webnovel

Runaway With Me

Author: iboni007
Fantasy
Completed · 438.8K Views
  • 205 Chs
    Content
  • ratings
  • NO.200+
    SUPPORT
Synopsis

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

Tags
1 tags
Chapter 1Eskwelahan

~Hapon~

Nasa eskwelahan ngayon ang binata na nagngangalang, Jervin Añonuevo. At ngayong hapon na ito ay breaktime nilang magkakaklase.

"Uy, boss Jervin! Apir naman tayo dyan!"

Sabi ng kaklase ni Jervin nang nilapitan siya sakanyang upuan sa bandang likuran ng kanilang silid aralan habang nakangiti at nakataas na ang kamay para tanggapin ang apir nito. Napatigil sa paglalaro at tinignan ni Jervin ang kanyang kaklase at inapiran ito.

"Yown! Matanong ko lang boss Jervin... wala ka bang nagugustuhan sa mga kaklase nating babae?"

Tanong ng kaklase ni Jervin sakanya. Umiwas ng tingin si Jervin at tumawa ng bahagya.

"Sa tingin mo ba may pag-asa si ano sayo?"

Tanong ng kaklase ni Jervin sakanya sabay tingin at turo sa kaklase nilang babae na morena. Sinundan ni Jervin ng tingin ang kaklase.

"Di ko alam, e."

Sagot ni Jervin sa tanong ng kaklase at balik na muli sa paglalaro ng kanyang phone. Tinignan siyang muli ng kaklaseng kausap at napabusangot ito tsaka umalis na.

"Wala atang balak manligaw un, pre."

Sabi ng klaklase ni Jervin sa mga kaibigan sabay tingin ulit kay Jervin. Napatigil saglit sa paglalaro at napabuntong hininga na lang ang binata dahil sa kanyang mga kaklase.

"Bakit kaya nila pinapakelaman love life ko?"

Tanong ni Jervin sa kanyang sarili at ipinagpatuloy nang muli ang kanyang paglalaro. Maya-maya pa ay may lumapit nanaman kay Jervin na kaklase.

"Naiinis ka na rin ba sakanila?"

Tanong nito kay Jervin habang paupo ito sa tabi ng binata. Napalingon si Jervin sa nagsalita at nakita ang mukha ng isang babae na hugis bilog ang mukha, may matatabang pisngi, salamin na mayroong lens na kasing laki ng pisngi nito at naka tirintas na buhok. Pinagmasdan ni Jervin ang dalaga.

"Kaklase ka ba namin?"

Tanong pabalik ni Jervin sa dalaga habang pinagmamasdan pa rin ito ng may halong pagtataka sa mukha.

"Kakalipat ko lang nung isang araw dito sa school na 'to."

Sagot ng dalaga sa tanong ni Jervin sabay ngiti nito sa binata. Nginitian pabalik ni Jervin ang dalaga ng may halong pag-aalinlangan.

"Sino naman ang nasa matinong pag-iisip ang lilipat ng school sa kalagitnaan ng school year?"

Tanong muli ni Jervin sa dalaga sabay busangot nito sakanya. Napaiwas ng tingin ang dalaga, samantalang patuloy pa rin ang pagtitig ng binata rito.

"Inexpelled ako sa dati kong school, kaya wala masyadong kumakausap sakin ngayon dito, dahil akala nila na gulo lang ang dala ko sa mga buhay niyo."

Sagot ng dalaga sa tanong ni Jervin habang pinaglalaruan nito ang panyong hawak-hawak niya at hindi pa rin tinitignan ang binata.

"Ano nga ba ang dahilan kung bakit ka na-expelled sa dati mong school?"

Tanong uli ni Jervin sa dalaga habang hindi na niya namamalayan na unti-unti na siyang nagiging komportable kausapin ito.

"Napagbintangan ako. Sinasabi ng karamihan na ako raw ang dahilan kung bakit naaksidente ang isa naming kaklase."

Kwento ng dalaga kay Jervin habang pinaglalaruan pa rin ang panyo niya. Ilang saglit pa ay umayos ng pagkakaupo ang dalaga at hinarap nang muli ang binata. Nagulat ng bahagya ang binata.

"Ikaw naman magkwento."

Sabi bigla ng dalaga kay Jervin. Pinatay ng binata ang kanyang phone at saka inilapag iyon sa arm desk ng kanyang upuan.

"Ano naman ikekwento ko?"

Tanong ni Jervin sa dalaga nang nakangiti. Napangiti rin ng bahagya ang dalaga at panandaliang nag-isip.

"Bakit inaabangan nila ang love life mo?"

