webnovel

To Get Her

Author: BadReminisce
General
Completed · 1.6M Views
  • 53 Chs
    Content
  • 4.6
    174 ratings
  • NO.200+
    SUPPORT
Synopsis

Terror. One word to describe CEO Sanjun Alcantara who happens to be Ethina Montoya's new boss. Sanjun has been in love with his childhood friend, Siren Sandoval, for so long that instead of just courting her, he planned a wedding proposal. And he put Ethina in charge to finalize his plan. But Siren didn't show up due to an important matter. So to save his face, the proposal meant for the love of his life was made to Ethina. How will they solve the unexpected turn of events? Can he still get her? TO GET HER is now a published book and available in all leading bookstores nationwide! Grab your copy now!

Tags
3 tags
Chapter 1"The New Secretary"

Chapter 1. "The New Secretary"

Ethina's POV

Isang magandang umaga ang gumising sa akin. Ang ganda ng sikat ng araw na pumapasok mula sa aking bintana. Pumikit ako at dinamdam ang magandang simoy ng umaga na pumapasok sa kwarto ko.

"This is it, Ethina." Sabi ko habang nilalasap ang sariwang hangin ng umaga. Agad naman akong napamulat at tiningnan ang calendar sa side table ko. Automatic na napangiti ako at agad na kinuha ang cell phone ko sa side table.

To: Jazzsher_MyLove

Happy 5th Anniversary My Love. See you later. :* :* :*

Message Sent!

Niyakap ko pa ang cell phone ko pagka-sent ko ng message sa kanya at tumili. This is it! This is really is it! Today is our 5th anniversary. Sandali, kailangan kong mag-ayos ng mabuti para mamaya sa date namin. Ang iniisip ko rin ay yung sinabi ni Jenina kahapon sa akin. Baka nga ito na 'yung araw na 'yun. Ang pinakahihintay ko, baka magpro-propose na siya sa akin!

Nagtatatalon ako sa kama sa sobrang kilig pero agad din akong napatigil nang maalala ko rin ang isa pang sinabi ni Jenina.

"Bubuksan ko na ba ang kabibe ko para sa kanya?" Nagdadalawang isip kong tanong. "Bahala na nga mamaya, basta mag-eenjoy kami." Masayang sabi ko. "Teka, pero bago ang lahat, kailangan ko munang pumasok sa trabaho. Isa pa, first day ko sa trabaho ngayon."

Naligo na ako at nagbihis kailangan maganda ang hitsura ko ngayon. Lalo na at unang araw ko sa trabaho ko. Lumabas na ako ng bahay at nagpara ng taxi, pagsakay ko ng taxi, tiningnan ko ang cell phone ko kung nag-reply ba si Jazzsher sa text ko kanina, pero napanguso na lang ako nang walang na-pop up sa screen ng phone ko.

"Baka naman busy lang siya, total magkikita naman kami ngayon sa office." Saad ko tsaka ngumiti.

Yup, same company na lang kami. Actually kasama rin namin si Jenina. Magkakaklase kasi kami noong college at simula nung college, magkarelasyon na rin kami ni Jazzsher. Si Jenina na rin ang nagrecommend sa akin na mag-apply sa company nila. Ang alam ko, secretary ako ng CEO ng company na 'yun. Kailangan ko kasi ng trabaho para sa amin ni Jazzsher. Para na rin makapag-ipon kami.

Habang nasa biyahe ako bigla namang tumunog ang phone. Dali-dali kong sinagot ang tawag dahil baka si Jazzsher na. Pero pagtingin ko sa screen, si Mama pala. Sinagot ko ang tawag ni Mama.

"Hello, Ma. Bakit po?" Bungad ko.

"Ethina anak, good luck sab ago mong trabaho ah. Magpakatino ka na hija, at saka hiwalayan mo na yang boy friend mo na 'yan!" Napaikot ako ng mata sa sinabi ni Mama.

"Ma, Jazzsher po ang name niya. At saka Ma. 5th anniversary naming ngayon." Sabi ko.

