webnovel

Chapter 10: I Am The Calix

Sol's POV

Nakatingin lamang ako sa reaksyon ni Calix at mukhang hindi siya makapaniwala sa nakikita niya ngayon.

Dahil ang nasa harapan ni Calix na painting ay ang Diyos ng Buwan na si Luna na alam kong nakita na niya sa panaginip niya kaya namumukhaan niya ito.

"Si Luna?" saad ni Calix.

"Kilala mo siya, Mr. Calix?" tanong ni Dr. Luigi, ngunit hindi na nakapagsalita pa si Calix dahil natutulala pa rin siya sa nakikita niya, "Pero tama ka, siya si Luna, ang sinasabing Diyos ng buwan at ang tanging minahal ng Diyos ng araw."

"Totoo sila?" tanong ni Calix.

"Ayon sa kwento ng aking mga magulang, oo, Mr. Calix, ang Diyos ng araw at Diyos ng buwan ay totoo. May sinasabi pa nga sila na magpasahanggang ngayon ay nasa lupa ang Diyos ng araw at naghihintay sa pagbabalik ni Luna." saad ni Dr. Luigi at bigla akong napaubo.

"Mr. Calix, kailangan niyo na po pumunta sa stage for the sound test." saad ng isang staff na kakapasok lamang ng kwarto.

"Aalis na ako. This is nonsense... " saad ni Calix habang patuloy siyang nakatulala at mukhang wala sa wisyo.

Hindi siya maaaring ma-carried away dahil dito at baka hindi maging maganda ang kalalabasan ng performance niya. Kaya naman, kailangan kong gawin 'to para matauhan siya.

"Galingan mo, Calix. Papanoorin kita at hihintayin kitang pumiyok." nakangiti kong saad at ginulo ko ang buhok niya.

"Argh! Epal ka talaga, Sol! Hindi pumipiyok ang isang tulad ko! Makaalis na nga!" saad ni Calix at mukhang bumalik na siya sa normal.

Umalis na din siya sa room para sa sound test, at kaming dalawa na lang ang naiwan ni Dr. Luigi.

"Mr. Sol, anong masasabi mo sa painting ng Diyos ng araw? Gusto mo ba malaman kung bakit ikaw talaga ang napili ko?" tanong sa akin ni Dr. Luigi.

"Masaya ako na ako ang napili mo, Dr. Luigi, ngunit ano ang dahilan mo?" saad ko.

"Alam mo ba, Mr. Sol, binabasa ko ang mga libro mo at akmang akma ang mga kwento mo, sa kwento ng aking mga magulang patungkol sa pagmamahalan ng Diyos ng araw at Diyos ng buwan." saad ni Dr. Luigi.

"Anong ibig mo sabihin, Dr. Luigi?" tanong ko.

"Mr. Sol, dahil nandito ka na rin sa aking harapan, nais kong tanungin ka. Ikaw ba at ang Diyos ng araw ay iisa? Dahil sa aking pag-aaral, napakaraming niyong pagkakaparehas. At, kung hindi mo naitatanong, ikaw ay aking sinusubaybayan simula pa noong ako ay bata pa. Nakikita na kita, at hanggang ngayon ay hindi ka pa rin tumatanda." saad ni Dr. Luigi.

"Hehe! Baka kamukha ko lang 'yun, Dr. Luigi." nakangiti kong sagot habang nagkakamot ng ulo.

"Mr. Sol, ang mga libro na ginagawa mo, pakiwari ko, ito ay may pinapahiwatig. Sa aking pagsasaliksik, tila ikaw ay may hinahanap sa iyong libro at may nais kang iparating sa isang tao, at siya si Luna. At ang huling libro na iyong ilalabas, ang When the Sun Meets the Moon, ito ay akmang akma sa Diyos ng araw at ng Buwan." sagot ni Dr. Luigi.

Napabuntong hininga na lamang ako at nakatingin lang sa painting ko at ni Luna, at hindi na ako sumagot pa.

"Tama ba ako? Mr. Sol? Ikaw ay isang imortal na patuloy na hinahanap ang susunod na buhay ni Luna sa pamamagitan ng mga libro mo?" tanong ni Dr. Luigi.

Napalunok na lamang ako at napatingin kay Dr. Luigi.

"Natagpuan ko na siya, si Luna." saad ko.

Ngumiti lamang si Dr. Luigi at doon siya nagsalita, "Kung hindi ako nagkakamali, si Mr. Calix ba ito?" tanong niya.

"Bakit alam mo ang tungkol rito?" tanong ko.

"Matagal ko na ito isinasaliksik. Naengganyo ako sa kwento ng aking mga magulang na isinalin rin ng kanilang mga magulang patungkol sa Diyos ng araw. Dahil tulad ng sinabi ko kanina, ang aking ninuno ay ang alagad ng Diyos ng araw na nais ipasalin sa mga susunod na henerasyon na hanggang ngayon ay buhay pa rin siya at nagpapanggap na normal na tao. Tama ba ako, Mr. Sol? Ikaw ay nagpapanggap bilang normal na tao?" saad ni Dr. Luigi at natulala na lamang ako sa mga tinuran niya.

