webnovel

Wishing Girl 1: The Runaway Groom (Tagalog)

WISHING GIRL: THE RUNAWAY GROOM Novel written by: Han, Ji Mie (HanjMie) Three years ago, sinumpa ni Mazelyn Reyes na magreresign siya sa trabaho kapag ang magiging boss niya ay ang dragon ng Meili De Hua Group of Companies na si Shilo Chouzo Wang ngunit talagang pinaglaruan siya ng tadhana dahil ang binata nga ang naging boss niya at hindi na siya pwedeng magresign pa. Like a tropical secretary love story. She falls in love with her boss. But fates have it own twist. She found out that she was adapted and her real parents are the business partners of Wang family. Lalong naging mapaglaro ang tadhana ng hingin ni Shilo ang tulong niya para iwasan ang babaeng noon ay pinangakuan nito ng kasal. She needs to pretend as his fiancé and like a crazy fool she is, she helps him. But things become out of their hands because of one night. Pinagkaloob niya ang sarili sa binata at kailangan nilang magpakasal ng tutuhanan. Okay na sana ang lahat ngunit hindi sumipot si Shilo sa araw ng kasal nila. He runs away. Her groom runs away. He runs away with the girl he promises to marry. © 2020

HanjMie · 现代言情
分數不夠
29 Chs

CHAPTER NINETEEN

 

   NAKATAYO sa gitna ng sala ng bahay ni Tita Aliya si Shilo ng mga sandaling iyon. Pumunta siya sa bahay ng ina ni Maze pagkatapos ng nangyari kanina sa restaurant. Hindi siya makakapayag na mapunta si Maze sa ibang lalaki. Kung noon ay nakakaya niya pa ang sakit habang nakangiti at makayakap ito kay Christian, ngayon ay hindi na niya kakayanin. Iba pala talaga kapag iyong taong iniibig niya ay sa piling na ng ibang lalaki. He wants to kill the guy. Lalo pa at hinalikan nito si Maze. Kung hindi lang talaga pumagitna si Maze ay nabugbug na niya ang lalaki. He sees black the moment he saw the guy kiss the woman he loves. 

    Alam niyang wala siyang karapatan na magalit at magwala kanina ngunit naunahan siya ng selos. That green monster took over his sanity and he let out the demon inside of him. Wala siyang paki-alam ng mga sandaling iyon sa mga taong nakapaligid. Ngunit ng makita niya ang galit ni Maze ay nang hihina siya. Maze makes him weak. Ito ang dahilan kung bakit lumambot ang puso niya. Maze eyes remind him of the innocent Kaze he meets when he was a teen. Iyong batang nais niyang protektahan dahil para itong babasaging bagay sa paningin niya. Maze tears make me feel guilty. Naging daan din iyon para makilala niya ang totoong ito.

    He adores Mazelyn so much. Maze is a brave woman. Despite of every trials and struggle she faces, Mazelyn manage to put a smile on her face. At ng makilala niya ang totoong Maze ay unti-unting nahulog ang puso niya. Bumukas ang akala niya ay saradong puso at tanging nakalaan lang kay Carila. Hindi niya alam na darating pala siya sa oras na makikita niya ang kagandahang loob ni Maze na naging daan para mahalin niya ito. Mahal niya si Maze higit pa sa sarili niya, kaya ng makita niya ang pag-iyak nito sa dibdib ni Christian ay doon niya naisip na hindi siya ang kailangan nito sa buhay.  His life starts to mess up because of Andria and he drags Maze on his own mess. Dapat noong una palang ay kinausap na niya si Andria at sinabi dito ang totoo pero hindi niya nagawa dahil hindi niya pa alam kung sino ang sinasabi nitong lalaking nangako dito. Lalong nagulo ang lahat ng malaman niyang si Joshua iyon.

    He was afraid for Joshua and Anniza. Andria's father can easily ruin Joshua's life. At ayaw niya iyong mangyari sa kaibigan at pinsan. Joshua was soon to be a father. Ayaw niyang makita na masira ang buhay ng pinsan kahit pa nga hindi sila ganoon ka close. He tried to cover everything but everything mess out because of his feeling for Maze. Nalaman niya na kinausap ni Joshua si Andria at sinabi dito ang totoo, naging dahilan iyon para lalong magalit ang ama ni Andria. Iniisip nito na pinaglaruan naming magpinsan ang damdamin ng anak nito.

