webnovel

Chapter 21 Kalbaryo

Hanah.. kamusta kasal nyo?

Tanong sakin ni liza...

Hindi kasi nila alam na hindi natuloy ang kasal namin, Niyakap ko siya at nagsimulang umiyak

Bakit? Anung nangyari?

Hindi ko na alam ang gagawin ko, may ibang babae si shion, niloloko nya lang pala ako..

Nahuli mo ba?

Oo, liza

pahikbing sabi ko

Anung plano mo ngayon?

makikipag hiwalay ka na ba????

Hindi ko alam , Mahal ko siya pero parang di ko nadin kaya

Kung ano man desisyon mo, nandito lang kami

Sundin mo kung ano ang gusto mo at tama, pwede ka ka namang magsimula ulit

Oo gagawin ko kung anong tama, Salamat sa payo liza...

Nagdesisyon na akong makipaghiwalay kay shion, Nag usap kaming magkikita ngayong gabi...

...

....

Nasan kana? Nandito na ako

text ko sa kanya

Wait lang, may ginagawa pa ako

Mga isang oras na lang, antayin mo nalang ako dyan sa park

Simula ng may nangyari samin, ganito na ang set up namin, nawala na ang pagiging sweet at maalalahanin nya, nagbago na ang pakikitungo nya sakin

nabaliktad na ang mga pangyayari

ako na ngayon ang madalas na nag hihintay sa kanya sa bawat lakad namin... 2 oras na ang pinakamaikli kong inantay, may time pa nga na napag-antay nya ako ng mahigit walong oras.... ibayong pag iintindi at haba ng pasensiya ang ginagawa ko

Walang text o tawag, madalas i seen ang mga chat ko, palaging cold sakin, walang time, palaging may katext pag nagkikita kami, hari ng palusot sa lahat ng bagay

ako na lang yata ang dahilan kung bakit nagwowork ang aming relasyon, ako na lang ang nag hold on at nagsasalba nito...

Tapos nakukuha nya pang mambabae....

Ang malas ko naman !!!

Pero ngayon, itatama ko na lahat ng mali ko

Kung dati every time na magrereklamo ako, Break up na ka agad ang pang blackmail nya sakin

Ngayon ako na ang makikipag hiwalay....

Napabuntong hininga ako

Pano nga ba umabot sa ganito, inaabuso na ako

at hinahayaan ko din syang gawin iyon

kasalanan ko lahat, masyado akong nabulag sa pagmamahal ko

Hayyyy, inaantok na ako

wala parin si shion.. isang oras mahigit na ang nakakalipas

gusto ko ng umuwi, pero hindi ko matatapos ang kalbaryo ko pag umuwi ako

konting tiis na lang....

2 hours later

Hanah, sorry may tinapos lang ako

Okay lang .... sanay naman na ako

Ano nga pala importante mong sasabihin?

Maghiwalay na tayo shion....

Ahh.. okay, ikaw bahala

wala ka na bang ibang sasabihin?

hindi ko alam kung matatawa ako o ano bang dapat kung maramdam....

May parte ng isip ko ang nag aantay na pigilan nya ako o magreact manlang na parang may pakialaman pa, ngunit basi sa sagot nya na hindi manlang umabot ng isang minuto para mag isip...

wala nga talaga syang pake...

Okay lang, mas mabuti na din ang ganito, makaka move on din ako

Wala na... Sige, uwi na ako

Tumalikod na agad ako, naramdaman ko na kasing babagsak na ang mga luha ko anumang oras..

ayokong ipakita sa kanya na nasasaktan at iiyak na naman ako dahil sa kanya...

Nag lakad ako ng mabilis at sumakay agad sa tricycle na nakita ko...

Saan po tayo??

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, sumakay lang ako ng hindi nag iisip

ayoko din munang umuwi, magtataka sila tita pag nakitang mugto ang mga mata ko

Sa may simbahan po manong

magpapalipas muna ako ng oras sa may simbahan... Magdadasal, mag iisip, kasi gulong gulo na din ako

Napaka weak ko .. nakakaawa ang itsura ko

Masyado akong mahina

Next chapter