webnovel

Where Our Love Goes

Arabelle Hernandez is inlove with her childhood friend, Peter Theo Pan. Alam niyo yung feeling na ikaw naman 'yung laging nandyan para sa kanya, pero iba pa din ang pinili niya? That's what happened to Belle. Peter chose to court Wendee instead, Belle's girl friend. In Neverland, there are lost boys who are always hanging out with Peter, right? These lost boys are craving for love too. So what if this time, Belle got the chance to be chosen, not only by Peter but one of the lost boys too?

MsCalibear · 综合
分數不夠
27 Chs

Chapter 9: Take Care of Dee

♡♡♡

Chapter 9

Belle

IPINIKIT ko nang mariin ang mga mata ko at hinintay ang pagbagsak ko sa sahig. Ilang segundo ang lumipas pero hindi iyon nangyari.

Naramdaman ko na lang ang mahigpit na pagkakahawak sa kaliwang kamay ko at ang nakapulupot na braso sa bewang ko dahilan para hindi ako bumagsak.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita ang hindi inaasahang tao. Mahigpit ang pagkakahawak ni Rhonin sa kaliwang kamay ko, siya 'ata yung nakabunggo sa akin.

Sa gilid ko naman, ay nakita kong nakasuporta sa likod ko ang braso ni Fio, nakahawak ito sa bewang ko dahilan para hindi ako tuluyang matumba.

"Okay ka lang?" Sabay nilang sabi. Hindi naman agad ako nakasagot.

Nailang naman ako sa posisyon naming tatlo kaya agad akong umayos ng tayo. Pasimple kong hinila ang kamay ko kay Rhonin at lumayo ako ng isang hakbang palayo kay Fio. Parehas silang nakatingin sa akin at nagaantay ng sagot ko.

Napalunok muna ako sa ng sariling laway bago sila sagutin.

"I-I'm okay, t-thank you." Naiilang kong sabi dahil grabe sila kung makatingin sa akin, para akong isang specimen na tinitignan sa ilalim ng miscroscope.

Sabay naman silang napabuntong hininga sa nakuhang sagot sa akin. Naunang nagsalita si Rhonin kaya napatingin ako dito.

"Bakit ka kasi tumatakbo sa hallway? paano kung hindi ka namin nasalo? Be careful next time." Kalmado nitong sabi pero nakasalubong naman ang mga kilay nito.

"I told you to wait for me, diba? Anong ginawa mo? tumakbo ka. Stubborn brat." Pagalit naman na sabi ni Fio habang nakapameywang sa harapan ko.

Pakiramdam ko tuloy may dalawa akong tatay sa harapan ko at pinapagalitan ako.

"Tapos na ba kayong dalawa na pagalitan ako?" Sinamaan naman nila akong tingin sa tanong ko. Napailing na lang si Fio.

"Pupunta pa tayo ng faculty, remember?" Umalis sa harap ko si Fio at nauna na sa hagdanan. Nang hindi ako sumunod ay masama itong tumingin sa akin.

"Come on!" Magkasalubong ang kilay na sabi nito bago bumaba ng hagdan. Hindi ko ito pinansin at hinarap si Rhonin na nakatingin lang sa amin.

"Bakit absent ka sa class ni Sir Pochollo?" Ngumiti naman ito bago napakamot sa batok niya dahilan para samaan ko siya ng tingin.

Napabuntong hininga naman siya bago sumagot. "Nagkaroon ng sunog sa shop at hindi agad kami pinaalis ni auntie. Mabuti na lang naapula agad iyon."

Bigla naman akong nag-alala sa sinabi niya sa aking balita. "Are you okay? wala bang nangyaring masama sayo? How about Crimson?"

Hinawakan ako nito sa ulo at ginulo ang buhok ko bago ako nginitian. Pinaparating na walang masamang nangyari sa kanila.

"We are okay, stop worrying about me." Tinanggal ko naman ang kamay niya sa ulo ko at sinamaan siya ng tingin.

"I'm not worried." nagiwas ako ng tingin pagkasabi ko 'nun. Tumawa naman ito.

"Okay, sabi mo e."

"Dyan ka na nga! Pupunta pa akong faculty." Nilagpasan ko siya at nagtungo sa harap ng hagdan. Pababa na sana ako ng tawagin niya ako.

"Belle."

"What?" Humarap ako sa kanya habang inaantay iyong sasabihin niya.

"See you later." Sabi niya bago tumalikod sa akin at nagtungo sa classroom kung saan nandoon si Sir Pochollo.

See you later?

