webnovel

Cornered in the Owl's Room [ END ]

HINDI PA RIN tumigil ang binata sa pagtitipa at sa mabilis nitong mga matang nagpapalipat lipat sa laptop at sa monitor. "Sige lang. Hindi ko lang maipapangako na maririnig ko lahat kasi busy talaga. It's your choice if you still want to talk to me," sagot nito makalipas ang isang minuto na parang saglit pa nitong pinagisipan kung seryoso ba siya sa sinasabi niya.

Tumango naman siya dahil at least makikinig pa rin ito. "Well, first things first," panimula niya. "Gusto kong mag-sorry sa'yo. Ginawa ko ang pinaka-worse na cliche sa mga romance na nabasa ko at iyon ang masaktan sa isang bagay na noon mo lang naman ginawa.

"I pushed you away without meaning to... Iba ang pagkabasa ko sa ginawa mong pag-alis ng dalawang araw. Well, I mean, pwede kong i-defend ang sarili ko kung bakit ko naramdaman kung ano man ang naramdaman ko noon pero..." Huminga siya nang malalim at binuksan niya pa ang kape na binili niya para rito. Uminom siya at kahit mapait ay linunok niya lang. "Ewan ang tanga ko pala kasi naman e... ang assuming ko na wala ka namang gusto sa akin, na nakikisama ka lang ganoon. I mean, haller, bakit ka magkakagusto sa akin?" Itinuro niya pa ang sarili. "Na-insecure ako agad sa simpleng sinabi ni Greta tapos kahit nagpaparamdam ka na d-in-ismiss ko lang kasi nga ewan."

Tinapunan niya ito ng tingin at hindi pa rin ito nakatingin sa kanya. Napailing na lang siya.

At least, naririnig pa rin naman nito ang madramang litanya niya. "So, ayun, I'm really sorry, Ansel. I went ahead of myself and that's not cool. Dapat ang una kong kinompronta sa bagay na iyon ay ikaw. Hindi 'yung inunahan kita. Sorry ulit, okay?" Nakangiting tinignan niya ito.

Deadma pa rin ang binata at naka-focus lang ito sa ginagawa. Nag-iwas siya ng tingin at nagpatuloy muli, "At... ang ewan mo. Bakit ka mag-iiwan ng confession kung aalis ka naman pala at magmumukmok lang dito? Dapat kung gusto mo talagang mag-cut ties ay umalis ka lang. 'Yung malinis na pagalis. Para na namang yung love letter scene ito e, 'yung nagpunit ka ng love letter na dalawang piraso lang? Ikaw naman, ayusin mo naman kahit konti. Ganyan ka ba ma-inlove? Nasasaltikan ka sa utak?"

Napapailing lang siya at tinapunan muli ito ng tingin. Mukha namang namula ito at dahil maputi ay napansin niya iyon. Napangiti naman siya at nakikinig naman pala sa kanya ang binata. "Hindi mo ba ako tatanungin kung ano ang nararamdaman ko para sa'yo?"

Matamang tinitigan niya ito at hindi naman ito sumagot. Wala na ang mini-blush sa mukha nito at wala na rin ang emosyon. Pinaningkitan niya ito ng mata at hindi rin siya nagsalita. Nagsimula siyang magbilang, pabaliktad mula sa sampo.

Nang wala pa rin itong sinabi ay huminga siya nang malalim. "Mahal din kita. Obvious ba? Hindi naman siguro kita iiyakan kung hindi, di'ba?" Sarkastikong litanya niya bago napapailing na tumayo.

Mukhang busy talaga ito atsaka nasabi niya naman na lahat ng gusto niyang sabihin. Kung mas uunahin pa rin nito ang trabaho nito ay wala na sa kanya iyon. Kung mas importanteng matapos ni Ansel iyon ay aalis na lang siya. Saka na lang siguro siya babalik. Tutal, mas magaan naman na ang pakiramdam niya. "Ayun lang, sige aalis na ako. You look busy," tumayo na siya at nagsimulang maglakad.

