webnovel

When The Waves Touch The Sky (Tagalog)

Zetty Mondejar loves risking her life. Will she be able to risk anything for the man of her life?

_doravella · 现代言情
分數不夠
47 Chs

The Random Circumstances

Prente akong nakahiga sa sofa ng salas at nanonood ng TV nang biglang sabay na lumabas si Tito Jose at Tita Crestine from their room, parang nagmamadali. Tito Jose's holding his phone na parang may tinatawagan.

Sinundan ko ng tingin ang mag-asawa. Si Tito Jose ay tuluyang nakalabas ng bahay samantalang si Tita Crestine naman ay nanatili sa may pinto, mukhang nakatingin lang sa pag-alis ni Tito.

Nag-away ba silang dalawa?

"Tita Crestine, sa'n po pupunta si Tito?"

Lumingon si Tita Crestine sa akin at napabuntonghininga. Lumapit na rin naman siya sa puwesto ko. Pero mababakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"May pupuntahan lang ang Tito mo. Naaksidente raw kasi 'yong anak ng kaibigan niya. Dinala sa hospital kaya pupuntahan nila."

"Ganoon po ba? Ano po kayang nangyari?"

"Ang sabi ni Gabriel kanina, nahulog daw sa puno. Pero sana lang at walang may masamang nangyari sa batang iyon."

Teka, parang nag-aalala rin ako bigla ah. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya pinakalma ko na lang muna si Tita Crestine at hindi na nagtanong pa tungkol sa pangyayaring iyon.

Maya-maya lang din ay nagpaalam siya sa akin para tulungan si Lola at Ate Nene sa pag-prepare ng hapunan. Pinagpatuloy ko na lang 'yong panonood ko ng TV.

Gusto ko mang tumulong sa kusina para mag-prepare ng hapunan, alam ko sa sarili ko na magpapanggap lang ako kasi hindi naman talaga ako maalam pagdating sa kusina. Maka-ilang beses akong gustong matuto pero pumapalpak kaya matagal ko nang natanggap sa sarili ko na wala talaga ang mundo ko sa kusina. Kaya hinayaan ko na lang sina Tita, Lola, at Ate Nene roon.

Hindi rin naman nagtagal ay biglang dumating si Justine galing sa kung saan. Nang makita niyang nasa salas ako, basta niya lang na inilagay ang bag na dala niya sa pang-isahang sofa at biglang humiga sa throw pillow na nakapatong sa ibabaw ng lap ko. Hindi agad ako nakapag-reak sa ginawa niyang iyon. Madalas naman kasi talagang humihiga na lang nang basta-basta 'yong mga pinsan ko lap ko. Mukha ba akong unan sa paningin nila?

Dumiretsong pikit si Justine nang makahiga sa lap ko. Salubong ang kilay kong napatingin sa kaniya. Pinasadahan na rin ng tingin ang kabuuan niya.

"Sa'n ka galing?" tanong ko.

Nagmulat siya ng mata at diretsong tumingin sa akin. "Ikaw? Sa'n ka galing kanina? Balita ko umalis ka naman, ah?"

Oh, bakit ako ngayon ang tinatanong?

"Nag-jet ski kasama ang mga Lizares."

"Kayo pala 'yong nagji-jet ski kanina?"

"Bakit? Nasaan ka ba kanina?"

"Nasa Northwind kami. At saka, sino 'yong kasama mo? Mga Lizares?"

He eyed me intently kaso naguguluhan ako.

"Oo. Mga Lizares. Bakit?"

Napabangon siyang bigla dahil sa naging sagot ko. Mas lalong mariin na tumingin sa akin. Para bang pailalim kung makatingin at parang nagdududa sa naging sagot ko. Ano bang mali sa naging sagot ko?

"Sigurado kang mga Lizares ang kasama mo?"

"Bakit ba?" medyo naiirita kong tanong.

"Kung ganoon, sino-sino sa mga Lizares ang kasama mo kanina?"

"Tonton at…"

"At?"

