webnovel

Witch Fate (Tagalog)

Ang hinirang na mangkukulam ay may misyong patayin ang hari ng mga demonyo na tinatawag na "jakan" para maibalik ang kapayapaan sa mundo. Ngunit para makamit ang pinaka malakas na kapangyarihan ay kaylangan mahanap ng mangkukulam ang tatlong mga babaylan na siyang may hawak sa tatlong mga sinumpang kagamitan na tinawag na "takda". Ngunit sakabilang banda ay may mga dagdag na kalaban sa paglalakbay ng mangkukulam. Ang mga sagabal na ito ay ang pitong prinsipe ng impyerno at mas kilala bilang mga Cardinal sin Sila ang maituturing na naghahari sa impyerno bago mabihag ng jakan. Misyon nang hinirang na mangkukulam na patayin ang jakan at ibalik ang kaayusan sa mundo at mapanatili ang kapayapaan nito.

namme · 奇幻
分數不夠
11 Chs

KAWALAN NG MALAY

Hapon na noon at maagang pumunta si jess sa bukana ng bayan para antayin si Ra ela. Ilang minuto pa ay dumating na si ra ela.

"Seryoso kaba sa ginagawa mong ito hinirang?" bungad na tanong ni Ra ela.

Hindi sumagot si jess sa puntong ito.

"Jess kong ako ang tatanungin mo ay sa nakikita ko ay sa kahit anong paraan o sa kahit anong chakra na alam mo ay wala kang pag asang manalo kay ra ela." sambit ni koro, na halatang kinukumbinsi pa si jess na huwag nang I tuloy ang planong laban.

"alam ko pero lahat ay gagawaan ko ng paraan makuha lang ang katapatan ng mga babaylan iyan." matapang na sagot ni jess.

"Hindi naman ako magagawang patayin ng babaylan hindi ba!" dagdag pa ni jess.

"Oo hindi nga pero ang iniisip ko ay ang mga sinabi mo kagabi bilang pusta ng laban na ito, Alam kong alam mo na hindi ka mananalo sakanya pero bakit ka pumusta ng ganoon bagay kong saan binibigyan mo sya ng kalayaan sa pagiging babaylan." wika ni koro.

"Kaylangan kong sabihin iyon upang may mapatunayan sakanya, at isa pa nasa sakanya na iyon kong talagang gusto nyang mabuhay nang hindi ginagawa ang misyon nya bilang babaylan" sagot naman ni Jess.

"Mabuti pa at wag mo nalamang ito ituloy base sa nakikita ko ay marami nang karanasan si ra ela pag dating sa laban alam na alam ko ito dahil ang takda nito ay si netro.

Kilala kong lubos si netro lahat ng nagiging babaylan nya ay sinasanay nya mula pagkabata sadyang nagtatawag ng halimaw si netro para labanan ng babayalan nya,

Lahat gagawin ni netro para lang maslumakas ang babaylan nya kesa sa hinirang" babalang sambit ni koro.

"Alam kong sa kalagayan natin ngayon ikaw jess at si ra ela ay plano talaga ni netro, ganto talaga ang gustong mangyare ni netro" dagdag pa ni koro.

Matapos magsalita ni koro ay walang ka ano-anoy tinawag na ni jess si sese sabay banggit na.

"Hindi ko babaguhin ang desisyon ko at isa pa ako ang naghamon kaya walang dahilan para umatras" matapang na sambit ni jess.

"Ngayon sese ay ipakita mo sa akin ang sinasabi mong bago mong kakayahan" Sigaw ni jess kay sese kasabay ang pag porma nito slna tilay handa nang umpisahan ang laban.

Nangmakita naman ni ra ela na inilabas na ni jess si sese ay agad naman itong naghanda sabay sabi nito na

"Hinirang! Kahit papano ay may respeto parin ako sa iyo bilang babaylan mo kaya naman hindi ko gagamitin ang takda ko sa laban natin at gagamit lang ako ng chakrang alam ko" pagmamataas na sambit ni Ra ela.

