webnovel

Emporium Union 7

~Umaga~

"Ano pala ginagawa niyo dito ni Jervin?"

Tanong ni Liyan kay Yvonne sabay tingin na nito kay Jervin at balik nang muli sa dalaga. Hindi kaagad naka sagot ang dalaga't binata at nagtinginan na lamang ang dalawa sa isa't isa.

"Bibili lang ng pang araw-araw na gamit."

Nakangiting sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Liyan habang tinitignan na nito ang kaibigan. Dahan-dahan nang nagdikit ang kilay ng kaibigan habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga nang mayroong pag dadalawang isip sakaniyang mukha kung paniniwalaan ba niya ang sinabi sakaniya ng dalaga o hindi.

"Tulad ng?"

Tanong muli ni Liyan kay Yvonne habang tinitignan pa rin niya ang dalaga nang magkadikit pa rin ang kaniyang kilay. Tinignan na rin ni Jay ang dalaga, dahilan upang lapitan na ni Jervin ang dalaga at saka seryosong tinignan ang kaibigan nito.

"Cotton buds, nail cutter at napkin ni Yvonne."

Sagot ni Jervin sa tanong ni Liyan kay Yvonne habang seryoso pa rin nitong tinitignan ang kaibigan ng dalaga. Mabilis na napatingin ang dalaga, ang kaibigan nito at si Jay sa binata habang nanlalaki ang kanilang mga mata.

"Jervin naman, e!"

Tawag ni Yvonne kay Jervin sabay bitaw sa braso ni Liyan at saka pinalo ang binata sa braso nito habang pinanlalakihan pa rin niya ito ng mata.

"Aray!"

Sigaw naman ni Jervin sabay hawak na nito sakaniyang braso na pinalo ni Yvonne habang pinanlalakihan na niya rin ng mga mata ang dalaga. Hindi na alam nila Jay at Liyan kung ano na ang nangyayari sa dalawa kaya't dahan-dahan na lamang nilang tinignan ang isa't isa at saka ibinalik nang muli ang kanilang mga tingin sa dalawa.

"Nakakainis ka! Bumalik na nga lang tayo sa hotel!"

Sigaw ni Yvonne sabay hablot na ng pulso ni Jervin at saka hinatak na ito. Nanlaki nanaman ang mga mata nila Jay at Liyan at mabilis na sinundan ang dalaga at ang binata tungo sa La Vie En Rose Hotel.

"Naniniwala ka ba na bibili lang sila ng cotton buds, nail cutter at napkin ni Yvonne?"

Mahinang tanong ni Liyan kay Jay habang patuloy pa rin nilang sinusundan sila Jervin at Yvonne.

"Ba't ko naman hindi paniniwalaan si Yvonne?"

Nakangiting tanong pabalik ni Jay kay Liyan habang patuloy lamang niyang tinitignan si Yvonne. Pinanlisikan na lamang ng tingin ng dalaga ang binata at saka Inirapan na ito. Tahimik na nagtungo ang apat sa La Vie En Rose Hotel hanggang sa makapasok na sila sa silid na tinutuluyan nila Jervin.

"Wow~ ang laki naman ng room na nakuha niyo sa 5-star hotel na 'to~"

Kumento ni Liyan kila Yvonne at Jervin sabay takbo na nito tungo sa sofa at saka nahiga na roon. Napatakip na lamang ng mukha si Jay dahil sa ginawa ng kaniyang kasama sa loob ng silid ng dalaga't binata.

"Best friend ko ung apo sa tuhod ng may-ari nito, e. Tsaka parang pamilya na rin ung turing nila sakin dahil palagi kami nagpupunta rito nila Mama Beatrice at ni Jay dati."

