~Umaga~
"Gela, JB, may natanggap ba kayong sobre?"
Tanong ni Ceejay kila Angela at Jasben habang naglalakad silang tatlo sa loob ng isang mall. Agad na napatigil sa paglalakad ang dalawang magkaibigan at saka tinignan na ang dalaga, dahilan upang mapatigil rin ito sakaniyang paglalakad at mapatingin na sakaniyang dalawang kaibigan.
"Nakatanggap ka rin? Akala ko ako lang."
Sabay na tanong nila Jasben at Angela kay Ceejay habang patuloy pa rin nilang tinitignan ang dalaga. Mabilis na tinignan ng magkaibigan ang isa't isa nang mapagtanto nila na pareho ang kanilang sinabi sa dalaga.
"Nakatanggap ka rin?"
Sabay na tanong nanamang muli nila Jasben at Angela ngunit sa isa't isa naman. Nagdikit na lamang ang kilay ni Ceejay nang maisip na pawa bang mayroong kakaiba sa sobreng kanilang natanggap.
"Binuksan niyo na ba ung sobre niyo?"
Tanong ni Ceejay kila Angela at Jasben habang seryoso na nitong tinitignan ang dalawang kaibigan. Tinignan na ng dalawang kaibigan ang dalaga at saka umiling na lamang bilang sagot sa tanong sakanila ng dalaga.
"Bat ko un bubuksan? E, baka kung ano pa laman nung sobre na un."
Sagot ni Angela kay Ceejay habang tinitignan na nito ang dalaga nang naka dikit ang kilay nito. Tumango na lamang ang dalaga bilang pagsang-ayon nito sakaniyang kaibigan.
"Wag mong sabihin na binuksan mo ung iyo?"
Tanong pabalik ni Angela kay Ceejay habang tinitignan na nito ang dalaga gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Pinanlakihan na rin ng mga mata ng dalaga ang kaniyang kaibigan at saka umiling ito sakaniya.
"Bat ko bubuksan un? Ni hindi ko nga alam kung kanino nanggaling un!"
Sagot naman ni Ceejay sa tanong sakaniya ni Angela habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaniyang kaibigan gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata.
"Bat di na lang kaya natin tanungin si Madam Hong kung may natanggap rin siyang sobre?"
Tanong na ni Jasben sa dalawa niyang kaibigan habang tinitignan na niya ang mga ito ng seryoso. Mabilis na tinignan nila Ceejay at Angela ang kanilang kaibigan at saka tinignang muli ang isa't isa.
"Tara sa cr."
Sabi na ni Angela sakaniyang mga kaibigan at nag-umpisa nang maglakad patungo sa cr ng mall na kanilang kinaroroonan.
"Pero may feeling ako na galing to kay Yvonne."
Sabi ni Jasben sakaniyang mga kaibigan habang patuloy pa rin sila sakanilang paglalakad patungo sa cr ng mall. Napa dikit kilay na lamang si Ceejay at saka napatingin na sa kaibigan habang patuloy pa rin silang naglalakad.
"Pano mo naman nasabi un?"
Tanong ni Ceejay kay Jasben habang nakatingin na ito sakanilang dinaraanan at si Angela nama'y nakikinig na lamang sakaniyang mga kaibigan.
"Malay natin, alam na pala ni Yvonne na mamamatay na siya kinabukasan kaya naisipan niyang magbigay ng mga sulat sa mga taong pinapahalagahan niya."
Sagot ni Jasben sa tanong sakaniya ni Ceejay habang tinitignan na niya ang kaniyang kaibigan. Mabilis na nilingon ni Angela ang kaibigan at saka pinanlakihan ito ng mga mata.
"Posible rin un."
Kumento ni Angela sa sinagot ni Jasben sa tanong sakaniya ni Ceejay. Tinignan na ng dalaga ang kaniyang mga kaibigan at saka binilisan na ang kaniyang paglalakad.
"Bilisan niyo, di ko na kaya pa ung curiosity ko."