Napa-isip ako bigla. Sino nga ulit 'yong kasama namin kanina?

"At sino, Ate?"

"Teka, sandali! Nakalimutan ko ang pangalan. Parang Sam? Sam yata 'yon-"

"Samuel?"

"Oo! Samuel nga. Samuel ang pangalan no'ng isang kasama namin," nakaturo pa sa kaniyang sabi ko.

"Si Samuel? Si Samuel ang kasama n'yo kanina?"

"Oo. Bakit?"

"E, hindi naman Lizares 'yan, Ate. Anak ng trabahador ng mga Lizares si Samuel. Kasama namin kanina ang mga Lizares. Kaya pala wala si Kuya Tonton kanina, kasama mo pala. Pati si Samuel, dinala-dala n'yo pa."

"So?"

"Wala. Bakit napapadalas 'yang pagsasama ninyo ni Kuya Ton, Ate? Noong isang linggo, magkasama rin daw kayo."

"E, ano naman ngayon? May problema ba sa madalas naming pagsasama, Justiniani?"

Napanguso si Justine pero nag-iwas din naman ng tingin.

"Wala naman. Hindi lang ako sanay na siya ang kasama mo. 'Di ba sina Kuya Nicho at Kuya Yosef naman palagi ang kasama mo? Minsan si Kuya Hugo. Ngayon lang yata kayong nagkasama ni Kuya Ton?"

"Bakit? Masama ba? Hindi kasi sumasama sina Nicho at Yosef sa tuwing aalis kami. Kaya nauuwing kaming dalawa na lang ni Tonton ang nagpupunta sa mga dapat puntahan. May masama ba sa pagsama sa kaniya, Justine?"

"Wala nga. Nakakapanibago lang. But anyways, mabuti na 'yon. Para mas marami kang kaibigan."

"Ewan ko sa 'yo."

Tumayo na lang ako at hinayaan na si Justine sa salas. Aasarin lang ako no'ng pinsan kong iyon.

A week after that skimboarding adventure in Bonista Beach Resort, ang sunod na naging adventure namin ni Tonton ay 'yong jet ski riding sa may Jomabo Island. Kasama namin 'yong akala ko nga ay pinsan ni Tonton. Hindi naman kasi formal na ipinakilala. In-assume ko lang kaya akala ko talaga pinsan niya. Hindi rin naman kasi halatang anak ng trabahador 'yong si Samuel. Cool naman siyang kasama. Nakasundo ko rin siya kanina.

Aside sa ginawa naming jet ski adventure, nag-skimboarding na rin kami sa may Panansalan Sand Bar since flat din naman ang area roon, puwedeng mag-skimboarding. Sobrang saya at nakakapagod ang buong araw kasi masiyado akong na-excite sumakay ng jet ski. First time ko kasi. Jet ski ng mga Lizares ang ginamit. Dalawa pa. Ang yaman talaga nila.

Mahapdi nga ulit ang mukha ko ngayon dahil sa buong araw na pagbilad sa araw. Pero okay na naman kasi simula na rin naman ng Christmas vacation. Simula na ulit ng simbang gabi mamayang madaling araw.

Matapos ang isang oras, natapos na rin sa pagluluto sina Lola sa hapunan kaya tinawag na kami sa hapag-kainan. Nakarating na rin si Tito Jose pero malungkot na malungkot ang mukha niya. Gusto ko sanang itanong kay Tita Crestine kung kumusta ang naging lakad ni Tito pero bigla na itong napag-usapan sa hapag-kainan.

"Kumusta na 'yong anak ni Boyet, Jose?" nag-aalalang tanong ni Lola habang inilalapag ang kanin sa gitna. Naki-upo na rin siya at katulad ko'y nakinig sa kung anong sasabihin ni Tito.

"Dead on arrival pagdating sa hospital. Hindi kasi agad nakarating sa hospital dahil sa kakulangan ng masasakyan sa lugar nila."

Hala?