"Akalain mo anak, limang taon ka na ring bulag? Hay nako ako talaga wala akong tiwala sa lalaking 'yan noon pa. Osya mag-iingat ka palagi ah naku parating na—"

Hindi ko na pinatapos si Mama magsalita at binaba ko na ang phone ko. Nasa Japan siya ngayon at nagtatrabaho roon bilang isang singer. Simula kasi nang mamatay si Papa noong nasa first year high school ako, nangibang bansa na si Mama para may pampaaral sa akin. Kaya rin ako nakapag-college dahil sa pag-aabroad ni Mama. At isa pa. simula noon nagging mag-isa na lang ako sa buhay. Nakaya ko naman e. Palagi namang tumatawag si Mama at nangangamusta.

Hindi ko namalayan nandito na pala ako sa lugar ng bago kong pagtratrabauhan. Pagbaba ko ng taxi, tiningala ko pa ang kabuuhan ng building sa harap ko. Wow ang taas niya! At dito ako magtratrabaho? Nakaka-excite naman!

Naglakad na ako papasok ng building nila nang tanungin ako ni Manong Guard.

"Miss 'san po sila?" Tanong ng Guard. Nginitian ko naman si Manong at bumati ng magandang umaga.

"Ah Kuya Guard ako po yung bagong secretary ni Mr—" Hindi ko pa matandaan ang pangalan ng magiging Boss ko kaya kinuha ko sa bag ko ang binigay na guide ni Jenina.

"Asan na ba 'yon, ah ito kay Mr. Sanjun Alcantara po." Masayang sabi ko.

Bigla namang nagulat si Manong Guard sa sinabi ko. Nanglaki ang mata niya na para bang nakakita ng multo. Tumingin pa ako sa likod ko, sa kaliwa at kanan ko kung may katabi ba akong hindi nakikita. "Manong? Okay lang po ba kayo?" Tanong ko kay Manong.

"Naku Miss, ito lang ang masasabi ko sayo. Magdala ka lagi ng isang kilong pasensya tuwing papas—" Hindi pa man natapos ni Manong Guard ang sasabihin niya ng bigla niya akong hilain patabi. Pagkahila niya sa akin umayos siya ng tayo. Tinignan ko naman siya.

"Kuya, anong nangyare?" Tanong ko. Para kasi siyang nanigas sa kinatatayuan niya na parang sundalo.

"Miss, nandiyan na si Sir Sanjun." Sabi ni Manong sa akin.

Napatingin naman ako sa tinitignan ni Manong Guard. Nasa harap ng namin ang isang mamahaling itim na kotse. Mula sa kotseng 'yon. May isang lalaki ang bumaba. Nakaitim na Amerikana at may dalang itim na case. Pinagmasdan ko ang lalaki, siya ang boss ko? Ang akala ko kasi—kung titingnan kasi, ang bata pa niya na parang kasing edad ko lang siya para maging isang CEO ng isang bigating kumpanya. Tiningnan ko pang mabuti ang mukha niya, baka naman batak na sa botox ang lalaking ito. Sabagay mayaman naman siya, baka naman nagpapa-retoke. Pero ah, bagay ang clean cut na buhok at may hitsura naman siya. Pero mas pogi ang Jazzsher My Loves ko kaya di ako madidistract sa kanya kahit na maging boss ko pa siya.

Naglakad na papasok ng building ang lalaki. Si Manong Guard naman todo straight sa tayo na parang army. Ganyan nga pala ang mga guard parang sundalo. Ako naman nasa likod lang ni Manong Guard habang tinitingnan ang lalaking naglalakad papasok. Ang seryoso ng mukha niya, parang mangangain sa pagkaseryoso. Nakabusangot ang mukha at salubong ang kilay. Ganto ba talaga 'to? Parang di man lang nabiyayaan ng kasiyahan sa buhay niya.

Nang makarating sa puwesto namin ang lalaki. Tumigil siya at tiningnan si Manong Guard. Masama siya kung makatitig. Nanlilisik ang mga mata.

"Where's my new secretary? Pumasok na ba?" Seryosong tanong ng lalaki kay Kuya Guard. Hindi lang pala mukha niya ang nakakatakot, pati ang boses niya.

"Yes Sir." Sagot naman ni Manong tapos bigla akong kinalabit, napatingin ako sa kanya, may sinasabi siya pero di ko maintindihan. Ano daw?

Napatingin naman ako sa lalaki ng bigla rin siyang tumingin sa akin. Nagkatinginan kami. Ang mga titig ng mata niya, parang mangangain ng tao. Nakakatakot naman 'to.