Sabi ni Ceejay sakaniyang mga kaibigan habang nakatingin na itong muli sakaniyang dinaraanan. Ngunit ilang saglit pa ay tinawag siya ni Angela, dahilan upang mapatingin ito sakaniyang dalawang kaibigan at nakita si Jasben na inaalalayan na ng kanilang kaibigan kaya't binalikan niya ang kaniyang dalawang kaibigan at inalalayan na ang kaibigang mayroong asthma.
"Masyado ka ring excited, e, noh."
Natatawang sabi ni Angela kay Ceejay habang mabagal na silang naglalakad at inaalalayan na si Jasben. Natawa na lamang ang dalaga at ang kaibigan nito at nagpatuloy na lamang sila sakanilang paglalakad hanggang sa makarating na sila sa cr ng mall na kanilang kinaroroonan, gumawa ng portal patungo sa lugar na kinatatayuan ng bahay ni Hongganda at roon ay pumasok na sila.
"Madam Hong!"
Sabay na tawag nila Angela at Ceejay kay Hongganda nang makapasok na sila sa pamamahay ng matandang babae at pinaupo na si Jasben sa hagdan na katapat lamang ng pangunahing pinto na kanilang pinasukan.
"Dyan ka lang JB, kukuha lang ako ng tubig para sayo."
Sabi ni Ceejay kay Jasben habang tinitignan na nito ang kaibigan na nakaupo sa hagdan at nagpapahinga na. Tumango lamang ang kaibigan bilang tugon nito sa dalaga habang si Angela nama'y iniikot na ang kaniyang paningin sa loob ng pamamahay ni Hongganda upang hanapin na ito.
"JB dito ka lang, hahanapin ko lang si Madam Hong, ha."
Sabi naman ni Angela kay Jasben nang maglakad na si Ceejay patungo sa kusina. Tumango nanamang muli ang dalaga bilang tugon nito sakaniyang kaibigan.
"Madam Hong!"
Tawag ni Angela kay Hongganda nang maglakad na ito papalayo kay Jasben at patungo sa pasilyo na kung saan naroroon ang mga kwarto.
"Patawarin mo ako Yvonne hija kung ngayon ko lamang sasabihin saiyo kung kailan wala ka nang buhay na mahal ko ang iyon Mama Beatrice."
Paghingi ng tawad ni Hongganda kay Yvonne habang nakaupo ito sa upuan sa tabi ng kamang hinihigaan ng dalaga at hawak nito ang malamig na kamay ng bangkay nito. Ilang saglit pa ang lumipas ay mayroong narinig na boses ang matandang babae, dahilan upang mapatingin siya sa pintuan ng kwartong kaniyang kinaroroonan, bitawan na ang kamay ng bangkay ng dalaga, tumayo mula sakaniyang kinauupuan at nagtungo na sa pintuan upang buksan ito.
"Madam Hong! Nasaan ka po?! Madam Hong!"
Tawag ni Angela kay Hongganda habang naglalakad pa rin ito sa pasilyo at binubuksan ang bawat pintuan na kaniyang mabuksan sa pasilyong iyon.
"Angela? Ano ang iyong ginagawa rito?"
Takang tanong ni Hongganda kay Angela nang sumilip na ito sa pintuan at nasilayan ang dalaga na naglalakad sa pasilyo. Mabilis na tinignan ng dalaga ang matandang babae at saka tumakbo na ito papalapit sa kinaroroonan nito.
"May natanggap ka po bang sobre na may nakasulat na pangalan mo?"
Tanong kaagad ni Angela kay Hongganda nang makatayo na ito sa harapan ng matandang babae habang tinitignan na ito. Pinanlakihan lamang ng mga mata ng matandang babae ang dalaga sakaniyang harapan at saka tumango na lamang ito bilang tugon sa tanong ng dalaga sakaniya.
"Kanino po galing ung sobre na un?"
~ Do not let what others think about you, your fears, your sadness, and loneliness stop you to achieve your happiness. ~
Hello po~! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!
Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~! Merry Christmas everyone~!