"Hindi mo ako nirerespeto sa mga sinabi mong iyan kundi minamaliit mo lang ako" sagot ni jess.

"Kong ganoon ang dating sa iyo ay wala akong magagawa pero para sa akin ay sa ganoong bagay kita hindi mapupuruhan ng masama" sambit ni Ra ela sabay porma ng pag atakeng gagawin.

Agad nang ipinagalaw ni jess si sese kasabay nito ang pag kilos rin ni ra ela. Habang pasugod si sese ay inilabas nito ang sandata na nakuha kay sallos ang malasibat na may mahabang talim.

Sa puntong ito ay nagsasabayan sa malapitang laban si ra ela at sese kasunod nito ang pag sali at pag tulong ni jess kay sese pero tila kahit mag tulong si sese at jess ay tila sanay na si ra ela sa ganoong galawan dahilan para magawa nitong makipag sabayan sakanila.

Nang makahanap naman ng pagkakataon si ra ela sa pag sipa ni jess ay agad nitong hinawakan ang paa at agad na ibinalibag si jess, sa ginawang iyon ay napaatras naman si sese.

Tila ikinagulat naman ni jess ang taglay na lakas ni ra ela kaya naman gumagamit si jess ng utakora para sana sa susunod nitong pag atake pero tila napaisip si jess nang makita ang kulay ng chakra na bumabalot kay ra ela.

Ang mala kulay kahel na chakra ay bago sa patingin ni jess dahil base sa alam ni jess ang kulay ng utakora ay kulay lila samantalang ang oramata naman ay kulay asul, at berde naman ang sa pusora.

Habang laman ng isipan ni jess ang pag iisip sa chakra ni ra ela ay bigla namang umatake si sese kay ra ela.

Sa pag atake ni sese ay agad na nakaiwas si ra ela at lumayo sa kinaroroonan nila. Matapos naman makalayo ni ra ela kay sese at dahil si jess naman ang malapit kay sese ay si jess naman ang inatake ni sese.

Nakaiwas naman si jess pero kita ang gulat sa itsura nito. Samantala halata naman kay sese na hindi alam ang ginagawa dahil matapos umataki kay jess ay nag tanong pa ito na

"Ayos kalang ba jess?" pagtatakang tanong ni Sese.

Gulat na nakatitig naman si jess dito. Lumayo si jess kay sese dahil akala nito ay kinontrol ito ni ra ela. Kaya agad na tanong ni jess kay koro na

"koro may alam kaba sa nangyayare?" pagtatakang tanong ni jess kay koro.

"Hindi ako sigurado jess! Sa nakikita ko ay sacoral ang chakrang gamit ni ra ela kaya naman nasa ilalim parin ng oramata mo si Sese" matapat na sagot ni koro.

"Sya nga pala jess sa ikinilos ni sese ay hindi kopa nabanggit sa iyo na minsan ay nag iiba na ang kinikilos nito, pansin ko iyon noong kaming dalawa ang magkasama kahapon para mag ipon ng bangkay.

Tila nawawala minsan sa katinuan si sese sa tingin ko ay may ipekto na sakanya ang mga inilagay mong spirito ng mga demonyo" dagdag na sumbong ni koro kay jess.

Pero sa mga sinabing iyon ni koro ay tila hindi manlang nag alala si jess at mas inisip nito na matalo si ra ela.

"hindi ko na muna iintindihin iyan" mabilis na sagot ni jess.

Matapos banggitin iyon ay agad nitong kinontrol si sese at gamit ang utakora inutusan nito si sese na gamitin ang mga itinatagong bagong kapangyarihan.

Dahil sa sinabi ni koro na tila nawawala sa katinuan si sese ay nag pasya si jess na sumanid nalang kay sese gamit ang utakora katulad ng ginawa nila noon sa laban nila kay sallos.

Sa loob ng katawan ni sese ay dama ni jess ang bigat sa loob nito at tila hirap sa pag kontrol.