"Who are you?" Mabilis niyang tanong sa akin. Napakurap-kurap naman ako ng mata at umayos ng tayo tsaka siya nginitian.

"Ah, Ako po si Ethina Montoya, Sir." Masigla kong sagot sa kanya. Nakita ko namang napasapo si Manong Guard sa noo niya. Kaya nagtaka ako, ano namang effect ni Manong? May mali ba sa sinabi ko?

"I'm not asking for your name, who are you? What are you doing here? As far as I know you're not one of my employee." Napatingin naman ako kay Sir Sanjun nang magsalita siya. Ang ngiti ko kanina ay nawala dahil para niya akong pinapagalitan.

"Ah, sorry po, ako po yung bago niyong secretary." Pilit-ngiti kong sagot. Nakita ko namang napabuntong hininga yung lalaki.

"I hope you're not one of them who took up a bachelor of idiocy course." Seryosong sabi niya. Hindi ko naman naintindihan ang punto niya kaya nanahimik na lang ako. "Okay, follow me." Mabilis niyang sabi at naglakad papasok sa building.

"Ano daw manong? Susunod na ba ako sa kanya?" Tanong ko kay Manong Guard.

"Oo Miss, nako nako, buti hindi ka nasigawan." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Manong. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at sumunod na kay Sir Sanjun.

Habang naglalakad kami papuntang elevator. Napapansin kong lahat ng taong madaraanan namin tinitignan kami. Yung mga empleyado e titingnan kami at mag pinag-uusapan sila pero hindi ko naman marinig. Ano bang meron? Sa pagkakaalam ko hindi naman ako artista, at isa pa hindi rin naman artista ang lalaking 'to. Gwapo siya, pero lagi nakasimangot. Nakakatakot. Baka naman nagagandahan lang sa akin. Kaya ngumiti na lang ako, pero natigil ako sa pagngiti ko ng marinig ko na ang sinasabi nila.

"Siya ba 'yung bagong secretary ni Sir Sanjun?"

"Oo siya na nga."

"Hay naku, pustahan, isang buwan lang ang itatagal niya"

"Anong isang buwan? Baka kamo isang Linggo lang."

"Hay nako, baka kamo isang araw, baka nga mamaya umuwi na 'yan ng umiiyak."

Naririnig kong sinasabi ng mga taong nadaraanan namin. Tiningnan ko sila at bigla silang umiwas ng tingin sa akin at umalis na. Nagtaka naman ako sa sinabi nila. Ano bang meron bakit puro negative ang naririnig ko tungkol sa lalaking 'to. Nasaan na ba si Jenina? Kagabi rin bago ako matulog sinabi niyang mag-ingat daw ako? Nakakaloka naman.

Pagdating namin sa harap ng elevator, kusa namang lumayo ang mga taong nahihintay doon at tahimik na tumabi. Nagtataka ko silang tiningnan at lahat sila nakayuko lang habang nasa tabi.

"25th floor." Napatingin naman ako nang magsalita si Sir Sanjun.

"Sir?" Paglilinaw ko. Bigla naman niya akong tinginan at masamang tumingin sa akin pero ngumiti lang ako sa kanya. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya at saka iniwas ang tingin sa akin.

"Press up sa 25th floor ang office ko." Seryosong saad niya habang nakatingin lang ng direcho sa pinto ng elevator.

"Ah, sige po Sir." Pinindot ko naman ang up arrow. Ilang sandali lang ay bumukas na ang elevator.

Pagbukas ng elevator, may mga empleyado pa sa loob pero nakita ko namang nagkagulo sila na parang nakakita ng halimaw at umayos ng tayo at lumabas ng tahimik sa elevator ng mapansin nila si Sir Sanjun sa labas na naghihintay. Bakit ba sila ganyan umakto?

Nang makalabas ang mga tao sa loob, naunang pumasok si Sir Sanjun sa elevator at sumunod naman ako. Pagpasok namin sa loob ng elevator, hinintay ko pa yung mga naghihintay kanina. Pero di pa sila pumapasok.

"Papasok po ba kayo?" Tanong ko sa kanila. Mabilis at sabay-sabay naman silang nagsi-ilingan kaya nagtaka naman ako sa naging reaksyon nila. "Okay." Sabi ko sabay sara ng elevator.

