@International_Pen
@International_Pen
((( Missamy POV's )))
"Jeff…" napailing ako.
"Ayusin mo ang sarili mo!" galit niyang sabi saka tinalikuran na nga ako."
Naiyak na lamang ako.
Ito yung gustong makita ni Jude. Tama bang dapat na di ko pagkatiwalaan si Jude?
"Tignan natin Missamy kung mamahalin ka pa nga niya kapag dinugisan ka na ng ibang lalaki."
((( Jeff POV's )))
Sinalubong ako ng flash na camera. Di lang ako ang nasindak sa larawan na yun. At sa katotohanan na nakita ko. Pati din ang aking ama, na halos gusto makita si Missamy. Ngunit dahil ako na ang Elder ngayon, wala na siyang nagawa pa.
Nanatili si Missamy sa pamamahay ko. At sa loob ng isang linggo iniiwasan ko siyang makita.
Masasama nga ang balitang itinapon sa kanya dahil nga sa larawan. Kahit pagtakpan ko siya, di ko makontrol ng maayos ang taga media.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者