webnovel

YOU STOLE MY HEART (Tagalog/Filipino)

Unang nakita at minahal ni Bianca si Joseph pero sa best friend niyang si Chelsea ito na-inlove. Pero naniniwala si Bianca na all is fair in love and war kaya hindi siya susuko hanggat hindi siya ang minamahal ni Joseph. Hanggang sa dumating ang isang pagka-kataon upang mapasa-kanya ang sinisinta. How far can Bianca will do in order to have the man she love? Even if it means she'll stole his heart.

jjey_el · 现代言情
分數不夠
26 Chs

Chapter 18

Panay ang tingin ko sa gawi ni Joseph habang nag-mamaneho siya pabalik sa bahay ni mommy Mercedes. Gabi kami ng umalis doon at gabi ulit kaming babalik. Kung may damit lang daw sana siya sa apartment ko ay hindi muna kami uuwi. Hindi ko mapigilan ang kuma-kawalang ngiti sa labi ko sa tuwing mai-isip ang nangyari.

Nang muli akong lumingon kay Joseph ay saktong pumaling din ang tingin niya sa akin. Nakangiting pinisil niya ng may pang-gigigil ang pisngi ko.

"What's with that funny look?"

Tanong niya.

"Masaya lang ako." 

Nakangising sagot ko tsaka sumandig sa balikat niya.

"Yeah?"

"Hmn."

Paanong hindi ako sasaya kung ganito siya? Buhat ng magising kami kanina ay ma-aliwalas na ang itsura niya. Parang hindi siya iyong Joseph na kilala ko. Hindi naman sa nagre-reklamo ako pero sana ganito nalang siya lagi. Ganito nalang kami palagi. 

Nang makarating kami sa bahay nila ay nagka-tinginan pa kaming dalawa nang makita namin sa harapan ng mala-mansyon nilang bahay ang mommy niya.

"Sa tingin mo galit ang mommy mo?" 

Tanong ko habang kina-kalas ang seat belt.

"Probably. Since wala ka dito nang dumating ako, she didn't stop her mouth like a freaking machine gun." 

Nai-iling na sabi niya. Napangiti ako dahil doon. He cupped my face and gently sway it left and right. Ilang beses na niya iyong gina-gawa sa akin. Mukhang paborito niyang lamutakin ang mukha ko.

" I know na kayong dalawa ang magka-kampi ni mommy. So stop ganging up on me, now that we *kiss and make up*."

"Depende." 

Natatawa kong inalis ang mga kamay niya at dinama ang init ng palad niya. I loving stared at him that makes his lips twitch, that I found sexy. 

"I love you." 

I blurted out. He smiled and flick the tip of my nose.

"I know." 

He said before reaching my neck and draw me to him for a deep kiss. I melted like an ice cream under the sun and just before I lean closer to respond and ask for more we heard a loud knock outside of his car door.

"Hey mom." 

Bati ni Joseph nang bahagya niyang mabuksan ang drivers seat. Nagpalipat-lipat sa amin ang tingin ni mommy Mercedes tsaka tumaas ang kilay pero ang panunukso ng mga mata niya at ang weird na pagkibot-kibot ng labi niya ang nagsa-sabing hindi naman siya galit. She just like to tease us.

"Stop eating each other's faces and get inside the house."

Nakapamewang niyang sabi sa amin. 

"I see your eyes are shaped like a heart Bianca." 

Tukso ng mommy ni Joseph, bahagya pa akong dinunggol ng balakang niya. Na unang umakyat sa kwarto si Joseph upang makapag-palit ng damit. Medyo malalim na rin ang gabi pero nanatili ako sa sala nang titigan ako ng masama ni mommy Mercedes upang sundan sana ang anak niya.

Lumigwak ang tsaa na ise-serve ko sana sa kanya. Tumawa lang ito tsaka inabot iyon sa akin, ipinatong sa glass table tsaka ako hinila at ini-upo sa tabi niya. Gumalaw-galaw ang kamay niya na para bang nagpa-paypay. 

"Come on hija. I'm all ears. I'm actually surprised na umuwi kayong mag-kasama. And even more when I saw this little sparks around you two."

Natawa ako sa sinabi niya. Para siyang teenager. Inipit ko ang hibla ng buhok kong naka-kalat sa aking mukha. Wala sa sariling napangiti akong muli ng magbalik sa ala-ala ko ang mga sandaling magkasama kami ni Joseph sa apartment ko. Ang pagsinghap ng katabi ko ang nagpa-balik sa akin mula sa pagmu-muni-muni at nang lumingon ako sa kanya ay takip nito ng dalawang kamay ang bibig habang nanla-laki ang mga mata. Dinukwang niya ako kaya halos mahiga ako sa sofa.

