webnovel

Chapter 23

Gusto kong magwala sa narinig

Naririnig mo ba ang sinasabi mo?

Ipalaglag? tuturuan mo pa ako gumawa ng krimen

Alam ko ang sinasabi ko, hindi krimen ang gagawin mo, dugo palang iyan.. wala pa yang buhay

P*ta...

Hindi ka talaga nag iisip...

kung hindi kapa pala handa , bakit mo ako ipinasok sa sitwasyon na to?

bakit mo ako niyayang magpakasala noon?

Tiniis ko lahat ng pambabae mo, nagbulag bulagan ako..

Naalala mo pa ba nung niyaya mo akong magpakasal, kung paano ka humarap sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko, sa mga kakilala ko at noong pinostponed mo ito, napaka dali lang lahat para sayo,hindi mo manlang ako inisip...

lahat ng kahihiyang tinaggap ko

Tapos nakita lang kitang may kasamang ibang babae sa nakatakdang araw ng kasal natin...

Hindi mo manlang naisip na i comfort ako dahil alam mong pagtatawanan ako ng lahat ng ex mo, pagagalitan ng mga kamag anak ko, i humiliate ng mga kaibigan at kakilala ko, sa halip nakikipag landian ka sa iba...

Tinanggap ko ang buo mong pagkatao, kahit na lahat ng ipinakita mo sakin ng nanliligaw ka palang ay bala't kayo, na kahit na ang dami dami mong sikretong itinago sakin... mas pinili kong magsawalang kibo at patawarin ka

Despite sa lahat ng ginawa mo sakin, wala akong hininging kahit ano maliban ngayon...

maging ama ka lang anak ko... Tapos ito ang isasagot mo sakin?

Grow up shion!!!! mas matanda ka sakin pero mas immature ka mag isip

Bakit??? bakit???? (Umiiyak ng sabi ko)

Ano bang atraso ko sayo at ginagawa mong misirable ang buhay ko???

Hindi ko na napigilan ang aking sarili

Pagod na ako, Durog na durog na ng pagkatao ko

Wala na akong maihaharap pang mukha sa pamilya ko, hindi ito ang unang beses na tinakbuhan nya ako...

Sige, pananagutan kita kung yan ang ikatatahimik mo

Umangat ako ng tingin...

S-slamat

ang tanging nabanggit ko

Sana naman this time, hindi na biro ang lahat ng ito, sana maging responsable na sya

Pero ...

Huwag na huwag kang mag eexpect na magbabago ako, Tatayo lang akong ama ng anak mo, hindi ko babaguhin ang sarili ko, tutulong ako financially

Huwag karing umastang pamilya tayo, o may relasyon tayo.... Mambabae ako hanggang gusto ko, gagawin ko lahat ng gusto kong gawin

Sa totoo lang Hanah, naiirita ako sayo

sa pagka martir mo, nakakainis ang katangahan mo, kaya hindi ko kasalanan na nabuntis kita

tatanga tanga ka lang...Hindi naman talaga kita mahal at lalong hindi kita minahal, nagkataon lang trip ko ang katawan mo at pagiging naive, mas lalo akong na-excite ng nalaman kong v*rgin ka..

wala naman talga akong planong tumagal tayo ng ganito....kaya huwag kang mag expect ng kahit ano

Tumango lang ako at ngumiti

Matagal ko na talagang alam na hindi nya ako mahal

4 months ago....

Aksidente kong nakita ang paglagay nya ng password sa fb, dahil sa nacurios ako sa lahat ng tinatago at ginagawa nya, binuksan ko ang account nya.. binasa ko lahat ng messages

Girl 1: babe, punta ako mamayang gabi ah, dyan ulit ako matutulog

Shion... sure babe.. basta ikaw

Girl 1: hindi ba to malalaman ng gf mo?

Shion: wala naman akong pakilalam kung malaman nya, mas ok na nga yun para sya na ang makipag break

Girl 1: Hahahaha.. kawawa naman....kaya gustong gusto kita babe eh.. mwuaahhhh

Binuksan ko pa ulit ang iba...

Girl 2: Honey, busy ka ba? date naman tayo

Shion: sure , kita nalang tayo mamaya sa fastfood

Girl 3: Motel tayo babe.. ayoko dyan sa apartment mo, baka abutan tayo ng gf mo.. mamaya maputol pa relationship natin

Shion: hinding hindi kita babe ipagpapalit sa boring na yun ..Hahahaha

i love you

Nasasaktan ako pero hindi ko parin mapigilang buksan pa ang ibang mensahe... pareparehas lang ang laman nito... landian nila ng mga babae nya

pero isang mensahe ang tumatak sa isip ko

Mahaba ang convo nila... tinignan ko ang latest

Ex Gf: Baba, magbalikan na tayo please????

mahal mo pa naman ako diba? Ok lang sakin kung may iba kang babae, ok lang kahit anong set up gusto mo, makipag balikan ka na please....

Mahal na mahal kita baba....

Shion: Sorry baba, may gf ako ngayon, sya ang naging rebound ko after natin mag break...

pag nag break nalang siguro kami, saka nalang tayo mag balikan

Ex Gf: Mahal mo ba yan? bakit hindi mo kayang hiwalayan?

Shion: Hindi!!! hindi sya ang tipo kong babae, napaka boring nya at masunurin masyado

ikaw lang ang mahal ko baba, kailangan ko lang kasing magpanggap pa sa harap nya, sayang naman lahat ng effort ko kung hindi ko naman sya makukuha ... katawan lang ang habol ko sa kanya hinding hindi ako maiinlove sa kahit kanino bukod sayo...

I love you baba

Next chapter