Sumara na yung elevator at pinindot ko yung floor kung saan kami pupunta. Napansin ko rin na tuwing hihinto ang elevator sa ibang floor, pagbukas ng elevator may naghihintay naman pero hindi sila pumapasok. Weird.

Ilang sandali pa nasa office na kami ni Sir Sanjun. Ang ganda nito at ang sosyal, ang elegante ng interior design. Yung mga gamit mukhang mamahalin pa. Ang dami rin paintings at mukhang mga mamahalin. Pumunta naman si Sir Sanjun sa table niya at naupo. May mga nilabas agad siyang papel at binuksan ang loptop niya. Pagkaupo niya, hindi na agad siya nagsasalita at may kung ano ng ginagawa doon sa table niya. Grabe ang busy niya yatang tao. Kakapasok niya pa lang at paper works agad ang inaasikaso niya. Mukha yatang mahirap talaga ang maging isang CEO ng isang bigating kumpanya. Pero sandali ano namang gagawin ko? Hindi ko pa alam ang trabaho ko dahil on the spot na nag-apply lang ako dito kahapon at tanggap agad. Hindi ko alam kung bakit ganon, pero hindi na ako binigyan nung nasa HR ng mga dapat kong gawin. Ang sabi niya lang ay pumasok daw ako ngayon.

Nilapitan ko naman si Sir Sanjun para tanungin sa mga daily routine niya sa office at kung ano pa bang dapat kong malaman sa company niya. Kung may meetings ba siya today or kahit anong appointments niya. O kahit gusto niya lang mag-coffee muna. As a secretary, ako ang responsible sa mga meetings and paper documents na pipirmahan niya dapat alam ko 'yun. Pati ang mga appointments niya dapat malaman ko lahat 'yon.

"Ah, Sir ano pong gagawin ko?" Marahang tanong ko sa kanya at binigyan siya ng isang matamis na ngiti. Natigilan naman siya sa ginagawa niya at tinignan ako, isang seryosong tingin habang salubong pa rin ang mga kilay at naka-kunot ang noo niya. Ganito ba talaga siya? Pero Ethina, hindi ka dapat magpa-apekto. Okay?

"Cancel all my meetings this day. Then pumunta ka sa Shangrila at ipa-reserve mo ako ng dinner for two at exactly 7pm tonight." Seryosong sabi niya at muling binalikang tingin sa ginagawa niya.

"Ah okay po Sir." Sabi ko habang sinusulat ang sinasabi niya. "Ano pa po?" Tanong ko ulit.

"Ibili mo akong callalily, the fresh one." Aniya habang nakatuon pa rin ang atensyon sa screen ng loptop niya. Natigil ako sa pagsusulat at napatingin sa kanya.

"Po? 'yung flower?" Naguguluhang tanong ko. Bigla naman siyang tumigil sa ginagawa niya at muli akong tiningnan nang may inis sa mga mata.

"Yes, bakit? Meron bang hayop na callalily?" Suplado niyang sagot.

"Ay, wala po." Nakangiting sabi ko pero sa isip-isip ko, oo nga naman, ang fail naman pala ng tanong ko.

"Then, pumunta ka mamaya sa Shangrila at ibigay mo 'to, gusto ko mamaya pag-serve ng wine nasa glass ito." Napatingin ako sa inabot niya. Isang maliit na red box at mukhang mamahalin. Kinuha ko 'yung box na inabot niya sa akin.

"Ah, Sir ano po na 'to? Bakit ilalagay sa wine?" Tanong ko. Huminga naman siya ng malalim at sumandal sa upuan niya.

"It's a ring. A proposal ring." Sagot niya.

"Po?" Gulat kong tanong. Tinignan naman niya ako ng seryoso.

"Magpo-propose ako mamaya sa babaeng mahal ko." Para akong nagbilaukan sa narinig ko at nanglaki ang mga mata, napatingin naman ako kay Sir Sanjun at nakita kong nakakunot ang noo niya na parang nadidismaya. Napagtanto kong mukha akong engot sa harap kaya inayos ko ang sarili ko. Medyo na-shock lang ako sa sinabi niya. Pero Wow! Ang swerte naman nung girl.