"That's a load of bullshit, Caz," narinig niya namang usal nito na nagpatigil sa kanya. Nagpanting naman ang kanyang mga tenga at agad niyang hinarap ito.

"Hoy, hindi ako marunong magsinu..." Umurong ang kanyang dila dahil nasa harap na niya ito. He looked genuinely pissed at kinabahan naman siya kaya nagsimula siyang umatras ngunit sumunod naman ito. Umatras siya ng umatras hanggang sa hindi na siya makaatras dahil nasa pader na siya. Tumigil naman ito nang na-corner na siya at basta ipinatong ang dalawang kamay nito malapit sa kanyang mga tenga.

Korner na korner na siya at mas lalo siyang kinabahan. Malakas na rin ang kabog ng kanyang dibdib. "G-Galit ka ba?" Wala sa sariling tanong niya dahil mas nakakatakot naman na tahimik ito.

"Hmm, what do you think?" Pagbabalik tanong naman nito at napalunok na lang siya.

"L-Look, I'm sorry,"agad niyang sabi at itinaas niya pa ang mga kamay para tanda ng pagsuko. "Pasensya na. I better go..."

Ngunit iba naman ang sagot nito, basta basta lang nitong inilapit ang mukha sa kanya. At dahil kinakabahan siya ay tinakpan niya agad ang bunganga nito tulad ng pagtakip nito sa kanya noon bago pa ito mas makalapit.

"Di ako prepared... wait lang," mabilis niyang wika at gamit ng isa niya pang kamay ay kumuha siya ng lipstick mula sa kanyang bag at in-apply iyon sa kanyang mga labi.

Saglit niya itong tinapunan ng tingin at mukha namang na-amuse ito sa ginagawa niya. Ngumiti lang naman siya rito at tinapos ang pag-li-lipstick bago niya tinanggal ang kamay sa bibig nito. "Ayan, pwede na."

Napapailing na mas lumapit naman ulit ito pero bago na naman ito makalapit ay tinakpan na naman niya ang bunganga nito. "Wait..."

"Yes, Caz?" Nahihimigan na niya ang tuwa sa boses nito at nagsimula namang bumilis ang tibok ng puso niya. Idinaan na lang niya sa tawa ang sariling nerbyos. It was her first kiss, after all.

"I'm talking too much, am I?"

"Obviously."

Ngumiti siya at tinanggal na niya ang pagtakip sa bunganga nito. Pero hindi niya ito hinayaang lumapit ulit. Ipinatong na lang niya ang kanyang ulo sa balikat nito. "You're such a gentleman..."

"Yeah."

"Galit ka pa rin ba sa akin?"

"Pa-cute lang ako. Natakot ka ba?"

"Yeah."

"Sorry. I just... I just can't let you walk out. Nakakapagod ding magtrabaho ng tatlong araw at nakakabagot mag-isa rito. And after you confessed to me?"

"Buti 'di ka pa nabaliw."

"Malapit na. Buti nagpakita ka."

"I missed you. Wala akong nagisingang gwapo ng tatlong araw."

"Ikaw ah, mukha ko lang pala ang gusto mo."

"Bakit nagtataka ka pa?"

"Caz..."

"Nakakainis ka."

"Ikaw rin."

Ipinulupot na niya ang mga braso sa baywang nito at hindi naman ito nag-atubiling ibalik ang yakap niya. His heart is beating fast as well. "Mahal na talaga kita, paano ba 'yan?"

"Tinatanggi ko ba?" natutuwang tanong naman nito. "Dati lang 'yon, Caz. Mangangagat na ako ngayon."

"Grabe ka."

Itinaas na niya ang mukha rito at malawak na ang ngiti nito. Mas may buhay na rin ang inaantok nitong mga mata. He looks better when he's looking at her like she's the most important thing in his world. Masuyo niyang pinisil ang baba nito. "Alam mo ang daldal natin."