---

Sa labas na lang ng faculty kami kinausap ni Ms. Go dahil nagkakagulo daw sa loob nito. Mas maganda daw kung dito kami sa labas mag-usap.

"These are the books. Pakibigay na lang sa mga kaklase mo okay? Salamat, Belle!" Masayang sabi ni Ms. Go bago kumaway sa amin at pumasok na ulit sa loob ng faculty.

Nagulat ako ng biglang kuhanin ni Fio ang iilang books sa braso ko.

"Hey! ako na yan! Ang dami mo ng dala oh!" Reklamo ko. Ngumisi lang naman siya sa akin bago tumingin sa mga braso ko.

"Ako na, baka makalas 'yang braso mo. Wala akong dalang glue."

Napanganga ako sa sinabi niya at feeling ko ay sobrang pula na ng mukha ko sa inis na naramdaman ko dito.

"Wow! glue? leche! Hindi naman ganoon kapayat ang braso ko ah!" Hindi ko ito napigilang sigawan. Tinawanan niya naman ako kaya mas lalo akong nainis.

I gritted my teeth sa sobrang inis, naiinis ako sa pagtawa na ginagawa niya. Nakakainsulto. Hindi na ako nakapagpigil at sinuntok ko ang braso niya pero napaatras ako at mukhang ako pa 'ata ang nasaktan sa ginawa kong pagsuntok sa kanya. 'Ni hindi nga siya gumalaw sa kinatatayuan niya!

Mas lalo pa itong humalakhak nang makitang napaatras ako sa ginawa kong pagsuntok sa kanya. Leche!

"Wag mo na tangkain. Tignan mo, nasaktan ka. Magpataba ka naman kasi." Tatawa-tawa siya bago ako tinalikuran at nauna ng maglakad sa akin.

Napapadyak ako sa sobrang inis sa kanya. Malamim ang paghingang ginawa ko bago ko siya sinundan paakyat ng hagdan.

Nang makarating sa tapat ng classroom ay dire-diretso itong pumasok. Nasa loob naman ang lahat ng classmate namin, napatingin ito sa amin. Kinuha ko muna ang libro ko na nasa ibabaw pati na din ang libro ni Rhonin.

Nang kukuhanin ko na ang unang libro para ibigay sa kaklase ko ay pinalo iyon ni Fio, masama ko naman siyang tinignan.

"What?!"

"Let them get their own books. They have their own hands and feet to get them here." Nawala na ang nakakaloko nitong ngisi at nakapoker face na ang mukha nito. Napatingin ito sa hawak kong dalawang libro bago humarap sa klase.

"Go get your books here. Hindi naman kayo paralisado para hindi gawin iyon diba?" Iyon lang ang sinabi niya bago ako iwan sa harapan.

Diretso ito ng upo sa upuan niya at masama ang tingin sa akin. Kinukulit pa siya ng mga kasama niyang lalake sa likod pero hindi niya ito pinapansin at masama pa din ang tingin sa akin. Hindi ako umiwas at pinantayan ko pa ang sama ng tingin niya sa akin. Akala niya siguro ay iiwas ako at magpapatalo sa kanya, hindi iyon mangyayari.

Ilang segundo ang lumipas ay siya ang naunang umiwas ng tingin kaya napangisi ako bago siya inirapan.

Wala ka pa e!

Kanina lang nangaasar pa siya at ang kulit niya pa tapos ngayon ang sungit na niya? May sayad 'ata yun sa utak nako. Bipolar.

Nagkanya-kanyang kuha naman ng mga libro ang mga kaklase ko at nagsialisan na ng classroom dahil wala naman na kaming klase para sa araw na ito.

Nagtungo ako sa upuan namin sa likod at nakita ko naman na may sinusulatang papel si Rhonin sa table niya. Nacurious ako kaya tinignan ko iyon.

"Ano yan?" Dumukwang ako sa lamesa niya para tignan iyong nakasulat. Dahil siguro sa gulat ay napaatras ang mukha niya sa papel at napatingin sa akin.

"ahm.. ano..." Hindi ito makatingin sa akin kaya naman tinignan ko ulit iyong papel na hawak niya.

It's a Basketball club form!

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at mabilis na itinuon ang tingin sa kanya habang may malaking ngisi sa mga labi ko. Nakangiti din naman siya sa akin at nakita ko na kumikislap ang mga mata niya sa saya.

Isa ang Asterin sa mga sikat na universities na madalas ay kasama sa Basketball tournament ng bansa. Masasabi kong magagaling ang mga players dito dahil every finals in the past four years ay ang Asterin University ang nananalo. Basketball, Badminton, Baseball at Soccer, kahit anong sports ng Asterin ay may nakukuha kaming medal at thropy dahil sa galing ng mga players. Syempre, grabe din naman ang training nila bago sila sumabak sa mga tournament.

