webnovel

Chapter 5: SamG

Sol's POV

"Why do you have that with you? Bakit may Pringles at Sprite kang hawak, Sol?" saad ni Calix habang nanliliit ang mga mata niya sa akin.

"Ano... kasi..." saad ko at hindi ko alam kung ano o paano ko sasabihin kay Calix ang lahat sa paraang hindi siya magugulat.

"Sol... " biglang sinabi ni Calix at seryoso siyang nakatingin sa akin, "Akin na nga 'yan! Kung gusto mo nito, bumili ka ng sayo! Hindi 'yung nang-aagaw ka ng pagkain ng may pagkain!" naiinis na sinabi ni Calix?

"Ha? Ano? Nang-aagaw?" nagugulumihanan kong tanong sa kanya.

"Oo mang-aagaw ka! Nakita mo 'to sa tapat ng unit ko di ba? 'Tong Pringles tsaka Sprite?" tanong ni Calix.

"Oo nakita ko." sagot ko.

"So, ibig sabihin sa akin 'to! Clepto ka ba ha? Kumukuha ka ng hindi iyo? Akala mo hindi kita mahuhuli ha? Balak mo pa kuhanin 'tong food na inorder ko kay Magic Mic!" saad ni Calix.

"Clepto? Magic mic?" saad ko at medyo napaisip ako bigla, "Galing ako sa labas tapos papasok na sana ako sa unit ko kaso nakita ko kasi na may nag-iwan ng mga pagkain sa tapat ng unit mo. Kukuhain ko sana at kakatukin kita para itanong."

"Reasons! Wala ka bang pambili? Give me that!" saad ni Calix at hinablot niya ang Sprite at dalawang Pringles sa kamay ko, "Sa susunod kapag nakita mo na may pagkain sa harap ng unit ko, leave it alone! Sa akin 'yun, okay? Tsk! Sinisira mo na naman araw ko, Sol!" dagdag pa niya at pumasok na siya sa loob ng unit niya.

Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi ko alam kung matutuwa ako na hindi niya pa nalalaman na ako ang nagbibigay sa kanya ng food, o maiinis dahil akala niya pinagnanakawan ko siya.

"Nakakaasar talaga 'yang Sol na 'yan! Mang-aagaw pa ng food!" saad ni Calix, "Papalusot pa siya eh huling huli na sa akto! Buti na lang talaga nakita ko siya bago niya pa makuha! Asar!"

Napailing na lang din ako sa kadahilanang baliw na talaga si Calix.

"Sol? Is that you? Sorry, new look ka kasi." saad ni Demi na naglalakad sa hallway at papalapit sa kinatatayuan ko.

"Oo." nakangiti kong sagot sa kanya.

"Wag ka ngumiti ng ganyan, Sol! Baka magbago ang gender preference ko! Haha!" pabirong sinabi ni Demi, "Bakit nakatayo ka sa tapat ng unit ni Calix? May nangyari bang hindi maganda?" tanong pa niya.

"Ano... kasi..." tanging saad ko.

Door squeaking!

"Good thing you're here, Demi. Wag ka tatabi sa clepto na 'yan!" naiinis na saad ni Calix.

"Clepto?" pagtataka ni Demi.

"Tirador ng pagkain 'yan si Sol! Get away from him!" dagdag ni Calix.

Napakamot na lamang ako ng ulo dahil hindi ko na din talaga alam ang sasabihin ko at this point.

"Ewan ko sayo, Calix! Tirador ng pagkain ka dyan? Tigilan mo nga si Sol! As if naman na he'll stoop so low para lang sa pagkain?" saad ni Demi.

"Basta, nakita ko siya kanina gusto niya kunin Pringles tsaka Sprite ko! Bubuksan niya pa nga dapat." saad ni Calix at ginawan niya na naman ng kwento.

"Baka naman kasi iaabot lang sayo 'yung food! Judger ka masyado! Anyway, enough about the food. Nandito na ako and kinausap ko na 'yung security and any minute darating na sila to inspect your unit, Calix." saad ni Demi.

"Ma'am, nandito na po kami." saad ng isang security personnel na kararating lang at may kasama pa siyang isang staff.

"Oh, good! Kakasabi ko lang andito na pala kayo agad." nakangiting saad ni Demi, "Sol, gusto mo sumama sa pag inspect?"

"No! He's not invited inside my unit! Hindi siya pwede pumasok sa unit ko!" naiinis na saad ni Calix.

"Ewan ko sayo, Calix!" saad ni Demi, "Let's go, Sol. Hayaan mo na si Calix." dagdag niya at tinutulak niya ako papasok ng unit.

Kaso, nakaharang si Calix sa pintuan at ayaw akong papasukin.

"Hindi! Hindi papasok si Sol dito! Ayaw ko! No, never, not in a million years!" saad ni Calix.

Ngunit matibay din si Demi at hindi padadaig. Patuloy niya akong tinutulak papasok ng unit habang si Calix naman ay tinutulak ako palabas.

At halos isang minuto nila itong ginagawa habang ako, hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Ma'am, Sir, gusto niyo pa po ba ipa-inspect 'yung unit?" saad ng security personnel.

"Enough is enough!" sigaw ni Demi, "Let's go! Playtime is over, Calix! Mga kuya, pumasok na kayo sa loob para masimulan na. You, Sol, come with us. Calix umalis ka sa dadaanan namin!" dagdag niya habang naiinis na siya.

