser sa kanilang harapan ni anafie.
"oras ng klase miss Monreal at miss guadalupe! Hindi oras ng tsismisan"nangingitngit na sigaw ng kanilang subject teacher."
Bigla silang natahimik ng kaibigan at bumalik sa pagsusulat.
"mamaya nalang aniya, saka ibinalik ang paningin sa sinusulat ng guro at nagsimulang kopyahin ang mga iyon.
Gaya ng napag usapan ng dalawa, sumama nga si alleen kay anafie upang makausap ang lola nito.
Bago pa man sila makarating sa bahay ng kaibigan ay binalaan na siya nitong medyo ulyanin na ang lola nito at halos pabalik balik lamang ang kwento nito, o kaya minsan ay nakakalimutan ng matanda kung ano ang kinukwento.
"andito na tayo,."itinuro ng kanyang kaibigan ang maliit na kubo.
"pasensiya ka na sa kubo naman huh.. maliit lang talaga ito, kami nalang kasi ng lola ang nakatira rito, si nanay naman kasi eh nasa maynila para magtrabaho at wala kaming sapat na pera para ipagawa ng malaking bahay,."Natawa siya sa paghingi ng paumanhin nito sa kanya.
"Naku anafie, pareho lang tayong mahirap, kami nga dati sa bulacan eh, ang liit lang din ng bahay namin at nagkakasya lang kaming magkakapatid, napangiti siya ng maalala ang lugar na kinalakihan.
"ay kasi naman ang laki ng bahay niyo diba?"lalo siyang natawa dahil sa himig ng boses nito.
"ano ka ba!nakalimutan mo bang care taker lang ang magulang ko".natatawang wika niya.
"sabagay.."pagsang ayon nito sa kanya. "pumasok na nga tayo.," aya nito sa kanya.
Habang nagbibihis ang kaibigan ay naupo siya sa maliit nitong sala.Inilibot niya ang paningin sa maliit ng kubo na iyon, wala masyadong kagamitan ang maglola,tanging mg picture at imahe ni Hesus ang nakasabit sa dingdibg ng mga ito.
"apo ikaw ba iyan?"maya maya ay pumasok ang isang matandang babae, hawak nito ang isang bilao na may lamang bagong pitas na gulay.
Malamang ay galing ito sa labas upang manguha ng gulay.
"mano ho,"wika niya saka kinuha ang kamay ng matanda at kinuha din ang dala nitong bilao.
Nagtataka man ang matanda ngunit saglit lamang iyon dahil agad namang dumungaw ang kanyang kaibigan at nagmano din ito.
"andito ka na pala lola,mano po."nagmano ito sa matanda saka ibinigay ang maliit na bangkito upang makaupo ito.
"may kasama ka pala."binalingan siya nito at saka naupo.
"opo lola, si alleen po, kaibigan ko.Siya po yung anak ng bagong care taker ng Mansion de saavedra"pagpapakilala nito sa kanya."si lola ara ko pala alleen."pagpapakilala nito sa matanda na agad naman niyang sinukliaan ng matamis na ngiti.
"kumusta po kayo lola"?bati niya sa matandang babae na bagamat kulubot na ang balat nito ay nababakas pa din ang kagandahan nito noong kabataan pa.Tiningnan niya ang kaibigan na noon ay gumagawa ng kanilang kape.
"Kaya pala ganun na lamang ang ganda nito dahil may pinagmanahan.,Tanging naisaisip niya.
"Ikaw ba kamo ang anak ng bagong care taker ng mansion?"Nabaling ang tingin niya sa matanda ng kausapin siya nito.
"ah opo.:"nakangiti niyang sagot.
"eh, buti naman at sumama ka sa apo ko.. minsan lang kasi ito magkaroon ng kaibigan at ikAw pa lamang ang dinala nito sa tirahan namin, kadalasan kasi ang mga naging kaibigan niya eh masyadong matataas ang tingin sa sarili, eh pag ankita aksi itong tirahan namin eh ayaw nang makipagkaibigan sa apo ko."may kunting kirot sa puso niya ng malaman ang kwento ng matanda.
" totoong pakikipagkaibigan po ang ipinapakita ko sa apo ninyo lola,.aniya.
"mabuti naman kung ganun., nakikita kong mabuti kang bata, ineng.."ngumiti ito sa kanya.
'"ito na ang kape natin, inilapag ni anafie ang kape sa harapan nila at saka din ito naupo sa kanyang tabi.
"siya nga pala lola, kaya po sumama sa akin itong si alleen at may mahalaga daw po siyang itatanong sainyo.'"
Eh, aba sa akin?"di makapaniwalang tanong ng matanda."opo sana lola, kung mamarapatin po ninyo."
"Tungkol ba saan iyan?"
"tungkol po sana sa malaalamat na kasaysayan ng mansion at hacienda de saavedra.'"pagsisimula niya.
Nakita niya ang pagkunot ng noo ng matanda na tila ba nagtataka ito kung bakit niya naitatanong iyon.
"pasensiya ka na lola,ang dami po kasing mga nangyayari na hindi ko po maipaliwanag"at sabi nga po sa akin ni anafie," tiningnan niya ang kaibigan na abala sa pagkain ng tinapay saka nagpatuloy."alam niyo daw po ang kwento ng mansion."nag aalangang pahayag niya dahil baka hindi nito maalala iyon dahil nasabi nga sa kanya ni anafie na makakalimutin na ang matanda.
"bakit, nagsisimula na naman ba sila!"bulalas nito na ikinagulat niya.Bahagyang tumigil ang matanda saka muling nagtanong.
"anong petsa at buwan ngayon ?"nagtaka siya sa itinanong nito.Agosto 8 na po lola,.sagot niya na nagtataka.
"malapit na.."kung gayun ay mag iingat kayo.. kailangan mag iingat kayo at nagsisimula na naman sila...kinilabutan siya sa naging tugon ng matanda sa kanya.. Bakit ganun ang naginf tugon nito at ganun na lamang ang takot na nakita niya sa mukha ng matanda.Hindi na niya naitanong pa ang nais niya g itanong dahil nagpaulit ulit lamang ang sinabi ng matanda kanina, kaya umuwi siyang walang sagot na nakuha kundi mas nadagdagan pa ang kanyang mga katanungan.Ang tanging ipinagtataka niya eh kung bakit nasabi nito na nagsisimula na naman sila.. iyon ang paulit ulit na pumapasok sa isip niya.Kung bakit din nasabi nitong mag iingat sila.Tanging katanungan lamang iyon at mas lalong nadagdagan ang pagnanais niyang malaman ang totoong itinatago ng mansiyon,kung bakit ganun na lamang ang takot ng matandang babae.