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mga matatanda. Sobrang lungkot ni Tito Jose na para na siyang maiiyak. Si Tita Crestine naman ay napatulala na lang sa mga pagkain. Si Lola ay sinapo ang bibig dahil sa gulat. Si Lolo ay hindi rin makapaniwala sa narinig mula sa anak.

"Hala, Diyos ko po. Kawawang bata. Ano ba kasi ang nangyari?" tanong ni Lola matapos ang gulat niya.

Napabuntonghininga si Tito Jose. "Ang sabi sa akin no'ng staff ng hospital, umakyat daw sa puno tapos hindi na-balanse ang sarili, ayon at nahulog, diretsong bumagok ang ulo sa bato."

Napasandal ako sa kinauupuan ko at biglang naawa sa kung sinong bata iyon. Grabe, accidents are inevitable talaga.

"Hindi ka ba kinausap ni Boyet nang magpunta ka sa hospital?"

"Nagpakita ako pero hindi ko alam kung nasa huwisyo ba si Romelito para malamang ako 'yong nasa harapan niya."

"Panganay 'yan ni Boyet, Jose, 'di ba? Ilang taon nga 'yang batang iyan?" tanong pa ni Lolo.

"Katorse anyos lang si Aylen, Dad."

"Diyos ko po, kawawang bata talaga."

Nakakalungkot 'yong nangyari sa pamilya ng kaibigan ni Tito Jose. Magpa-Pasko pa naman sana.

"Kaya kayong tatlo, ha. Mag-iingat kayo palagi. Accidents are inevitable pero kung kaya nating umiwas sa gulo at aksidente, umiwas agad tayo. 'Wag basta-bastang mag-take ng risk. Do you understand?"

"Yes po, Lolo," sabay-sabay na sagot naming tatlo.

Pero sa mga sumunod na araw, hindi ko na alam kung anong nangyari sa pamilyang iyon. Isang beses lang daw na nakabisita sina Tito Jose at hindi na naulit pa kasi hindi raw sila kinakausap no'ng kaibigan nila. Reasonable nga naman kasi. Sinong namatayan ng anak ba ang matino mo pang makakausap sa panahon ngayon? Hindi nga rin ako nakabisita. At saka, nalaman ko rin na pinsan pala 'yon ng kaklase namin no'ng elementary na si Osias. Kawawa nga. Masiyado pa siyang bata para kunin agad. Paniguradong ang dami sigurong pangarap no'n na hindi na maisasakatuparan.

Dumaan ang Pasko, bagong taon, Valentine's day, Charter day, final exams, end of school year, at kung ano-ano pang event na madadaanan within December to April. Maraming nangyari. 'Yong iba redundant lang, 'yong iba kakaiba. But I'm happy I was able to move on with Therese. Dati, dini-deny ko pa na naka-move on na ako at kung makikita ko siya bigla, bigla ring babalik ang sakit na iniwan niya. Pero no'ng makita ko siya recently sa isang Christmas event, bigla wala na akong naramdaman.

And all thanks to Tonton Lizares. I do appreciate Tonton on his doings na mabigyan ako ng mga activities na magpapa-occupy sa akin. Hanggang sa sunod na nakita ko si Therese, wala na talaga. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa buhay niya o kung sila pa ba no'ng ipinalit niya sa akin. Basta ang alam ko, okay ako at masaya ako.

Malaki ang naitulong niya sa buhay ko. Nand'yan siya no'ng nasasaktan pa rin ako kay Therese. Kung anong naging epekto no'ng pag-iwan sa akin ni Therese, nakita niya. Nalugmok ako noon hindi dahil mahal ko talaga si Therese, kundi dahil sa ginawa niya, biglang nawala ang self-worth ko. Palagi kong kino-question ang sarili ko kung kamahal-mahal ba talaga ako. 'Yong self-confidence ko biglang na-worn out dahil sa ginawa ni Therese. Grabe 'yong naging epekto ng pagtataksil sa akin. Ibang-iba talaga. That's why I hate cheaters.

