webnovel

"Pikachu and Raichu"

Chapter 13. "Pikachu and Raichu"

Ethina's POV

Pagkagaling ko sa office ni Sanjun, sinabi k okay Direk na wag na niya akong sunduin since nasa labas na na rin naman ako ng bahay. Sabi ko ako na lang ang pupunta sa bahay niya. Malapit lang din naman eh.

Pagdating ko sa compound nila, hinanap ko agad ang sinabi niyang bahay. Madali ko namang nahanap agad, pero pagdating ko sa tapat ng bahay ni Direk, napahinto ako at nagtago sa likod ng naka-park na kotse.

Nasa labas si Direk at may kausap na babae, pero teka nga? Bakit naman ako nagtatago dito?

Sinusubukan kong makita 'yung mukha ng babae, nakatalikod kasi siya sa akin. Kaya naman mas lumapit pa ako ng konti pero nakatago pa rin ako sa likod ng kotse. Sa paglapit ko, narinig ko na ang pinaguusapan nila.

"Bumalik ka nap ala Shawn, ilang tao kitang hinintay." Marahang sabi ng babae, pamilyar ang boses ng babae.

"Oo, bumalik na nga ako, how's everything? Maayos ka ba?" Nakangiting tanong ni Direk Shawn sa babae. Natahimik naman ang babae.

"Shawn, I still love you." Nanglaki ang mata ko sa sinabi ng babae at napatakip ang mga kamay ko sa bibig ko. Shocks, ano ito? Mas nilapit ko pa ang tainga ko sa paguusap nila.

"Siren, salamat. Pero, may mahal na ako iba." Para akong nahulog sa kinatatayuan ko sa narinig ko. Anong nangyayari?

"Pero Shawn! Hindi, dapat—"

"Enough Siren, tama na. Makakalimutan mo rin ako." Pagputol ni Direk sa pagsasalita ng babae. Sa pagsilip kong muli sa kanila, nakita ko ang pamilyar na mukha ng babae. Inisip ko kung saan ko siya nakita, at doon nga! Siya si Siren, 'yung nang-indian kay Sanjun.

Sandali, si Direk kapatid ni Sanjun, si Siren gusto ni Sanjun tapos si Siren gusto si Direk Shawn? Anong nangyayari?

"Shawn, hindi ko yata kaya. Pero sige, pipilitin ko." Ani Siren tsaka umalis palayo kay Direk.

Natahimik naman si Direk at malungkot na pinagmasdan si Siren na lumayo.

Pumasok naman na si Direk sa loob ng bahay niya, papasok pa lang siya, pero huminto siya banda sa gate at lumingon sa gawi ko, kaya naman nagtago ako lalo para di niya makita. Ang kaso lang, lumapit siya sa kotse at nakita niya ako.

"Ethina?" Nagtatakang tanong niya. Tinignan ko naman siya at tumawa na lang.

Pinapasok niya ako sa loob ng bahay niya at naghanda ng meryenda. Nakaupo kami sa sala at binigyan niya ako ng slice ng strawberry cake at juice. Naupo naman siya sa sofa sa harap ko.

"Kinina ka pa ba nagtatago 'don?" Natatawang tanong niya.

"Uy hindi ako nagtatago ah, huminto lang ako kasi may kausap ka. Syempre hindi ko naman pwedeng i-interupt kayo." Palusot ko tsaka uminom ng juice.

"So narinig mo ang pinagusapan namin?" Bigla naman akong nasamid habang umiinom dahil sa sinabi niya.

"Hindi ah." Palusot ko, nakita ko namang nakangiti lang siya at tumawa tsaka iniwas ang tingin sa akin.

"She's Siren Sandoval, kababata namin siya ni Sanjun, sabi niya gusto niya ako, pero wala naman akong maramdaman sa kanya katulad ng nararamdaman niya para sa akin." Nakita ko ang sinsiredad sa mukha niya, napatingin naman siya sa akin, seryoso ang mukha. "Ethina, sa tingin mo ba natuturuan ang puso na umibig?" Tanong niya. Napaisip naman ako sa tanong niya.

Natuturuan nga ba? Hindi ko alam.

"Hindi mo alam Direk, pero para sa akin, ang pagmamahal sa isang tao, basta mo na lang mararamdaman 'yun! Ibig sabihin kasi naa-appreciate mo ang isang tao, 'dun na nagsisimulang umusbong na mahalin mo siya, kahit ba masama ang ugali niya, pero na-attach ka na sa ugali niyang 'yon, mamahalin mo pa rin siya kahit anong mangyari."

