webnovel

When You Love Too Much

Istorya ng lalaking nag mahal ng sobra hanggang sa umabot sa puntong nawala na niya ang sarili niya. Kasabay ng pag kawala ng sarili niya ay ang pagkawala niya ng paniniwala sa salitang pag-ibig.

EmionEtyel · 现实
分數不夠
31 Chs

Chapter 14

Carlhei Andrew POV

"Sir extra points! Ginawa niya 'yan sa bar!" Sigaw ni Reinest

Sinamaan ko ito ng tingin dahil nag tawanan iyong mga kasama namin mag review.

"Talaga? Bakit naman doon ka pa gumawa nito? Mas maganda ba ang ambiance doon?" Tanong ni Sir, halatang nag pipigil ng tawa

"May crush kasi siya doon, Sir. Kaso ibang star ang nakuha doon eh." Saad ni Reinest

Ang kaninang nag pipigil lang ng tawa na si Steven ay sumabog na sa kakatawa. Iiling iling nalang akong tumingin sa kanila dahil naalala ko na naman ang nangyari kagabi.

"This are all right except the problem number 3. I bet you're answering this while finding her." Saad ni Sir

Napaisip ako kung anong mali ko doon sa number na iyon ngunit hindi ko naman maiisip dahil naririnig ko parin ang hagikgikan ng dalawa sa tabi ko.

"Sir ano pong mali ko?" Tanong ko

"Iyong mag habol sa taong hindi ka naman gusto." Sagot ni Sir at tumawa

Napangiwi ako dahil doon. Nag tawanan rin tuloy iyong mga kasabayan namin mag review. Gusto ko nalang talagang lumubog sa lupa dahil sa kahihiyan.

"Biro lang, De Beñigo. Sa integration nalimutan mong mag lagay ng '+C' sa sagot mo. Importante iyon. But over all, ayos naman. So let's wrap this up here." Saad ni Sir

Naging hudyat iyon ng pag tayo naming lahat at paglabas sa room. Sabay kaming apat na lumabas ng room at nag tungo sa labas ng review center.

"What's for lunch, Captain?" Natatawang tanong ni Reinest, halatang hindi pa nakakamove on sa kaninang biruan

"Tsk. Bahala kayo sa buhay niyo." Saad ko

Mas lalo tuloy silang nag tawanan sa sagot ko. Paano ay nakasimangot na iyong mukha ko. Nakakahiya kaya ang pagtawanan ng buong klase.

"Sabit nalang tayo sa lunch niya with Sir. 'Di ba sabi niya ililibre niya si Carlhei?" Saad ni Karl

"Si Carlhei lang naman ang nag sagot noon. Maliban nalang kung isasama tayo ni Carlhei," saad ni Reinest at ngumiti pa sa akin, "Sasama mo kami 'di ba, bro?"

Hindi ko na ito nasagot dahil nga dumating na si Sir. Katulad ng inaasahan ay hinahapo na naman ito dahil sa pagmamadaling pumunta sa amin.

"Tara na, De Beñigo?" Tawag ni Sir

Hahakbang palang ako ngunit hinila na ni Steven ang braso ko. Inis ko itong nilingon ngunit nawala rin dahil may itinuro ito sa akin. Si Karen.

"Ahm, sila nalang po ang ilibre niyo ng lunch. Busy po ako eh." Saad ko

Kumaway ako kaagad sa mga kaibigan ko at nilapitan si Karen. Ngumiti ako dito ngunit wala man lang akong ngiti na natanggap dito. Sanay na ako doon.

"Hey! What are you doing here?" Tanong ko

Tumingin ito sa malayo at tyaka inilabas sa likod niya ang isang lunch box. Sandali pa akong napatitig doon kaya naman lumingon ito sa akin ng may nanlilisik na mata.

"Ano ba?! Nangangalay ako 'di ba? Baka gusto mong kunin 'no?" Inis na sabi nito

Kaagad ko iyong kinuha at ngumiti pa.

"Salamat ah. Pero para saan 'to? Hindi naman ako nag pagawa sa'yo ng lunch." Saad ko

Napangiwi ito dahil doon. Napalunok pa ito bago mag salita, halatang kinakabahan. Nakakatuwa tuloy makita na ang amazona na tulad niya ay kinakabahan.

"Ano… sorry doon sa kagabi. Akala ko talaga ikaw ang nag patanggal sa akin sa trabaho. Iyong VIP pala na iyakin ang nag patanggal sa akin." Saad ni Karen

Tumango tango bilang pag sangayon.

"Pasensya na 'yan lang kinaya ko. Malinis naman 'yan. Nakiluto ako doon sa bahay ng kakilala ko." Saad ni Karen

Mas lalong lumawak ang ngiti ko dahil sa mga sinabi nito. Parang hinaplos iyong puso ko dahil sa pag eeffort niya. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na haplusin ang buhok nito.