Tonton stayed no'ng bigla na lang akong maiiyak kahit na masaya ang kanta, 'yong biglang matutulala, 'yong nilunod ko ang sarili sa alak, sa saya, sa adventures, at kung ano-ano pa. He was there. He showed me what real friendship is no matter how random the circumstances is.

Marami rin namang nagparamdam sa akin, lalo na 'yong mga lalaking nalaman na wala na akong girlfriend. Are they kind of expecting ba na papatulan ko na sila? Oo, alam kong may chansa, pero… ew!

Unti-unti kong naramdaman ang saya ng pagiging single ko. Marami akong na-realize nang makawala ako kay Therese. Ebarg! Tatlong taon pala akong nakakulong sa isang relasyon na nagpabago ng isipan ko, nagpabago ng iilang nakasanayan kong gawin, nagpabago ng pananaw ko.

Ngayon kasi ay unti-unti kong napagtanto na normal ako.

Nanalo nga pala si Tito Jose sa pagiging konsehal ng city namin. Siyempre, tuwang-tuwa ang pamilya. It's like all our hardships and sacrifices were finally paid off. Tumulong din kami no'n sa pangangampanya. Sobrang saya kaya ng experience kasi we were able to roam the entire land mass of our city para ma-reach ang mga voters. Sana nga hindi lang during election 'yon. Gusto ko sana kahit once a year ay gawin namin ang maglibot sa city namin. Ang ganda kaya ng city namin! #SupportLokal

Sa sumunod naman na taon, ganoon pa rin, sobrang saya pa rin ng buhay. Mas lalong dumami ang naging adventures namin ni Tonton. Minsan sama-sama kaming magbabarkada, minsan kaming dalawa lang. Pero sobrang saya. Mas lalo kong nakilala si Tonton at ang pamilya niya. Nakilala niya rin ako at ang pamilya ko. Ewan, basta parang mas naging bestfriend ko pa siya kaysa sa sarili kong pinsan at kay Yosef na parang sinasamba na ang girlfriends nila. Pa-iba-iba naman.

April ngayon at kasal ng kaibigan namin. Actually, sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang nagpakasal itong isang miyembro namin sa mga batang hamog ng simbang gabi. Akalain mo ba namang biglang nagpakasal itong pinakatahimik at pinaka-nerdy ng barkada na si Einny Lizares. Grabeng kantiyaw ang ibinigay namin sa kaniya no'n. Nagulat man pero suportado naman namin siya.

Ang bagsik talaga nitong si Einny.

So, 'yon nga, kasal niya ngayong araw. Nandito ang mga batang hamog ng simbang gabi, nasa simbahan at nanonood sa exchanging of vows nilang dalawa.

Sobrang corny pero kikiligin ka ng wala sa oras.

Matapos ang enggrandeng kasal sa simbahan, agad kaming nagsipuntahan sa reception by the sea. Isang table kami ng barkada. Pinapagitnaan ako ni Ada at Tonton. Chikahan lang ang lahat. Catching up na rin kasi matagal-tagal din nang huli kaming magkita. Busy na rin kasi sa kaniya-kaniyang buhay at pag-aaral.

Kanina pa kaming nandito. Tapos na rin ang usual program during the reception at dahil may kaonting inuman, nagpa-iwan muna kami.

Marami na kaming napag-usapan kanina. Nagpa-plano sa kung anong puwedeng maging summer getaway gathering namin. 'Yong tungkol sa bakasyon ng mga Osmeña sa susunod na linggo sa Davao. Kung anong mga ganap sa nalalapit na fiesta ng city namin, at kung ano-ano pang updates sa buhay.

Bumalik si Decart sa table namin galing sa kung saan pero bigla ring tumayo si Tonette, kinakalikot ang cell phone niya, pero hindi na namin ginawang big deal. Nakangisi akong nakatingin kay Decart na sinundan lang ng tingin si Tonette.

"Decart Lizares, kung nand'yaan ka, pakigalaw ang baso. Kailan ka magpapakasal?" sabi ko pa sabay parang ginawang bolang kristal ang basong nasa harapan ko.