"Ano ang nais mo ngayon? Nais mo ba na ipagsabi sa lahat na ako si Sol, ang Diyos ng araw sa opening ng museum, ganoon ba?" tanong ko sa kanya.

"Kung iyong mamarapatin, Mr. Sol, nais ko malaman ng mga tao na buhay ang Diyos ng araw." saad ni Dr. Luigi.

"Hindi ko ito mamarapatin, Dr. Luigi. Ako ay may misyon na gampanan. At kapag nalaman ng mga tao na ako ang Diyos ng araw, ito ay magiging sagabal lamang." sagot ko.

"Ano ang iyong misyon, Mr. Sol? Maaari kitang tulungan, dahil ang bilin sa akin ng aking mga magulang ay kapag natagpuan ko ang Diyos ng araw, bilang mula ako sa ninuno ng kanyang alagad, ay dapat ko siyang pagsilbihan." sagot ni Dr. Luigi.

"Ang misyon ko na maipaniwala si Calix na siya si Luna bago sumapit ang susunod na eclipse. At kapag hindi ko siya napaniwala na siya ang Diyos ng buwan, ako ay tuluyan na magiging isang ganap na araw at hindi na kami muling magtatagpo pa." sagot ko.

"Mr. Sol, ngunit, paano mo ito gagawin? Isang lalaki ngayon ang katauhan ni Luna? Hindi rin maganda ang pag-uugali ni Mr. Calix sa aking pakiwari." saad ni Dr. Luigi.

"Sa totoo lang, hindi ko din alam kung anong gagawin ko. Pero ngayong natagpuan ko na siya, nais ko lamang siyang alagaan at bantayan. At nais ko siyang makasama hanggang sumapit na ang oras na kailangan ko na maging isang ganap na araw." saad ko.

Napabuntong hininga na lamang si Dr. Luigi at hinawakan ang aking kanang balikat.

"Naiintindihan ko, Mr. Sol. Hindi ko na sasabihin sa madla na ikaw ang Diyos ng araw upang makatulong sa iyong misyon. Bilang ako ay galing sa angkan ng alagad ng Diyos ng araw, wag ka mag-alala, Mr. Sol, nais ko rin na tulungan ka upang mapaniwala si Calix na siya si Luna noon." nakangiting saad ni Dr. Luigi.

"Maraming salamat, Dr. Luigi." nakangiti kong saad.

"Tayo na, Mr. Sol, at magsisimula na ang opening ng museum." saad ni Dr. Luigi at lumabas na kami sa room kung saan ipinakita niya sa akin ang painting ko at ni Luna.

...

...

...

Pagkarating namin sa isang malaking hall, sinamahan ako ni Dr. Luigi sa naka reserved na upuan para sa amin, at nandoon na rin sina Georgette at Demi na magkasama.

"Oh my gosh, Sol, how was it being with Calix the whole time sa car? Alam mo ba na kinabahan ako bigla habang bumabyahe kayo kasi what if nagkulit si Calix at naaksidente kayo!" nagaalalang saad ni Demi sa akin.

"Di mo na kailangan mag-alala, Demi, nakarating naman na kami ni Calix ng safe. Tsaka pinag-usapan na namin dalawa na ako na ang maghahatid sa kanya pansamantala habang sira ang sasakyan niya." saad ko.

"Aba naman talaga! To the rescue ang daddy mong Sol!" natatawang saad ni Georgette.

"Good morning everybody, please take your seats as we'll be starting after 1 minute. Thank you!" saad ng host para sa opening ng museum.

"Tara na, Mr. Sol, ikaw ay maupo na." saad ni Dr. Luigi at hinatid niya ako sa aking upuan.

Makalipas ang isang minuto, nagsimula na rin ang program para sa opening ng museum, at marami-rami rin mga kilalang tao ang naroon.

Nagbigay na rin ng mensahe si Dr. Luigi para sa pagbubukas ng kanyang museum at doon na rin niya ako pinakilala bilang mukha ng bago niyang museum.

At gaya ng tinuran niya, hindi niya sinabi sa lahat na ako ang Diyos ng araw kahit pa na alam niya na ito.

Pagkatapos ng remarks ni Dr. Luigi, upang magbigay aliw, doon na rin lumabas si Calix para mag perform.

"Georgette, maaari mo bang kuhaan si Calix ng video? Nais ko lamang ito panoorin." saad ko.

"Nako nako nako! Patay na patay ah? Sure!" saad ni Georgette at nilabas niya na ang phone niya.

Ilang saglit lamang ay lumabas na si Calix at nakasuot na siya ng tuxedo na kulay itim na may napakahabang coat.

Nakatingin lamang ako sa ganda ng mukha niya at habang seryoso siya.