"Ah,sorry Sir, pero seryoso po kayo di ba?" Naguguluhang tanong ko baka naman kasi nagjo-joke time lang 'tong si Sir.

"Sa tingin mo marunong akong magbiro?"Natahimik naman ako sa sinabi niya. Para kasing tumataas ang boses niya.

"Sa tingin ko po hindi." Sabi ko at saka ngumiti sa kanya. Napansin ko namang mas lalo yata siyang nayamot kaya tumahimik na lang ako at nagseryoso ng mukha saka iniwas ang tingin sa kanya. Baka mamaya bigla na lang akong wrestling-in dito. "Ah, sige po Sir, papareserve na po ako." Sabi ko pero di na niya ako pinansin.

Tinawagan ko na yung hotel na para sa proposal ni Sir Sanjun mamaya. Okay na, naka-order na rin ako ng callalily para mamaya. Nabigay ko na rin yung ring na ilalagay sa wine. Ang chaka naman ng proposal na 'to. Bakit pa ilalagay sa wine glass ang sing-sing? Paano kung malunok ng babae yung ring. Iniimagine ko naman yung mangyayari pag nagkataong ganun ang mangyayari. Natatawa ako sa iniisip ko.

Hapon na ng matapos ko ang lahat ng utos ni Sir Sanjun sa akin. Pagbalik ko sa office nakita ko si Jazzsher. Napangiti ako agad nang makita ko siyang nasa escalator at may hawak na papel at binabasa ito. Mukha yatang busy siya. Mamaya naman magkikita kami eh. Sana lang hindi niya makalimutang, anniversary naming ngayon.

"Hoy!"

"Ay baklang kalabaw, ano ba Jenina nakakagulat ka naman!" Napaigtad ako nang biglang may tumusok sa tagiliran ko, si Jenina pala. "Kanina pa kita hinahanap, san ba department mo?" Inis kong sabi sa kanya.

"Ah, dun ako sa sales, so ano? Kamusta naman ang pagiging secretary mo aber?" Tanong ni Jenina.

"Keri naman, bakit ba kayo OA? Para kayong ewan pag si Sir Sanjun na ang paguusapan? Pansin ko na yan kanina pang umaga sa mga empleyado dito" Saad ko.

Nakita ko namang nagulat siy Jenina sa sinabi ko. "Naku naku, Ethina Montoya, wala ka ngang alam. Alam mo bang 24 na secretary na ang lumabas sa pinto niya ng umiiyak? Dahil sinigawan niya, kung hindi naman pinahiya niya sa meeting. Alam mo ba 'yon?" Paliwanag ni Jenina.

"Eh baka naman kasi may mali rin yung 24 na secretary na 'yun. I think, strict nga si Sir Sanjun, and besides he need that attitude lalo na't isa siyang CEO." Pagdadahilan ko.

"Correction, CEO siya at hindi president, naku naman kasi bakit hindi na lang 'yung Kuya niya ang naging CEO. Ang alam ko may Kuya pa siya eh." Maktol ni Jenina.

"Oh? May Kuya siya?" Pangiintriga ko.

"Oo, mahabang kwento, san ka ba galing?" Tanong niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Mukhang pagod na pagod ka?"

"Sa Shangrila Hotel, pina-ayos ni Sir 'yung proposal niya mamayang gabi." Sagot ko at huminga ng malalim.

"ANO WHAT? PROPOSAL?" Biglang sigaw ni Jenina, pinanlakihan ko naman siya ng mata sa kagagahan niya. "Ay sorry."

"Osya, balik na ko sa office ni Sir Sanjun. Kita na lang." Paalam ko at naglakad na pabalik sa office.

Bumalik na ako sa office ni Sir Sanjun. Pagpasok ko sa office niya nakita kong naharap siya sa salamin at nag-aayos ng necktie niya. Iba na rin ang suot niyang damit at mukhang aalis na siya papunta sa Shangrila Hotel. Nakita kong tumingin siya sa akin kaya nagpatuloy ako sa loob at lumapit sa kanya. Paglapit ko naamoy ko ang pabango ni Sir Sanjun. Inamoy ko siya, ang bango naman niya, lalaking lalaki ang amoy. Pinikit ko pa ang mga mata ko at nilasap ang amoy ng pabango niya. Pagmulat ko bigla naman akong napaurong nang malaman kong nasa harap na niya pala ako at masama siyang nakatingin sa akin. Umayos ako ng tayo at lumayo sa kanya.

