((( Monina POV's )))
"Yung pasyente na sinugod namin!"
Bingo! Ikaw na po kuyang kulot ang nakabingo. Pero si Kuya Gwapo nakatitig lang sa akin. Parang huminga na lang ng malalim na okey lang nga ako.
"Teka?! Sabihin mo nga andito ka para sa kanya?" turo niya sa biktima kong magbibigay ng pera sa akin. Napatango na lamang ako. Kunyaring fans nga ako.
"Actually, uhmm… andito ako para ibigay ang sulat na ito. Saka po, kung pagbibigyan picture niya po."
Ngumiti sa akin biktima ko na ang pangalan nga niya, Justin Sy. Akin ang pera kapag sumang-ayon ka sa akin.
"Pagbigyan mo na pare." Kinuha ko na nga ang camera ko.
"Sure. Sa higpit nga securidad paano ka nakapasok sa lugar na ito? Tiyak nahirapan ka."
Ngumiti ako ngunit...
"Sinasabi ko na nga ba nagkukunwari ka lang na nahimatay kanina." sabi ni Kuya gwapo na nakatingin sa bintana at timatanaw sa malayo. Wala ang isipan sa mundo natin.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者