webnovel

When The Time Comes [MR Series #3] (Tagalog)

MysteryRomance#3 Arzalea Desiree Smith & Azrael Daven Gomez There's no one to blame to people who innocently didn't know how the scenario is probably like complicated. The world, is like a disaster. And a lot of problem and can't stop thinking how to resolve it. Also call it loved how to turn crazy you are. What is your life now? If no ones by your side and helping you to the scenario. When the time comes..

ItsMeJulie · 青春言情
分數不夠
42 Chs

Chapter 24

"Shh, Calm down," Pagpapatahan sakin ni Daven at pinunasan nya pa ang luha ko gamit ang panyo nya.

"I am worried to him," Simpleng sambit ko habang naka tingin sa pinto, gustong gusto ko na pumasok pero mukhang hindi pa sila tapos ni Tita.

"He will be fine, come here." Niyakap nya ako at mas inilapit pa sa kanya.

Pagkatingala ko ay sa hindi malaman ay parang mas gumeapo pa sya sa paningin ko. Ramdam ko ang pagtitig nya sa mga mata ko at ganun din ako sa kanya.

Agad akong nag iwas ng tingin ng mag salita sya. "You have to eat dinner." Nagulat ako ng may ilabas syang echo bag at amoy pa lang ay natatakam na ako.

"KFC?" Tanong ko.

"Yes, Wait for me here and I'll talk to Tita." Kumatok sya doon at kasabay ng pag bukas ng pinto ay napatayo na rin ako.

Hindi ko narinig ang usapan nila dahil parang nagbubulungan lang sila. Hindi ko maiwasan ang mag stay kaya lumapit ako sa kanilang dalawa.

"Magpapaalam lang po ako tita, kakain lang po kami." Paalam ko at ka agad naman syang pumayag at ipinasabi nito sa anak nya.

Dumeretso kami sa canteen ng Hospital. Hindi ako sanay pero wala na kaming mahanap na p pwestuhan upang mag dinner.

Nang ibigay sakin ay agad kong binuksan ang mainit init pa na gravy at kanin. Nagdasal pa muna kami bago kumain, mas gusto ko sanang kinakamay ngunit dahil gutom ako ay kinutsara at tinidor ko na lang.

Nag uusap lamang kami ni Daven habang kumakain. Ngunit sa kalagitnaan niyon ay nag vibrate ang cellphone ko kaya agad kong tinigil ang pagkain ko at binuksan iyon.

'Ms.Smith

You have to leave at the Philippines and Go back to Italy.

Our boss is needed to see you'

3 Days from now

-R

Parang gusto kong maiyak dahil sa mensaheng na receive ko. Ito ang pinaka ayaw ko sa lahat, na ako lang mismo ang kikilos at gagawa para sa kapakanan ng iba. Hindi rin ako pwede magsalita patungkol sa mensaheng natatanggap ko, kumpara na lamang kapag dalawa kami ni Daven ang naka tanggap ng mensahe.

"Are you okay?" Napatingin ako sa kanya at bakas ang pag aalala sa mukha nito.

"I'm fine, just eat." Tinago ko na ng cellphone sa bulsa ko at ipinagpatuloy na lang ang kain.

"In a 5th of May, I will not show myself to you. May kinakailangan akong importante gawin at hindi pwedeng hindi ko masunod iyon."

"Sure, hindi din sa lahat ng oras ay magkasama tayo palagi kaya naiintindihan kita."

"Pakiligpit na lang ng kalat sa kwarto, tutal ay minsan pinagbabato mo ang mga damit ko kapag naka kalat sa sahig."

Napasimangot ako sa kanya. Totoo iyon dahil kapag natutulog sya ay boxers lamang ang suot nya at kung saan saan pinagbabato ang damit nya.

"Hoy! dapat nga ay hindi mo na lang din basta basta hinahagis iyang damit mo, paano kung may nadulas?" Halos ma pairap ako sa sarili kong tanong.

"Nah, i will always careful when i throw my clothes somewhere. Hindi ko rin hahayaan na masaktan at madulas ka dahil sa mga kalat kong damit sa sahig."

Pagkatapos ng usapan namin ay akala ko uuwi na sya. Mismo ay sya pa ang nagulit dahil susulitin na daw nya ang samahan namin. Para namang hindi na sya babalik.

"Huwag mo lang galawin yang pasa mo at baka sumakit lang lalo." Halos hampasin ko na ang sarili nyang kamay, dahil tinitingnan nya ang sarili nya sa salamin.

"Ok lang ako, sayang lang ang gwapo kung mukha."

"Ang hangin mo naman."

Natawa sya sa sinabi ko. "Wala ngang hangin e."

"Get well bro." Sabay kaming napalingon sa pinto ng pumasok si Daven at nilapitan ito upang yakapin.

"Aray!"

"I'm sorry." Napakunot ang noo ko ng hindi ko ramdam ang sincere nya.

"It's ok, bro. Pwede na kayong mag pahinga at wag nyo na ako bantayan. Nandyan naman si mommy at papunta na rin dito si Ate."

Pumayag na rin ako dahil ramdam kong inaantok nako, kahit ayoko pa talaga. Ako na rin ang mismong nagpaalam dahil mukhang nawala sya sa mood.

Ako man ang nahihiya sa ginawa nya ay hinayaan ko na lang muna. Dahil mas gugustuhin kong magalit kapag nalaman ang rason, kaysa magalit sa kanya na hindi ko alam ang rason nya.