Agad naman nang umatake si sese dito sinabayan ni ra ela ito. Sa pag lalaban ng dalawa ay inilabas ni sese ang isang pakpak at sa kaliwang kamay nito ang isang bolang crystal.

Nalilito naman si koro kong si jess ba ang komokontrol o gumagamit kay sese o si sese lang ito.

Pero ang totoo ay hindi si jess ang gumagamit sa katawan ni sese kahit pa naka sanib sya dito at hindi alam ni jess na nakikipag laban na si sese sa mga oras na iyon.

Si jess ang binabalot ng bigat na nadarama sa loob ni sese.

Samantala sa pag kakaalam ni koro ay si jess na itong nakikipag laban.

Hindi naman agad na napansin ni koro na tila si sese na ang lamang sa laban. Tila nakakailang sunod na tama itong si sese at sya namang hindi mabawian ni ra ela.

Dito nasabi ni koro na kong hindi gagamit ng kapangyarihan ni netro si ra ela ay tuluyan syang matatalo ni sese.

Tanda ni koro na tanging sacoral chakra lang ang ginagamit nito ni ra ela kita naman sa lakas nya nang ibalandra nito si jess at kita rin sa liksi na ipinamamalas nito. Pero tila baliwala ang mga abilidad na ito ni ra ela sa nag init sa laban na si sese.

Ikinatataka ni koro kong paanong nasasabayan ng maagi ni sese itong si ra ela at sa pag mamasid ni koro ay dito nya napansin ang bolang crystal na hawak ni sese nakikita ni koro na tila doon nababasa ni sese ang gagawin ni ra ela, nakikita na ni sese ang mga sunod na gagawin ni ra ela hanggang sa naalala ni koro ang kakayahan ni ipos ngayon naiintindihan na ni koro na ang bolang crystal na iyon ay hango sa kapangyarihan ni ipos. Ngunit hindi pa nalalaman ni koro ang gamit ng pakpak ni sese dahil bukod sa hindi nya alam kong kanino sa mga demonyong iyon ang pakpak ay hindi pa kasi ito ginagamit ni sese.

Parehong may pakpak si malphas at Machocias kaya naman hindi alam ni koro kong kanino ang ginagamit na iyon ni sese.

Samantala natigil naman sa pag iisip si koro nang tumigil mag laban si sese at ra ela tila lubusang napuruhan ng husto itong si ra ela, tila handa nang kainin ang sinabing hindi nito gagamitin ang takda.

Samantala kita sa itsura ni Ra ela at kinikilos nito na para ba itong na aakit kay sese at pilit lamang pinipigilan ang sarili.

Napansin naman agad ni koro ang hawak sa kanang kamay ni sese na isang bulaklak na tila may nakapulupot na ahas.

Nang makita ang ahas ay naalala nito ang pambabang ahas ni lamia.

Dito na naisip ni koro na isa isa nang ginagamit ni sese ang mga kakayahang nakukuha nya sa mga demonyo.

Maging sa mga oras na iyon ay hindi alam ni koro kong sa paanong paraan iyon na gagawa ni Sese, ang gamitin ang kapangyarihan ng mga spirito sa loob nya.

Samantala bago naman tuluyang mahulog sa pang aakit itong si ra ela ay gumamit na ito ng taboo kong saan mapapalayo nya si Sese.

Nag labas ng taboo si ra ela at agad itong sumabog.

Napatalon paatras si Sese sa ginawang iyon ni ra ela samantala makapal na alikabok naman ang bumalot sa paligid dahil sa pag sabog.

Matapos mawala ang alikabok ay dito na nila nakita si ra ela na hawak ang bukas na libro na si netro.

Dito mukhang binaliwala na nito ang sinabing hindi gagamit ng takda.

Sa puntong iyon gumamit muli ng taboo si ra ela ngunit hindi na para kay sese kundi para na sa walang malay na katawan ni jess.

