Drea's pov:
"1 week na tayong andito sa loob ng convenience store, hindi ba tayo lalabas?" Sabi nung lalaking kasama namin dito.
"Kung gusto mong lumabas ikaw na lang, hindi mo ba nakikita yung mga zombie sa labas? Hindi ka ba natatakot?" Tanong ni cessa.
"Kaya nga magtutulungan tayo." Sabi nung lalaki.
"Hindi kami interesado." Sabi ni cessa.
"Hindi na tayo matutulungan dito, wala nang dadating na tulong dito. Kung hindi tayo kikilos dito mamatay tayong lahat." Sabi nung lalaki.
Bata, mag asawa, matatanda, yung lalaki at kami ni cessa ang andito sa loob ng convenience store.
Nagpaplano na nga silang umalis at kinabukasan tuluyan na silang umalis.
Kami na lang ni cessa ang natira dito.
**1 week later**
Andito pa rin kami at nauubusan na kami ng pagkain at tubig.
"Hindi na ba talaga sila dadating? Wala ng tutulong satin?" Sunod-sunod kong tanong.
"Bhe, kailangan na nating umalis dito, nauubusan na tayo ng pagkain." Sabi ni cessa.
"Paano? Natatakot ako." Natatakot kong sabi.
"Natatakot din ako, pero kailangan na nating umalis dito." Sabi ni cessa at halatang natatakot din.
"May pupuntahan tayo, maliit na village yun, medyo malapit dito, baka may mga tao doon." Dugtong pa ni cessa.
"Pero paano tayo lalabas dito?" Tanong ko.
"Mamayang gabi aalis tayo dito." Sabi ni cessa.
Agad naming inalis yung mga notebook namin sa bag at nilagyan namin ng mga pagkain at tubig yung bag. Ang problema ay wala kaming panlaban sa mga zombie.
Nung nagsimula ang kaguluhan ay galing kaming university at pauwi na, pero nagkalat yung mga zombie kaya dito kami napadpad.
"Ang gagawin lang natin ay tatakbo, parang hinahabol lang tayo ng aso okay?" Halfjoke na sabi ni cessa.
"What if mas mabilis yung mga zombie?" Sabi ko at natawa naman si cessa.
"Wag ka ng mag what if dyan, hindi kita pababayaan, madami na kong alam sa mga zombie kakanood ko ng mga movies, hahaha, mag ready ka na." Sabi ni cessa at medyo nabawasan naman yung kaba ko.
(Kinagabihan...)
"Ready ka na ba?" Tanong ni cessa.
"Oo, ready na akong mamatay." Sabi ko at natawa.
"Gaga." Sabi ni cessa at tumawa rin.
Hinawakan nya ako sa kamay at dahan dahan kaming lumabas ng convenience store.
"Raa..wwrr.. gra..wwrr.."
"Rawwrrr.. raw..wrr.."
Tanging mga zombie lang ang naririnig namin at sobrang tahimik ng buong paligid.
Nagtago muna kami sa likod ng van.
"Ang dami nila." Mahinang sabi ni cessa.
"Saan tayo dadaan nyan?" Tanong ko.
"Dun sa may bakod, aakyat tayo dun, kaya mo ba?" Sabi ni cessa.
"O-oo..." Nauutal kong sabi at kinakabahan na ng sobra.
"Na try mo na ba dati?" Pagtatanong ni cessa at nagulat na lang ako nang bigla nyang takpan yung bibig ko nung magsasalita na ako.
"Grawwrr.. rawrr.." Yung zombie at mabagal na dumadaan sa harap namin.
Sobra akong kinabahan nung makita ko yun. Tanggal yung dalawa nyang mata.
Hindi pala namin sya napansin ni cessa na papalapit na samin.
"Rawwrrr..." Yung zombie, hanggang sa nalagpasan na nya kami.
Tinanggal na ni cessa yung kamay nya sa bibig ko at nagkatitigan kami.
"Kinabahan ako." Sabi ni cessa
"Ako rin." Sabi ko.
(Saglit na katahimikan)
"Ano? Tutuloy pa ba tayo?" Tanong ko.
"Tara na." Sabi ni cessa.
Lumipat ulit kami ng kabilang sasakyan at nag tago.
"Gra..wwrr..!!!" Yung zombie at agad akong hinawakan sa binti. Nasa ilalim sya ng sasakyan.
Hindi ko alam ang gagawin ko at sa sobrang takot ko ay napasigaw na lang ako.
"AAAAAAAAHHHHHHH!" Sigaw ko.
"Shit!" Sabi ni cessa at agad sinipa yung braso nung zombie.
Sinipa ko naman yung ulo ng zombie.
"Rawwrrr!!"
"Grawwrr!!"
"Rawwrrr!!"
Kumpulan ng mga zombie ang patakbo papunta samin.
"Tara na!" Sigaw ni cessa at hinawakan ako sa kamay.
Agad kaming tumakbo papunta dun sa may bakod.
Sabay kaming nakaakyat sa kabilang bakod bago pa dumating ang mga zombie.
"Ayos ka lang?" Pagtatanong ni cessa.
"Oo, tara na." Sabi ko at nag simula na kaming maglakad.
