webnovel

Chapter 8

June 24, 2019

6:37 p.m.

Chan's POV

"Bye guys, see you tomorrow." sabi ng beki naming classmate na si Blaise sabay flying kiss.

"Ulol!" sigaw ni Ares sabay batok kay Blaise. Nagbatukan silang dalawa. Mga ugok talaga. Nagsitawanan lang kaming lahat.

"Sige, madilim na. 'Wag na kayong pasaway."

"Geh, bye guys!"

Nagsimula na kaming maglakad ni Shanaia. Araw araw sabay kaming umuwi kasi one way lang ang daanan namin. Naisipan kong kausapin siya.

"A-ah... Shanaia. G-gusto mo ba si Sai?" Napatigil siya sa paglalakad at nanigas. Umiling siya at napatuloy kami ulit sa paglalakad. Nakaramdam ako nang kaunting saya.

May katiting na pag asa pa ako kay Sai.

"E-eh ikaw, gusto mo ba si Rheinz?" Ngumiti ako at napa iling. Guminhawa siya nang malalim at ngumiti.

"Gusto ko si Rheinz."

"Gusto ko si Sai."

Sabay naming sabi. Nanlaki naman ang mga mata namin at tumawa. Nag apir kaming dalawa na nagpapahiwatig na wala kaming parehas na nagugustuhan.

"Pwede bang gumawa tayo nang kontrata? Lalayuan mo si Rheinz at lalayuan ko naman si Sai." Napangiti naman ako ng matamis dahil sa narinig ko. At the same time, nalungkot din ako kasi ang saya ko kasi kapag kasama ko si Rheinz.

"Papayag ako." May binigay siyang papel sakin.

"Sign." Wow, napaghandaan niya talaga ha. Kumuha ako nang ballpen at pinermahan ko na.

"Maliwanag yun diba? Sisimulan natin yun bukas. Okay ba sayo?" Napatango namna ako nang mabilis. Yas! Mapapansin na din ako ni Sai.

*Kring...kri-*

Kinuha ko ang phone ko at nakita ang pangalan ni Rheinz. Sumenyas naman ako kay Shanaia na nasa phone si Rheinz.

"Hello?"

"Grace, asan ka? May practice ngayon sa gym." May practice ba ngayon. Eh, sa pagkakaalam ko malayo ma ang Intramurals.

*Kring*

Nakita kong sinagot ni Shanaia yung phone niya.

"Oh Sai! Bakit?... oh sige hintayin mo ko." Pinatay na ni Shanaia yung phone niya.

"Pupunta na ko." Pinatay ko dali dali ang phone ko at nagpaalam kay Shanaia.

"Shanaia, pasensya na. May practice kami sa Dance Club. Ewan ko nga ba, kung bakit may practice eh ang layo pa nang Intramurals."

"O sige, meron rin nga kaming practice sa Glee Club."

Tumakbo na ako papuntang gym. Nakita ko si Rheinz na nakatayo sa labas. Hinugot niya ang kamay papasok sa Gym.

Bakit ang tahimik?

"Rheinz, bakit walang tao?" Bigla naman akong kinabahan. Nakita ko siyang umupo sa sahig kaya napa upo na rin ako.

"May isang batang babae na nakilala ko sa school. She was a brave and strong girl but a kind one." Nagulat ako nung nagkwento siya.

"Uh, wala ba tayong practice?" Tiningan niya lang ako ang ngumiti. Nagpatuloy siya sa pagkukwento.

"One time, pinagtanggol niya ako sa bully. Ang tapang tapang niya. Ako ang lalaki pero siya yung nagtatanggol sakin. I admire her a lot. Simula nung mangyari ang insidenteng yun, binago ko ang sarili ko dahil gusto kong maipakita sa kanya na kaya ko na ang sarili ko." Ang familiar nang sinasabi niyang kwento. Na curious ako kaya nakinig ako sa susunod niyang sasabihin.

"Palagi ko siyang tinitingan mula sa room namin. Palaging sinusundan kung saan magpunta. Hanggang sa dumating ang panahon na malaki na kami, mas lalo akong nahuhulog sakanya." Ramdan ko na papa iyak na siya. There is something special about that girl.

"Nagalit ako nung niloko siya nang kapatid at lalakeng mahal niya. Gusto ko siyang sugurin, pero hindi. Kasi hindi naman ako ang tatay o boyfriend niya. Wala akong karapatang gawin yun"

"K-kaya ang saya saya ko nung ako ang lalakeng hinugot niya mula sa mga tao at hinalikan."

Nanigas naman ako at napatingin sakanya. A-ako?

"Sabi ko sa sarili ko, napakinggan na siguro ni Lord ang mga dasal ko."Biglang tumulo ang luha niya. Naramdaman ko ring tumulo ang luha ko nung na realize ko na ako ang tinutukoy niya. Napahawak naman ako sa bibig ko. Siya yung lalakeng niligtas ko. Hindi ko siya nakilala dahil nag iba ang mukha niya.

"I was the luckiest man that day. And I realized, I can sacrifice my life for her." Napa iling ako na parang sinasabi sa sarili na hindi ako yun. Tiningnan ko siya nang tuwid sa mata. Walang kumukurap samin.

"Gusto ko maging selfish kapag binabanggit niya ang pangalan ni Sai. I know its sounds immature but I love her." Nagpatuloy ang pag agos nang mga luha niya. That word strucks me. I love you.

"At habang tumatagal, mas lalo akong nahuhulog sakanya. At gusto kong malaman mo na ikaw ang babaeng tinutukoy ko. " Ngumiti siya nang matamis. Pero hanggang ngayon tulala pa rin ako.

Tiningan niya ko sa mata nang ilang segundo. "Grace, pwede ba kitang ligawan?"