Hindi naman na nag alala si koro dito dahil alam nyang si sese ang bahala sakanila pero mukhang mali ang inaakalang iyon ni koro.

Dito tumira si ra ela galing sa taboo ng kuryente patama kay jess at dito nakatayo lamang si sese at walang ginagawa kaya naman natamaan sila jess at koro dahilan para tumilapon ang dalawa.

Tila nagulat din si ra ela dahil inaasahan nito ang pag dipensang gagawin ni sese.

Dahil sa tirang iyon ay bumalik na sa katawan ang kaluluwa ni jess na dating nasa katawan ni sese.

Sa pag bangon ni jess ay agad nagreklamo si koro.

"Baliw kaba! bakit hindi mo dinipensahan ang tirang iyon, maaari mong ikamatay yon" asar na reklamo ni koro kay jess.

Takang takang tingin naman ni jess kay koro at pag iisip nito kong ano ang sinasabi ni koro dahil simula nang sumanib sya kay sese ay wala pa itong ginagawa na kahit ano at bukod paroon ay sinusubukan palang nyang kontrolin si sese kaya laking taka ni jess sa mga pinagsasabing iyon ni koro.

Samantala habang nag rereklamo si koro kay jess ay napansin ni na muli nanamang naglalaban si sese at ra ela.

Sa nakitang iyon ay agad na tinitigan ni koro si jess at dito nya nakita na walang kahit na ano mang ginagawa si jess kahit ang pag kontrol sa oramata ay hindi ginagawa ni jess at nakatitig at nanonood lang din ito.

Dito luminaw kay koro na hindi talagang si jess ang nakikipag laban kanina pa. Ito ay si sese lang, hindi naman ito bago sakanila ni jess dahil nagagawa naman na talagang lumaban ni sese ng mag isa at kahit pa hindi nito utusan ni jess doon palang sa laban sa bayan ng hebe. Pero ang ikinatataka ni koro ay sa tagal na nakahiwalay ang kaluluwa ni jess para lumipat kay sese at hindi pala ito tagumpay na naka sanib at saan nagtungo si jess o saan, ano ang ginagawa nito!?

Samantala sa napanood ni jess sa naglalabang si sese at ra ela ay dito pansin ni jess ang mga galos ni ra ela, kaya naman napatanong nito kay koro kong saan iyon nakuha ni ra ela.

"Kanina pa naglalaban ang dalawang iyan kaya sa anong dahilan bakit hindi mo ito alam! Saan ka nag tungo at anong nangyare sa iyo" agad na sagot ni koro.

Nagulat si jess nang sabihin ni korong matagal nang naglalaban si sese at ra ela dahil simula nang sumanib sya ay hindi pa sya nakikipag laban gamit ang katawan ni sese.

"Ewan, hindi ko alam!". Tanging sagot ni jess.

"Kong ganun sa labang ito ay kanina kapa walang ginagawa at tanging si sese lang ang nakikipag laban" sagot ni koro.

Nanunood na lang si jess at koro sa labanan ni sese at ra ela.

Sa panunood ay natanong ni jess kay koro kong paano nakakalaban si sese ng ganoon at saan nya natutunang lumaban ng mas higit pa sa dati.

Sagot naman ni koro na ang kakayahang makipag laban ni sese ay dahil kay jess din mismo kong anong klase ng pakikipaglaban o anong galaw ni sese sa laban ay sya ring galaw ni jess masasabing isang perpektong kopya lang ni jess si sese sa pagkilos sa laban, isa lamang ito sa kakayahan ng oramata.

Ibinalik naman ni koro ang tanong na saan natutunan ni jess lumaban at paano at saan dahil sa pagkakatanda ni koro ay ni minsan ay hindi nag sanay si jess at wala namang nag sanay sakanya.

Sagot ni jess na tila simula nang kainin nito ang tinapay na bigay ni jerry ay hindi lang mga ala ala ang kalakip nito ilang araw matapos noon ay paunti unting nararamdaman ni jess sa katawan nito na para bang matagal na syang nakikipag laban at tila kusang lumalabas iyon sa katawan nya. Ang tila ba mga karanasan.