Tugon ni Yvonne kay Liyan sabay upo na nito sa sofa na hinihigaan ng kaibigan. Naiwan sila Jervin at Jay sa pintuan at nanatiling tahimik. Ilang saglit pa ay dahan-dahan nang nilingon ng dalawang binata ang isa't isa at noong magka tama na ang kanilang mga tingin ay agad din nila itong iniwas at naglakad na ang binata sakaniyang kama, samantalang ang kababata naman nila ng dalaga'y naiwan nang mag-isa sa may pintuan.

"Yvonne~ Pinapa tanong ni Mama kung kelan mo raw gustong kunin ung sweldo niyo ni Jervin?"

Tanong ni Lyka kay Yvonne habang tuloy-tuloy lamang siyang pumasok sa silid na kinaroroonan ng apat at nilampasan lamang si Jay nang naglalakad na ito patungo sa kinaroroonan ng dalaga. Nang masilayan na mayroong ibang babae sa sofa na inuupuan ng dalaga'y bahagyang nagulantang ang Bampira.

"Kala ko ba tuwing tanghali mo na lang kami bibisitahin araw-araw?"

Tanong ni Yvonne kay Lyka sabay tingin na nito sakaniyang matalik na kaibigan na nakatayo na malapit sakaniya.

"Sino siya?"

Tanong pabalik ni Lyka kay Yvonne sabay turo nito kay Liyan na nakatingin na sakaniya gamit ang nanlalaking mga mata nito. Mabilis na nilingon ng dalaga ang kaniyang kaibigan na nakahiga pa rin sa sofang kaniyang inuupuan at ibinalik nang muli ang kaniyang tingin sa matalik na kaibigan na nakatayo pa rin.

"Liyan Jimenez. Isa sa mga kaibigan ko dun sa Pinas."

Nakangiting sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Lyka habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaniyang matalik na kaibigan. Tumango na lamang ang Bampira habang dahan-dahan na niyang ibinababa ang kaniyang daliri na nakaturo kay Liyan at patuloy pa rin itong tinitignan.

"Lyka?"

Tawag ni Jay kay Lyka habang naglalakad na ito papalapit sa Bampira nang mayroong ngiti sakaniyang mga labi. Mabilis na nanlaki ang mga mata ng Bampira at agad na lumingon sa direksyon na pinanggalingan ng boses na iyon at nasilayan si Jay na naglalakad na papalapit sakaniya.

"Jay~!"

Tawag pabalik ni Lyka kay Jay sabay palit nito ng anyo bilang isang paniki, mabilis na lumipad papalapit sa binata at saka bumalik na ito sakaniyang anyo at niyakap na ang binata. Bigla nang naupo si Liyan sa sofa at saka tinignan na ang Bampira at ang kaibigan gamit ang nanlalaki nitong mga mata, habang si Yvonne naman ay nakangiti lamang habang nakatingin sakaniyang matalik na kaibigan at kababata habang magkayakap na ang mga ito at si Jervin nama'y nakaupo sakaniyang kama, naglalaro lamang sakaniyang phone habang nakasimangot at hindi pinapansin ang ginagawa ngayon ng apat. Ilang saglit pa ay napunta na sa binata ang atensyon ng dalaga habang hindi pa rin nawawala ang ngiti nito sakaniyang mga labi.

"Ano nilalaro mo dyan Jervin?"

Nakangiting tanong ni Yvonne kay Jervin habang naglalakad na ito papalapit sa kama ng binata. Samantalang sila Lyka at si Jay nama'y kumawala na mula sakanilang pagkakayakap at saka naupo na sa sofa na kinaroroonan ni Liyan.

"Billiard."

Tanging sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ni Yvonne habang nakasimangot pa rin itong naglalaro sakaniyang phone. Natawa ng bahagya ang dalaga dahil sa binata at saka bigla itong hinalikan sa pisngi, upang maging sanhi ng pagka gulat ng binata, pag bitaw niya bigla sakaniyang phone at pagtingin nito sa dalaga habang nanlalaki na ang kaniyang mga mata.

~ Be whoever you want to be, your only limitation is yourself. ~

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts
Next chapter