Tanong ng dalaga kay Jervin sabay nguso nito sa binata. Biglang napatingin si Jervin sa kaklaseng lumapit sakanya kanina at sa mga kaibigan nito na nag-aabutan ng pera. Napabuntong hininga na lamang ang binata.

"Isa ako sa mga pinakatahimik na estudyante dito sa classroom naten. Hindi ko alam kung bakit ako ung trip nila… pero sa tingin ko, kaya inaabangan nila kung anong mangyayari sa love life kasi nagpupustahan sila."

Kwento ni Jervin sa dalaga habang nakatingin sa lapag. Napatigil sa pag nguso ang dalaga at napaayos muli ng upo.

"Saklap naman ng school life mo."

Sabi ng dalaga kay Jervin sabay kuha nito sa phone ng binata at binuksan ito, ngunit may password na kailangan.

"Ano password?"

Tanong ng dalaga kay Jervin sabay bukas muli nito sa phone ng binata. Walang pag-aalinlangang binuksan ni Jervin ang sariling phone at hinayaang kalikutin ito ng dalaga. Matapos ng ilan pang mga sandali ay akma ng tatanungin ng binata kung ano ang ginagawa ng dalaga sa kanyang phone ngunit biglang tumunog ang bell na nagsisilbing paalala na tapos na ang breaktime nila. Nilapag na ng dalaga ang phone ni Jervin at tumayo na.

"Wag mong tignan contacts mo, ha~"

Sabi ng dalaga kay Jervin habang nakangiti at naglakad na pabalik sa kanyang upuan sa bandang harapan. Napatitig na lang si Jervin sa dalaga dahil sa tingin niya ay may kakaiba rito. Nang matauhan ay agad na kinuha ng binata ang phone at tinignan ang contacts.

"Ibon?"

Basa ni Jervin sa bagong contact number na nakalagay sa contacts niya. Nagtatakang tinitigan ng binata ang sariling phone.

"Good afternoon, class."

Bati ng guro sa klase nila Jervin. Nagulantang ang binata kaya pinatay na niya ang kanyang phone at itinago iyon sa kanyang bag. Nagsitayuan na silang lahat.

"Good afternoon, Sir!"

Bati pabalik ng magkakaklase sakanilang guro. Tinignan ni Jervin ang dalaga at nakita na nakangiti ito habang nakatagilid ng tayo. Nagtaka ang binata at patuloy pa ring tinignan ang dalaga.

"Maupo."

Sabi ng guro sa kanyang klase at nagsiupo naman ang mga ito. Nung papaupo na ang dalaga ay tumingin ito sa direksyon ni Jervin, ngumiti at tuluyan ng umupo. Napakunot na lamang ng noo ang binata dahil naguguluhan ito. Nagdiscuss ang guro patungkol sa subject na itinuturo niya sa klase. Ngunit bago magtapos ang klase...

"Okay class, before I leave your room, let's arrange the seat plan. Please stand up, all of you and wait for your surname to be called at the back."

Sabi ng guro sa klase. Ilang sandali pa ay nagkagulo na sa loob ng silid aralan dahil sa ingay ng mga estudyante.

"Maupo sa harapan, sa pinakadulong bahagi dito sa kaliwa ko si Garzon. Sumunod si Ramos, Pilapil, Delgado at Lacanilao."

Sabi ng guro habang nakaturo sa pinakadulong upuan sa harap. Naunang maupo ang kaklase ni Jervin na may apelyidong Garzon at nagsisunuran naman ang iba pa.

"Sunod na mauupo sa harapan, sa pinakang dulo na bahagi saaking kanan ay si Palad. Ang sumunod naman ay si Madrid, Serrano, Añonuevo at Tamayo."

Dagdag ng guro habang nakaturo naman sa kabilang dulong upuan sa harap. Naunang naupo ang kaklase ni Jervin na may apelyidong Palad at nagsisunuran naman ang iba pa. Nagtaka si Jervin kung sino sa kanyang mga kaklase ang may apelyidong Tamayo. Nagulat na lang siya nang tumabi sakanya ang dalagang kumausap sakanya kanina.

"Hi~!"

Bati ng dalaga kay Jervin habang nakangiti. Napangiti pabalik ang binata sa dalaga at napailing sa tuwa.

You May Also Like
Table of Contents
Volume 0 :Auxiliary Volume
Volume 1 :1st Week
Volume 2 :2nd Week
Volume 3 :3rd Week
Volume 4 :4th Week
Volume 5 :5th Week
Volume 6 :6th Week
Volume 7 :7th Week