Kong baga sa isang laro ay para bang nangdaya si jess. Dahil sa tinapay na iyon ay napaka dami nyang natutunan nang madaliaan at walang kahirap hirap.

Pero dapat lang ito dahil kong tutuusin ay maaga nga namang sinimulan ni jess ang paglalakbay kaya dapat lang na kaylanganin ni jess ang mga ganoon bagay bilang panimula dahil sa bata pa nitong edad.

Sa pag uusap ng dalawa ay hindi nila napansin na tila baliktad na ang sitwasyon ng dalawa, tila hirap na hirap na si sese at kitang kita kay ra ela na ibang iba narin ito. Makikita sa detalye ng mga taboong gamit na ra ela na hindi na ito normal at matataas at malalakas na klase na ng taboo ang ginagamit ni ra ela nagliliwanag narin ang katawan nito.

Nang makita iyon ni jess ay agad itong ginamit ng sabay ang utakora at oramata.

Agad na kinonekta kay sese ang oramata at ginamit ito para sabayan ang gagawin ni jess, ngayon dahil sa oramata ay iisa at sabay na sabay ang magiging pagkilos ni jess at sese.

Balak ni jess gumamit ng pusora tulad ng nagawa nya sa laban kay Machocias pero hindi alam ni jess kong anong taboo ang gagamitin tanging apat na taboo lang ang natatandaan nya.

Ang napaka laking taboo na dumurog kay malphas.

Ang taboo na nagpatalsik kay Machocias at ang taboo na tila trap na liwanag na kumalahati sa katawan ni Machocias at ang isa na napaka laki at dama ni jess na lubha iyong delikado.

Hindi alam ni jess kong paano nya nagawang tandaan ang malaking taboo na iyon dahil detalyado iyon at isang beses lamang nya ito nakita.

Naisip ni jess na hindi si ra ela ang tamang kalaban para alamin ang kakayahan ng taboo na iyon.

Kaya ang ginawa na lamang ni jess ay tirahin si ra ela ng taboo na ginamit nya para patalsikin si Machocias.

Dahil iisa ang galaw nila ni sese ay sa magkaibang direksyon ay sabay silang tumitira ni sese.

Pero bigla na lamang kumawala si sese sa pagkakakonekta nito sa oramata ni jess.

Naramdaman ni jess iyon na syang ikinataka nya ng lubos kong papaanong nakaalis si sese sa ilalim ng chakra nya.

Matapos makawala sa oramata ni jess si Sese, gamit ang pakpak nito ay lumipad si Sese at sa uluhan ni ra ela tumira ng isang malakas na pwersa mula sa pakpak katulad ng ginawa ni malphas.

Nang makita ni jess ang ginagawang iyon ni sese ay naisip ni jess na magandang pagkakataon iyon para makalapit kay ra ela.

Habang iniiwasan ni ra ela ang mga tira ni sese mula sa himpapawid ay ginamit ni jess ang utakora para hindi maramdaman ni ra ela si jess na papalapit ito.

Habang papalapit ay dito napapansin ni jess na nawala na pala sa katinuan itong si ra ela, kaya rin pala kahit napakaraming taboo ang nasa paligid na inilabas nito ay hindi naman nya ginagamit lahat.

Bukod pa roon ay lumiliwanag na ang mata nito patunay na nawala nanga ito sa sarili.

Hindi naman maisip ni jess kong papaano ito nagawa ni sese kay ra ela. Basta ang alam lang ni jess ay mahigpit na magkalaban ngayon itong si sese at ra ela. Tila parehong seryoso at parehong nawala sa katinuan ang dalawa sa laban.

Hindi naman mahuli ng kapangyarihan si sese ni ra ela dahil nga sa wala ito sa kaayusan ay hindi ito makalaban ng maayos at kahit ano na lamang ang ginagamit na kapangyarihan tuloy tuloy din ang pagbulong nito ni ra ela para sa mga inkantasyon nito.

