webnovel

Chapter 6: Believe it or Not!

Sol's POV

"Nakikita ko na, Sol... Maliwanag na maliwanag..." saad ni Calix.

"Anong nakikita mo ngayon, Calix?" tanong ko sa kanya at inaabangan ko ang nais niyang sabihin.

"Nakikita kong... masasapak na kita ngayon, Sol! Bitawan mo pisngi ko! F*ck you! Pervert!" naiinis na saad ni Calix at hinawakan niya ang kamay ko para sana alisin ito mula sa pagkakahawak sa pisngi niya.

Kaso nang akmang aalisin na ni Calix ang kamay ko at hawak niya na ito...

"O.M.G.! What's the meaning of this!" patiling saad nina Demi at Georgette nang sabay.

"Sol, why are you holding Calix's cheeks?" tanong ni Georgette.

"Calix, why is Sol holding your cheeks? Are you guys... together na?" tanong naman ni Demi.

Agad kong tinanggal ang kamay ko at nagsalita si Calix.

"This was all just a misunderstanding! May tinanggal lang si Sol sa right cheek ko!" naiinis na sigaw ni Calix.

"Tinanggal? We saw it with our own eyes! Hinahaplos ni Sol ang right cheek mo with his thumb!" sigaw ni Georgette.

"That's not all, parang you were liking it, Calix!" sigaw rin ni Demi.

"What the f*ck! Hindi ko 'yun ginusto! I was in a state of shock that time kaya hindi ako nakagalaw! I'm going back to my unit! I'm done here!" saad ni Calix at tumayo na siya.

"Ihahatid na kita, Calix." saad ko.

"No! Stay here! Don't ever touch me again! I don't want to be touched by you!" naiinis niyang saad at tuluyan na siyang umalis.

Kami na lang nina Georgette, Demi, at ako ang naiwan sa unit ko habang nakanganga sila at nanlalaki ang mga mata na nakatitig sa dingding.

"What just happened?" gulat na tanong ni Demi.

"Sol, can you please be honest with me?" tanong ni Georgette, "Do you like... Calix?"

Bago ako sumagot sa tanong nila... narinig ko na si Calix na nagsisisigaw sa unit niya.

"Asar! Asar! Kainis! Arrrgh! Get off my head! I don't want to see your f*cking face inside my head!" sigaw ni Calix mula sa unit niya at tila naiinis siya at pinapalo niya ang isang unan, "I hate you I hate you I hate you!"

Mukhang sukdulan ang pagkagalit ni Calix talaga sa akin at hindi niya ata ako magugustuhan kahit anong gawin ko.

Hindi ko na rin sinagot ang tanong nina Demi at hindi ko alam kung anong isasagot. Kaya naman ay tuluyan na lang ako tumungga ng isang bote ng Soju.

"Sol and Georgette, babalik na muna ako sa unit ni Calix ah? Iche-check ko lang siya. Alam mo na, lasing baka magwala." nahihiyang sinabi ni Demi.

"Sure! Next time ulit, Demi. I had fun! Byers!" nakangiting saad ni Georgette.

At pag-alis ni Demi sa unit, tumingin muli sa akin si Georgette habang nanliliit ang mga mata niya, "Now that we are alone, tell me kung ano ang nakita ko kanina? I know I wasn't dreaming! Oo medyo tipsy ako but I saw it with my own two beautiful eyes with long eyelashes! You were looking at Calix with full of love while holding his cheeks! What does that mean, Sol?"

Napabuntong hininga na lang ako at napaisip ako, I have few days left to stay here on Earth dahil pakiramdam ko hindi ako magtatagumpay at mahihirapan ako dahil sa pakikitungo sa akin ni Calix. Siguro, mas mainam na sabihin ko kay Georgette ang totoo...

Isa pa, siya na lang ang tanging tao na mapagkakatiwalaan ko dito, dahil siya na lang rin naman ang kilala ko nang lubusan.

"At isa pa, I was talking to Demi a while ago at tinanong ko siya kung anong ginagawa mo sa unit nila kanina." saad ni Georgette at napabuntong hininga siya, "She told me na tinulungan mo sila mag-inspect sa unit ni Calix dahil baka may hidden camera or mic doon. Because last time, when Calix requested for a pancake, may nagbigay sa kanya. At nitong isang araw lang..." dagdag niya at bigla niya akong kinurot sa braso, "Nagpapasama ka bumili ng pancake mix! Don't tell me na ikaw ang nagbigay kay Calix ng pancake at siya ang sinasabi mong lover mo!"

Napangisi na lamang ako at napailing dahil mabilis talaga lumipad ang balita.

"Hoy, Sol! Wag mo ko ngisian! Tell me the truth! I'm not just your manager, I'm your bestfriend! Ikaw nga sinasabihan ko ng secrets ko tapos ako ayaw mo sabihan! Nakakatampo ka na!" pagmamaktol ni Georgette.

"Pag sinabi ko ang totoo, may magbabago ba?" tanong ko sa kanya.

"Yes, of course! If things doesn't go according to plan, ako ang magbabago noon para sayo!" saad ni Georgette habang nakangiti siya sa akin, "But tell me first, ikaw ang nagbigay ng pancake kay Calix? Because it's unlikely of you na mag-effort sa isang tao! I haven't seen you being so into someone that you'll do something special. As if I really haven't known you kahit magkakilala na tayo for the longest time, Sol. I never thought na magagawa mo 'to for a person."