Nagtawanan ang lahat. Namura pa nga ako ni Decart sabay bato sa akin no'ng table napkin yata. Natatawa na lang akong umilag sa ginawa niya.

"Ano na, Decart? Kailan? Naku! May nabalitaan pa naman ako, na kapag mas nauna raw na magpakasal ang kapatid? Tatandang binata ang panganay," dagdag na sabi ko na tinawanan ulit ng lahat.

"Tumahimik ka, Zetty ha."

Binelatan ko na lang sila hanggang sa ang iba naman ang nagbiro sa kaniya tungkol sa pagpapakasal.

Totoo naman kasi. Siya ang panganay sa mga Lizares pero mas nauna pang magpakasal ang pangalawang kapatid niya kaysa sa kaniya. Tapos wala rin kaming nababalitaang girlfriend o karelasyon niya. Bakla ba 'to? Char, joke. Alam kong hindi.

Ang tatanda na pala namin. Isang dekada ko na palang kaibigan ang mga Osmeña. Ilang taon ko na palang nakakasama ang mga kaibigan ko sa table na ito.

Na-divert din naman sa ibang bagay ang usapan. Nakakasawa kayang puro si Decart lang ang pinag-uusapan. Baka nga maupakan ako no'n kapag nainis.

"Bakit nga pala biglang nagpakasal si Einny?" pa-simpleng bulong ko kay Tonton na mismong katabi ko.

Umiinom siya no'ng whisky yata nang itanong ko 'yon. Lumingon siya sa akin pero hindi siya sumagot verbally. Idinaan niya sa non-verbal.

Sumenyas siya sa may bandang tiyan niya na para niyang ginawang half-circle tapos inilagay niya sa hintuturo niya ang index finger. Agad ko ring na-gets ang gusto niyang sabihin.

Ah, kaya pala.

"Bagsik ni tahimik. Ang bilis maka-bulls eye," pangisi-ngising sabi ko habang nakatingin kay Einny mula sa malayo.

"Kinontak ka ba ni Sonette?"

Bumalik ang tingin ko kay Tonton. Naalala bigla 'yong message ni Sonette sa akin no'ng nakaraan.

"Ay, oo. Nag-aaya sa Siargao. May competition daw siya roon. Sama tayo?"

"Ikaw lang ba 'yong kinontak?"

"Bakit? Hindi ka ba kinontak ni Sonette?"

"Tss."

Umiwas siya ng tingin na parang naiirita hanggang sa napapa-iling na lang siya sa kawalan.

"Akala ko sinabihan ka na niya. At saka, akala ko tayong dalawa 'yong ibig niyang sabihin."

"Ikaw lang 'yon."

"Bakit hindi ka kinontak ni Sonette?"

"Ewan."

"Tipid mo namang sumagot. Sama tayo. Siargao 'yon, e. Maganda roon 'di ba?"

Hindi sumagot si Tonton sa sinabi ko. Nanatiling nakatingin sa kabilang side ng venue ang ulo niya.

"Punta tayong La Union?" bigla ay naging sabi niya matapos ang ilang segundong katahimikan. Nilingon niya ulit ako ngayon. Parang at ease na rin ang estado ng mukha niya.

"La Union? Guys! Pu- amgaljglg."

"Tayong dalawa lang."

Tinanggal ko ang kamay ni Tonton na ipinangtakip niya sa bibig ko para pigilan ako sa pag-share sa iba ng sinabi niya. Nangunot ang noo kong lumingon sa kaniya. "Tayong dalawa lang?" mahina ring tanong ko since mahina niya ring sinabi iyon kanina.

Tumango naman siya.

"Ano namang gagawin natin doon?"

"Surfing."

"E, sa Siargao na lang tayo. Puwede ring mag-surfing doon, e."

"Mas maganda ang La Union."

"Pero mas malapit naman dito ang Siargao."

Napabuntonghininga si Tonton. Mukhang sumuko na. At mukhang nanalo ako.

"Pupunta kayong La Union? Kayong dalawa lang? Kairita!"