    Sumama siya kay Andria sa China para makausap ang ama nito. He also tried to save his father business on China and left Maze on their wedding day. Alam niyang pagsisihan niya ang araw na iniwan niya ito ngunit nauubos ang oras niya. He was turn between his grandfather legacy and his love for Maze. In the end, he chooses his father's legacy. Kailangan niyang isalba ang negosyo ng kanilang ninunu na pinaghirapan ng ilang taon. Their family business in China is a shoe business, gumagawa sila ng mga sapatos na binibinta sa China at ibang bansa. Siniraan sila ng ama ni Andria sa foreign investor nila at sinalot ang mga ito. Nawala ang isa sa main investor nila na naging dahilan para mahirapan ang negosyo.

 Iniisip niya noon na babalikan din si Maze pagkalipas ng isang linggo kapag naayos na ang problema niya sa China lalo pa nga at nalaman niya na wala naman talagang pagmamahalan na namamagitan kay Maze at Christian. Saglit lang talaga siya doon, aayusin lang niya ang problema sa ama ni Andria at sa negosyo nila ngunit hindi pala ganoon kadali ang lahat. Dahil umabot ng dalawang linggo ang pag-aayos niya ng problema sa ama ni Andria. Nalaman na lang niya sa kuya niya na umalis na ng bansa si Maze. Kaya naman nanatili na lang siya sa China para hawakan ang negosyo ng ama. Inayos niya ang negosyo ng ama para hindi na ma-ulit ang ginawa ng ama ni Andria. Bumalik lang siya ng bansa ng manganak si Ate Carila at kailangan niyang hawakan ang kompanya. Nangako siya sa sarili na matutuloy ang kasal nila sa pagkakataong iyon. At gagawin niya ang lahat kahit pa nga may tao siyang masasagasaan sa gagawin. Maze is made for him and him alone.

    Napatuwid siya nang tayo ng makita ang ina ni Maze na pababa ng hagdan.

    "Shilo, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Tita Aliya.

    Nagpapasalamat siya na hindi naging malaki ang galit ni Tita Aliya sa kanya. Marahil ay dahil sa alam nito ang tungkol sa nangyari sa negosyo ng ama sa China. Isa si Tita Aliya sa new investor namin. Balak din nitong tulungan siya sa paglago ng business ng kanyang ama. Doon na kasi nakatuon ang atensyon niya ng makabalik ang Kuya Shan niya sa kompanya ng ama. Sa ngayon ay may plano siyang magpatayo ng extended office dito sa Manila para sa negosyo ng ama sa China.

    "I want to talk to you, Tita Aliya." Sagot niya sa tanong ng tita niya.

    "Tungkol saan naman ang pag-uusapan natin." Lumapit sa kanya si Tita Aliya at hinawakan siya sa siko.

    Marahan siya nitong hinila at pinaupo sa mahabang sofa.

    "Tungkol po sana kay Maze, Tita."

    Nakita niya na natigilan si Tita Aliya. Tumingin ito sa kanya at malungkot na ngumiti. Alam niya na isa ito sa nalungkot ng iwan niya ang anak nito. Lalo pa iniwan din ito ni Maze. Pumunta ang dalaga sa U.S para mag-aral.

    "Shilo, alam ko na hindi mo gusto na lukuhin kami noon pero sana naman hayaan mo na ang anak ko na sumaya. Maze--"

    "I'm so sorry, Tita." Putol niya sa iba pa nitong sasabihin.

    Bumuntong hininga si Tita Aliya. Hinawakan nito ang kamay niya at marahang pinisil. "Hindi ako galit sa'yo, Shilo dahil alam ko ang rason kung bakit mo iyon nagawa. Alam natin na hindi tama ang ginawa mo pero inintindi kita dahil parang anak na rin naman ang turing ko sa'yo. Pero sana hayaan mo na si Kaze na sumaya sa buhay niya. My daughter is fine now, and I don't want to see her crying again. Kaya ako na ang nakikiusap sa iyo, Shilo, wag mo nang guluhin pa ang buhay ng anak ko."

    "Tita, paano ko po iyon gagawin kung mahal na mahal ko pa rin ang anak niya? Alam ko na mali ang mga ginawa kong desisyon noon at pinagsisihan ko po iyon. Marami po akong 'sana' sa buhay simula ng iwan ko si Maze sa araw ng kasal namin. Alam ko po na nasaktan ko siya kaya nga gusto kong itama ang mga pagkakamali ko. Tita, please help me get back Maze. I will do my best to make her happy this time." Tuluyan ng pumatak ang mga luha niya. Hindi siya ang tipo ng lalaki na umiiyak sa harapan ng mga tao. Nagkakaroon lang siya ng lakas na gawin iyon kapag lasing siya.