Uminom muna ako ng Soju at doon ko siya sinagot pagkatapos, "Yes, the pancake was for Calix. I made it for him."

Dahan-dahan nanlaki ang mga mata ni Georgette bigla siyang napatungga ng Soju.

"O.M.G. O.M.G. O.M.G.!" sigaw ni Georgette, "Sol, to hear it directly from you, nagugulat ako! I mean anong meron? Why are you doing this to Calix? Kinukuha mo ba loob niya then you'll leave him behind once na na-capture mo na ang loob niya? Ghosting? Are you plotting a revenge because of what he did before noong pinunit niya ang precious books mo in front of you?"

Natawa na lang ako sa sinabi ni Georgette.

"Wag mo ko tawanan, Sol! I'm serious here!" sigaw niya.

"Hindi... hindi ako naghihiganti. Ginagawa ko 'yun kasi gusto ko." sagot ko.

Tila biglang hindi makahinga si Georgette at pinapaypayan niya ang kanyang sarili gamit ang dalawa niyang kamay.

"Saglit! It's too fast! Bakit, Sol? Why? Does it mean that you do like Calix? How? Hindi ko magets! Days pa lang ang pagkakakilala niyo and nahulog ka na agad? I thought... you have a long time feelings for someone... or a girl. Kasi, in your book, I know it's somewhat based sa nararamdaman mo and as if you were talking to a girl... to Luna! Hindi ko magets! Why Calix? I mean ang layo sa pinoportray mo na girl sa books mo!" saad ni Georgette at tila nagugulumihanan pa siya lalo.

"Sabi ko sayo wag mo na tanungin, Georgette. Baka hindi ka makatulog." pabiro kong sinabi.

"No, mas hindi ako makakatulog if hindi ko to malalaman ng buo right now. Tell me everything from top to bottom and from A to Z!" saad ni Georgette.

"Pag sinabi kong gusto ko talaga si Calix, okay lang sayo?" tanong ko kay Georgette.

"Sol? Okay ka lang na tinatanong mo kung okay lang sa akin? Are you insane? As if you were trying to ask my permission? That's your feelings that we're talking about! Nagjo-joke lang naman ako about saying na I don't like Calix for you. Yes, there's a part since I hate his childish traits, but in the end, that's your heart and life, Sol. Ako, taga protekta mo lang naman ako and taga-comfort. So, I'm very much okay kung sino pa 'yan. Ang sa akin lang, I don't want you to get broken since the person you are liking... is that God damn playboy and childish Calix!" saad ni Gerogette.

"Hindi ka nandidiri sa akin na biglang sa lalake pala ako may gusto at hindi sa babae kahit na ang mga sinusulat kong libro ay tungkol sa isang babae?" tanong ko kay Georgette.

"Why would I? For me, ang gusto ko lang is that I want you to find your happiness. Kung babae man or lalake, I'll be supporting you of course. That's what I've always done from the start noong nakilala kita... and ayun ang gagawin ko until my very last day." nakangiting saad ni Georgette, "But, Sol, the f*ck! Si Calix? I really never imagined it in a million years na magkakagusto ka na lamang... sa isang Calix na sira ulo pa!" natatawa niyang saad.

"Maniniwala ka ba, Georgette, na si Calix at Luna ay iisa?" tanong ko sa kanya.

"Nope. You've just met Calix the other day, and based from your book 'Finding Luna', as if you have been with her for the longest time. So, hindi siya si Calix for me. Not unless magkakilala na pala kayo ni Calix before and you two are just pretending na hindi kayo magkakilala!" sagot ni Georgette.

Susubukan kong paniwalain si Georgette... at bahala na kung maniwala siya o hindi.

"Si Calix at Luna ay iisa, Georgette." saad ko.

"You're joking, Sol, I know." nakangiting saad ni Georgette.

"I'm not." sagot ko, "Nakwento pa ba sayo ni Demi 'yung tungkol sa nagbibigay ng pagkain kay Calix sa unit niya?"

"Yes... sinabi sa akin ni Demi na kapag nagrerequest daw si Calix sa unit niya, may nagbibigay daw sa kanya. Like the pancake, then 'yung mga sumunod pa daw na instances like, Eggs Benedict, cheesecake, sprite and many more! Don't tell me ikaw ang nagbigay lahat noon for him?" tanong ni Georgette.

Nginitian ko lang siya at tumango pagkatapos.

"O.M.G.! Nag-install ka talaga ng mic at camera sa unit ni Calix? Sol! Are you obsessed?" nagtatakang tanong ni Georgette.

"Haha! Hindi ako obsessed, Georgette. Gusto ko lang ibigay ang gusto niya. At hindi rin ako gumagamit ng mic at camera." sagot ko.

"Then what? Paano mo nalalaman ang mga gusto ni Calix?" tanong ni Georgette.

Napabuntong hininga na lamang ako muli at napatingin sa langit, "Georgette, maniniwala ka ba ulit kapag sinabi ko na hindi ako isang tao... at isa akong Diyos? Diyos ng araw?"

Ilang saglit lang, halos maubo si Georgette dahil sa paghalakhak niya.