"Surprise?" Awkward nitong sabi sabay turo sa form na nasa ibabaw ng lamesa niya.

"Wow! I don't know what to say." Masayang sabi ko at may biglang naalala.

"I will treat you Iced coffee later. I promise, remember? We should celebrate this." Hawak ko siya sa mga balikat niya at niyuyugyog iyon. Tatawa-tawa lang naman siya sa akin.

"Oh no, not Iced coffee." Nakakunot ang noo nito sa akin kaya natawa na lang ako. Umupo ako sa upuan ko na katabi niya lang at tinignan ang form na nasa ibabaw ng lamesa niya.

"Tapusin mo na yan, tapos sasamahan kita sa club room niyo. Bilis na!" Naeexcite kong sabi habang nakatingin sa kanya. Umiling lang naman siya sa akin habang may mga ngiti pa din sa mga labi niya.

"Mukhang mas excited ka pa sa akin, ah."

"Oo naman, kaya bilis na. Sagutan mo na yan. Wala naman na tayong klase e. Pwede na kitang malibre ng Iced coffee." Nangingiti kong sabi bago sumandal sa upuan ko.

"Akala ko pa naman nae-excite kang makapagpasa ako ng form, iyon pala mas excited kang makainom ng kape." Tinawanan ko lang naman siya sa sinabi niya.

Naramdaman ko naman na may parang nakatingin sa amin kaya naman inilibot ko ang tingin ko sa paligid at hindi nga ako nagkamali. Nakita ko si Fio na masamang nakatingin sa amin o sa akin? Tinaasan ko siya ng kilay dahilan para umiwas siya ng tingin.

Tumayo siya sa kinauupuan niya at nagtungo sa pwesto namin ni Rhonin habang masama pa din ang tingin sa akin. Iniiwas nito ang tingin sa akin at humarap kay Rhonin na kakaangat lamang ng tingin sa kanya.

"Congrats, Domingo. Welcome to the club and goodluck." Itinaas ni Fio ang kamao niya para makipagfist bump kay Rhonin. Noong una ay nagtataka pa si Rhonin pero tinaggap niya din iyon kalaunan.

"You are a member of Basketball club? But I never saw you on the board of members." Nginisihan lang naman siya ni Fio, nakita ko naman ang pagtagis ng panga nito na para bang may naalala.

"Cruz brothers forgot to put my name on the new board of members. That's why I punched the captain."

Nagpatango-tango naman si Rhonin sa narinig. "Kaya pala may pasa si Jazper kanina noong magusap kami." Napangiti si Rhonin kay Fio.

"By the way, thank you." Tumango lang sa kanya si Fio at saglit na tinignan ako bago umalis sa harapan namin at nagtungo sa pinto para lumabas.

"Mukha namang mabait si Fiodore, Belle." Napatingin ako kay Rhonin ng magsalita ito. Inirapan ko na lang yung sinabi niya.

"Whatever."

---

Kanina pa kami nagtatalo ni Rhonin kung saan kakain ng lunch. Nakalabas na kami't lahat ng university ay naga-away pa din kami.

"Belle, listen to me okay? Wag na tayo sa shop makikita ako ni auntie at magtataka iyon kung bakit nasa labas ako at wala sa klase." Kanina niya pa ipinipilit sa akin yang dahilan niya.

Hindi ko siya pinansin at dire-diretsong naglakad para makatawid sa pedestrian lane. Nakasunod lang naman siya sa akin hanggang sa makarating kami sa tapat ng shop nila.

Nang papasok na ako sa entrada ng shop ay bigla na lang niya hinawakan iyong braso ko.

I crossed my arms in my chest before facing him at nakita ko sa mga mata niya iyong pagmamakaawa na huwag na ako pumasok. Agad ko namang tinanggal iyong kamay niyang nakahawak sa braso ko bago magsalita.

"You know, Rhonin? you can stay here. Wag kang sumama sa akin sa loob, bibili lang ako ng Iced coffee at kakain tayo sa ibang lugar. Deal?" Napabuntong hininga naman siya bago tumango.

Naglakad siya palayo sa akin at sumandal sa mga poste na malapit sa shop. Napangiti naman ako habang nakamasid sa kanya.

Good dog naman pala.

Tinalikuran ko na siya at pumasok na ako sa shop. Marami-rami na din ang tao dito dahil malapit na din maghapon.

