webnovel

"Beside me"

Chapter 19. "Beside me"

Ethina's POV

Hapon na ng makarating kami sa Baguio, nag-check na rin kami ng hotel na pagtutuluyan namin. Ang problema nga lang, since alam ng lahat na mag-asawa kami, pinagsama kami ni Sanjun sa iisang kwarto na may isang kama. Naalala ko tuloy noong honeymoon namin, which is pinatulog niya ako sa couch at siya ang sa kama. This time, hindi na ako papayag over my dead sexy body.

Sinimula na agad namin ang pagseset-up para sa isang scene ng movie. Total sunset naman ang kailangan kaya kukunan na namin ang scene, medyo malamig na rin ang panahon at talagang ramdam kong nasa Baguio na kami. Hindi pa ako nakapagjacket dahil nag-ayos kaagad kami ng set.

Kiniskis ko ang dalawang palad ko at hinipan. Ang lamig na talaga.

"Ethina, jacket oh." Napalingon ako sa dumating, si Direk may dalang jacket at inaabot sa akin. Napangiti naman ako, pero kukunin ko na sana ang jacket na binibigay ng biglang may naglagay sa akin ng jacket mula sa likod. Pagtingin ko, si Sanjun habang seryoso ang mukha.

"Sweetheart, magjacket ka, baka ka sipunin." Seryoso niyang sabi, bakas naman sa mukha ko ang pagtataka. Pagtingin k okay Direk, napatulala lang siya at napangiti. Umalis naman na si Sanjun.

"Ang sweet, uy kilig siya." Natatawang sabi ni Direk. Natawa na lang din ako pero deep in my thoughts napapaisip ako sa inaasal ni Kumag.

Habang nagshu-shoot kami panay ang tingin ko kay Sanjun na kanina ko pa napapansing kanina pa nakatingin sa akin habang nagtatrabaho. Hindi na ako kumportable sa mga tingin niya, para siyang nakabantay sa lahat ng gagawin ko.

"Roll tayo! Ready! Lights, camera, ACTION!" Sigaw ni Direk at nagumpisa ng umarte sina Kath at Daniel.

Habang umaarte sila, napalingon naman ako ulit kay Sanjun, paglingon ko wala na siya sa kinatatayuan niya. San naman kaya nagpunta 'yun.

After 2 hours, natapos na namin ang isang scene. Gabi na kaya naman nag-pack-up na kami at bukas na lang itutuloy ang iba pang scene, 10 scenes kasi ang ishu-shoot namin dito sa Baguio, kaya tatlong araw, sana lang matapos agad namin para makapasyal pa ako.

After namin mag-pack-up, pumunta na kami sa hotel kung saan kami nag-stay. Pagpasok ko sa hotel, nandun na pala si Sanjun at natutulog sa sala.

"Aba, napagod kakatingin sa akin?" Sabi ko habang pinagmamasdan siyang matulog. "Pero ayos na 'to, diyan ka na lang sa sala at ako sa kama." Nakangiti kong sabi tsaka pumunta sa kama. Pagpasok ko sa kwarto, hinagis ko agad ang katawan ko sa kama. Nakakapagod din ang araw na 'to.

Papikit na sana ako ng biglang bumukas ang pinto kaya pinuntahan ko, pagtingin ko si Sanjun habang dala ang unan galing sa sala.

"Oh? Anong ginagawa mo?" Irita kong tanong.

"Alis, ako diyan sa kama. 'Dun ka." Sabi nito. Napasinghap ako.

"Hindi, ako rito at 'dun ka!" Singhal ko sa kanya.

"Bakit? Ako naman ang nagbayad ng hotel ah? Kaya dun ka ako dito!" Aniya't pumasok tsaka hinagis ang una na hawak niya sa kama. Napasinghap ako sa ginawa niya at tinitigan siya ng masama.

"Hindi pwede!" Pagpigil ko sa kanya tsaka mabilis na humiga sa kama at dinipa ang buong braso ko at mga hita para sakupin ang buong espasyo ng kama. Pagtingin ko sa kanya, nakita ko naman sinara niya ang pinto habang nasa loob pa kaming dalawa. "Hoy, ba't mo sinara ang pinto?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

Nilingon naman niya ako habang may nakakalokong ngiti at ngumisi sa akin. Nanglaki ang mata ko sa ginawa niya, tama ba ang iniisip ko? Ang kabibe ko nanganganib na.