"Sol! You are drunk! Ngayon lang kita nakita na nalasing! Ganyan ka pala malasing! Mahilig ka mag joke? Anong Diyos? I mean yes you look like one dahil sa itsura mo, but the hell? Sol! Gulat na nga ako that you like Calix. Wag ka na mag joke about not being a human!" saad ni Georgette.

"May kapangyarihan ako, Georgette. Malakas ang pandinig ko, at kaya ko magbasa ng isip o malaman ang nakaraan ng isang nilalang." saad ko at sinusubukan kong paniwalain si Georgette.

"Sol! You are so funny! Sige, gusto ko rin ng powers. Gusto ko lumilipad ako! Haha!" saad niya.

"Hindi ako nagbibiro, Georgette. That's why lahat ng nirerequest ni Calix ay naibibigay ko. Sound proof ang mga unit hindi ba? Pero dahil malakas ang pandinig ko, naririnig ko pa rin ang sinasabi ni Calix kahit nasa kabilang unit siya." saad ko.

"Sol, funny ka!" natatawang saad ni Georgette at hinampas niya bigla ang braso ko.

"Kanina, naalala mo ba na binigyan ko si Calix ng mangga kahit hindi siya nanghihingi? Kasi nabasa ko sa utak niya na gusto niya ng mangga." saad ko.

"Well, baka coincidence lang naman, Sol. I mean kahit kami ni Demi nagce-crave din sa mangga." saad ni Georgette.

"Then, how would you explain 'yung tungkol sa mga nirerequest ni Calix na pagkain na binibigay ko sa kanya? I can hear him, Georgette." saad ko.

"Sol... Let's stop talking about nonsense and magseryoso na tayo ng usapan." saad ni Georgette.

"Seryoso ako, Georgette. Hindi ako nagsisinungaling." saad ko.

"Okay." saad ni Georgette at napabuntong hininga siya, "Let's assume na seryoso ka... sasakyan na lang kita dahil alam ko na lasing ka na, Sol."

"Ganito... kaya ko basahin kung anong nasa utak mo ngayon, Georgette." saad ko.

"Game! I'm ready! What am I thinking right now?" tanong ni Georgette at hinawakan ko ang kanang balikat niya.

At ang nasa isip ni Georgette, "Ano ba 'to si Sol! Kulang siguro siya sa tulog kaya kung ano ano na ang mga sinasabi niya. May powers powers pa siyang nalalaman!'

"Hindi ako kulang sa tulog, Georgette." saad ko na biglang nagpalaki sa mga mata ni Georgette.

"Shut up! Wait, baka coincidence lang. Game! What am I thinking again?" tanong ni Georgette.

Binasa ko ulita ng nasa isip niya at natawa ako sa nalaman ko. Ang sabi ni Georgette sa isip niya, "Kung nababasa mo ang utak ko, Sol, 34 + 35?"

"Baliktaran." saad ko bigla.

"Huh? What do you mean baliktaran, Sol?" tanong ni Georgette.

"Sagot ko sa tanong mo, 69, baliktaran." nakangiti kong sagot.

"Oh my f*cking gosh! Sol!" sigaw ni Georgette habang nanlalaki ang mga mata niya, "How did you..."

"Naniniwala ka na ba?" tanong ko sa kanya habang nakangiti ako.

"Okay, last! What am I thinking right now?" saad muli ni Georgette.

At ang sabi ni Georgette sa isip niya, "I want you, Sol, to say that I'm the most beautiful and sexiest girl in the world, the universe, rather!"

Napailing na lamang ako at napangisi.

"What? Lucky guess lang 'yung kanina, Sol? Hindi mo na mabasa ang utak ko?" tanong ni Georgette.

"Ikaw ang pinakamaganda at sexy na babae in the world, the universe, rather." sagot ko.

"P*tang... mother! Sol! You are a mind reader!" gulat na saad ni Georgette, "How the hell did this happen? Is that why alam mo rin ang mga gusto ko at hindi? And you were reading my mind all throughout before?"

"Oo, nababasa ko na ang isipan mo noon pa man kapag nahahawakan kita, sorry, Georgette." saad ko.

"I hate you, Sol! But, na-aamaze ako! Wait, sabi mo may isa ka pang nagagawa! You said you have a strong sense of hearing? Kaya ba nalalaman mo ang mga request ni Calix dahil naririnig mo siya?" tanong ni Georgette.

"Oo, pati ultimo paghilik niya sa gabi o tuwing natutulog siya ay dinig na dinig ko." sagot ko kay Georgette.

Bigla niyang sinampal nang mahina ang mukha niya kaya nagtaka ako.

"Bakit mo sinampal mukha mo, Georgette?" tanong ko.

"Maybe lasing lang ako? Or baka nananaginip ako? This isn't real, Sol! Can you wake me up?" saad ni Georgette.

"Totoo 'to, Georgette. Kung gusto mo, lumabas ka at magsalita. Pagkatapos ay sasabihin ko kung anong sinabi mo." saad ko.

"Okay! Wait! Lalabas ako!" nakangiting saad ni Georgette at nagmadali siya lumabas.

Pagkatapos ng 30 seconds mula nang makalabas siya sa unit ko, doon ko na narinig si Georgette na magsalita.

"Sol, kung naririnig mo ako, anong full name ko?" saad ni Georgette.

At pagkatapos muli ng 30 seconds ay bumalik na siya sa unit ko at umupo sa tabi ko.

"Okay, Sol, I did go to the fire exit na medyo halfway lang mula sa unit mo. If you heard me, what did I say?" tanong ni Georgette.