"You're really something. Saan mo gustong mag lunch?" Saad ko

"Kahit hindi na. Mag hahanap pa ako ng trabaho." Saad nito

"Edi pagkatapos kumain tyaka ka mag hanap ng trabaho." Saad mo

Hindi na ito nakaangal ng buksan ko iyong kotse ko. Nang buksan ko ang passenger seat ay pumasok ito kaya umikot ako papunta sa drivers seat at sumakay.

Dahil alam kong ayaw nito sa mamahaling lugar ay napag desisyunan kong mag maneho papunta sa mall. Dinala ko siya doon sa isang fast food chain.

Hinayaan ko itong humanap ng pwesto at ako naman ang omorder ng pagkain niya. Dessert nalanga ng iniorder ko para sa akin dahil nga may lunch box ako. Nang makuha ko iyong order ay kaagad akong pumunta sa pwesto na napili niya. Doon sa may malapit sa bintana kaya naman kita iyong magandang view.

"Here's your lunch." Saad ko

Doon palang ito napalingon sa akin dahil nakatanaw ito sa malayo. Ngumiti ako dito ng tanggapin niya ang tray. Umupo ako sa harapan niya at binuksan iyong lunch box. Napangiti ako agad ng makita iyon. Omelette at hotdog iyon. Nakakatuwa dahil gamit ang ketchup ay may nakasulat doon na "Sorry." Binuksan ko yung isa pang lalagyan at doon naman nakalagay ang kanin.

"I really appreciate this, Karen. Thank you very much." Nakangiti kong sabi

Saglit pa itong napatitig sa akin at mayamaya rin ay ngumiti ng bahagya.

"Kulang pa nga 'yan sa mga ginawa mo. Pangatlong beses mo na akong iniligtas kaya dapat ako ang mag pasalamat. Hindi ako makapaniwalang may lalaki pang katulad mo. Kapa nalang ang kulang at tatawagin na kitang 'superman' nyan." Saad ni Karen at bahagyang tumawa

Nakita ko na naman iyong ngiti niya kaya gumaan lalo ang loob ko. Paanong napakaganda ng ngiti niya pero kay dalas niya lang gamitin? Nag papatunay lang na hindi ito ganoon kasaya sa buhay niya.

"I would not think twice to help anyone. If you have the capability to help, why not?" Saad ko

"Hindi ba't parang masama naman ang ganoon? Baka mamaya ay gamitin ka lang nila." Saad ni Karen

Bahagya akong napaisip sa sinabi ni Karen dahil pangalawang beses na rin iyong nangyari sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag umulit iyon ulit.

"Helping them is my choice but taking advantage of me is their fault. Naniniwala ako sa karma, Karen. Hanggat sa maari ay mananahimik nalang siguro ako." Saad ko

Iiling iling akong tinignan nito.

"Bakla ka ba?" Tanong sa akin ni Karen

Napahinto ako sa pag kain ko at tinignan ito ng weirdo.

"Of course, no! Gusto ko lang talaga ng payapang buhay kaya hindi ako gumaganti. Ang mahalaga sa akin ay mag patuloy sa buhay." Saad ko

Nag patuloy nalang ito sa pag kain niya pero nakangisi. Nang matapos kaming kumain ay napagpasyahan naming mag libot libot sa mall. Baka daw kasi may mahanap siyang bakanteng trabaho.

"Tanggapin mo nalang kasi iyong offer ko." Saad ko

Napagod na kami kakaikot at napagpasyahang umupo sa mga bench sa labas ng mall.

"Nadala ako sa huling nag bigay sa akin ng trabaho. Napakalaki ng kapalit ng pag bibigay niya sa akin ng trabaho. May utang pa ako. Tsk." Saad niya

Inilabas ko iyong panyo ko at ibinigay iyon sa kaniya dahil sa pawis nito. Bahagya itong ngumiti at tinanggap iyon.

"Wala naman akong hinihinging kapalit. Gusto ko lang tulungan ka na mag bayad ng utang mo." Saad ko

"Ayaw ko lang isipin ko na sinasamantala ko 'yung kabaitan mo." Sagot niya

Iiling iling ko itong tinignan upang makita niya na hindi ako sangayon sa sinabi niya.

"I told you, ako ang may gustong tumulong. Kasalanan niyo na kapag sinamantala niyo ang pag tulong ko. Siguro naman hindi mo katulad ang iba 'di ba?" Saad ko

Sandali pa itong napaisip tyaka tumango tango. Iniabot nito ang isa niyang kamay at ngumiti.

"Sige, deal. 'Wag kang mag alala, hindi ako mag kakalat sa trabahong ibibigay mo." Saad ni Karen

Iniabot ko ang kamay niya tyaka kami nag handshake.

"Deal. Alam ko namang hindi mo ako bibiguin." Saad ko