6:30 am /May 25 /Monday
Papunta ako ng school ngayon para mag enroll
habang inaayos ko ang mga requirements
napatigil ako bigla, napaisip ako....
magiging ok lang kaya ako? mababait kaya mga magiging kaklase ko? sana wala saking mambully.. kinakabahan ako na parang ayoko ng tumuloy mag enroll..
Ang laki kasi ng pinagkaiba ng probinsya sa maynila, sa probinsya hindi ganun kalaki ang mga school at halos lahat ng kaklase mo nung elementary ay kaklase mo parin ng high school, hindi masyadong nakakatakot compare dito sa maynila, libu-libong estudyante, at iba't iba ang makakasama mo sa bawat subjects.. Haysssst... Napabuntong hininga na lang ako
All is well... pinipilit kung ikalma ang aking sarili
tumayo na ako at naghanda ng mga gamit.
(8:30 am) pagkababa ko palang ng jeep tumambad na agad sa akin ang napakalawak na campus. kinabahan na naman ako, napatigil ako sa paglalakad at habang naglalakbay ang aking diwa biglang
Ouch,, may bumundol sakin na dahilan para matumba ako...napatingala ako sa nakabundol sakin ,, Miss ok ka lang? tanong nya
tumayo na ako at inayos ang aking sarili
Sorry ah, dagdag pa nya, nagmamadali kasi ako di kita masyadong napansin...
tinignan ko ang pinagkakatayuan ko kanina
nasa gitna pala ako ng daan... hindi nya kasalanan na mabangga ako... sa isip isip ko
uhm, ok lang ako sabi ko sa kanya
sorry din, hindi mo kasalanan yung nangyari, nasa
gitna kasi ako nakaharang.. pasensya na ulit...
tuloy tuloy at nagmamadali akong naglakad papuntang office, pagkadating ko dun binigyan nila agad ako ng slip of requirements
sakto x-ray nlng ang wala ako.. dali dali akong nagtungo sa laboratory na kaharap ng school..
walang katao tao pagkadating ko, yes sambit ko
ako yung una una, palapit na ako sa front desk ng makarinig ako ng mga yabag na tumatakbo, napalingon ako
sya na naman sa isip isip ko, napatitig ako sa kanya diko namalayan nasa harap ko na sya at nauna ng pumila sakin
haissst, dahil sa katangahan ko naunahan tuloy ako, masyado talagang maliit ang mundo para samin at saksakan naman ako ng kamalasan pag nasa paligid sya... di bale na nga malaki naman ang campus at sana hindi na ulit mag krus ang landas namin ... sana....