    "Shilo, I want Maze to be happy. And seeing how sad she is because of you. I'm sorry but I can give the blessing you wanted from me."

    "Tita Aliya, please! One more chance. I promise you, I will make Mazelyn happy. Tatanggalin ko ang lungkot sa mga mata niya. Hindi ko na hahayaan na umiyak siya. Gagawin ko ang lahat para hindi na siya masa---"

    "You are the reason of her tears and sadness, Shilo. Kaya papaano mo siya pasasayahin kung ikaw ang dahilan ng kalungkutan niya?" tanong ni Tita Aliya na nagpatigil sa kanya.

    Parang sinaksak ng ilang beses ang puso niya sa tanong nito. Umiwas siya ng tingin. Lalong nag-unahan sa pagpatak ang mga luha niya. Hindi na niya mababago pa ang nakaraan kaya nga pilit niyang itinatama ang lahat. Mali ba na habulin niya ang babaeng minamahal? Sa pagkakataong ito siya naman ang sisiksik sa buhay nito. Hindi siya makakapayag na mawala sa kanya si Maze na hindi niya ito napaglalaban. Alam niya na sa huli ay mapapasakanya din si Maze. At siya na muli ang magbibigay ng ngiti sa labi nito. Pinunasan niya ang mga luha gamit ang mga kamay. Hinarap niya si Tita Aliya. Hindi niya isusuko ang pagmamahal kay Mazelyn.

    Gagawin niya ang lahat makuha lang ulit ang loob ng Tita Aliya niya. Marahan siya lumuhod habang nakatingin sa mga mata ni Tita Aliya.

    "Tita, please, isa pang pagkakataon. Gagawin ko po ang lahat para kay Maze. Payagan niyo po akong muli siyang makasama. Tita, humihingi ako ng tulong sa inyo. Tulungan niya akong maging akin ulit si Mazelyn." Muling pumatak ang mga luha niya. "Mahal na mahal ko po ang anak niyo. Mazelyn is my life, Tita. Alam niyo po ang pinagdaanan ko noong pumunta ako ng China. Sabi niyo hayaan ko si Maze na gawin ang gusto niya. Hayaan ko siyang lumipad sa sarili niyang mga pakpak. I wait for her like you want me to do. Kahit sobrang sakit na malayo sa kanya ay ginawa ko.

    "Alam ko na nakakabuti sa kanya ang paglayo sa akin kaya tiniis ko ang pangungulila sa kanya. Mahirap pero kinaya ko ang lahat dahil alam ko na akin din siya sa huli pero hindi pala. She is with someone else and I can't let him take Mazelyn away from me. Hindi ko siya hahayaan na makuha ang babaeng iningatan ko ng ilang taon. So please, Tita, I beg you, please, help me win Mazelyn heart again." Yumukod siya at hinawakan ang tuhod ni Tita Aliya.

    He never is begging. He never kneels to someone. Kahit noong panahon na sinuyo niya ang ama ni Andria para tigilan na ang kompanya ng ama niya ay hindi siya nagmakaawa dito. He asks me to beg but he didn't. He fights him back with all his knowledge. He takes him down with his own. Ngunit kung para din naman kay Mazelyn ang pagmamakaawa niya sa ina nito ay handa niyang gawin maging kanya lang ulit ito.

    "Shilo! Shilo stand up. You don't need to kneel." Sigaw ni Tita habang pilit siyang pinapatayo.

    Pero hindi siya nagpatinag. He won't stand up until she said yes. Para ito sa kanila ni Maze at future nila.

    "I won't, not until you said yes, Tita."

    "My gosh, Shilo. What should I do to you?"

    Umangat ang mukha niya at tumingin kay Tita Aliya. Napasinghap ito ng makita ang ayos niya. He doesn't care. Wala siyang pakialam sa pride at reputasyon niya. Ina ni Maze ang pinapakiusapan niya.

    "Shilo..." umiling si Tita Aliya. Nag-unahan na rin sa pagpatak ang mga luha nito.

    "I won't stop until you said yes. Ganoon din ang pagmamahal ko kay Maze. It won't stop loving her until the day I die."

    "Shilo, ano bang gagawin ko sa iyong bata ka?" lumuhod na rin si Tita Aliya. "Okay."

    Lumiwanag ang mukha niya sa sinabi ni Tita Aliya. 

    "Just promise me one thing."

    "What is it, tita?"

    Bumuntong hininga si Tita Aliya. "Don't hurt Kaze again. I will help you in a month to melt her cold heart and if she said she don't want and love you anymore, please let her go. Let my daughter love someone else. Let her make her own happy ending." Nasa boses nito ang pakiusap sa kanya.