Pumila ako para bumili ng Iced coffee sa counter. Naabutan ko si Crimson na nasa cashier at busy sa maliit na notepad at may sinusulat.

"Two mocha Iced coffee." Sabi ko kaya napaangat ang tingin nito sa akin bago ngumisi.

"Hi Belle."

"Hello, Crimson. Two Mocha Iced coffee for Belle. Here's the payment." Kumuha ako ng buong 200 peso sa wallet ko at inilagay iyon sa ibabaw ng counter. Kinuha naman niya iyon bago sumaludo sa akin.

Isinulat niya ang order ko sa sticky note at ipinasok iyon sa maliit na binata na nagkokonekta sa kitchen at sa counter bago may kumuha 'non. Bumalik siya sa counter at nagbalik sa pagsusulat.

"Nagkasunog dito kanina?" Napalingon naman siya sa akin bago ibalik ang tingin sa notepad.

"Yep, naapula naman iyon kaagad. Hindi na lang namin pinaalam sa mga customers dahil baka magpanic sila. Buti na lang nandito si auntie at naagapan." Sabi niya habang nagsusulat. Napatango na lamang ako at maya-maya ay siya naman ang nagtanong sa akin.

"Where's Rhonin?"

"He's outside. Alam mo ba na nakapasok siya sa basketball club? Alam mo naman siguro na bibihira lang magaccept ng members ang club na iyon diba?" Tumigil naman siya sa pagsusulat at hinarap ako habang nakangisi pa din.

"Yeah, sinabi niya kanina. I'm happy for him, mahilig talaga 'yun magbasketball. Mga bata pa lang kami hilig na niya 'yon, masasabi kong magaling din siya. Don't tell him that I told you that he's greater than me, okay? kikiligin 'yon." Napatawa naman ako sa huli niyang sinabi.

Ting!

Sabay kaming napatingin sa maliit na bintana na naguugnay sa kusina ng shop at sa counter nito. May pumindot ng call bell hudyat na ready na ang order ko.

Agad namang umalis sa harap ko si Crimson at nagtungo doon. Pagkakuha ng dalawang Iced coffee ay inilapag niya iyon sa harapan ko.

"Two Mocha Iced coffee for Belle and Rhonin." Natatawang sabi niya pero inirapan ko lang siya. Pagkakuha ko nito ay nagpasalamat na ako sa kanya at tinalikuran na siya.

Papalabas na ako ng shop ng may makasabay akong magbukas ng pintuan. Napaatras naman ako ng makilala kung sino sila, maging sila ay bahagyang nagulat.

"OMG, Belle!"

Malawak ang ngiti na nakapaskil sa labi ni Dee bago lumapit sa akin para makipagbeso. Ganoon din naman ang ginawa ko. Napatingin ako sa taong nasa likuran ni Dee at nakita ko ang pagngiti sa akin ni Peter pero hindi ko iyon pinansin. Ibinalik ko ang tingin sa dalaga.

"Are you guys dating?" Pangaasar ko sa kanya. Iwinaksi ko ang selos na nararamdaman.

"Yes."

"No."

Sabay nilang sagot.

"No, we're not!" Mabilis na reklamo ni Dee kay Peter. Napahagikgik naman si Dee bago humarap sa akin.

"Are you with that guy? He seems waiting for you." Sumilip ito sa labas dahilan para makisilip na din ako.

Si Rhonin iyong tinutukoy niya. Panay ang tingin nito sa pintuan ng shop.

"Oo, pero uunahan na kita. He's not my boyfriend." Mabilis kong sabi dahil nakita kong ibubuka niya pa iyong bibig niya pagkasabi ko ng 'oo'.

Sumimangot naman ito kaya pinisil ko lang iyong pisngi niya.

"Mauna na ako sa inyong dalawa. And Peter..." Here comes his famous poker face again. Hindi ako sanay, kahit na alam ko naman na cold siya sa iba maliban sa aming magkakaibigan.

Kung ano man ang magiging relasyon nila ni Dee ay magiging masaya na ako para doon. They are both my bestfriend and I will put them first before me.

Nakapagdesisyon na ako. Tatanggalin ko na kung ano man ang nararamdaman ko kay Peter, para na rin sa ikabubuti namin at ikabubuti ko. Poprotektahan ko na ang puso ko sa kahit ano mang heartbreaks na pwedeng mangyari, at maiiwasan ko lang 'yon kapag iniwasan ko ang nararamdaman ko para kay Peter.

"Take care of Dee." Iyon lang sinabi ko bago ako umalis sa harapan nila.

---