"Georgette Jennelyn Dela Cruz." nakangiti kong sagot kay Georgette.

Napahinga nang napakalalim si Georgette habang nakatingin siya sa akin na nanlalaki ang mga mata.

"O.M.G.! Hindi ko alam kung matatakot ako or ma-aamaze sayo, Sol! For real 'to? Hindi ako nananaginip?" saad niya habang kinukurot at pinapalo niya ang braso ko.

"Hindi ka nananaginip, Georgette. At bilang ikaw ang pinakamatalik na kaibigan ko sa henerasyon na 'to, nais ko na wag mo sasabihin sa lahat ang tungkol sa akin." saad ko.

"Of course not! Hindi ko sasabihin since iisipin nila I'm insane. Feeling ko nga baliw na ako ngayon dahil sa nalaman ko! But, wait? Did I just heard you right? Sa 'Henerasyon' na 'to? Does it mean... you have already lived longer than most of us?" nagugulumihanang tanong ni Georgette.

"Oo, sa katunayan... hindi ko na din alam kung ilang taon na ako. Pero kung susumahin... mahigit sampung libong taon na." sagot ko.

"Fudge! Sol... you're kidding? Right?" tanong ni Georgette.

"Hindi. Totoo lahat ng sinabi ko... Isa akong Diyos ng araw at isang immortal." saad kong muli.

"Wait! Masyado akong nao-overwhelmed! Isa kang God? To be specific God of the Sun?" tanong ni Georgette.

"Oo, siyang tunay. Matagal na akong naninirahan sa mundo simula ng ginawa akong imortal ng Diyos ng mga Diyos na si Chronos." saad ko.

"Teka! Sandali! So you mean I'm talking to a supernatural being? Kahanay mo sila papa Jesus?" pagtataka ni Georgette at bigla siyang nag sign of the cross na nagpatawa sa akin.

Napailing na lamang ako sa tanong ni Georgette at napa-facepalm.

"Hindi ko masasagot 'yan, Georgette." saad ko.

"So, super old ka na, Sol? Tell me, ano 'yung earliest na naabutan mo na age or generation?" tanong ni Georgette.

"Noong wala pang araw at buwan sa Earth at laging gabi o kadiliman lang. Ganoon na katagal." saad ko.

"Wait! Sol! Kinikilabutan ako! Look!" saad ni Georgette habang pinapakita niya ang braso niya, "Sol! I never knew! Okay... I'm trying to sink in all the information inside my brain. Let's get back to business, so why si Calix? I mean... you have just met him, right?"

Nginitian ko na lamang si Georgette at sinabing, "Oo, kakakilala ko lamang kay Calix, pero... it's more than that."

"Ano? Curious ako! Anong meron kay Calix at kung bakit super effort ka sa kanya?" tanong ni Georgette.

"Gaya ng sinabi ko... si Calix at si Luna ay iisa. At kung nabasa mo na noon sa libro ko na finding 'Luna', siya ang Diyos ng buwan, ang tanging nilalang na minahal ko." sagot ko kay Georgette.

"You mean Calix is the reincarnation of the Goddess of the Moon 'Luna'? O.M.G.!" gulat na tanong ni Georgette.

"Oo, lampas sampung libong taon ako naghintay para maabutan ang susunod na buhay o ang reincarnation ni Luna na si Calix." saad ko.

"Shoot! Kinikilabutan ako, promise! I mean amazed yet at the same time natatakot ako! But then, I'm so bilib na bilib sa tatag ng heart mo, Sol. Imagine na nagwait ka for Calix to meet him again after 10 000 years? +" saad ni Georgette, "But Calix doesn't know it, right?"

"Nope. Hindi niya alam na siya si Luna, at wala siyang matatandaan sa previous life niya." sagot ko at napabuntong hininga na lamang ako.

"Okay... that explains why Calix said a while ago na may napapanaginipan siyang babae... and he also said na minsan napapanaginipan niya na siya daw 'yung babae na 'yun. That explains maybe sa unconscious mind niya, pinapakita doon na siya si Luna in his previous life! So tama ako! Vavaeng marangal pala si Calix before! My gosh!" natutuwang saad ni Georgette, "But to think na of all people... si Calix pa talaga ah?"

"Hindi natin malalaman talaga ang takbo ng tadhana, ngunit masaya ako na natagpuan ko na ulit siya." sagot ko.

"So, Sol, if si Calix si Luna, why don't you tell him na ikaw si Sol his lovey dovey from the past and he is the God of the Moon?" tanong ni Georgette.

"Tingin mo ba maniniwala si Calix?" tanong ko pabalik.

"You're right." saad niya at napabuntong hininga na lang, "Well, at least destiny na magtagpo ulit kayo..." dagdag pa niya at bigla siyang may naalala, "'Yung sudden eclipse... Don't tell me it was because noong nagkita kayo ni Calix for the first time!" sigaw niya.

"Oo, noong nagkaroon ng biglaang eclipse, iyon ang tanda na nagkatagpo na muli kami ni Luna o ni Calix. Tipong parang eclipse talaga na nagkita ang Araw at ang Buwan." saad ko.

"Ang galing! Amazing! Naiiyak ako!" saad ni Georgette, "Oh, if you are an immortal being then you have a lifetime to be with Calix? Makakasama mo na ulit siya!" nakangiting sigaw ni Georgette.

