Carlhei Andrew POV
I'm lost. I don't know where do I stand now. I don't know to bring back the old me.
Tinignan ko ang magulong emergency room ng hospital. Pawang mga nag mamadali ang mga nurse at doktor dahil marami rin ang tao ngayon. Halos hindi na mag kandaugaga. Dumagdag pa sa ingay ng E.R ang tunog ng cellphone ko pero tinatamad akong sagutin iyon.
"Si Neomi, bro." Saad ni Steven at itinuro iyong screen ng cellphone ko. "Sinabi ko kasing nasa hospital niyo ikaw."
Pinindot ni Steven iyong "answer" at pinasa sa kaliwang kamay ko dahil naka cast na iyong kanang kamay ko.
"HAHAHAHA wrist fracture! Bakit naman kasi hindi ka nag ingat? Sayang at nakahelmet ka! Dapat wala para naumpog 'yung ulo mo at nag ka-amnesia ka! Isipin mo? Instant moving on 'yon kasi makakalimutan mo 'yung tatlong nanlako sa'yo." Tumatawang sabi ni Neomi sa telepono
Alam na ni Neomi. Alam na rin ng family doctor namin. Paniguradong itatawag nila ito sa mga magulang ko. The fact that Mama will nag at me and Neomi is throwing some jokes makes me mad.
"Tumawag ka para lang tumawa?!" Inis na sabi ko, "I'll hang up!"
"HAHAHAHA--"
Pinatay ko na iyong tawag at inis na inihagis ang cellphone ko sa kama. Inilibot ko iyong tingin ko at nakatingin ang mga nurse dito sa E.R. I lose my temper at hindi ko na namalayang nasa E.R nga pala ako.
"Pre 'wag ka sumigaw." Pag awat ni Karl
Kunot noo akong tumingin sa kanila, "Tawagin niyo na nga 'yung doktor! Gusto ko nang umuwi oh. Alas dies na!" Galit kong saad
Nag mamadali namang hinawi ni Reinest iyong kurtina at umalis na nga. Naiwan iyong dalawa kong kaibigan na parehong nakakrus ang braso at nakatingin sa akin.
"What?" Inis kong tanong
Bahagyang tumawa si Karl at umiling iling pa.
"Alam mo, natatawa ako sa'yo. Ang ganda nung nurse kanina tapos sinungitan mo lang. Lalo naman 'yung babae na muntik mo nang mabangga. I'm just thinking na baka may menstrual pain ka kaya ka ganyan." Pag bibiro niya
"Hindi nakakatawa, Karl." Inis kong sabi
Pero imbis na tumigil sa kakatawa ay nag patuloy parin ito. Tinapik na ni Steven si Karl para lang mapatigil ito. Mabuti nalang talaga at dumating na iyong family doctor namin kasama si Reinest.
"Sir, we're very sorry. Kulang po kasi ng dito sa E.R kaya hindi kita natutukan. Here's your medicine." Saad niya at inabot iyong nasa paper bag
Kinuha ko iyon at tumayo na sa kamang inuupuan ko.
"This is our hospital, Dr. Jacinto! Inabot ako ng alas dies para lang sa gamot na 'to?! Kulang pala kayo sa tao, bakit hindi kayo nag dagdag?! Besides, you're our family doctor. Kung dito palang hindi ka na maasahan, paano pa kaya kung may mas malala pang accident na nangyari?!" Inis na saad ko dito
Napayuko ito, "I'm very sorry, Sir. Sorry." Paulit ulit niyang sabi
Inis kong nilisan ang emergency room. Halos habulin ako ng mga kaibigan ko dahil sa lalaki ng hakbang ko.
"Ang lamig lamig sa E.R tapos ang ang hot ng ulo mo, bro. Pag pasensyahan mo na si Doc. Madami talagang tao sa E.R eh." Saad ni Reinest
"Naiintindihan naming may pinagdadaanan ka, bro. Pero it's very unpleasant to yell inside the emergency room and in front of a professional." Saad ni Karl
"I agree, bro. Maybe your doctor knows that it is not severe kaya inuna niya iyong sa kabilang kama. I heard that it's a car accident. The kid bump his head in the window and it is bleeding. Try to understand. Calm down." Saad ni Steven
Bumuntong hininga ako dahil sa kawalan ng masabi. Tama naman sila. Masyadong mainit ang ulo ko.
"Ayan na ang taxi, Carlhei. Mag pahinga ka na. If you need to take a bath, ask your sister to assist you." Saad ni Steven
Tumango tango nalang ako bilang tugon. Inalalayan pa ako ni Karl at Reinest na pumasok sa taxi. Nang masara nila iyon ay kumaway kaway sila sa akin.