"Sabi mo pa," he smiles lightly then leans down to kiss her. Hindi na niya pinigilan ito. And she is more than happy to receive his kiss.

Hindi man nito sinabi sa kanya ng personal na mahal rin siya nito ay bumawi naman ito dahil nararamdaman na niya iyon sa halik nito. His kiss is full of longing and gentle. Parang alam rin nito na first kiss niya iyon dahil hindi ito nagtangkang biglain siya. Napayakap lang naman siya rito nang mahigpit.

Siguro kung makita niya man ang dati niyang sarili ay hindi siguro ito makakapaniwala kung sino ang kasama niya ngayon. Siya naman ay papasalamatan niya pa ito at sinulat nito ang love letter na kahit hindi niya planong ibigay ay dumating pa rin sa binata. Dahil kung hindi nangyari iyon ay hindi niya makikilala nang maayos ang binata ngayon at hindi siya ma-i-inlove rito nang mas malalim at mas tunay pa kaysa sa apat na taong nakalipas.

===

Dear Ansel,

Um, hello, Ansel. Ansel. Yeah, Ansel.

It's so weird saying your name kahit dito pa sa papel. Wala lang ang cool mo kasi, yung feeling na kapag sinabi ko ang pangalan mo dapat may special permission ako sa kung sino. But oh well, not like you'd ever get the chance to read this anyway.

Sooo. Ansel. (Paulit ulit ba, lol.) Ano. I like you. Crush kita, okay na? Hayyy.

Andali-daling sabihin sa papel pero ang hirap hirap sabihin sa personal. Andami ko nang pasimpleng pagpapansin pero parang wala namang effect sa'yo. Kung meron man ay salamat naman at 'di mo ako kinoconfront tungkol doon dahil baka himatayin ako.

So, yun, thanks for letting me admire you from a distance. Hindi ako tutulad sa mga fansclub mo, promise. Dito lang talaga ako, pa-cute lang ng konti. I mean, of course, gusto ko ring maging tayo kung posible pero alam ko namang 'di possible, e. Ang layo mo kaya, like kung pagtatabihin tayo baka isipin pa nila yaya mo ako.

Pero, yes, Ansel, you would never read this anyway. Kaya dito na lang ako magsasalita. Mas madami pa nga ata akong masasabi dito kaysa kung magkaharap tayo. Because you know, baby, (gosh, baby daw), lagi akong parang ano kung nasa harap mo ako. Kaya dito na lang, kunwari mas matino.

Ayun wala lang, happy valentines, crush. Been crushing on you for two years. Tibay, di'ba? Sabi nga nila. Iba raw ang nagagawa sa tao kung in love siya. In love ako, sa'yo, ayee. Ang gulo ng letter na ito, ang saya talaga na hindi mo mababasa.

So, ano nga ba? Bakit kita naging crush for two years? Bakit hindi since first year tayo at doon naman kita unang nakilala? Ganto kasi 'yan, e. Allergic ako sa mga taong gwapo pero barumbado sa pag-uugali. I mean, you gotta admit that you're intimidating, overconfident, and basta 'di ko ma-reach.

Tapos andami-daming babae ang nagkakandarapa sa'yo na kulang na lang magsabunutan sila sa hallway once na parehas silang bumati. Ang galing, di'ba? So, paano mo na-transform ang medyo hater mo to someone who loves you (feel ko may kantang ganto, yee).

Paano nga ba? Ano... Ang simple actually. Tinuruan mo lang ako ng Analytic Geometry. Maalala ko pa iyon at kung 'di mo na maalala, ikwekwento ko sa'yo. May group work si Greta noon sa additional subject na inenrolan niya kaya nung ako lang nakita mo non, busangot agad ang mukha mo. Hindi ka naman umalis, though.

