@International_Pen
((( JEFF ))) Nagulat na lamang ako ng may tumapik sa balikat ko. Si Jean. Nakarating pa ang gagong to dito. "Kamusta ang araw niyo dito?" tanong niya sa akin na may nakakairitang ngiti. " Ah, I'm sorry pinagmamasdan mo pala ang asawa mo.""Tss." Lumayo na ako sa kanya, at tuluyan ko nang hinila si Missamy papunta sa tent namin. How dare na sumulpot si Jean dito. Halatang nakainom, na inawat na ni Shin ng tangkang lalapitan kami nito. Pumasok na kami sa loob ng Tent ni Missamy. "Ano pa ang pinunta ni Jean dito?" mahinang tanong niya dahil tulog na yung dalawang bata. "Matulog ka na." saka aktong lalabas ako, ng pigilan niya ang kamay ko."Saan ka pupunta? Gagawa ka na naman ng gulo, hayaan mo na yun Jeff, nakainom yun panigurado.""Babalik ako." Saka inalis ko na ang kamay niya. Lumapit nga ako sa nag-aalagwang si Jean. "too busy, para malate ka ng dating dito.""Tss." Nakangiti niyang tugon sa akin, at bigla akong dinuro. "Asawa ko dapat si Missamy!" sigaw niya.在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者