Inabot ako ng twenty minutes sa biyahe bago nakarating sa bahay. Napatitig pa ako sa bahay dahil nakasara ang mga ilaw. Iyong sa kwarto lang ni Neomi ang nakabukas.
Tignan mo 'tong taong 'to. Wala talagang pakealam sa akin.
Gamit ang kaliwang kamay ko ay binuksan ko iyong gate at main door. Dahil tumanggi ako sa mga kaibigan ko na kumain ng hapunan ay ngayon palang ako mag hahapunan. Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng makakain ko. Nag tataka ako kung bakit may adobo sa kusina samantalang wala naman ang katulong namin na nandito lang tuwing may okasyon. Hindi ko na aasahanh kapatid ko ang nag luto noon dahil wala naman itong alam sa kusina.
Nag sawalang bahala nalang ako at dumiretso sa sala. Binuksan ko nalang ang t.v para iyon ang mag bigay ng liwanag sa bahay. Saktong horror movie iyong palabas kaya naman hindi ko na inilipat ng channel. Annabelle: Creation iyong title.
Nasa kalagitaan ako ng pag kain at panonood ng biglang bumukas ang gripo sa C.R. Dagdag pa doon ay mayroon rin akong naririnig na iyak. Halos mag taasan ang balahibo ko dahil nasa parte na ako ng movie kung saan sinilip ng bata ang kwarto at nandoon si Annabelle.
Ibinaba ko iyong pinggan ko at dahan dahang tumayo. Tinigil ko muna iyong pinanonood ko at nag lakad papunta sa CR. Pinag papawisan ako ng malamig habang nakatayo sa tapat nito. Nakita kong may kamay na humawak sa door knob dahil frame frosted glass door iyon. Blurred iyon kaya hindi ko maistemahan kung tao ba 'yun o ano.
Unti unting bumukas ang pinto at iniluwa noon ang babaeng mahaba ang buhok at nakaputi. Nabuwal ako sa pagkakatayo ko at napasigaw dahil sa takot. Habang papalayo ako ng papalyo ay palapit naman ng palapit iyong babae. Pakiramdam ko ay mahihimatay na ako sa takot.
"Ano bang ingay 'yan kuya?!" Sigaw ni Neomi mula sa second floor
Gamit ang remote ay nabuksan ang lahat ng ilaw. Naipikit ko naman ang mata ko at tumayo. Mabilis akong lumapit kay Neomi na kakababa lang ng hagdan.
"N-namamalikmata ba ako? W-walang white lady 'di ba? D-doon sa tapat ng cr." Utal utal kong sabi
Kahit nakapikit ay itinuro ko iyong cr. Ramdam ko ang panginginig ng kaliwang kamay ko dahil sa takot.
Nagulat ako ng malakas na tumawa si Neomi. Naidilat ko tuloy iyong mata ko at nakita ko itong halos maluha na sa kakatawa. Humawak pa sa tiyan niya. Inis ko tuloy itong tinignan.
"I'm damn serious here, Neomi! I saw a white lady with a long hair in front of CR!" Sigaw ko dito
Pinunasan niya iyong luha niya at umiling iling sa akin. Nagulat ako ng hawakan niya iyong dalawang pisngi ko at iniharap ako sa likod. Nagulat ako ng may makitang babae na basa ang buhok at naka white robe.
"She's Ate Geru. She will take care of us from now on." Saad ni Neomi
Inis ko itong nilingon, "Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?!" Inis na talagang sabi ko
She rolled her eyes and lifted her phone.
"Excuse me? I was about to tell you ealier but you cut off the call! Bakit parang kasalanan ko pa? Nood nood ka d'yan ng Annabelle pero takot ka pala." Saad ni Neomi
Mas kumunot ang noo ko at tumingin doon sa babae. Sinundan na yata talaga ako ng malas. Ito iyong babae na may dahilan kung bakit may bali ang kanang kamay ko. Ngayon ay alam ko na kung bakit ito nakayuko na para bang si Sadako. Dahil
"Bakit ito pa?! Alam mo bang siya ang dahilan kung bakit may cast ang kanang kamay ko?" Inis kong sabi
Tinapik ni Neomi iyong balikat ko at masama akong tinignan.
"Ikaw napakasama ng ugali mo! Mom apointed her kasi proven and tested na si Ate Geru. Siya kaya ang tutor ko. Kaya don't you dare yell at her. I'll kill you talaga." Saad niya at umakto pa na pinupugot ang leeg niya gamit ang hinlalaki niya
Inis kong nilingon iyong babae na tinawag niyang Geru.