"Boss ka?" nakangising saad ni Calix.

"Yes, get out of our way!" saad ni Demi.

"Get out or what? Paano kung ayaw ko?" nakangiting saad ni Calix at talagang isip-bata ang lalaking ito.

"Calix! There are staff waiting for you! May mga ginagawa rin sila and you are wasting their time!" saad ni Demi.

"Hindi ako aalis hangga't sinasama mo si Sol papasok sa unit ko!" saad ni Calix.

"Babalik na ako sa unit ko. Para makausad na kayo. Sorry!" nahihiya kong sagot at maglalakad na sana ako pabalik nang biglang hinablot ni Demi ang kanang braso ko.

"Stay here, Sol. You'll come with us!" sagot ni Demi, "Hindi ka aalis, Calix, or sasabihin ko kay Sol ang isa sa mga most embarrassing secrets mo!"

"Don't you dare, Demi!" saad ni Calix habang nanliliit ang mga mata niya.

"Ma'am, Sir, babalik na lang po kami. Pag-usapan niyo po muna ng maigi kung ready na kayo papasukin kami o hindi." saad ng security personnel.

"Kuya, wait, dito lang kayo." saad ni Demi, "Calix! Umalis ka na kasi sa daan! Bakit ba ayaw mo pasamahin si Sol! As if naman na may tinatago ka dyan sa unit mo na ayaw mo ipakita sa kanya?"

"Wa-wala ah!" saad ni Calix habang hindi siya makatingin sa amin ng diretso.

"Then, step away and we'll start the inspection." saad ni Demi at seryoso na siya.

Napabuntong hininga na lang si Calix na may kasamang eye-roll at wala na siyang nagawa.

"Get in!" naiinis niyang saad, "I'll be watching you, Sol, the clepto! Wag kang kukuha ng mga gamit ko lalo na mga food!" dagdag pa niya.

"Okay." nakangiti kong saad at nilagay ko ang kanang kamay ko sa ulo niya at ginulo ko ang buhok niya.

"Don't touch me with your filthy cleptomaniac hand!" saad ni Calix at agad niyang inalis ang kamay ko sa ulo niya.

Nauna na pumasok si Demi kasama ang dalawang security personnel at sumunod naman kami ni Calix na nakabuntot lang sa likod nila.

Nakahawak rin si Calix sa damit ko dahil sa isip niya ay baka kuhain ko ang mga gamit niya.

"Ma'am, Sir, iuusog lang po namin 'yung mga appliances na mabibigat para makasigurado na walang nakasingit na mga hidden mic or camera." saad ng security personnel.

"Tulungan ko na kayo." saad ko.

"See? Kung hindi ko pinasama si Sol, sinong tutulong sa kanila? As if naman na magbubuhat at magtutulak ka, Calix?" saad ni Demi.

"Tss." saad ni Calix.

Inusog namin ang mga mabibigat na appliances, furnitures o kung ano-ano pa man para maghanap ng hidden mic or camera.

Sa isip ko, gusto ko humingi ng tawad sa kanila dahil nasasayang lang ang oras nila sa paghahanap at wala silang makikita.

Pero kailangan ko umarte para hindi maghinala sila Demi at Calix.

Makalipas ang 15 minutes na inspection...

"Ma'am, Sir, chineck na po namin ang bawat sulok, kaso wala talaga eh. Walang camera, mic o kahit butas na pwedeng sumilip." saad ng isang security personnel.

"Sure kayo? Eh how come na kapag nagrerequest si Calix ng food eh may nagbibigay sa kanya?" tanong ni Demi.

"Ma'am, hindi na po namin masasagot 'yan. Baka... gawa gawa na lang po ni Sir 'yun kasi sound proof ang bawat unit dito." saad ng isang security personnel.

"So, you are saying na nagsisinungaling ako at gumagawa ng kwento?" naiinis na saad ni Calix.

"Pasensya na, Sir, pero wala talaga kami nakita." saad ng security personnel.

"Well then, sige, papatunayan ko sa inyo!" saad ni Calix at sumigaw siya, "Magic mic, gusto ko ng french fries cheese and sour cream flavor! Wag mo ko papahiyain kung hindi magagalit ako sayo!"

Natawa na lang ako sa sinabi niya kaya pati mga security personnel at natawa rin.

"Are you all mocking me? You'll see, any minute may kakatok sa pinto ng unit ko at magiiwan ng frenchfries!" saad ni Calix.

Ayaw ko man na magmukhang tanga si Calix pero kailangan din paminsan-minsan. Walang mag-aabot sa kanya ngayon dahil kasama niya ako.

Makalipas ang sampung minuto...

"Sir, aalis na po kami. Mukhang hindi na darating ang order mo sa magic mic na sinasabi mo." saad ng security personnel.

"Wait! Give it another minute or two! Baka kasi niluluto pa 'yung fries!" saad ni Calix

"Sige na, mga kuya. Thank you sa pag-inspect. 'Yung sa CCTV, kailan ko makikita?" tanong ni Demi.

"Next week po, ma'am." saad ng security personnel at kailangan maayos ko na rin 'yan bago pa nila makuha ang footage.

"Okay! Kami na mag-aayos ng mga gamit pabalik. Thank you ulit." saad ni Demi.

"Wait! Hintayin niyo! Darating 'yung fries ko!" saad ni Calix.