"Sir Sanjun, settled na po ang lahat." Saad ko sa kanya.

"Good, I want you to come with me." Sabi niya at inayos ang sleeves ng polo niya.

"Ano po?" Gulat kong sigaw. "Pero Sir, hindi po—" Hindi ko pa natatapos ang pag-angal ko nang bigla niya akong tinignan ng masama. Para namang umurong ang dila ko sa tingin niya, kakaiba kasi ang tingin na binitawan niya sa akin. Nanlilisik, parang leon na kakainin ako. Kainis.

"Any problem?" Tanong niya. Pero kasi hindi ako pwede at saka tapos naman na ang pinapagawa niya ano namang gagawin ko 'don?

"Sir kasi may date po kasi ako mamaya, 5th anniversary po kasi naman ng—"

"I don't care! Basta sasama ka or else, you're fired!" Sigaw ni Sir Sanjun. Napaurong naman ako dahil sa takot at bumakas ang takot sa aking mukha. Fired? Susunugin niya ako?

"No Sir, sige po sasama ako. Wag niyo lang akong sunugin." Mabilis kong nasabi at yumuko, asar naman, first day ko nasigawan agad ako. Mukhang alam ko na ang mga sinasabi nila. Pero di ako papatalo kahit sigawan niya pa ako ng naka-megaphone. Wag niya lang akong sunugin ng buhay.

Nang busy na si Sir Sanjun, lumabas muna ako para hanapin si Jazzsher. Ang alam ko nasa Management Department siya. Tinignan ko sa map kung saan ang department nila, sa 18th floor pala. Pagdating ko sa department nila, hindi ko makita si Jazzsher. Tinanong ko sa mga tao 'dun hindi naman sila nagsasalita. Kailangan kong magpaalam sa kanya. Nakakainis naman kasi, bakit isasama pa ako. Napagdesisyunan kong mag-rest room muna para mag-retouch. Ang losyang ko na dahil kanina pa ako pabalik-balik para ayusin ang pinapaayos ni Sir Sanjun na proposal.

Pagpasok ko sa rest room. Wala namang ibang tao. Habang nakaharap ako sa salamin at nag-aapply ng lip stick bigla naman akong nakarinig ng ungol ng babae. Nanglaki ang mata ko natigil ako sa ginagawa ko. Ano 'to? Haunted ba ang lugar na 'to?

Hindi ako makagalaw. Tumigil ang ungol ng babae, pero parang napansin kong iba na ang ungol na ginagawa niya. Napakunot ako ng noo, hindi 'yon multo. May ina-aswang yata dito. My goodness, don't tell me my ginagawa siyang kakaiba? Magsarili raw ba?

Hindi ko na sana papansin ang naririnig kong pagpaparaos ni Ate nang makarinig rin ako ng boses ng lalaki. Ay mali hindi pala nagsosolo si Ate. Napailing na lang ako at humarap ulit sa salamin. Habang nakatingin ako sa salamin, gumana naman ang pagka-chismosa ko at napangiti na lang.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa cubile kung nasaan yung ungol.

"Sandali lang, hindi ba may lakad ka tonight?" Dinikit ko yung tainga ko sa gilid ng cubicle.

"Oo, may dinner date kami kuno ni Ethina." Nanglaki ang mata ko sa narinig ko, tinakpan ko naman ang bibig ko sa sobrang gulat. Si Jazzsher?

"Wag mo na lang puntahan, dun ka na lang sa condo ko tonight, nabitin ako eh." Malanding sabi ng babae. Hindi naman ako makakurap ng mata sa mga narinig ko. Bumilis ang paghinga ko at nanggigil sa sobrang galit.

"Pero babe, baka magalit si Ethina, alam mo namang kulang ako sa budget at siya ang taga-support ko ngayon." Napasinghap ako sa narinig ko.

Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko ngayon. Para akong istatwa sa kinatatayuan ko habang nakatulala.

"Hay nako, balita ko pa dito na rin siya nagtatrabaho, mukhang mahihirapan tayong magtago."