Samantala tagumpay naman si jess na nakalapit kay ra ela ngunit hindi nya alam ang gagawin ngayon nasa harap na mismo nya si ra ela, totoong hindi pinag isipan ni jess ang pag lapit nya dito, kaya ang nagawa na lang ni jess ay imbis na saktan ito ay niyakap na lamang nito si ra ela.

Pero dahil sa pag yakap na iyon ni jess ay hindi na naka iwas si ra ela sa umaataking si sese at tila nawala rin sa isipan ni jess si sese na patuloy ang pag atake.

Kaya naman natamaan silang dalawa ni sese parehong nakatanggap si jess at ra ela ng tira ni Sese, dahilan para sabay na bumaon sa lupa ang dalawa.

Nang bumaon sa lupa ang dalawa ay oportunidad naman ito ni sese para tumira pa ng sunod sunod at doble Doble pang tira. Habang papatuloy na bumabaon sa lupa ang dalawa dahil sa tirang nanggagaling kay sese, ay ikinagulat ito ni koro at kapag hindi tumigil si sese ay ikamamatay na iyon ni jess kaya hindi narin nag isip si koro at gumamit na ng kapangyarihan. Nagkaroon ng artipisyal na katawan si koro at agad na tinalon si sese at hinawakan ito sa leeg at isinamang pabulisok na pag bagsak sa lupa.

Matapos ng ginawang iyon ni koro ay dito narin nawalan ng malay si Sese. Lalo naman itong ikina alala ni koro dahil baka wala narin si jess.

Magmamadali na sanang pupuntahan ni koro ang kinaroroonang basag basag na lupa nila jess at ra ela nang biglang pumutok ang napaka lakas na pagsabog na nagmula mismo sa kinaroroonan ni jess at ra ela.

Isang nakaka antay na liwanag na kayang tumapos ng lahat sa paligo nito.

Matapos ng pag sabog na iyon ay nakita ni koro ang lumulutang na si ra ela na mas lalaong nawawala na sa katinuan at mas galit na galit.

Taglay narin nito ang mas malalakas pang taboo at ibang pang malalakas na uri ng kapangyarihan na kapwa nakalutang sa gilid nito.

Dito naisip ni koro na napakasama ng nangyayaring iyon dahil sa lakas na nilalabas ngayon ni ra ela ay di malayong mapansin sila ng kahit na sino sa mga prinsipe.

Kaya bago pa gumawa ng sunod na pag atake si ra ela ay ipinahinto na ni netro ang oras kong saan tanging si netro at koro nalang ang nakakagalaw.

"Aminado akong hindi ko naturuan si sarah na gamitin ang kapangyarihan ko ng tama.

Kaya naman kahit pa napaka hina mo na koro ay hindi ko parin lubos maisip kong papano mo naaaruga ng maayos ang mga hinirang na nahahawakan mo"

Sambit ng umaalingawngaw na boses ni netro.

"Patahimikin at ibalik mo sa kaayusan ang babaylan mo. Dahil si ra ela ang natitirang nakatayo at may lakas pa sa laban nilang ito ay kinukonsidera ko itong pagka panalo sa panig nyo. Kahit pa walang kamalayan si jess at ra ela ay hindi ako mandaraya para sa kagustuhan ni jess kahit tungkol pa ito sa misyon nya bilang hinirang, ang usapan ay usapan" matapang na sagot ni koro.

Hindi na sumagot si netro at kasabay ng pag balik ng takbo ng oras ang syang pagkawala ng malay ni ra ela. Inabangan naman ni koro ang tumilapong katawan ni jess upang saluhin ito dahil sa pag sabog na naghanap kanina.

Check out the upcoming updates of witch fate on my Facebook account : Em Ramos

Follow me to see the official witch fate art & design.

IG :@nammemmy | FB :Em Ramos

nammecreators' thoughts