"I knew it. I can already foresee..babies, in this almost barren house." 

She dreamily said while she clasp her hands with hers. Kinilig ako sa isipin na iyon. Me with Joseph's babies. 

"Sure ka?" 

Tanong ko ulit kay Joseph habang pina-panood siyang magsuot ng pang-itaas na damit.

"Yeah, why not. You like it there anyway."

Sagot naman niya sa akin. Itinuro niya ako gamit ang hintuturo tsaka sumenyas na lapitan ko siya. Patalon akong bumaba sa kama at lumapit. Hindi ko na hinintay na bumaba ang ulo niya sa akin, bagkus ay ako na ang tumingkayad upang abutin ang labi niya. Sa pangarap ko lang nai-isip na ganito siya sa akin. Pero ngayon ay kusa na siyang lumalapit, kusa na siyang nagpa-payakap, kusa na siyang nagbi-bigay ng oras at pagka-kataon para sa akin. Sa amin.

"Pero wala naman akong alam doon. Nag-assist lang naman ako dati dahil kinailangan mo ng extrang tulong ."

"Mom will be there, and after I settled some meetings I'll be there too. Ngayon ka pa ba nagda-doubt sa sarili mo? Im giving you the job, so stop searching already." 

Hayun na naman ang mga kamay niyang pinang-gigilan ang mukha ko. Nakasimangot na lumayo ako ng ilang hakbang. Pakiramdam ko ay nawala sa tamang lugar ang pisngi ko.

" Come here. "

Utos niya sa akin pero umiling ako.

" I said come here Bianca. "

" No, ilang araw mo nang pinag-di-diskitahan ang mukha ko. It kinda hurts." 

Hinimas-himas ko ang pisngi ko at nagkunwaring masakit iyon ngayong nilamutak na naman niya. Sa halip na maawa at ma-guilty ay tinawanan niya lang ako.

" Why not, it's squishy."

" Squishy ka diyan. "

Patalon akong muling sumampa sa kama nang akma niya akong abutin.

"I'm serious though. Doon ka nalang sa shop."

Nalaman kase ni Joseph na nag-job searching ako nang gamitin ko ang loptop niya. Nag-suggest siya na doon nalang ako sa The Sweet Side magtrabaho. Ang akala ko dati ay iyon na talaga ang negosyo niya, but it turns out na dream business niya lang iyon ever since when he learned how to bake and make pastries. Their family owned a textile company na kasalukuyang nasa pamumuno ni mommy Mercedes mula ng yumao ang daddy niya. So apart from his pastry business tinu-tulungan din niya ang mommy niya sa family business nila. 

"Naku mabuti naman at nakumbinsi mo si Sir Joseph  na dito ka magtrabaho." 

Lumapit sa akin ang isa sa mga stuff ni Joseph sa shop. Lorraine, iyon ang pangalan niya ng basahin ko ang nameplate sa apron niya.

"Ibinilin niya na darating ka daw today, i-train ka daw namin sa lahat ng gawain dito, pwera sa baking syempre." 

Tumatawa nitong sabi. 

"Bakit hindi na lang din niya kunin yung girlfriend niya, since mag-kaibigan naman kayo."

Nahinto ako sa pag-lalagay ng cake sa display case sa sinabi ni Lorraine. Umahon ang kaba sa dibdib ko pero ngumiti ako at muling itinuloy ang ginagawa ko. 

"Si Chelsea?"

"Oo, eh iyon lang naman ang gf niya hindi ba? Galing dito iyon minsan, hina-hanap si Sir Joseph. Alam mo tingin ko, nagka-kalabuan na silang dalawa." 

Tsismis pa niya sa akin.

"Oh? Bakit mo naman nasabi?" 

Tanong ko, pero nagsi-simula na akong kutuban. Ilang araw na din naman mula nang mangyari ang insidenteng naganap sa hospital. Napanatag ang loob ko dahil hindi naman naba-banggit ni Joseph si Chelsea o iniiwasan lang niyang banggitin?

" Tsaka alam mo Bianca, tingin ko din ini-iwasan na ni Sir Joseph iyang kaibigan mo. Hindi na kase siya halos nagpu-punta dito. Madalas si ma'am Mercedes ang bumibisita dito sa shop." 