"Sa kasamaang palad, ang araw ng pamamalagi ko rito sa Earth ay nabibilang na, Georgette. Ito ang dahilan kaya sinabi ko sa lahat na titigil na ako sa pagsusulat at ang 'When the Sun Meets the Moon' ang pinakahuli kong libro." sagot ko sa kanya, "Sa araw ng susunod na Eclipse which is 57 days mula ngayon, kapag hindi tinanggap ni Calix o hindi niya kinilala ang nakaraan niya bilang Luna, ako ay tuluyan na magiging ganap na araw panghabambuhay."

"Ouch! Shoot! Sol!" naiiyak na sigaw ni Georgette, "It means na nakasalalay kay Calix ang pagstay mo as a human form dito sa Earth?" pag-aalala niya.

"Oo, ganoon na nga, Georgette. At sa sitwasyon ko ngayon at sa ugali ni Calix, mukhang malabo na ang pamamalagi ko dito." saad ko at napabuntong hininga na lamang ako, "Talagang hindi siguro pwedeng magsama ang isang Araw at isang Buwan."

"No! Tumigil ka, Sol! I want you na bawiin mo ang retirement me from writing! I, Georgette Jennelyn Dela Cruz, will do everything with all my power! We have almost two months pa and maraming nangyayari sa isang araw! Will make sure na kikilalanin ni Calix ang past niya and he will accept that he was Luna before... even if he hates you and your story." saad ni Georgette.

"Salamat, Georgette. Pero kung ito na ang huli kong pagkakataon dito sa mundo, masaya ako na ikaw ang pinakahuli kong naging kaibigan dito." nakangiti kong saad.

"Sol! I hate you! Wag ka nga ganyan!" naiiyak na saad ni Georgette, "We'll still see each other after two months and hindi ka magiging isang araw! No! You'll be inspiring more people through your writing! Just like me, I was a fan of your stories before and dahil sayo I became stronger! Dati pabili-bili lang ako sa bookstore ng books mo! Look where I am now? I'm your freaking manager! Nothing is impossible, Sol!"

"Pero iniisip ko din, Georgette, malulungkot lang ako kapag nag-stay ako dito sa Earth sa human form ko. Kasi, ako, hindi na tatanda pa at magbabago. Pero kayo, kasama si Calix, tumatanda kayo. Malulungkot lang ako sa oras na mawala na kayo." saad ko.

"Masyado ka advanced mag-isip, Sol! Isipin mo muna 'yung present bago ka pumunta dyan sa future na tatanda na agad! Basta, we'll make sure na Calix will know who he really is! Hindi 'to madali since his brain is unstable but I'll try my best." saad ni Georgette.

"May gusto ka pa ba itanong, Georgette?" tanong ko sa kanya.

"Yes! I have lots of questions! Bukod sa mind reading capabilities and strong hearing sense, ano pa mga kaya mong gawin?" tanong ni Georgette.

"Pambihirang lakas at bilis. Ayun lang naman ang aking kakayahan." sagot ko.

"How about si Calix as Luna? What was his ability before?" tanong ni Georgette.

"Si Calix..." saad ko at napangiti na lamang ako.

"Oy, Sol, kwento muna bago kilig tit*!" pabirong saad ni Georgette.

"Noong nabubuhay siya bilang si Luna, ang katawan niya ay lumiliwanag. At may magandang tinig, boses, at haplos na kayang pawiin ang takot at pangamba sa puso. Para siyang walking moon kung tutuusin noong sa panahon ko na isa pa lamang akong hari at mortal na human." sagot ko.

"Ah... So, Calix or Luna was already a God before you met him, then isa kang human before na naging God?" tanong ni Georgette.

"Oo, isang nilalang na may kapangyarihan. Kung ano ang kakayahan ko ngayon, ganoon din noon." sagot ko.

"Okay, so what happened? Bakit na-reincarnate si Luna and why were you stuck living in Earth ng sobrang matagal na panahon?" tanong ni Georgette.

"Pinarusahan kaming dalawa ni Luna. Siya, umibig sa isang mortal na katulad ko. Habang ako naman, ginapos at kinulong ko siya para angkinin ang liwanag niya." saad ko at napangisi na lamang ako, "At 'yun ang pinakamalaking pagkakamali na ginawa ko. Kung hindi ko siya ginapos, hindi na sana kami naghiwalay pa."

"Anyway, mistakes are bound to happen, Sol. As for you, it was a lifetime of atonement or pagsisisi. But at least you were given a chance. I guess mas magiging maliwanag pa ito once I've read your book na When the Sun Meets the Moon, am I right?" tanong ni Georgette.

"Oo, tama ko, Georgette." saad ko.

"Okay... that's why sobrang ganda din talaga ni Calix even he's a guy! Now I get it! And the traits are still there like the voice? Because when Calix sings as in he can captivate everybody. Maski ako, though I just pretend na hindi ko gusto since I hate him. But now, siguro magbabago na dahil he's not just Calix in my eyes anymore. He's Calix, the Good of the Moon." saad ni Georgette.

Napainom na lamang si Georgette habang nakangiti siya sa akin.

"Bakit ka nakangiti? Wala ka na ba masabi?" tanong ko kay Georgette.