"Ikaw naman." Saad ko dito, "Alam mo nang natatakot na ako sa'yo pero hindi ka pa nag salita? You're really making me look like a stupid?"
Kaagad itong napatunghay at umiling iling.
"S-orry, Sir Andrew. N-nalito rin po ako kung bakit kayo umaatras sa sahig eh." Nahihiyang tugon niya
Pakiramdam ko ay sasabog na ang ulo ko dahil sa stress kaya hinilot ko iyong sentido ko.
"May paiyak iyak ka pa kasi! Hindi pa ba sapat itong wrist fracture ko at balak mo pa akong bigyan ng atake sa puso?!" Pag angal ko
"Sorry po talaga, Sir Andrew." Saad niya
Kumunot ang noo ko dahil sa narinig, "Stop calling me Andrew!" Angal kong muli
Malakas na hinampas ni Neomi iyony kaliwang balikat ko kaya naman tinignan ko ito ng masama!
"Ano gusto mong itawag sayo? Pareng Andrew?! Napaka-ingay mo ha! Napaka-attitude mo rin! Tapusin mo na 'yung kinakain mo para makainom ka na ng gamot." Panenermon ng kapatid ko at nilingon iyong Geru, "H'wag mo na nga tawagin 'yan ng 'Sir,' Ate. Pasensya na at masungit siya ha? Isa't kalahating taon kasi 'yan pinagkaitan ng tunay na pag-ibig eh."
Hindi ako nakapag salita dahil doon. Pinipigilan ko rin na 'wag magalit dahil baka sumigaw na naman ako. Tanging masama na tingin nalang ang binato ko sa kapatid at tumalikod na sa kanila.
"Umiiyak ka daw? H'wag mong sabihin na siya na naman, Ate? Sayang lang ang luha mo sa lalaking 'yun." Rinig kong sabi ni Neomi
Dahil hindi ko ugaling makinig sa usapan ng iba ay dumiretso nalang ako ulit sa sala at kumain. Inilipat ko nalang ang pinanonood ko sa entertainment show dahil hanggang ngayon ay masakit parin ang dibdib ko sa kaba.
Akala ko makakaligtas na ako sa malas. Iyon pala ay titira pa dito sa bahay iyong malas.
"Tubig po." Saad nung Geru at inilapag rin ang gamot na kailangan kong inumin, "Pasensya na po talaga. Hindi ko sinasadyang matakot kayo."
"I don't care. Get out of my sight. Whenever I see you, you always bring misfortune. Unang araw mo palang dito ay nakikita ko nang papalpak ka." Saad ko
Nakagat nito ang ilalim niyang labi at napatingin sa baba. Iyon palang ang ginagawa niya ay naiinis na ako. Hindi ko maistemahan kung nag papaawa ba ito o umaarte lang.
"Isang araw palang po ito. Maaga pa para sabihing papalpak ako." Saad nung Geru
Tumaas iyong kilay ko at natawa ng bahagya dahilan para lingunin ako nito.
"In Mathematics, there's a probability. The probability of your success for me is based on your performance at the very start. You failed to impress me. Say goodbye because you will find another job tomorrow." Saad ko
"Kapag nasugatan ang kamay, pwedeng mapalitan ulit iyon ng other layer ng balat. Kalaunan ay mag hihilom iyon at babalik sa dati." Sagot niya
Kunot noo ko itong natignan, "What are you pointing out?" Tanong ko
"Na hindi porke nakagawa ako ng mali ay hindi ko na kayang matama iyon. Kayang kaya ko pong palitan ang kilos ko ayon sa gusto niyo. Nang sa gayon ay magkaroon kayo ng tiwala sa akin at maging ayos ang pakikitungo niyo sa akin. Katulad ng sugat na nag hilom ay babalik ang ayos sa dati." Sagot niya
Naningkit ang mata ko sa sagot nito. Tumayo ako sa kinauupuan ko kaya naman tiningala ako nito.
"There's no way. Nangangarap ka ng dilat. Pack your things because you will leave my house tomorrow. Hindi kita sisingilin sa gasgas ng bike ko. Lumayas ka lang sa bahay na 'to dahil ayaw ko sa malas." Saad ko
Umalis ako sa sala at nag tungo na sa second floor. Naabutan ko pang naka halukipkip ang kapatid ko sa tapat ng kwarto ko. Dahil pagod na akong makipagtalo ay pumasok ako sa kwarto ko at nag pahinga na.