"Calix... tama na. Nagmumukha ka ng sira-ulo." saad ni Demi at umalis na ang mga security personnel.

"Asar!" sigaw ni Calix, "Pinahiya mo ko, magic mic! Galit ako sayo! Bahala ka sa buhay mo! Kung naririnig mo ko, I f*cking hate you! Pinagmukha mo kong baliw!"

"Alam mo, Calix, feeling ko malapit ka na mabaliw talaga! Help me and Sol to re-arrange the appliances and furnitures." saad ni Demi.

Pagkatapos ay tiningnan ako nang masama ni Calix.

"No! Bayaan mo si Sol magbalik lahat ng gamit! Tinakot niya si magic mic kaya hindi siya nagparamdam ngayon! Kasalanan mo 'to lahat, Sol!" saad ni Calix.

"O.M.G., Calix, para kang bata! Hindi ka pa rin talaga nagma-matured!" saad ni Demi, "Hayaan mo na nga siya, Sol. Okay lang if you can help na ayusin pabalik mga gamit?"

"Okay lang." nakangiti kong saad, "Ako na magbabalik lahat." dagdag ko.

"Oo, Demi, hayaan mo si Sol mag-isa." sagot ni Calix.

Sinimulan ko na ibalik ang mga kagamitan niya sa dati nitong pwesto, at habang binabalik ko ang isang malaking aparador, may librong  bumagsak sa paanan ko.

At pagkakita ko...

"Finding Luna? Hindi ba libro ko 'to?" tanong ko habang nakatingin ako kina Calix at Demi.

Biglang nanlaki ang mga mata ni Calix at tipong namula ang buo niyang katawan.

Ilang saglit lamang ay tumakbo siya papalapit sa akin at hinablot ang libro mula sa kamay ko.

"Give me that!" saad ni Calix.

"Binabasa mo libro ko?" tanong ko kay Calix.

"No! Why would I? I use the pages of this book in cleaning my mirrors! 'Yung bawat pages magandang panglinis ng mga salamin! I don't read your work!" saad ni Calix habang hindi siya makatingin sa akin.

"Then, why do you have this book kung hindi ka nagbabasa, Calix? You can use newspaper or other stuff. Tsaka, do you even know how to clean mirrors? Hindi ka nga naghuhugas ng pinggan yet alone mag punas ng salamin!" nakangising tanong ni Demi.

"Yes I do! Tsaka kasi nga, I hate Sol, and I wanted to use his book to clean my stuff! Minsan nga ginagamit kong tissue paper kapag nagpoop ako!" sagot ni Calix.

"Ewe!" nandidiring sagot ni Demi.

"Sabi mo, ginagamit mo panglinis 'yung mga pages..." saad ko habang binubuklat ko 'yung libro, "Wala naman punit o kahit ano. Kumpleto ang mga pages at may bookmark ka pa nga na nakasingit sa page 72 and 73."

"This is a new book kasi! Kakabili ko lang! 'Yung dati kong book na binili naubos na 'yung pages!" sagot ni Calix.

"Bad ka, Calix! Why are you using Sol's book to clean your mirrors and pampunas mo ng poops?" tanong ni Demi.

"Kasi gusto ko at wala kayong magagawa, lalo ka na, Sol!" saad ni Calix habang nagmamataas siya.

"Binabasa mo ba libro ko?" tanong ko kay Calix.

"No! Bakit ko babasahin 'yun? The hell I care!" naiinis na sagot ni Calix, "Pwede ba bumalik ka na sa unit mo? Masyado ka na feel at home dito!"

"Okay, pag may kailangan kayo tawagin niyo na lang ako." nakangiti kong saad.

"I won't need your help so you may go. Walang tatawag sayo." saad ni Calix.

"Thank you so much, Sol! Alam mo na ah?" nakangiting saad ni Demi.

"Sure!" sagot ko.

"Hoy hoy hoy! Ano 'yan? Bakit parang may tinatago kayo at kayo lang ang nagkakaintindihan?" tanong ni Calix.

"Wala ka na doon, Calix!" sagot ni Demi, "Sige na, Sol, baka super busy ka."

"Hmmm..." saad ni Calix at tinitingnan niya kami ni Demi habang nanliliit ang mga mata niya, "May secret affair kayo no? Si Demi ba ang tinutukoy mo na lover mo doon sa interview? Si Demi ba si Luna, Sol? Siya ba 'yung babaeng mahiwaga na nagbibigay ng liwanag sa dilim? 'Yung tanging nagbibigay ng lakas sayo? Siya ba 'yung taong mamahalin mo for all eternity gaya ng pangako niyo sa isa't isa?" biglang tanong ni Calix.

Kaya naman nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Alam mo ang tungkol kay Luna?" tanong ko kay Calix.

"Of course, alam niya 'yan, binabasa niya book mo eh, Sol! Haha! Nahihiya lang si Calix i-admit!" natatawang saad ni Demi, "Tsaka for the record, hindi ako ang lover ni Sol no! Remember, I'm into girls like me, Calix. Get your head in the game!" saad ni Demi.

"Tsk! Umalis ka na nga dito, Sol! Again, I don't read your books!" naiinis na saad ni Calix habang nakakunot ang noo niya.

"Sige, hindi mo na binabasa at mauuna na ako." saad ko at pagbukas ko ng pinto ng unit ni Calix, nakita namin si Georgette na nakatayo sa labas ng unit ko at pakatok pa lamang, "Georgette?"