"No... I have a lot inside my mind, but maybe, I'll ask you next time sa iba ko pang mga tanong. Pero for now, anong masasabi mo na it was a guy instead of a girl?" tanong ni Georgette.

"Wala naman kaso sa akin 'yun. Though hindi ko inasahan na lalake pala ang susunod na buhay ni Luna, okay lang." sagot ko.

"Pero para hindi nakakalito, walang powers si Calix, am I right?" tanong ni Georgette.

"Sa pagkaalam ko, oo, dahil binuhay siya bilang isang normal na human." sagot ko.

"Did you and Luna had a child?" tanong ni Georgette.

"Wala... Hindi kami nagkaroon ng anak. Hindi ko madalas nakakasama si Luna noon nang napakatagal at tuwing ala sais ko lang siya nakikita. At isa pa, pinaghiwalay rin kaming dalawa bilang parusa kaya walang chance na gawin namin ni Luna iyon." sagot ko kay Georgette.

"So, I was wondering... since Calix is a guy, therefore... You and him won't be able to bear a child, right? Medyo malungkot 'yun sa part mo?" tanong ni Georgette.

Napabuntong hininga na lamang ako at nginitian ko siya.

"Why are you smiling, Sol? There is something in your smile!" pasigaw na sinabi ni Georgette, "Don't tell me... It's possible that you and Calix can bear a child?"

Napailing na lamang ako at gusto ko matawa sa tanong ni Georgette.

"Sol! Please, wag mo ko bitinin! Curious ako! I've had the craziest revelation of you being the God of the Sun with powers, and si Calix being the reincarnation of the Goddess of the Moon! Ilabas mo na lahat ng kabaliwan! Pasabugin mo na lahat one time big time!" saad ni Georgette.

"Ano sa tingin mo, Georgette? Maaari ba kami magkaanaak ni Calix?" tanong ko.

"I can't imagine! But, I've already had enough! A little more crazy revelation won't hurt me! So yes? Calix and you can have a child?" Sagot ni Georgette.

"Para sagutin ko ang tanong mo, Georgette, Oo. Maaari kaming magkaanak ni Calix dahil isa akong Diyos na pwedeng mamili kung sino ang nais ko na magdala ng aking anak." sagot ko na labis na nagpalaki sa mga mata ni Georgette.

"O.M.G. O.M.G. O.M.G.! Sol!" saad niya habang pinapalo palo niya ang kaliwang braso ko, "Who will then bear the child? Is it you or Calix?" tanong pa niya.

Napailing na lamang ako sa tanong niya at natawa.

"Sol! Tinatawanan mo na naman ako! Though, I have a hunch that it will be Calix since he is a normal human being. Grabe! This is something I didn't expect! Ganoon ba kapowerful ang isang God na tulad mo? That you can make Calix, a guy, bear a child?" tanong ni Georgette at tumango na lamang ako.

"Pero, bilang isang makapangyarihang nilalang, kung hindi rin naman tatanggapin ni Calix ay hindi rin kami makakabuo. Na kay Calix pa rin naman ang huling salita." saad ko.

"I guess Calix won't agree, for me ah? Because nasa rurok siya ng tagumpay ngayon. He's known worldwide and if nabalitaan ng lahat na suddenly he became preggy, it will be devastating for him since dudumugin siya ng media. Kaya, Sol, don't do it to him for now, okay? Doon lang tayo sa mission mo to make sure that Calix will remember who he really is." saad ni Georgette.

"'Yun lang naman talaga ang pakay ko ngayon, Georgette, ang maalala at tanggapin ni Calix kung sino siya, at tanggapin niya rin ako ng buo. Na ako si Sol, ang tanging nilalang na minahal niya. Tsaka ko na siya aanakan kapag maayos na ang lahat." saad ko.

"Does it hurt, Sol, na hindi ka na makilala or matandaan ng taong pinaka love mo and that you have to find ways to be able na matandaan niya lahat?" tanong ni Georgette.

"Sa totoo lang, masakit, ngunit masaya ako. Dahil ang mga bagay na ginagawa ko ngayon, hindi ko nagawa noon noong siya ay si Luna pa lamang. Kaya lulubusin ko na 'tong pagkakataon na ito." saad ko kay Georgette.

"I'm with you, Sol, all throughout. Kaya natin 'to! Sana lang ay walang mga problemang dumating though hindi naman siya maiiwasan." saad ni Georgette, "I'll be going na, Sol, para makapagpahinga ka na."

"Ako na bahala maglinis dito, Georgette. Maraming salamat sa tiwala sa akin." saad ko.

"Anytime, Sol! Wait? Kailangan ko pa ba mag sign of the cross sayo since isa kang God?" tanong ni Georgette.

"Hindi." natatawa kong saad, "Ako lang 'to, si Sol, ang kaibigan mo." nakangiti kong sinabi.

"Alright! Byers, Sol! Laban lang! Dito lang ako kapag kailangan mo ng kausap or tulong!" saad ni Georgette at umalis na siya sa unit ko.

Buong akala ko hindi maniniwala si Georgette na isa akong Diyos. Pero, buti na lang dahil bago ako mawala ay may isang kaibigan ako na nasabihan.

...

...

...

Habang tahimik ang aking mundo at nagsusulat ako ng story sa laptop ko, doon na ako nagtaka dahil masyadong tahimik at hindi gumagawa ng kung anong ingay si Calix.