Bigla akong napalingon sa tabi ko nang magsalita si Ada. Umirap pa talaga ang bugok sa huling sinabi niya.

"Sama ka? Sige na, sama ka na. Guys, sama kayo?"

Para hindi mag-isip ng kung ano-ano si Ada, agad ko na siyang inaya. Pati ang iba, sinabihan ko na.

"Zettiana!" nagpipigil ng inis na bulong ni Tonton sa akin pero binalewala ko lang.

Malayong trip 'to, dapat lang na mag-aya rin kami ng iba.

"Saan ba?"

"La Union daw sabi ni Tonton."

"La Union? Layo. Wala bang malapit?"

"Ang sabi ko nga sa kaniya na Siargao na lang pero mas maganda raw sa La Union."

"Kailan ba?"

Lumingon ako kay Tonton. "Kailan daw?"

Masama niya akong tiningnan pero nginisihan ko lang. "Next week," sagot naman niya.

"Ay, pass kaming mga Osmeña. Off to Davao," sabi ni Yosef.

"Hindi ba puwede next month? May summer class ako, e," sagot naman ni Farrah.

"Sama ako! Nagpa-plano na naman kayong dalawa na kayo-kayo lang," sabi pa ni Nicho.

Lumawak ang ngisi ko nang malamang gustong sumama ni Nicho. Ayos! May manlilibre sa akin!

"Sasama rin ako!"

Nice one, Decart!

At dahil gustong sumama ng pinsan kong si Nicho at ang kapatid niyang si Decart, mas lalo akong naging excited na puntahan ang La Union kaysa ang Siargao. Habang si Tonton naman ay parang nabagsakan ng langit at lupa nang malaman niyang may dalawa pang sasama sa amin.

Hindi na muna masiyadong nag-plano para sa La Union, respeto man lang daw sa mga hindi makakasama. Daming alam ng mga bugok.

Nag-usap na lang ulit ng kung ano-anong puwedeng pag-usapan hanggang sa napunta ulit sa akin.

"Ikaw, Zetty, kailan mo sasagutin ang mga manliligaw mo?" bigla ay naging tanong ni Decart na may kasama pang ngisi.

"Anong manliligaw?" patay-malisyang tanong ko habang nagsasalin ng vodka sa shot glass.

"Sus, akala mo hindi namin alam? Sabay daw na nanligaw si Jeffy Escala at Uly Alejandro sa 'yo ah?"

"Ano ba 'yang pinagsasasabi n'yo?" patay-malisya pa ring sagot ko. Diniretsong lagok ang vodka na isinalin ko kanina.

Natawa silang lahat at isa-isa na namang nangantiyaw.

"Hala, true? Niligawan ka ng dalawang iyon?"

"Isa ka pa, ha," sabi ko kay Ada na may pagbabanta.

"Ang big time naman ng mga manliligaw mo pero wala ka na naman bang sinagot sa kanila? Dalawang taon ka ng single, ah? Ni girlfriend at boyfriend ay parang hindi ko narinig na nagkaroon ka these past two years. Okay ka lang?"

"Psh. Wala akong oras sa mga gan'yan. Busy ako sa plates ko. Wala akong time lumandi. Aksaya sa oras."

Nagkantiyawan na naman sila. Walang humpay na hiyawan.

"And mind you, guys, hindi na 'yan tomboy. So the next time na may magustuhan 'yan, for sure, lalaki na."

Sinamaan ko ng tingin si Nicho dahil sa sinabi niya. I mouthed him tang ina mo pero tinawanan niya lang ako.

Totoo ang sinabi niya, hindi pala ako tomboy. Akala ko lang pala tomboy ako. Pero hindi. Nitong nakaraang dalawang taon, napagtanto ko na babae pala ako. Paano ko napagtanto? Hindi na kailanman tumibok ang puso ko sa isang babae. Tumibok na ito nang dahil sa isang lalaki. Sounds corny but, yeah, I have an eye with this particular guy. But I can't take a risk. Not with him.

~