"Katulad ban g pagmamahal mo kay Sanjun?" Sabi niya tsaka tumawa. Nabigla naman ako sa sinabi niya. 'Yung pagkabigla ko, parang umalma ang puso ko sa sinabi niya. Sandali lang, bakit ganito ang nararamdaman ko?

"Hindi siguro." Mahina kong sabi.

"Ah, Ethina may ibibigay nga pala ako sayo, actually ito talaga ang reason kaya kita pinapunta dito." Tumayo siya at naglakad papunta sa kitchen. Pagbalik niya nagulat ako sa dala niya.

"Wow! Goldfish!" Manghang sabi ko't nilapitan siya.

"Nakita ko kasing huminto ka kagabi sa tapat ng pet shop, tapos nalaman ko pang namatay si Spongebob mo, kaya ito binili kita ng bago. Alam kong hindi na siya si Spongebob pero sana alagaan mo rin siya katulad ni Spongebob." Saad niya, napangiti naman ako sa sinabi niya. Inabot niya sa akin ang fishbowl.

Naupo ako sa sofa ulit habang hawak ang fishbowl. Ang ganda ng isda. Habang tinitignan ko ang isda, bigla kong naalala kagabi si Sanjun, ibinili niya rin ako ng isda, si Pikachu.

"Pero kasi may isda na akong bago, si Pikachu." Sabi ko sa kanya.

"Pero pwede namang dalawa di ba? Si Pikachu tsaka si Raichu." Natatawang sabi ni Direk.

"Pokemon? Mahilig ka sa Pokemon?" Nakakunot kong tanong sa kanya. Tumawa naman siya ng malakas at sumandal sa sofa.

"Fan here!" Aniya't kumaway pa.

"Ah, sige iuuwi ko siya. Salamat ah!"

Ala-sais na ng makauwi ako, paguwi ko bukas na ang ilaw sa loob ng bahay. Hala, baka nandun na si Sanjun! Mabilis akong pumasok sa loob ng House of Love, pagpasok ko bumungad agad sa harap ko si Sanjun habang naka-crossed arms at masamang nakatingin sa akin. Napansin ko naman ang kamay niyang nakabenda, nakita ko rin kanina 'yun sa office niya. Ano naman kayangh

"You're late moron." Mahinahon niyang sabi, pero masungit pa rin.

"Sorry naman, medyo traffic eh." Sagot ko tsaka naglakad papasok pero pinigilan niya ako.

"Wait, what's that?" Tanong niya.

"Isda, ay Sanjun, meet Raichu! Raichu, meet Sanjun, siya 'yung pumatay kay Spongebob." Pakilala ko sa kanila. "Isasama ko siya kay Pikachu."

"Ano? Bakit mo naman isasama 'yan kay Pikachu ko?" Maktol ni Sanjun, nagulat naman ako sa inasal niya.

"Pikachu mo?" Tanong ko.

"Sandali nga, may isda ka na di ba? Bakit bumili ka pa?" Inis niyang tanong. Naglakad naman ako papunta sa center table at nilapag si Raichu.

"Hindi ko siya binili, binigay siya ni Direk sa akin." Sabi ko sa kanya.

"Ano? Binigay ni Shawn?" Singhal niya na tila gulat na gulat. "Bakit mo naman tinanggap? Kita mong meron ka ng isda eh!" Angal niya.

"Bakit ka ba nagagalit? Eh mas masaya kapag may kasama si Pikachu." Sagot ko rito't kinuha ang fishbowl ni Pikachu.

Sinalin ko si Raichu sa fishbowl ni Pikachu, pero pagkasalin ko kay Raichu, bigla namang nagwala si Pikachu sa loob ng fishbowl, ang galawgaw niya sa loob.

"Hala! Mukhang ayaw ni Pikachu kay Raichu ah!" Sigaw ko.

"Tama 'yan Pikachu! Wag kang papayag na ilagay 'yang isda na 'yan!" Gatong pa ni Sanjun. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Tumahimik ka nga!" Sigaw ko rito't kinuha si Raichu sa fishbowl at nilagay pabalik sa fishbowl niya. "Ikaw Pikachu ah, mana ka sa nagbigay sayo!" Pagalit k okay Pikachu.

"Anong sabi mo?" Inis namang sabi ni Sanjun.

"Wala." Ani ko't naglakad papuntang kusina. Pagpunta kong kusina may nakita akong noodles sa mesa.

"Akin 'yan, wala kang pagkain dito." Napalingon naman ako sa nagsalita. Si Sanjun tsaka umupo at kumain ng noodles niya.

"Edi sayo na, ang damot mo! Kumain naman na ako ng cake eh." Sabi ko rito. "Matutulog na ako, maaga ako bukas aalis ng dahil may shooting kami.