"Oh? Bakit ka nandyan ka sa unit ni Calix, Sol?" tanong ni Georgette.

"Hi, Georgette!" nakangiting bati ni Demi.

"Hello po!" nakangiting sagot rin ni Georgette.

"Ugh! Don't tell me, Demi, talagang trip mo 'yang si Georgette?" bulong ni Calix kay Demi.

"Mind your own business, Calix!" sagot ni Demi.

"Anyway, may dala akong meat for SamG! Yayayain sana kita, Sol, since gusto ko makipag-inuman. But mukhang may company ka ata." saad ni Georgette.

"Drinks and SamG? Game ako!" nakangiting saad ni Demi.

"Demi! Don't go with them! I'm your friend, sa akin ka dapat sumasama. Not with Sol nor his manager!" saad ni Calix.

"You are just my client and my friend, at hindi mo mapipigilan ang puso ko, Calix!" bulong ni Demi kay Calix at kinausap niya muli si Georgette, "Dyan tayo sa unit ni Sol mag SamG?"

"Sure! Wag niyo lang isama 'yung isa dyan. Baka masira ang appetite namin ni Sol." naiinis na saad ni Georgette.

"Bakit? Sinabi ko bang sasama ako sa trip niyo? I'll be minding my own business here!" naiinis na saad ni Calix, "Sumama ka na nga sa kanila, Demi! Dyan ka na sa bago mong tropa! Wala ka ng ima-manage!" dagdag pa niya.

"Ang arte! Sumama ka! Get to know each other stage 'to! Nahihiya ako kay Georgette kaya sumama ka!" bulong ni Demi kay Calix.

"Anong gagawin ko dyan? Panoorin ka makipagflirt? No? I'd rather sleep." sagot ni Calix.

"Sol..." saad ni Demi habang nagmamakaawa siya sa akin at nakatingin.

"Tara, Calix, sama ka sa amin." nakangiti kong saad kay Calix.

"No! Hindi ako sasama!" naiinis na sagot ni Calix.

"Wag mo na nga isama 'yan, Sol! Okay na tayong tatlo nina Demi." saad ni Georgette.

"Hindi, gusto ko rin sumama si Calix. Gusto kita makilala ng mas maayos, Calix, at maka-bonding." nakangiti kong saad.

Ilang saglit lamang ay namula ang buong katawan ni Calix.

"Kasuka! Who says that I want to be your friend?" sagot ni Calix, "Sumama ka na nga, Demi! I'll be in my room sleeping!"

"Sol..." saad muli ni Demi habang nagpapaawa sa akin.

Napabuntong hininga na lamang ako at lumapit kay Calix.

Pagkatayo ko sa harapan niya...

"What are you going to do, Sol!" naiinis na tanong ni Calix.

"Sasama ka sa amin sa ayaw at sa gusto mo." saad ko at binuhat ko na si Calix na parang isang sako ng bigas.

"Ibaba mo ko!" saad niya habang nagpupumilit siyang pumiglas.

"Sasama ka o itatapon kita sa labas mula sa veranda mo?" tanong ko sa kanya.

"Itapon mo na lang ako!" saad ko at nagsimula na ako maglakad patungo sa veranda niya, "Hindi ka naman mabiro! Potek ka, Sol! Oo, sasama na ako!"

"Good boy." nakangiti kong saad at kumalma na rin sa wakas si Calix habang patuloy ko pa rin siyang buhat.

"Gusto pa talaga binubuhat eh para lang sumama." saad ni Demi, "Let's go! Inom na inom na ako!"

...

...

...

Nasa unit ko na kaming apat, ako, si Georgette, Demi, at Calix at naka pwesto kami sa Veranda habang naka-indian seat.

Sa gitna namin ang griller para mas madali kaming makakakuha o makakapagluto ng mga meat, at may tig-iisa kaming Soju.

"Wala munang away-away dito ah? Bonding moment natin 'tong apat." saad ni Demi at nagsimula na siya tumungga ng isang shot glass ng Soju, "Anyway, bakit gusto mo uminom, Georgette? May problema ka ba?"

"Sad lang ako kasi magre-retire na si Sol from writing. So, gusto ko maglibang kasi baka next time hindi ko na 'to magawa with him." saad ni Georgette at napabuntong hininga na lang siya at uminom na rin ng Soju.

"Ano ka ba, Georgette, andito lang naman ako." nakangiti kong sagot at uminom na rin ako ng isang shot glass ng Soju.

"Arte arte kasi. Tss... Last book pang nalalaman!" bulong ni Calix habang nagluluto siya ng meat.

"Hindi ka ba iinom, Calix?" tanong ko sa kanya.

"Pag-uminom ako, baka pagsamantalahan mo pa ako kaya wag na lang!" naiinis na saad ni Calix.

"Alam mo... malapit ko na tahiin 'yang bibig mo, Calix! Nako!" naiinis na saad ni Georgette.

"Gawin mo..." saad ni Calix.

"Tsk! Kasasabi lang walang mag-aaway eh!" seryosong saad ni Demi, "Pero ano nga ba ang reason talaga, Sol? Curious ako since successful ka sa field ng writing and marami kang nai-inspire through your novel. May isa pa nga dyan binabasa 'yung novel mo... and dinedeny pa." dagdag pa ni Demi sabay tingin kay Calix.

