( Secretary Lee's POV )
"Sino naman ang di iiyak kung papalayasin ka na wala namang dahilan. Nagkamali lang ako sa mga pinapasok ko. Malay kong marami silang dumating. Alam mo namang kabilin-bilinan ni Master Cedrick na ipriority si Miss Monina kapag may mali ngang nangyari! Ginagawa ko lang ang trabaho ko!"
Napangiti ako. I am wrong. Kita nga sa mga mata nitong totoo ang inilalabas sa labi niya.
"Malay ko ba na ayaw ni Master Cedrick mahawakan ng ibang lalaki si Miss Monina. Seloso masyado!" na siyang ipinagpatuloy nito ang paghuhugas.
Kumuha ako ng isang basong tubig. Napainom na lamang ako.
"Di perpekto si Master Cedrick, Rhoa. Baka nagkamali lang sa assumption niya."
"Assumption? Ako pinaghihinalaan niya?!" ang pagkatao nitong bully lumalabas na naman. Ngumiti na lang din ako.
"Gigil na gigil na ako kay Master Cedrick!"
"Kaya ka naman pinaghihinalaan eh."
"Isa ka pa."
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者