"Ano? Shooting na naman?"

"Aba't natural, kakasimula pa lang ng shooting namin eh, bahala ka na nga diyan! Kakalinis ko lang naman ng bahay eh." Sabi ko rito't dumiretso na sa kwarto ko.

Sanjun's POV

Kita mo 'yung taong 'yun. Binilhan ko na ng isda, tumanggap pa ng iba. Nakakainis.

Pagtapos kong kumain, nag-shower na ako. Naisip ko na naman ang nangyari kanina, si Siren, hinanap niya kaya si Shawn? Napatingin ako sa kamay kong may sugat dahil sa pagsuntok ko kanian sa pader ng elevator. Medyo masakit ito. Habang nagsha-shower ako, biglang namatay ang tubig. And the fact na nagsasabon ako ng katawan.

"Ethina!" Malakas kong sigaw. Kinuha ko ang towel at lumabas ng shower na may sabon-sabon pa sa katawan at ulo ko. Paglabas ko, nakita ko naman siya.

"Ethina, ano namang nangyari sa shower?" Singhal ko rito, pero ang nakatulala lang siya sa akin. "Hoy!"| Sigaw ko.

"Ah? Wala naman akong ginawa diyan ah? Nilinis ko lang?"

"Eh bakit nawalan ng tubig?"

"Malay ko."

"Tignan mo nga sa labas, Ugh! May sabon pa ako." Inis kong sabi.

"Asus, pinapakita mo lang saken 'yang abs mo eh, ikaw talaga kit among weakness ko ang abs eh." Nakangit niyang sabi, nandiri naman ako sa inasal niya, para siyang babaeng rapist.

"Cut it out! Lumabas ka na at tignan ang tubig!" sigaw ko.

Maya-maya lang naging maayos na ulit ang tubig. Pinagpatuloy ko ang pagligo ko. Pagtapos kong maligo, napadaan ako sa sala at nakita ko ang dalawang fish bowl na nasa table. Naupo ako sa sofa at pinagmasdan sila.

"Pikachu, wag kang papayag na maagaw si Ethina ni Raichu ah? Kay Ethina ka lang!" Sabi ko sa isda at tumayo na at kinuha ang first aid kit.

Inayos ko ito sa center table para gamutin ang sugat ko. Pero habang naglilinis ako ng sugat ko, naiinis ako dahil hindi ako sanay, kanan kasi ako eh ang sugat ko nasa kanan, kaya kaliwa ang ginagamit ko.

"Ethina!" Tawag ko sa kanya, pero hindi siya sumasagot. "Tulog na agad?" Tumayo ako para puntahan siya sa kwarto niya.

"Ethina gamu—" Pumasok ako agad sa kwarto niya, pero napahinto ako agad ng makita ko siyang nagbibihis ng pangitaas niya kaya naman sinara ko agad ang pinto, mabuti na lang at nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako nakita.

"Dammit. Hindi ako sanay na may kasama sa bahay."

Pinalipas ko ang ilang minute bago siya tawagin ulit para tulungan akong gamutin ang sugat ko. Pumunta naman siya ng naka-pajama na.

"Ano ba kasing nangyari dito? Nakipag-away ka bas a pader ng elevator?" Aniya habang ginagamot ang sugat ko. Nagulat naman ako sa sinabi niya, paano niya nalamang sinuntok ko ang pader sa elevator.

"Wala ka na 'dun, bilisan mo diyan inaantok na ako."

"Ay demanding, ikaw na nga ginagamot eh, pasalamat ka may nursing skills ako."

"Dami mong alam." Sagot ko rito.

Pagtapos niyang gamutin ang sugat ko. Nagulat ako ng pagkabenda niya bigla niyang hinalikan ang kamay kong may benda. Kaya naman hinigit ko ang kamay ko palayo sa kanya.

"Anong ginawa mo?" Nakakunot noo kong sabi.

"Ah? Sorry, kasi turo sakin noon ni Mama, na kapag naggagamot ka ng sugat, dapat may kiss para gumaling agad. Yun kasi 'yung ginagawa sakin ni Mama eh." Nakangiti niyang sabi.

"Wala akong pake! Matulog ka na!" Sigaw ko rito't hindi na siya tinignan.

"Psh, ang sungit! Opo Sir Sanjun!" Aniya't naglakad na papunta sa kwarto.

Pagkaalis niya, napatingin ako sa kamay kong binendahan niya. Bigla ko ulit naalala yung paghalik niya sa kamay ko.

"Ugh! Goddammit!" Inis kong sigaw habang umiiling-iling.

Next chapter