"I'm not reading Sol's work... never! No!" sagot ni Calix at kumain na siya ng isang pirasong meat at uminom ng isang shot glass ng Soju, "Aahhh! This is life! Sarap!"

"Sabihin mo pag may kailangan ka, Calix. O kaya kapag nahihilo ka ah? Ihahatid kita sa unit mo." pag-aalala ko.

"Okay ka lang, Sol? Magkatapat lang tayo ng unit! Hindi ako baldado! Kaya ko sarili ko! Tsaka don't treat me as a girl! Tss!" naiinis na saad ni Calix sabay inom ulit ng shot glass.

"Dahan-dahan lang, Calix. Kala ko ba ayaw mo uminom? Nakakadalawa ka na agad." saad ni Demi.

"I can't help it. Sarap eh!" nakangiting saad ni Calix.

At dahil nakangiti siya, napangiti na lang din ako since natutuwa ako sa itsura niya. Sobrang cute niya pagmasdan.

"Sol..." bulong ni Georgette at siniko niya ako nang mahina, "Baka matunaw si Calix kakatitig mo sa kanya!"

"Baliw." saad ko at napangisi na lamang ako.

"Oh... one for you!" saad ni Calix at inabutan niya si Demi ng isang pirasong meat na niluto niya, "One for you too at bati tayo for now." dagdag pa niya at nilagyan niya si Georgette sa maliit na plate. Tapos inabangan ko rin 'yung sa akin at nakatingin lang ako sa kanya habang nakangiti.

"'Yung sa'kin?" tanong ko kay Calix.

"Magluto ka ng para sa sarili mo, Sol!" saad ni Calix.

"Alam mo, Calix nahihiwagaan ako sayo. Bakit parang ang laki ng galit mo kay Sol? Wala naman siyang ginagawa sayong masama." tanong ni Demi.

Pagkatapos ay napainom na lamang ulit si Calix ng isang shot glass ng Soju at saka siya sumagot.

"To be honest, hindi ko alam kung bakit. Whenever I see Sol's face, naiinis ako. As if he has done something bad to me even though wala pa naman talaga. Basta mahirap i-explain! Pakiramdam ko lang may ginawa siyang masama sa akin!" saad ni Calix.

Siguro, sa unconscious mind ni Calix, nandoon pa rin 'yung ginawa ko sa kanya dati na ginapos ko siya sa kama at kinulong at namatay siya. Ibig sabihin, nagalit siya sa akin noon...

"Baka siguro may naaalala ka lang na pangyayari noon kapag nakikita mo 'yung mukha ni Sol." saad ni Demi.

"Maybe, but still, asar pa rin ako sayo, Sol. I don't know the right words to say, but yes, I'm deeply much aggravated whenever I see you and hindi ko alam kung bakit!" saad ni Calix.

Napangiti na lamang ako kay Calix at sinabing, "Okay lang, Calix, naiintindihan ko."

"Isa pa 'yan sa nakakainis sayo, Sol! Bakit hindi mo magawa-gawang mainis sa akin! Are you trying to mock me?" naiinis na saad ni Calix.

"Hindi naman. Gusto ko lang naman malaman mo na hindi ko kayang magalit sayo." nakangiti kong sagot.

"F*ck you!" saad ni Calix habang namumula na siya at napainom na naman ng shot glass ng Soju.

"May kinikilig dito... nako nako nako!" biglang saad ni Demi.

"Hindi ako kinikilig!" saad ni Calix.

"May sinabi ba akong pangalan... Georgette?" natatawang tanong ni Demi kay Georgette.

"Sa pagkakaalam ko, wala ka namang pangalan na binanggit, pero parang may affected and guilty ata tayong kasama." natatawang sagot ni Georgette.

"Pinagtutulungan niyo ba akong tatlo, ha? Aalis ako dito!" sigaw ni Calix.

"Wag ka umalis, Calix. Dito ka lang. Gusto kitang nakikita." nakangiti kong saad.

"Tigilan mo ko, Sol! Gusto mo 'yung mukha mo ang iluto ko dito sa Grill?" naiinis na tanong ni Calix sa akin habang patuloy siyang namumula.

"May kinikilig talaga dito... sino kaya 'yung sobrang namumula na?" tanong ni Demi.

"Dahil lang sa Soju kaya namumula katawan ko!" sigaw ni Calix.

"Ayan ka na naman, Calix. Wala pa kong binabanggit na pangalan! Assumero ka talaga ng taon no?" saad ni Demi.

"Demi, iluluto ko din mukha mo dito sa Grill! Pasalamat kayo sinisipag ako magluto ng meat! Hindi ko kayo ipagluluto dyan eh!" naiinis na saad ni Calix.

"Joke lang! Hindi ka naman mabiro, Calix." natatawang sinabi ni Demi, "Pero, Calix, hinay hinay ka lang ah? Super bilis mo pa naman tamaan."

"Huy! Malakas kaya ako uminom! Mataas ang alcohol tolerance ko!" sagot ni Calix.

"Sabihin mo 'yan sa bulaklak, Calix, wag ako! Hindi ka nga makatagal sa bar kasi hilo ka agad!" sagot ni Demi.

"Hayaan mo na si Calix uminom ng marami, Demi, andito naman ako. Ako bahala dyan." nakangiti kong sagot.

"Sol! Please? Utang na loob! Don't treat me like you really want to take care of me when apparentlu you don't at niloloko mo lang ako." saad ni Calix habang napapakamot siya ng ulo.

