webnovel

When The Time Comes [MR Series #3] (Tagalog)

MysteryRomance#3 Arzalea Desiree Smith & Azrael Daven Gomez There's no one to blame to people who innocently didn't know how the scenario is probably like complicated. The world, is like a disaster. And a lot of problem and can't stop thinking how to resolve it. Also call it loved how to turn crazy you are. What is your life now? If no ones by your side and helping you to the scenario. When the time comes..

ItsMeJulie · 青春言情
分數不夠
42 Chs

Chapter 23

"Cancel ang flight. Masama ang panahon kaya kailangan na muna natin mag stay dito." Sambit ko at inayos ang gamit ko mula sa maleta.

"I have an emergency." Namo moblemang sambit nito at pansin ko ang pagiging seryoso nito mula pa kagabi.

"Wala tayong magagawa, dahil masama nga ang panahon!" Nasisimula na akong mairita sa kanya dahil sa pangungulit nya.

"Bullsh*t! Nasa hospital ang kapatid ko! Hindi mo ba naiintindihan yon?!" Pagalit na sambit nito sa akin.

Sinalubong ko ang galit na mata nya. "Kahit ako ay gusto ko na rin umuwi, pero wala tayong magagawa dahil masama nga ang panahon!" Pilit na pinapakalma ko ang sarili ko.

"No! You don't understand my situation dahil wala ka ngayon sa sitwasyon ko!" Padabog nyang sinara ang pintuan.

Napahilamos ako sa mukha at padabog umupo sa kama. Sinubukan kong tawagan at i text si Zaiu pero wala pa rin ito.

Kinuha ko ang laptop at binuksan iyon. Mabilis ang aking mga kamay sa keyboard habang ang paningin ko ay nasa screen at sinusubukan sya i track pero hindi ko malaman at hindi ko sya maabot.

Hinilot ko ang sentido ko bago isara ang laptop na iyon at sinubukan tawagan si Tita Liz.

"Tita-"

"Hija, please kung nasaan ka man pwede bang pumunta ka rito." Nanlamig ako nang marinig ko ang hikbi ni tita.

"Tita, nasa Canada po ako at masama po ang panahon. Pero huwag po kayong mag-alala at gagawan ko po nang paraan para maka alis agad. Nasaan po ba kayo?" Saglit pa kaming nag usap bago nya pinatay ang tawag.

Dali dali akong kumilos at tinawag ang isang pinsan ko na si Jake upang masundo ako gamit ang eroplano nya.

"Pakibilisan habang hindi pa masyadong masama ang panahon."

"Don't ya worreh cousin. He will be okay." Mabilis nitong pinalipad ang eroplano nya dahil nagt trabaho ito bilang piloto.

Hindi ko maiwasang hindi pagpawisan at isang problema ko pa ay ang hindi namin pagkaka sundo ni Daven.

Nang maglanding ang eroplano sa airport ay bumaba na rin ako at nagpasalamat. Tumakbo ako at mabilis pinaharurot ang kotse ko papuntang Hospital.

"Room 210 po ma'am." Sambit ng nurse ng maka pasok ako at dali daling pinindot ang elevator papuntang 4th floor.

Pagkabukas ay hinanap ko ang numero bago kumatok. Mabilis akong pinagbuksan ni Tita at agad akong niyakap habang umiiyak.

"Tita, kamusta po sya?"

"Hindi pa rin sya nagigising hanggang ngayon, pagkarating ko na lang kanina sa bahay ay wala na syang malay at bugbog ang mukha nya." Hikbing sambit ni Tita.

Hindi ko maiwasang masaktan dahil sa narinig. Hindi ko pa man sya nakikita ay para bang dinudurog na ang puso ko. He's my bestfriend for years. At kung sino man ang may gawa nito sa kanya at hindi ko mapapatawad.

"Magigising rin po sya Tita, huwag na po kayong mag-alala." Aaminin kong hindi ako ganun kagaling mag komport nang tao, pero ginagawa ko pa rin ang best ko.

"Salamat hija." Hinila nya ako papasok at hindi ko na napigilan ang sarili ko na lumapit sa hinihigaan nya at kitang kita ko ang mga pasa sa braso at mukha nya.

Nag iwas ako ng tingin nang gumalaw ito. Ramdam ko ang panunubig ng mata ko ngunit pinipigilan ko ito upang walang maka halata.

"Desiree." Tawag nito sa akin at ng lumingon ako ay kasabay ng pagtulo ng luha ko.

"Zaiu, what happened to you?" Pilit na pinapalakas ang loob ko.

"Four men are trying to kidnapped or killed me."

"What?!" Sabay sambit namin ni Tita.

"Yes, those faces are not familiar to me." Nanghihinang sambit nito. "But those people are mentioning your name." Bigla siyang napalingon sa akin.

Nilamon ng kaba ang aking dibdib at walang sabing dere deretso akong lumabas at doon napa iyak sa gilid. Bakit kailangan pa nipang mandamay ng mahalagang tao sa buhay nya?

Agad akong napatigil nang maramdamang may naka tingin sa akin. At napatayo ng makita si Daven na may pag aalala sa itsura.

"Are you okay?"

Bago pa ako makapag salita ay niyakap ko na sya ng mahigpit bago umiyak sa balikat nya.