Tahimik kaming naglalakad, liwanag lang ng buwan ang nagbibigay ng liwanag sa amin.
"What if tayo na lang yung taong buhay?" Sabi ko kaya napatingin naman sakin si cessa.
"Kaka-what if mo yan, sigurado akong may mga ilan pa namang nakaligtas." Sabi ni cessa.
"Pumunta kaya tayo sa bahay, baka andun pa sila, baka andun pa si papa, ikaw pumunta rin tayo sa bahay nyo, baka andun pa yung parents mo." Sabi ko.
"Sabi diba ililigtas nila tayo, irerescue, baka na i-rescue na sila, tayo lang yung hindi nila napuntahan, ilang linggo tayong naghintay doon." Sabi ni cessa.
"Wag kang magalala, hahanapin natin sila." Dagdag ni cessa.
Maya maya pa nakarating na kami sa may village. Nagtago muna kami sa likod ng malaking puno.
Walang zombie sa paligid dahil lahat sila ay patay na. Nakahilata sila sa sahig. Ibig sabihin may tao dito.
"Patay yung mga zombie, baka may tao dito." Sabi ko
"Tignan natin." Sabi ni cessa.
Dahan dahan kaming naglakad at agad pumasok sa loob ng isang bahay, laking gulat na lang namin ng biglang isang lalaki yung tinutukan kami ng shot gun.
"T-teka..." Nauutal na sabi ni cessa.
"Sino kayo?" Walang emosyon na tanong ng lalaki.
"Ako si drea, sya si cessa." Sabi ko.
"Pwede mo na ba yang ibaba, hindi naman kami mukhang zombie." Sabi ni cessa.
Bigla namang may sumulpot pa na dalawang lalaki.
"Mga tao?" Pagtatanong ng isang lalaki habang yung kasama nyang lalaki ay nakatahimik lang.
"Mukha ba kaming zombie?" Sarkastikong sabi ni cessa.
"Sorry naman, kuya ibaba mo na yang shot gun, mukha naman silang mabait, by the way may pagkain ba kayo?" Sabi ng lalaki.
"Oh, mag kapatid pala kayo." Sabi ni cessa.
"May pagkain kami at tubig." Sabi ko.
Agad naman akong kumuha at binigyan sila ng pagkain at tubig.
"Ako si kevin, 18 years old, sya si kuya felix, 20 years old, sya naman si kuya zayne, 23 years old." Sabi ni kevin.
"Ang ga-ganda ng names nyo, 19 years old kami parehas ni drea, ako pala si cessa." Sabi ni cessa.
Lumayo naman yung kuya ni kevin na si zayne.
"Pag pasensyahan nyo na si kuya zayne, mabait naman yun, tahimik nga lang, tas masungit pa." Sabi ni kevin.
"Saan pala kayo galing?" Tanong ni felix.
"Sa city, sa convenience store kami nag stay ng ilang weeks, nauubusan na kami ng pagkain dun kaya umalis na kami dun." Sabi ko.
"Oh, buti hindi kayo napahamak." Sabi ni kevin.
"Oo, ang swerte namin." Sabi ni cessa.
"Paano kayo nakapunta dito, alam nyo tong lugar na to?" Tanong ni kevin.
"Ako alam ko, may classmate kasi akong nakatira dito." Sabi ni cessa.
"Ano palang nangyari dito?" Pagtatanong ko.
"Ni rescue nila yung mga tao dito, tapos hindi kami nakasama ni kuya kasi punuan na, inuna rin nila yung mga babae, bata at matatanda na i-rescue, sabi nila babalikan nila kami pero, hindi na sila bumalik." Sabi ni kevin.
"Hindi na rin kami na i-rescue eh, sobrang daming zombie sa city." Sabi ni cessa.
"Sumama kayo samin, kukuha kami ng mga pagkain at mga armas sa city, pati narin mga damit. Sigurado akong pati kayo hindi pa nagpapalit." Sabi ni felix at tumingin sa legs namin.
Agad namang sinuntok ni cessa sa ulo si felix.
"A-aaaraaay ko!" Pasigaw na sabi ni felix at natawa naman ako.
"Okay, sasama kami." Sabi ni cessa.
"Kailan ba?" Tanong ko.
"Bukas." Sabi ni felix at nakahawak sa ulo nya.
"Wala kaming armas panlaban sa zombie." Sabi ko.
"May itak dyan at crowbar, okay na ba yun sa inyo?" Sabi ni kevin.
"Oo, okay na yun." Sabi ni cessa
"Ako na sa itak, subukan mo ulit tumingin sa legs namin at ako ang iitak sayo." Sabi ni cessa kay felix.
"Sorry na nga." Sabi ni felix.
"Mag pahinga na kayo." Sabi ni zayne.
"Yes sir." Sabi ni felix.
Sinamahan nga kami ni kevin sa kwartong tutulugan namin ni cessa.
"Goodnight." Sabi ni kevin.
"Good night." Sabi ko at umalis na nga si kevin.
"Mag ready ka na para bukas, mapapalaban tayo sa mga zombies." Sabi ni cessa.
Nag usap pa kami ni cessa hanggang sa dinalaw na kami ng antok at natulog na.