    "Yes tita. If Maze is happy with the man she love, I will learn to let her go even my heart is dying."

    Yumakap sa kanya si Tita Aliya. One last chance for him to take back the woman he loves. He needs to make a move fast.

    NASA beranda siya ng mga sandaling iyon at umiinom ng beer ng lumapit ang Kuya Shan niya. After niyang pumunta sa bahay ng Tita Aliya niya ay pumunta siya sa bahay niya na di kalayuan doon. Pagdating ng gabi ay dumating ang Kuya Shan niya kasama si Joshua. Boys bonding daw sila. Hindi daw nila iyon nagawa simula ng dumating siya.

    "I talk to Kaze earlier." Panimula ni Kuya.

    Gulat siyang napatingin dito. Nanatili naman nakatingin sa kalangitan ang kuya niya.

    "A-anong sinabi niya?"

    Tumingin sa kanya ang kapatid. Malungkot ang mga mata nito na tanda na hindi ganoon kaganda ang pag-uusap nila ni Maze. Umiwas naman siya ng tingin. Parang ayaw na niya marinig ang sasabihin nito. What he saw is enough for him to figure it out.

    "I'm sorry." Narinig niyang sabi ng kuya niya.

    Ngumiti siya ng mapakla. "You don't need. Mga desisyon ko noon ang dahilan ng sakit na nararamdaman ko ngayon."

    "But still I'm sorry. Kung sana kinausap ko noon si Maze. Hindi na sana umabot sa ganito. Sana..."

    "Sana." Putol niya sa iba pangsasabihin nito. "Puro na lang sana." Tumingin siya sa kay Kuya Shan. "Ayoko nang isipin ang mga sana na sinasabi niyo. Wala din naman kasi akong magagawa pa, hindi ko na mababago ang nakaraan. Hindi babalik sa akin si Maze kung patuloy kung iisipin ang nakaraan. Kaya simula ngayon, gagawin ko ang lahat para maging akin si Maze."

    "Shilo..."

    "Kuya, alam ko na gusto mo akong tulungan. Then help me." Tumitig siya sa mga mata ni Kuya Shan."

    "Help you? In what way?"

    "I don't know yet. Basta gagawa ako ng paraan para maging akin ulit si Maze. Alam ko na mahal niya pa rin ako. Nakikita ko sa mga mata niya. Natatabunan lang ng galit kaya niya ako tinutulak palayo sa kanya."

    "Shilo, alam kong mahal ka pa rin ni Maze pero hindi ko alam kung paano kita matutulungan na palambutin ang puso niya. I already talk to her. I already told her about what really happen to you in China. But she still doesn't what you back as her lover."

    Nasaktan siya sa sinabi ng kuya niya. Malaki ba talaga ang galit nito sa kanya. Hindi ba talaga siya nito kayang patawarin at papasukin sa buhay nitong muli?

    "May naisip akong paraan." Sabi ni Joshua na nagpalingon sa kanilang dalawa ng kuya niya.

    May naglalarong ngiti sa labi nito. Bigla siyang kinabahan sa nakitang ngiti na iyon. May naisip na naman itong kalukuhan.

    "Joshua, whatever you're thinking right now. Keep it to yourself." May pagbabantang sabi ni Kuya Shan.

    "Common, Kuya Shan. Shilo and Maze will go back to each other arms after this." Tumayo ito at lumapit sa kanila.

    "What kind of plan?" tanong niya rito.

    "Operation: Make Mazelyn realize her feeling for you." Lumapad lalo ang ngiti nito at inakbayan sila.

    Ano na naman kayang kalukuhan ang naisip ng pinsan niyang ito? Sana naman ay maganda ang plano nito.

    NAGULAT si Mazelyn ng makitang nakatayo si Carila at Anniza sa pinto ng bahay niya.

    "Hi Kaze." Bati ni Anniza at pumasok ng bahay niya na hindi siya hinintay na papasukin ito.

    Ngumiti sa kanya si Carila bago pumasok ng nilakihan niya ang pagkakabukas ng pinto ng bahay. Pumasok ito na agad niyang sinundan. Nakita nilang nakaupo na sa mahabang sofa si Anniza.

    "Ang ganda ng bahay mo, Kaze." May paghangang sabi ni Anniza.

    "Thank you." Umupo siya sa pang-isahang sofa. Si Carila naman ay tumabi kay Anniza.

    "Kamusta ka na, Kaze?" tanong ni ate Carila na nakatitig sa kanyang mukha.

    "Okay lang naman ako Ate Carila."