"Totoo 'yun. Hindi ako nagbibiro at nagsisinungaling." sagot ko habang nakangiti ako sa kanya.

"Ehem... Sol, this is the first time I'm seeing you flirting with somebody! At si Calix pa ah?" saad ni Georgette sa akin.

"Sol, you are taking my favor seriously ah? Talagang gusto mo alagaan na ba si Calix?" natatawang tanong ni Demi sa akin.

"What favor is that?" naiinis na tanong ni Calix.

"Ayaw mo kasi lumipat ng condo diba? So, I asked Sol to take care of you kapag wala ako and he said yes!" nakangiting sagot ni Demi.

"Pumayag ka, Sol?" tanong ni Calix sa akin habang nanliliit ang nga mata niya.

"Oo. Okay lang naman sa akin." sagot ko.

"Well, it's not okay for me. Humindi ka! Sabihin mo kay Demi na ayaw mo na ako bantayan!" sigaw ni Calix.

Nginitian ko na lamang si Calix at uminom na ako ng Soju. Hindi na rin ako nagsalita pa dahil nakatingin sa akin si Georgette na nanliliit rin ang mga mata. Alam ko ayaw niya si Calix para sa akin kaya medyo naghihinala siya sa kinikilos ko ngayon.

Pagkatapos ng halos isang oras, marami-rami na rin ang nainom nina Demi, Georgette, at Calix kaya mga nagwawala na rin ang tatlo.

"Calix, tama na 'yan. Lasing ka na." saad ko dahil nagsasayaw na siya kahit walang tugtog.

"Sinong lasing? Ha? Sol, hindi porket mas malaki ka sa akin eh kakayanin mo na ako ah! Nakakaasar ka alam mo 'yun?" saad ni Calix at mahahalata mo sa pananalita niya na tinamaan na din talaga siya, "Gusto niyo ko makita mag tumbling, guys?" tanong pa niya at napa-facepalm na lang ako.

"Go! Panoorin ka namin mag tumbling! Tapos bibigyan ka namin ni Demi ng score. Kami judges mo! Haha!" natatawang saad ni Georgette dahil lasing na rin siya.

Pumasok si Calix sa loob at doon siya biglang nag-tumbling. Ngayon niya sabihin na hindi siya lasing?

Pero pag tumbling niya... plakda siya sa sahig, kaya naman agad akong tumayo para tulungan siya.

"Awwe, Iba talaga pag may prince and knight in shining armor. Bagay sila 'no, Georgette?" saad ni Demi.

"Alam mo, Demi, you're right. May chemistry pala silang dalawa? Though ayusin lang ni Calix ugali niya and magiging boto na ako for him." sagot naman ni Georgette.

"Tayo na, Calix. Okay ka lang?" bulong ko sa kanya.

Ilang saglit lamang, habang nakahiga si Calix at nakaharap sa akin, nakatingin lang siya sa mga mata ko.

Pagkatapos ay inangat niya ang mga kamay niya at marahan niyang hinaplos ang mga pisngi ko.

"Sol?" saad ni Calix habang patuloy siyang nakatitig sa mga mata ko.

"Bakit, Calix?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam... pero parang pamilyar 'yung mukha mo sa akin. Ang tagal ko na iniisip pero hindi ko maisip kung saan. Alam mo 'yung tipong nasa dulo na ng dila ko pero hindi ko masabi? Gano'n." saad ni Calix.

Siguro, tumatatak sa utak niya ang pagkakakilanlan niya sa akin noon pang magkakilala kami. Noong nabubuhay pa siya bilang si Luna.

Nginitian ko na lamang siya at bigla niyang hinaplos ang mga labi ko gamit ang mga daliri niya.

"Bakit parang kilala kita, Sol, pero kakakilala lang natin. Ang weird alam mo 'yun?" tanong ni Calix sa akin.

"Huy! Baka mamaya mag-kiss na kayo dyan! Calix, lasing ka na! Hinahawakan mo na lips ni Sol!" natatawang saad ni Demi.

"Hindi ako lasing..." saad ni Calix habang nakatitig pa rin siya sa mga mata ko at hinahawakan ang mga labi ko, "Buhatin mo ko pabalik sa pwesto ko, Sol. Hindi ko na kaya maglakad."

Napailing na lamang ako at doon ko kinarga si Calix pabalik sa pwesto niya.

"Ang sweet naman! May pagkarga! Akala mo mag jowa!" sigaw ni Georgette.

"Bagay nga sila talaga! Haha!" sagot ni Demi, "Parang tayo, Georgette." biglang banat niya.

"Huy! Baliw ka! Ganda-ganda mo tapos mahilig ka din sa magandang tulad ko?" pabirong tanong ni Georgette kay Demi.

"Ang mga magaganda ay para lang sa magaganda! Haha!" sagot ni Demi.

"Speaking of maganda, si Calix, maganda din siya don't you think? I mean yes he looks like a rockstar na sobrang playboy, though you can't erase the fact na as in ang ganda ng features ng mukha niya. Siguro babae ka dati in your past life." saad ni Georgette.

"Babae si Calix? Paano mo naman nasabi?" tanong ni Demi.

"Wala lang! Haha! Naisip ko lang. Pero what if naging babae siguro si Calix? Napakaganda siguro nito? Instead of rockstar, diva siya! Haha!" tanong ni Demi.