Basta iniwan mo lang ang bag mo at bumili ka ng pagkain. Shookt ako kasi ang akala ko ipapahanap mo pa sa akin si Greta or basta ka lang mag-wa-walkout pero hindi, andyan ka. Tapos bumalik ka pa and without saying anything binigyan mo ako ng pastillas. 'Di ko gets kung bakit pero paborito ko iyon, ewan ko nga kung super observant ka lang na pati ganoon na kaliit na detail alam mo.

Sinubukan kong magtanong sa'yo kung bakit mo ako binigyan pero ikaw na mismo ang nagsalita, sabi mo bayad sa intrusion at baka 'di ako komportable sa'yo. Aba, ewan ko, nagulat lang ako. Akala ko may sasabihin kang snarky or sarcastic pero hindi. Kaya sinabi ko na lang na okay lang at dahil kanina pa ako tapos kumain, ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa assignment namin sa A. Geom.

Hindi ko talaga maintindihan iyon, e. Paulit ulit ding dinidiscuss sa akin ni Greta, pero alam mo naman siya, ang gulo niya mag-explain. Minsan akala ko gets ko na, tapos pagkatapos, hindi pa pala. Kaya minsan, give up na siya tapos ibibigay na lang niya sa akin yung sa kanya, kopyahin ko na lang raw.

Huwag mo akong i-judge ah, sinusubukan ko namang i-gets so sabihin na natin after kong kopyahin ay sisikapin ko namang intindihin kung papaano sinolve ni Greta. Nag-aaral rin ako, okay?

Anyways, so ayun, na-stre-stress ako kung papaano hanapin ang mga kailangan hanapin at sinusubukan kong i-solve ang mga bagay sa paraan na alam ko pero hindi ko magawa. Naramdaman mo siguro ang stress ko at nawindang ka na rin kasi madali lang naman pero nahihirapan ako kaya ayun, bigla ka na namang nagsalita.

Nagulat ako tapos titignan na sana kita pero epic sabi mo, "Eyes on the paper, Caz."

Caz, ang ewan na nickname na binigay mo sa akin na 'di ko magets kung saan mo napulot kasi parang Taz. Ano ba yan? Ang gulo ko magkwento.

So, ayun, masunurin ako kaya eyes on the paper. Tapos gamit ang bolpen at ang daliri mo, itinuro mo sa akin kung papaano ko dapat i-solve yung problem. Natatawa ako sa sarili ko kasi andali lang pala talaga. Tapos ang galing mong mag-explain kasi lahat ng mga concepts na inaabot kami ng isang oras kung si Greta ang mag-e-explain ay nagagawa mo lang i-explain in twenty minutes.

Tapos sa tuwa ko nang ma-gets ko, itinaas ko ang ulo ko at yayakapin sana kita pero natameme lang ako. Oo, alam kong gwapo ka, pero sa ganda kasi nang pagkalapit mo doon ko lang na-feel na totoo. Like you've been with Greta and I for a year at ngayon ko lang napansin. Ewan ko sa'yo kung bakit hindi ka nag-iwas ng tingin. Tumititig ka rin sa akin kaya di ko alam kung mauuna ba akong mag-iwas ng tingin o hindi.

Pero sa huli, ako na ang nauna, at dahil mukhang willing ka namang magturo, tinanong naman kita sa ibang concepts na di ko pa naintindihan. At bored ka siguro o wala kang magawa kasi tinuruan mo naman ako. Ayun, doon nagbago ang paningin ko sa'yo. Hindi ka pala ano lang pogi at mahangin. May side ka palang may paki sa iba.

Wala lang. Akala ko kasi wala considering na andami-dami mong babaeng pinaiyak sa isang year pa lang natin sa College. So ayun, na-curious ako sa'yo. Trinatry kitang i-stalk at napansin kong ang lonely mo nga kung hindi mo kami kasama ni Greta. May isa ka lang atang friend pero hindi rin kayo kapit tuko. Tapos lagi ka ring umiiwas sa matataong lugar.