"Hindi niyo na kailangang magtago." Binuksan ko ang pinto ng cubicle. Nagulat naman silang dalawa ng makita ako.

"Ethina? Anong—"

"Hayop ka Jazzsher, ganun pala ang turing mo saken? Taga-suporta sa pangangailangan mo? Pwes, hindi na ngayon. Magsama kayo niyang—" Tiningnan ko ang babae. Halos mandiri ako sa nakita ko "Papatol ka na lang sa hipon pa? Magsama kayo ng hipon mo! Mga immoral!" Sigaw ko at saka naglakad palabas ng rest room, bubuksan ko na sana ang pinto ng marinig ko ang sinabi ng babaeng hipon.

"Jazzsher hayaan mo na nga siya, hindi naman siya maganda." Napahinto ako sa paghawak ng door knob at binalikan siya.

"Hoy hipon, may di pa ko nagagawa sayo." Sinampal ko siya ng malakas. "'Yan ang ginagawa sa mga palabas, sinasampal ang mga mang-aagaw na tulad mo! At ito naman ang sayo hayop ka!" Sinipa ko si Jazzsher sa kahinaan ng mga kalalakihan at madaling lumabas ng rest room.

Habang naglalakad ako pabalik sa office ni Sir Sanjun, di napigilan ng luha ko ang pumatak. Hindi ako makapaniwala. Anniversary naming ngayon pero anong nangyari? Bakit niloko niya ako? Hayop siya.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng office ni Sir Sanjun nang bigla itong bumukas, pagtingin ko si Sir Sanjun at nakabihis na. Bagsak ang mukha ko at yumuko na lang.

"Let's go." Malamig niyang sabi at naglakad palabas ng office niya.

Hindi man lang niya napansin na umiiyak na ako? Kainis naman. Wala na akong nagawa kaya sumunod na lang ako sa kanya. Lutang ang isip at wasak ang puso.

You May Also Like

Something about her (Completed)

WARNING: MATURE CONTENT INSIDE | EROTIC-ROMANCE | R-18 “How could he make her feel so beautiful all over doing nothing but to stare at her with so much desire?” SYNOPSIS There’s one word that suits Mayor Grego Perez: lonely. Nawala na ang saya at sigla niya nang hiwalayan siya ng kaniyang pinakamamahal na asawa na si Pauline. Matapos ang isang aksidenteng muntik nang ikamatay ni Pauline ay bigla na lang nanlamig sa kaniya si Pau. She’s not the old, sweet, and loving Pauline he once knew. Ni hindi man lang siya nito binigyan ng isang valid reason kung bakit ito nakipaghiwalay. He's moved on already. Ilang taon na rin naman ang lumipas. Masaya na rin siya sa buhay kapiling ang nag-iisang anak nila. But the pain is still there, na nadagdagan pa nang makilala niya si Rin– ang kakambal na kapatid ni Pauline na may amnesia. Rin looks exactly like Pauline. And in an instant, his longing and lust for his ex-wife arose from being burried in the deepest part of his heart. Rin needed answers about her real identity. Rin needed to find out the answers about her past. So, he helped her. He helped her not because she looks exactly like his beloved ex-wife but because there’s something about her that reminds her of the sweet, loving, old Pauline he once knew. The way she smile, talk, laugh, and cry. All of those reminds him of his beloved Pauline. Kaya naging mahirap para sa kaniya na paalisin si Rin sa buhay niya. But no… not only Rin’s traits that reminds him of the old Pauline but also the way she fucks him. Hard, fast, and vigorously hot. And Pauline's dominance seemed to be the cherry on top of her personality cup. The old Pauline was and always have been domineering not only in their relationship but also in their intimacy… …and so is Rin. Kaya hindi niya masisisi ang sarili na mahulog ang loob kay Rin. Pero kasabay ng pag-usbong ng mainit at mapusok na damdamin ay ang unti-unti nilang pagdiskubre sa katotohanang nakatago sa mga alaalang nakalimutan ng dalaga. Author's Note: Contains mature scenes and graphic terms. Please read at your own risk. You've been warned. (COMPLETED)

missbellavanilla · General
4.7
29 Chs

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · General
4.9
557 Chs
Table of Contents
Volume 1 :Ethina and Sanjun
Volume 2 :Jenina and Marcus