Natigil lang sa pag-daldal si Lorraine ng sitahin ito ng manager ni Joseph. Ngayon ko lang din iyon nakita, marahil ay bagong hire niya dahil hindi niya masyadong napupuntahan ang shop. Ngumiti iyon sa akin na para bang humihingi ng pasensya sa kadaldalan ng staff niya.

Lumipas ang oras pero hindi ko napansin dahil na rin sa naging tutok ako sa shop . Hindi ko din mabilang kung ilang beses akong naka-kain ng cake dahil sa pattesier ni Joseph na luma-labas pa buhat sa baking area para sa akin mismo  pa-taste test ang ginagawa nila bagay na ikina-pag-tataka ng mga staffs doon.

Hindi dumating si mommy Mercedes o kahit na si Joseph nang dumating ang oras para sa closing ng shop. Nang silipin ko naman ang cellphone ko ay wala din iyong mensahe o tawag mula sa kanya. Nagulat pa ako ng lapitan ako ng manager at sabihing may naghi-hintay nang taxi sa akin sa labas para makauwi na ako. Sinubukan ko munang tawagan si Joseph pero ring lang ng ring ang phone niya. Sa huli ay napag desisyunan kong umuwi na rin.

Dumiretso na ako patungong kalsada kung saan naka-stand by ang taxi na naghi-hintay sa akin. Sumenyas ang driver na iikot siya upang hindi ko na siya lapitan pero dahil hindi naman iyon ganoon kalayo ay umiling ako at ako na ang lumapit sa kina-roroonan niya. 

Malapit na ako sa taxi, halos ilang dipa nalang nang mag-ring naman ang cellphone ko. Sa pag-aakalang si Joseph iyon ay agad ko iyong inilabas sa sling bag na dala ko para lang magtaka nang unregistered number ang nasa caller ID.

Sasagutin ko na sana nang mula naman sa harap ko ay sumalubong ang nakasisilaw na headlight mula sa paparating na sasakyan, pero nanigas ako sa kinatatayuan ko ng mapansin kong wala sa tamang linya ang halos ruma-ragasang kotse at nasi-siguro kong matutumbok ako at ang taxi kapag hindi niyon kinabig ang manibela pakanan.

*Oh God move, kumilos ka *

Pilit na sinasabi ng utak ko sa katawan kong nagmistulang estatwa. Hindi ko maigalaw kahit na ang kamay kong hawak pa ang cell phone ko malapit sa aking tenga.

Mariin kong naipikit ang aking mga mata ng halos mabingi ako sa langitngit ng gulong at ang pagtama ng metal sa kapwa metal. Tumilapon ang katawan ko sa sementadong kalsada at akala ko ay katapusan ko na.

"Ma'am, okay ka lang po Ma'am?"

Ang inaasahan kong sakit ng katawan o hindi naman kaya ay patay na ako at kaluluwa nalang ako? Humiwalay ang espirito ko sa katawang lupa ko at ngayon ay pina-panuod ko nalang ang sarili ko?

"Ma'am?" 

Muling tawag pansin sa akin. Lumingon-lingon ako sa paligid. Hindi pa rin ma-proseso ng utak ko ang reyalidad sa kung ano ang nangyari o kung nangyari ba talaga iyon. Pero nang ma focus ang mga mata ko sa driver ng taxi at makita ang galos sa ilang bahagi ng katawan niya ay nanlamig ako sa takot lalo na ng mapaling ang ulo ko sa mismong taxi. Yupi ang gilid na bahagi niyon, basag ang salamin sa kaliwang pintuan, umahon at halos tumagilid iyon sa pagka-kasampa sa gutter. Pero ang kotse na halos pumatay sa aming dalawa ay wala sa paligid. Tanging mga miron na abala sa pagkuha ng picture ang naroroon.

Nuon ko lang napansin na mula sa kina-tatayuan ko kanina ay may ilang metro ang kinasadlakan ko. Nang tangkain kong tumayo ay napa-ngiwi ako sa sakit ng katawan at hapdi sa ilang bahagi ng katawan ko.

"Pasensya ka na ma'am, mukhang na-blanko ka kase kanina kaya wala akong nagawa kundi dambahin ka, kung hindi ay baka sa hospital o mas malala ay morgue ang kina-hinatnan natin." 

Paliwanag niya.

"Salamat po manong." 

Mangiyak-ngiyak kong sabi. Mabuti nalang at mabilis ang reflex ng taxi driver,  dahil sa itsura palang ng taxi niya at ang guhit ng gulong mula sa kotseng tumagis doon ay hindi biro.