"Alam niyo, may napapanaginipan ako lagi. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin noon, pero may napapanaginipan akong isang babae. Madalas 'yun... Tapos minsan napapanaginipan ko rin na ako mismo 'yung babae na 'yun tapos may lalake akong kayakapan. Kaya nga gumigising ako bigla kapag gano'n kasi nandidiri ako." saad ni Calix.

"Maybe it's a sign, Calix! Baka para ka talaga sa isang guy!" natatawang saad ni Demi, "Pero kung naging babae ka, Calix, do you think na magugustuhan mo si Sol, knowing that you aren't interested in guys?" tanong niya.

"Maybe? Slight? Ewan! Wag niyo ko tanungin ng ganyan! Naiilang ako!" saad ni Calix.

"Eh ikaw, Sol, kung naging babae si Calix, magugustuhan mo siya?" tanong naman ni Georgette sa akin.

"Kahit naman lalake si Calix, magugustuhan ko pa rin naman siya." nakangiti kong sagot at biglang nanlaki ang mga mata nina Georgette at Demi.

Habang si Calix naman, tinatakpan niya ang mukha niya gamit ang plato.

"Tigilan mo ko sa mga pangloloko mo, Sol! Naiirita ako!" naiinis na saad ni Calix at malalaman mong nahihiya siya dahil namumula ang mga kamay niya.

"O.M.G.! Sol, does it mean na you are also into guys and okay lang sayo?" tanong ni Demi.

"Sabihin na lang natin na may iisa lang na taong mahal ang puso ko at wala itong pakialam kung babae o lalake ito." sagot ko.

"So, may possibility na 'yung tinutukoy mo na lover mo is lalake or baka si Calix pala talaga?" tanong ni Demi.

"Tsk! Wag na nga kayo magtanong kay Sol ng ganyan! Wag mo sasagutin, Sol!" sigaw ni Calix.

"Bakit? Ano gagawin mo pag sinabi ni Sol na ikaw ang gusto niya?" tanong ni Demi.

"Aapakan ko ang etits niya! Titirisin ko!" naiinis na sagot ni Calix at bigla ako napahawak sa pantalon ko.

"Calix..." saad ko.

"Ano!" pasigaw niyang sagot.

"Naniniwala ka ba sa reincarnation?" tanong ko.

"Who believes that sh*t? Once lang nabubuhay ang tao. After niya mamatay, lilipad na siya sa heaven!" sagot ni Calix.

"Me! Naniniwala ako!" sagot ni Georgette.

"Talaga, naniniwala ka, Georgette? Sige, pati ako naniniwala na rin." nakangiting sagot ni Demi.

"Sus! Ewan ko sa inyo! Kung ano pinapaniwalaan niyo!" naiinis na sigaw ni Calix at uminom na naman siya ng Soju.

"Calix, tama na 'yan. Lasing ka na." pag-aalala ko.

"Sol, please mind your own business. Maglalasing ako all I want and you can't stop me. At kahit sumuka pa ako dito, still, iinom at iinom ako." sagot ni Calix at tumunga ng isang bote ng Soju.

"Calix, tama na 'yan." saad ko at agad kong kinuha ang bote na iniinom niya.

"Sol, that's mine! Kung gusto mo unimom, kumuha ka ng sayo! Give me that!" naiinis na sagot ni Calix.

"Hindi! Wala ng iinom!" seryoso at pasigaw kong sinabi.

At ilang saglit, biglang napayuko si Calix at namula, "Edi hindi na iinom! Tss!" saad niya.

"My gosh! For real?" saad ni Demi at tila gulat na gulat siya.

"Bakit, Demi? What's the matter?" tanong ni Georgette.

"This is the first time na nakita ko na sumunod at napatigil si Calix from drinking! Si Sol lang ang first ever na nakagawa nito! I mean, no one and not even me can stop Calix from drinking once he starts at iinom siya 'til hindi niya na kaya! Sol, I think kailangan kita palagi to stop Calix from his childish games!" sagot ni Demi.

"Paano ba naman siya hindi matatakot sa lalaking 'to, Demi, ha? Eh kaya siyang yupiin niyan eh!" saad ni Georgette.

"So, are you saying na takot ka kay Sol, Calix?" tanong ni Demi.

"No! Sadyang nawalan lang ako ng gana uminom!" sagot ni Calix, "Hindi ako takot kay Sol! Not even a chance!"

"Ayaw kong matakot ka sa akin, Calix." saad ko sa kanya at ginulo ko ang buhok niya.

At doon ko rin nabasa ang nasa isip niya ngayon.

"Gusto ko ng mangga na hilaw tapos asin na may sili!" saad ni Calix sa isip niya at napailing na lamang ako sa gusto niya.

Ilang saglit lang, tinanggal niya ang kamay ko mula sa kanyang ulo habang inis na inis siya sa akin.

"Don't touch me and mess up my hair like I'm a kid!" sigaw ni Calix.

"May kukuhanin lang ako. Saglit lang." saad ko at tumungo ako sa kitchen area ng unit ko.

Good thing na may mangga ako dito sa ref kaya naman nagprepare ako.

Kung ano-ano na lang ang nasa isip ni Calix, buti nabasa ko kung anong gusto niya ngayon.

Pagkatapos ng 3 minutes, at nabalatan ko na ang mangga at nahiwa na rin ito, bumalik na ako at inabot ko kay Calix ang isang plato ng mangga.