Hindi siya nanonood, nagpapatugtog, o maski nagsasalita mag-isa hindi niya rin ginagawa.

O baka naman wala siya ngayon sa unit niya?

Sinubukan kong tawagan si Demi para alamin kung kasama niya si Calix.

Phone Ringing!

"Hello, Sol? Why are you calling? May problema ba?" tanong ni Demi pagsagot niya sa tawag ko.

"Kasama mo ba si Calix ngayon?" saad ko.

"Nope. He's in his unit right now. Sabi niya busy daw siya and wag daw muna ako tumawag or wag ko daw siyang guluhin." sagot ni Demi.

"Okay, sige, thank you! 'Yun lang kaya ako tumawag. Aalis kasi ako saglit at walang magbabantay sa bata." sagot ko.

"Bata? Sinong bata?" tanong ni Demi at bigla siyang napaisip.

"Si Calix." natatawa kong sagot at natawa rin si Demi sa kabilang linya.

"Aahh! Gets! You got me there, Sol! That was a good one! Si Calix pala ang bata! Yes isip bata to be exact. Okay, Sol, ingat! Bye!" saad ni Demi at binaba niya na ang call.

Pero, hindi pa rin ako mapakali dahil sobrang tahimik ni Calix. Kung may pagbi-busyahan man siya, alam ko na magtatalak siya at maiinis. Kaso, tahimik ang unit niya..

Hmmm...

Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at lumabas ng unit.

At pagkatapos ay kinatok ko ang unit ni Calix mismo upang masigurado na okay lang siya dahil kinakabahan ako.

"Wala bang tao? Bakit hindi siya sumisigaw?" tanong ko sa sarili ko, "Pasukin ko na kaya ang loob ng unit ni Calix?"

Naisip ko na kung makita man niya ako na pumasok sa unit niya, magpapalusot na lang ako.

1-2-3-4 Beep! Password correct!

"Calix! Tsk! Bakit hindi mo pa rin pinapalitan ang passcode ng pinto mo?" naiinis kong saad sa sarili ko habang napa-facepalm na lang ako.

Pumasok na lang din ako sa loob at tinawag ko na siya, "Calix? Nandito ka ba?" saad ko.

Pero, walang sumasagot at tiningnan ko siya sa kwarto, C.R., kitchen area, o kahit sa veranda ay wala siya.

"Umalis siya? Saan siya nagpunta? Tsk! Nagsinungaling pa siya kay Demi na nasa unit lang siya at busy." saad ko sa sarili ko.

Tatawagan ko na sana ulit si Demi para sabihin na wala si Calix sa unit niya... nang bigla kong narinig na may naglalakad sa hallway at nagsasalita mag-isa.

Kilala ko na rin ang boses na 'yun, kaya nagtago ako muli sa ilalim ng table niya kung saan ako nagtago dati.

"Muhaha! Buti na lang nagdisguise ako at walang nakakilala sa akin! Gano'n na nga lang gagawin ko para hindi ako dinudumog ng mga tao o ng media!" saad ni Calix at nadama ko na nasa tapat na siya ng pinto niya.

1-2-3-4 Beep! Password correct!

Pagbukas ng pinto, nakita ko si Calix na naka-shades, cap, fake beard, at nakasuot siya ng simpleng long sleeves na t-shirt at pantalon. 'Yung aakalain mo na hindi siya isang sikat na artista talaga.

At ang nakaagaw ng pansin sa akin ay may dala si Calix na paper bag na mukhang punong-puno ng laman. Nagshopping siguro siya?

"Sa wakas! Home at last!" saad ni Calix at tumungo siya sa sofa nilapag niya ang paper bag niya.

Ilang saglit lamang ay hinubad niya ang suot niyang t-shirt at pantalon kaya nakaboxers na lang siya... na halos nagpalaki ng mga mata ko!

At ang hindi ko kinaya... nagsasayaw si Calix na parang tanga habang kumakanta mag-isa.

Isip bata nga talaga siya...

Napa-facepalm na lang ako sa ginagawa niya dahil pati 'yung dance step sa Macarena eh ginagawa niya habang kumakanta pa siya.

"Ehhh Macarena ay!" sigaw ni Calix habang tuwang tuwa siya.

Kapag nalaman ni Calix na napapanood ko siya ngayon habang nagsasayaw siya ng Macarena, tiyak bubugbuhin ako nito. But for now, gusto ko siya makitang magsayaw... pero hindi ko siya pinagnanasahan kahit naka-boxers lang siya ngayon at hapit na hapit sa katawan niya.

Kailangan ko lang makaalis kapag wala na siya sa living room niya at kapag natulog na siya.

"Nakakapagod pala magsayaw!" saad ni Calix at umupo siya sa sofa habang nakabukaka.

Masyadong mahalay ang nakikita ko kay Calix, at hindi ko alam kung hanggang saan kakayanin ng loob ko ang tagpong ito.

Ilang saglit lang ay kinuha niya ang paper bag na nilapag niya sa sofa at may kinuha sa loob noon.

"Hehehe! At last! A limited edition book and buti na lang napanalunan kita sa bidding! Halos 100 thousand pesos din ang nagastos ko para sa isang 'to!" saad ni Calix at may nilabas siyang libro.

100 thousand pesos ang ginastos niya sa isang bidding para lang doon sa libro na 'yun? Limited edition?