    "Natural okay lang si Kaze. Masaya iyan sa buhay niya dahil may boyfriend na siya." Sabi ni Anniza.

    "Boyfriend?" tanong ni Ate Carila.

    Ngumiti na lang siya dito. Hindi niya alam kung bakit hindi niya kayang sabihin dito na mali ng akala si Anniza. Hindi naman talaga niya boyfriend si Sancho. Pero kailangan niya pangatawan ang lahat.

    "Saan mo naman nakilala ang boyfriend mo, Kaze?" tanong ni Anniza.

    Lalo siyang nailing sa tanong ni Anniza. Hindi niya alam kung sasagutin ba ito ng katotohanan o isang kasinungalingan.

    "Stop asking Kaze." Tinapik ni Carila ang kamay ni Anniza. Tumingin ito sa kanya at ngumiti. "Pumunta talaga kami dito dahil nais ka naming makasama. Ang tagal din natin hindi nagkita. Kaya naisip ko na mag-girls bonding tayong tatlo."

    "Girls bonding?"

    "Yap. No husband, no babies. Three of us are going out to relax and enjoy." Tamayo si Anniza at hinila siya.

    Hindi niya napigilan na hindi tumawa sa ginawa nito. She misses them. She misses how crazy Anniza is. Isa ito sa mga malapit niyang kaibigan kaya nalungkot siya ng magsimula siyang iwasan ito dahil kay Shilo. Hinila siya nito patayo. Maglalakad na sana sila papunta sa itaas para makapagbihis siya ng tumunog ang phone ni Carila. Napatingin silang dalawa ni Anniza dito.

    "Hey! No hubby today. Remember?" Sabi ni Anniza.

    Ngumiti ng alanganin si Carila bago pinatay ang tawag. Ngumiti naman si Anniza at hinila na siya papunta sa second floor. Malapit na sila sa room niya ng muling tumunog ang phone ni Carila. Inis na tiningnan ito ni Anniza. Yumuko naman si Ate Carila.

    "Go on, Ate Carila. Answer that call. Baka importante." Sabi niya.

    Ngumiti naman si Ate Carila bago sinagot ang tawag sa harap nila. "Hello, honey. No! Nasa labas ako. A-ano sa bahay ni Kaze? M-may problema ba?" Biglang natigilan si Ate Carila. May rumehistro na paga-alala sa mga mata nito. "Hospital? Saang ospital kayo?"

    Nagkatinginan sila ni Anniza ng marinig ang sinabi ni Ate Carila. Nag-unahan naman sa pagpatak ang mga luha ni Ate Carila na nagbigay ng kaba sa kanila. Agad nilang sinalo ito nang muntik na itong matumba. "Ano bang nangyari? Ano? Sinabi ko naman sa inyo na wag kayong iinum. Anong oras niyo siya sinugod? What? Kanina pang madaling araw at nasa o-operation room siya kanina pa. My god!!!" Napalakas ang iyak ni Ate Carila sa narinig nito.

    Lalo silang nag-aalala dito. Hindi nila alam ang pinasasabi nito. Ate Carila fell on the ground, tuluyan itong napaupo. Patuloy lang ito sa pag-iyak. Kinuha niya ang phone at itinapat sa kanyang tainga.

    "...need you right now. Please! Come to the hospital. I can't take this." Narinig niyang umiiyak sa kabilang linya si Kuya Shan. "Honey, hindi pwedeng malawala sa atin si Shilo. Hindi pwede mamatay ang kapatid ko."

    Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Napahawak siya sa puso ng maramdaman ang sakit doon. Shilo... Si Shilo ang nasa operating room at critical ito ng mga sandaling iyon. Gumuho ang mundo ni Kaze sa narinig. Napa-upo na rin siya. Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha niya. Iyong puso niyang durog na ay lalo pang nadurog. Hearing Shilo was in dangerous state, she remembered their time together. Kung paano niya nakilala ang lalaki, kung paano siya nagtiis sa ugali nitong masungit. All the things they did together. All those happy moment that won't happen again if he dies. HINDI PWEDE! Hindi pwedeng mamatay si Shilo. Hindi siya nito pwedeng iwan sa pangalawang pagkakataon.

    "NO!!! NO!!! Hindi mo ako pwedeng iwan, Shilo. Hindi ko na kakayanin." Bulong niya at pilit na tumayo. Kailangan niyang makita si Shilo. Kailangan niyang makita ang taong minahal niya ng buong buhay.

This Chapter is for Daoist. Maraming salamat sa pagbabasa at pag-iwan ng comment.

Hi to all silent Reader.

HanjMiecreators' thoughts