Napaupo ako sa kama habang nakatingin sa kanya, kinakabahan ako ano bang balak ng kumag na 'to. Nakangisi lang siya habang dahan-dahan na lumalapit sa akin. Hindi kaya napasukan na ng lamig ang utak niya at nabaliw na? Baka naman naging rapist na siya.

"Hoy Sanjun, tumigil ka, rule no. 7 NO SEX!" Sigaw ko tsaka mas umurong pa hanggang sa marating ko na ang headboard ng kama. Tinakip ko ang kumot sa katawan ko. Nakatingin pa rin ako sa kanya, and he still have those teasingly smile.

"Ethina." Marahang banggit niya sa pangalan ko. Biglang lumukso ang puso ko sa pagbanggit niya sa pangalan ko. Mas lalo siyang lumapit sa akin hanggang sa pagapang na siya sa kama patungon sa akin.

"Sanjun, maghunos-dili ka, ang kabibe ko." Taranta kong sabi.

"Sssshhh, Sweetheart, let's share the night together with our love." Aniya't ngumiti sa akin. Para namang na-hypnotize ako sa boses niya at kusang kumalma ang katawan ko.

Ang huli ko na lang nakita ay papalapit ng papalapit ang mukha niya sa mukha ko at dahan-dahan niyang sinara ang mata niya. He's going to kiss me. Pumikit ako at marahan ko ring ini-extend ang lips ko to reach his lips. Hanggang sa nakaramdam ako ng pitik sa noo ko.

Pagdilat ng mukha ko. Nasa harap ko na ang mukha ni Sanjun habang bakas ang pagkainis sa mukha. Para naman akong timang na di alam kung anong nangyari.

"What's with that face? Nangangarap ka bang hahalikan kita?" Inis niyang tanong, nabigla naman ako sa sinabi niya at lumayo sa kanya.

"Hoy ikaw! Labas!" Sigaw ko sa kanya habang nakapameywang at nakaduro ang daliri sa pinto.

"What? Ikaw ang lumabas, this is my bed and I paid for this, get out! Matutulog na ako!" Sigaw niya sa akin.

Since wala naman akong magagawa once na magsalita na siya. Padabog akong lumabas ng kwarto. Nag-make face pa ako nagdadabog. Asar talaga siya, eh bakit pa kasi siya sumama. Nakakainis talaga.

Natulog na ako sa sala, pero sa liit ng sofa, hindi ako makatulog ng maayos. Napatingin ako sa orasan. Maghahating gabi na. Dapat tulog na ako nito eh, siya nagpapasarap sa mainit na kama habang ako nandito sa sofa, ang lamig lamig pa naman. May heater nga pero nasa kwarto niya. Nakakainis talaga siya.

Napaupo ako sa sofa at nagpalumbaba habang nakatingin sa orasan. Napaisip ako, paano kaya kung hindi kami nagbreak ni Jazzsher, paano kung di ko nakilala si Sanju, edi masaya pa sana ako ngayon. I mean, masayang may kasama sa buhay. Pero gawa na napasok ko na ang ganitong buhay, hindi ko alam kung saan hahantong ang pagsasama namin ni Sanjun. After six months, maga-anull kami at maghihiwalay. Tapos after nun, saan na kaya ako?

"Ano bang naiisip ko?" Ani ko sa sarili ko at nahiga na lang ulit sa sala. Pumikit na ako, pero napadilat ako ulit ng makarinig ako ng kakaibang ungol. Nanglaki ang mata ko at napaupo sa sofa. "May multo? Haunted ba ang hotel na 'to? Hindi kaya, may nangyaring kidnapping case sa room na 'to tapos pinatay? O di naman kaya may na-rape dito! Oh!" Naitakip ko sa bibig ko ang kamay ko. Narinig ko ulit ang ungol na tila nahihirapan, parang ungol ng lalaki. Pagtingin ko sa pinto ng kwarto. Parang 'don nanggagaling ang ungol. Napaisip ako, ano namang ginagawa ni Sanjun sa kwarto para umungol ng ganun?