Anong sinasabi niya? Anong libro 'yun? Sinusubukan kong tingnan kung ano pero natatakpan ng mga kamay niya 'yung libro.

"Ikaw kasi! Para lang sa autograph at letter mo ang nagpamahal sa libro na 'to! Akala mo kung sino ka! Kung hindi lang maganda ang laman ng mga stories mo hindi ko 'to pag-aaksyahan! Epal ka talaga alam mo 'yun?" naiinis niyang saad habang dinuduro-duro niya ang front cover ng libro, "Nakakaasar ka! Ano ba ginawa mo bakit naadik ako sa mga gawa mo?" saad ni Calix at tumayo siya sa sofa. Pinasok niya muli ang libro sa loob ng paper bag at tumungo sa kwarto niya.

Malamang ay tinago niya na siguro ang libro na kung ano man iyon. Mukhang talagang pinaggagastusan ni Calix 'yun ah?

Buti pa ang ibang libro binabasa niya... samantalang ang libro ko, meron nga siya pero ginagawa naman niyang pamunas ng salamin.

Ilang saglit lamang, paglabas ni Calix mula sa kwarto niya ay naka suot na siya ng bath robe.

Maliligo ba siya?

Hmm?

Nilapag niya ang phone niya sa may ibabaw ng table kung saan ako nagtatago, at tumayo siya sa gitna ng living room at nakayuko lang. Hindi ko alam kung anong nais niyang gawin pero mukhang seryoso siya.

Baka nagmemeditate lang siya?

Andami pa lang seremonyas ni Calix kapag mag-isa lang siya. Nakakatuwa naman siya at gusto ko tuloy siyang lapitan at yakapin.

Pero kapag ginawa ko 'yun, alam ko na ilang sapak ang aabutin ko. Kaya sa ngayon, panonoorin ko na lang muna siya.

After 5 seconds... tumunog ang phone ni Calix at may tugtog na bigla na lang nag-play.

At walang hiya! Parang gusto kong sabuyan ng holy water ang mga mata ko dahil sa natutunghayan ko!

Binuklat ni Calix ang bath robe na suot niya, at ngayon...kitang kita ko ang katawan niya! As in walang boxers at kita ko ang buong pagkatao niya at hubad na hubad habang sumasayaw siya sa tugtugin ng "Boombastic".

----Author's note:----

If hindi kayo familiar, ito 'yung kanta na sinasayawan ni Calix. I know narinig niyo na to somewhere and kay Mr. Bean may ganitong kanta. So imaginin niyo na lang na nagsasayaw si Calix ng ganito habang tumutugtog to at habang nakasuot siya ng bath robe at walang boxers! 😂😂

---------------------------------------

Tuwang tuwa pa siya habang nagsasayaw siya ng Boombastic habang pinapaikot, pinapaalog at nilalaro niya ang "ano"niya at pakiramdam ko ay mapapanaginipan ko ito kung sakaling makatulog ako mamayang gabi!

Isa lang ang masasabi ko...

Tunay ngang baliw si Calix, pero natutuwa ako sa kabaliwan niya. Nagagawa niyang pasayahin ang sarili niya kahit magisa lamang siya. Bigay todo pa si Calix habang nagsasayaw at kumakanta.

At ilang saglit lamang...

Phone Ringing!

Biglang tumunog ang phone ko at hindi ko inaasahan ito! Hindi ko pala nalagay sa silent mode! Kaya naman ay agad kong binaba ang call.

At sa hindi inaasahan ay bigla rin napatigil rin si Calix sa pagsasayaw at agad siyang tumakbo patungo sa phone niya para patayin ang kanta at tumingin sa paligid.

"The f*ck! Sino nandyan! Lumabas ka!" sigaw ni Calix at bigla niyang tinakpan muli ang katawan niya gamit ang bath robe, "F*ck you! Sino ka! Lumabas ka! T*ng ina nakakahiya! Napanood mo ginagawa ko? Who the f*ck are you! Come out!" dagdag pa niya.

Lalabas na ba ako at magpapakita sa kanya? Pero kapag ginawa ko 'yun, lalo niya akong kamumuhian at maiilang siya sa akin dahil alam niya na nakita ko ang pagsasayaw niya ng "Boombastic" at bigay na bigay pa siya.

"Vine-videohan mo ba ako? Ikakalat mo ang pagsasayaw ko? Ha? Labas!" sigaw niya pa.

Phone ringing!

At ilang saglit lamang ay tumunog na naman ang phone ko!

"Ha! Dyan ka lang pala nagtatago sa ilalim ng table ah?" saad ni Calix habang nakatayo na siya sa tapat ng table na tinataguan ko.

Tatanggapin ko na ba ang bagsik ng galit ni Calix once na malaman niya na ako ang naninilip sa ginagawa niya?

Yumuko na si Calix at akmang itataas niya na ang tela ng table.

At pagkatapos ng ilang segundo...

"Sol?" sigaw ni Calix habang nanlalaki ang mga mata niya, "What are you doing under my table!"

Habang ako naman... tila hindi ko alam kung anong ikikilos ko!

"Hi Calix." saad ko habang hindi na maipinta ang aking mukha kung kakabahan ba ako o ngingiti, "Ang galing mo pala mag sayaw ng Boombastic? Hehe."

Hindi ko na alam kung anong kahihinatnan ng buhay ko pagkatapos ng tagpong ito.

Arrgh!

End of Chapter 6