"Calix, oh... baka gusto mo." nakangiti kong saad sa kanya.

"Mangga!" nakangiting sigaw ni Calix at kitang kita mo sa mukha niya ang kagalakan, "How did you know? I was craving for this!"

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Calix ngunit buti na lamang ay biglang sumabat sina Demi at Georgette.

"Ano 'yan? Bakit si Calix lang ang binigyan mo?" tanong ni Georgette habang nakapamewang na siya.

"Bakit may special treatment ka kay Calix, Sol? Nakakahalata na kami dito. May pinapaburan ka, Sol." tanong rin ni Demi.

"Ah, hindi, pampawala 'to ng hilo. Ako kasi nawawala ang hilo ko kapag kumakain ako ng mangga." sagot ko.

"Kami, nahihilo rin kami, Sol? Hindi mo ba kami bibigyan?" tanong ni Georgette.

"Ah, may mangga pa ako sa ref. Kayo na lang magbalat kung gusto niyo." nakangiti kong sagot.

"Hmmm..." saad nina Georgette at Demi parehas habang nakatingin silang dalawa sa akin at nanliliit ang mga mata.

"Sarap! Ang asim! Waaaah!" natutuwang saad ni Calix, "Nakuha mo ang gusto ng dila ko ngayon, Sol, dahil dyan... tumaas na ang level of friendship natin. Nasa 2 out of 100 ka na. Dati negative 0.5 out of 100 lang!" dagdag pa niya habang masaya siyang kumakain ng mangga.

"Thank you at tumaas na ang points ko, Calix." nakangiti kong saad.

"Just don't do anything stupid, Sol, kung ayaw mo na bigyan kita ng minus points!" saad ni Calix habang nakangiti siya.

Kung noon, bilang si Luna ay hindi ko magawang mabasa ang isipan niya, natutuwa ako na bilang si Calix ay kaya ko na malaman kung ano ang iniisip niya. Sa paraang ito, alam ko kung paano ko makukuha ang loob niya.

Mukhang may pag-asa na siguro ako sa misyon ko na mapaniwala na siya si Luna at makuha ang loob niya.

"Tara na nga, Demi, magbalat tayo ng sarili nating mangga! Si Sol kasi, si Calix lang ang love niya ata dito kahit hindi naman siya love nito pabalik!" saad ni Georgette at saka sila tumungo ni Demi sa kitchen area.

Sa ngayon, kaming dalawa na lang ni Calix ang natira at patuloy siyang kumakain ng mangga.

Iinom na sana siya ng Soju nang bigla siyang napatingin sa akin at nakita niyang nilalakihan ko siya ng mata.

"Tss..." saad ni Calix at binaba niya na ang Soju at hindi na uminom.

"Wag ka na uminom, Calix. Tama na, masyado kang malalasing." seryoso kong sinabi.

"Kung makapagsabi ka ah, jowa kita para utusan ako?" sagot ni Calix.

"Hindi naman, pero nag-aalala lang ako sayo." nakangiti kong saad.

"Don't... smile at me!" naiinis na sigaw ni Calix at bigla siyang lumihis ng tingin.

Tinawanan ko na lang siya since para siyang bata.

"Bakit ka tumatawa? Naiinis ako sayo, Sol, wag ka tumawa. I hate your laughter! I hate everything about you! Lahat kinaiinisan ko! Yung kilos mo, yung ugali mo, lahat!" naiinis na saad ni Calix.

"Anong gusto mong gawin ko para hindi ka na mainis sa akin, Calix?" tanong ko sa kanya habang nakangiti ako.

"Don't smile at me!" sigaw ni Calix.

"Wag ka gagalaw, Calix." saad ko dahil may asin sa pisngi ni Calix na nais ko tanggalin.

"Bakit?" tanong niya.

Marahan kong inangat ang kanang kamay ko at inalis ang asin sa pisngi ni Calix.

At dahil hindi ko na napigilan ang sarili ko, nang matanggal ko na ang asin sa pisngi niya, napahaplos ako sa pisngi niya na matagal ko na gustong gawin.

Nakatitig lang kami ni Calix sa isa't isa at nilalasap ko ang pagkakataong ito habang hindi pa siya umaalma.

Nakatulala na lang rin si Calix sa akin habang patuloy kong hawak ang pisngi niya...

At sa hindi inaasahan, bigla na lang may tumulo na luha sa isa niyang mata na ipinagtaka ko.

Kaya naman pinunasan ko ang luhang iyon at tinanong ko siya, "Bakit ka naluha, Calix?"

"Sol... may nakita ako sa isip ako noong hinawakan mo ko sa pisngi." saad ni Calix.

"Anong nakita mo, Calix?" tanong ko sa kanya habang patuloy kong hawak ang kanyang pisngi at hinahaplos ito.

"Nakita ko na..." saad ni Calix habang nanlalaki ang mga mata niya at nakatingin sa akin at tulala.

Gaya ko na may kapangyarihan na makita ang nakaraan ng isang nilalang, kaya din ba ni Calix gawin 'yun kahit isa na lamang siyang normal na tao ngayon?

Bagamat hawak ko ang pisngi niya, hindi ko din masabi ang nasa isip niya dahil sa ngayon ay blanko ito.

"Sabihin mo, Calix... Anong nakikita mo?" tanong ko muli.

"Sol..." saad muli ni Calix habang nakatitig siya sa mga mata ko.

End of Chapter 5