webnovel

When The Time Comes [MR Series #3] (Tagalog)

MysteryRomance#3 Arzalea Desiree Smith & Azrael Daven Gomez There's no one to blame to people who innocently didn't know how the scenario is probably like complicated. The world, is like a disaster. And a lot of problem and can't stop thinking how to resolve it. Also call it loved how to turn crazy you are. What is your life now? If no ones by your side and helping you to the scenario. When the time comes..

ItsMeJulie · 青春言情
分數不夠
42 Chs

Chapter 8

Kinabukasan ay alam kong mainit na ang ulo niya. At hindi nga ako nagkakamali. Inutusan nya na agad ako kahit alam nyang kaka galing ko lang sa sakit.

Napairap na lang ako nang patago at nagpadala nang death threats bago iyon ay may kailangan akong tawagan kundi si Mr. Faller.

"Arzalea." Bungad nito at para bang tuwang tuwa nang tumawag ako dito.

"Meet me at your office. 1 pm." Binabaan nya ka agad ako ng tawag matapos nyang sabihin iyon. Masyadong bastos ang matanda at hindi man lang ako pinagbigyang magsalita.

Nang mag aala una ay nag suot na ako nang jeans at crop top shirt tyaka ako nag tanong dala ang shoulder bag ko. Nag salamin ako at kinuha ang earpod ko bago lumabas nang kwarto.

Nagulat ako nang naka ayos rin si Daven. Naka jeans din at naka gray shirt at naka salamin din ito pero kita ang pag kunot nang noo nito.

"Let's go!" Nabigla ako sa sigaw nya kaya naman agad akong sumunod sa kanya. Hindi ko alam kung nalaman ba nyang may kausap ako kaya nya nalaman iyon.

Dahil matigas pa sya sa bato ay sumunod na lamang ako dahil hindi ko naman sya mapipigilan pa.

Pagkarating namin sa Office ay maraming mga taong nagtitinginan sa amin ngunit hindi na lamang namin pinansin iyon at agad kaming dumeretso sa office ni Mr. Faller

Nang pag buksan kami nang secretary nyang lalaki ay halakhak agad ang bungad ni Mr. Faller sa amin at palipat lipat pa ang tingin nito sa amin.

"Stop laughing." Sabay pa naming sambit na lalong ikinahalakhak nya.

"Sit down." Nang matapos nyang tumawa.

"What is it?" Paninimula ko at ayoko na ring magpa ligoy ligoy pa. Bumuntong hininga na muna ito bago mag salita.

"Hindi pa namin nalalaman kung sino talaga ang nasa likod nang labanan na ito." Iiling iling nyang panimula. "Nararamdaman namin at nang mga tauhan ko na malakas ang taong iyon. Ngunit kaninang madaling araw ay nangilabot ang ilan sa mga naka kita nang para bang pusa kung kumilos sa sobrang bilis. Hindi nila malaman kung babae ito o lalaki." Pinaglalaruan na nito ang ballpen at para bang maraming iniisip.

"So that's it?" Lumingon naman ako dito at para bang walang takot sa sinabi ni Mr. Faller

"Hindi nila nakita ang mata at wala pang impormasyon tungkol sa tao na iyon. Ngunit base sa kilos ay may katandaan na rin ito." Nangunot ang noo ko lalo na nang may sinabi pa si Mr. Faller na hindi lang iyon ang unang beses na lagi bang may parang pinapatay.

Nangilabot ako doon kahit na may music parin sa tenga ko ay naririnig ko pa rin ang sinabi nya. Ilang beses pa ang katahimikan nang mag salita ako.

"What's our plan?"

"We don't have a plan.. Yet. Kinakailangan na muna nating mag ingat dahil hindi pa rin nalalaman kung kalaban ba o kakampi ang taong gumagala pag sapit nang alas tres nang madaling araw."