Binuksan ko ang ilaw sa sala at kinatok si Sanjun.

"Hoy kumag, kung ano bang kabastusang ginagawa mo diyan, pwedeng tigilan mo na? Alam kong malamig dito pero di tamang gawin mo 'yan, ang lakas pa ng ungol mo!" Sa kakakatok ko, kusang bumukas ang pinto. "Hindi naka-lock?"

Binuksan ko ang pinto at ang ilaw ng kwarto pagtingin ko sa kama, nakabalot si Sanjun ng kumot habang umuugol at parang nanginginig.

"Hoy ano na namang drama 'yan? Ang arte mo!" Sigaw ko, pero napayakap ako sa sarili ko ng maramdaman ko ang lamig sa loob ng kwarto. "Bakit ang lamig dito? Wala bang heater?" Hinanap ko ang heater sa kwarto at tinignan ko, pagtingin ko hindi gumagana. "Sira?" Napalingon naman ako sa kama at ganun pa rin ang ginagawa ni Sanjun.

Nilapitan ko siya at tinignan, pagtingin ko sa kanya pinagpapawisan siya at nanginginig. Inilapat ko ang palad ko sa noo niya at halos mapaso ako sa taas ng lagnat niya.

"Anak ng pusit! Ang taas ng lagnat mo Sanjun!" Sigaw ko sa pagkabigla. "Anong gagawin ko? Hoy wag kang mamamatay ah?" Natataranta kong sabi. "Sandali, tatawagan ko si Direk." Tatakbo n asana ako sa labas para kunin ang phone ko ng higitin niya ako para pigilan. Napalingon naman ako sa kanya.

"Don't ever call him idiot. I don't need him." Nauutal niyang sabi.

"Ano? Ang taas na nga ng lagnat mo ang taas pa rin ng pride mo!" Sigaw ko sa kanya. "Naku paano ba 'to? Sandali kukuha ako ng mainit na tubig."

Naghanda ako ng pamunas sa kanya para bumaba ang lagnat niya, mabuti na lang din at may dala akong gamot. Pinainom ko siya, matapos ko siyang punasan, tumawag ako sa reception para sa heater, dali-dali naman silang nagdala ng heater.

Napagod ako sa ginawa ko. Napaupo ako sa tabi ng kama at pinagmasdan siya, he's better now. Mahimbing na siyang natutulog. Muli kong kinuha ang towel sa noo niya at binanlawan tsaka muling binalik sa noo niya, ilalagay ko pa lang ang towel ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Gising pala siya. Napatingin ako sa kanya.

"Ethina." Marahan niyang sabi.

"Okay ka na ba?" Kinuha ko ulit ang thermometer to check his temperature, pagcheck ko bumaba na ang lagnat niya. "Matulog ka na, matutulog na rin ako." Sabi ko sa kanya't tumayo na, pero nabigla ako ng hawakan niya ang kamay ko. Napalingon ako sa kanya and I saw his sincere face looking at me.

"Ethina, stay beside me." Naramdaman kong lumukso ang pintig ng puso ko ng marinig ko ang sinabi niya. Nakatingin pa rin ako sa nagmamakaawa niyang mukha.

"Hindi na, sige na ikaw na sa kama." Sabi ko sa kanya't tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

Palabas na sana ako ng pinto ng mapahinto ako sa sinabi niya. "Please." Marahan niyang sabi. Muli ko siyang nilingon.

"Sige na, tatabi na ako sayo." Ani ko't tumabi sa kanya sa kama. Paghiga ko, para bang ang bigat ng pakiramdam ko, parang hindi ako kumportable. Ang tibok ng puso ko, kakaiba. Ang bilis. Nahiga na lang ako at tumalikod sa kanya. Pagtalikod ko, bigla ko namang nakaramdaman ang pagkayakap niya sa akin mula sa likod.

"Can we please stay like this the whole night?" Tanong niya mula sa likod ng tainga ko. Ramdam ko ang hininga niya. Hindi ko magawang sumagot ko sa sinasabi niya. "Silence means yes."

Wala na akong nagawa at nasa ganung posisyon na kaming dalawa buong magdamag.

Next chapter