Nung una hindi ko na-gets kung bakit, like you seem like the type that would have so many friends or the type who would have so many girls even. Until, na-gets ko kung bakit. Nakita kita sa canteen niyo isang araw. Wala ka atang choice kaya ka andoon tapos andaming mga babae. Lahat na ata ng babae na malapit sa table niyo andoon. May katabi ka namang dalawang lalaki, yung isa friend mo, yung isa ewan ko kasi ngayon ko lang naman nakita. But I didn't have to tell you what happened, naawa lang ako sa'yo.

The girls kept shotting you down when you tried to say something You know that they don't really care about you or even on what you say or even on what interests you. They just wanted to be with you kasi masyado kang blessed sa kagwapuhan. Gosh, nakakadugo ng ilong, mag-English pero joke lang, it's fine, kunwari genius. So ayun, iyan ang rason kung bakit ka laging nakikisabay sa amin sa lunch. Greta understands you. Wala akong crush sa'yo. Kaya naging safe haven mo kami kumbaga becuase you're with persons who actually listen to you.

Pero wag mo sana mamasamain kung nang lumaon naging crush na rin kita. Sige sabihin na nating gwapo ka, pero hindi lang kasi iyon ang rason. And yes some of your actions are romanticized pagdating sa akin pero hindi naman siguro masamang magpantasya kasi crush kita, di'ba? But I know you can be horrible at times lalo na sa mga nagkaka-crush sa iyo. Pero naiintindihan kita, Ansel. You were just protecting yourself. Kasi intense talaga ang fangirls mo at syempre kailangan mo sungitan lahat ng mga babaeng lalapit sa'yo.

Pero alam mo, andali lang naman kasing solusyonan ang problema mo, e. You can just find the prettiest or the smartest and date that person. But you don't, kasi alam mong hindi magiging safe ang magiging girlfriend mo sa mga kamay ng fansclub mo. And because you're taking this stuff seriously. Alam ko rin na hindi rin maganda sa pakiramdam ang ginagawa mo.

Of course, you wanted to be nice or even friendly, pero dahil hindi pwede, ganyan ka lang. But I don't think you're a bad person, Ansel. I can tell that you think that you are at dahil walang nakikinig, hinahayaan mo lang sila or napagod ka lang talaga kaka-deal sa kanila at some point.

Pero hindi ka masamang tao, you cared until they didn't give you anything to care about anymore. So you stick to the only one who does, si Greta. Syempre kung ako rin sana pinapansin mo maikinig naman ako sa iyo. Pero ayun na nga, isa pa rin aking additional face sa ibang faces pero gets ko, okay lang.

Just... Let me still see you, okay? While you might feel like a bad person for everything, natutulungan mo ako kahit hindi mo napapansin.

You're an inspiration to me and you make me aspire for something better all the time. Nakakatulong ka rin sa confidence ko. So, ayun lang, baby Ansel. I love you, okay? Minamahal kita kahit lagi mong pinapalabas na barumbado ka. Hinay hinay lang kasi minsan din. And ano, if ever, sana kausapin mo rin ako kung may problema ka.

Crush kita, yep, pero okay lang sa akin na maging friend mo. Kahit nga hanggang doon lang, ayos na. Anyways, iyon lamang. Andami ko na palang sinulat baka mamaya kung binasa mo talaga (sana hindi), ma-bore ka pa sa gitna at di mo pa tapusin. Kaya hanggang dito na lang. Stay safe. May tiwala naman ako na sa bahay niyo wala kang problema. At sana nakakapag-open up ka sa friend mo. Iyon lang, love you, Ansel.

Sincerely yours (yours nga ba?),

Cassidy

P.S. or Caz, cos you love calling me Caz. Ako kaya? Anong pwedeng pet name? Hmm, wag na. Baby na lang para kunwari cute. Anyways, last na talaga, Happy Valentines Day, baby Ansel.

WAKAS

Thank you so much for reading. After this week or on Friday, I will be posting a new story that you can also read in Wattpad, Booklat, or Sweek. Anyways, that's all. Thanks ulit uwu

pinutbutterjelli_creators' thoughts