Ito ang unang beses kong matutunghayan na kakanta si Calix sa aking harapan.

"Mr. Sol, tama ba ako, si Luna noon ay may napakaganda na tinig?" tanong ni Dr. Luigi.

"Oo, at nakuha 'to ni Calix." sagot ko.

"Let's give a round of applause, for the amazing... Calix!" sigaw ng host at doon na kami nagpalakpakan.

Ilang saglit lamang ay biglang namatay ang ilaw sa buong hall, kaya nagdilim ang aking paningin.

Kinabahan ako bigla, ngunit sa kabutihang palad ay tinapat ang spotlight kay Calix na nakatayo sa gitna ng stage kaya parang nagliliwanag ang kanyang katawan, gaya ng pagliwanag ng katawan ni Luna.

Si Calix ay mistulang isang buwan na lumiliwanag sa madilim na lugar at kitang kita mo ang kagandahan niya.

"Grabe, kung hindi mo alam ang tunay na ugali ni Calix, ma-aamaze ka sa presence niya!" bulong sa akin ni Georgette, "Pero dahil alam natin na may pagkabaliw si Calix, mas lalo pa akong na-aamaze ng sobra sobra!"

Nagsimula na rin si Calix sa kanyang pagkanta na ang title ay SOS d'un terrien en détresse na isa sa mga paborito kong pinapakinggan.

----Author's note----

Imagine Calix singing this song in front of everybody na tipong ganito niya kinakanta sa lahat. By the way, this is Dimash 😁

At pagkatapos marining ng lahat ang napakalinis, at mala-anghel na pagkanta ni Calix, pagbukas muli ng ilaw sa hall, lahat kami ay napatayo sa aming mga upuan at pinalakpakan namin siya.

Kaya isa si Calix talaga sa mga pinakamagaling na singer sa henerasyon na ito dahil sa angking ganda ng boses niya na talagang maeengganyo ka na pakinggan siya.

Pinagmasdan ko kanina ang mga katabi ko, at hindi sila kumurap habang kumakanta si Calix. Gaya ni Luna, siya ay may pambihirang boses na kayang paantigin ang puso mo.

"Grabe! Ang galing galing talaga ni Calix! Imagine, manager na niya na ako at madalas ko nakikita siyang mag perform pero he never fails to amaze me everytime. At lagi akong naiiyak kapag pinapanood siya." saad ni Demi habang nagpupunas ng luha.

"Demi oh." nakangiting saad ni Georgette at inabutan niya ito ng panyo.

"Thanks!" nakangiting saad ni Demi kay Georgette.

"Ibang klase, Mr. Sol, ang kanyang tinig ay talagang bumabalot sa puso." saad ni Dr. Luigi.

Noon pa man ay naaantig ang aking puso sa tuwing kumakanta si Luna.

Pero ngayon si Calix na ang kumakanta, hindi ko mapigilan na mas maantig sa kung paano siya kumanta at kung paano niya binubuhos ang kanyang emosyon.

Tipong kapag siya ay nasa harapan ng lahat at nasa stage at kumakanta siya, hindi na siya ang Calix na kilala ko na isip bata. Bagkus, tila siya ay nagiging isang kakaibang Calix na bigay na bigay sa pagkanta.

"Maraming salamat po." saad ni Calix at tumungo na siya sa backstage.

"What a show-stopping performance from non other than Calix himself! Kaya naman sobrang swerte na ma-witness natin ang live performance ng batang ito na kakaiba ang talento sa pag-awit!" saad ng host.

...

...

...

Pagkatapos ng opening ng museum, hinanap ko si Calix kung saan-saan ngunit wala siya sa dressing room o hindi rin nakita nina Demi at Georgette.

At habang naghahanap-hanap ako, nakasalubong ko si Dr. Luigi, kaya minabuti ko na tanungin siya.

"Dr. Luigi..." saad ko.

"Si Mr. Calix ba?" nakangiti niyang tanong.

"Oo, nakita mo ba siya?" saad ko muli.

"Nasa harapan siya ng painting ni Luna at hanggang ngayon ay pinagmamasdan niya ito. Doon siya sa kwarto kung saan pinakita ko sayo ang painting mo. Nandoon si Calix, maaari mo siyang puntahan." nakangiting sagot ni Dr. Luigi.

"Maraming salamat." saad ko at tumungo na ako sa kwarto kung nasaan si Calix.

Nang makarating na ako sa kwarto, nakatayo si Calix sa tapat ng painting ni Luna at nakatitig lamang siya.

"Bakit hindi mo hawakan ang painting, Calix? Parang kanina ka pa nakatitig tsaka gusto mo hawakan." saad ko habang naglalakad ako patungo sa kanya.

Napalingon sa akin si Calix at bigla niya ako sinimangutan.

"Baliw ka ba? Hindi hinahawakan ang painting! Kita mong may hands off na nakalagay eh! Ako naiirita ako sayo, Sol, ah?" saad niya.

"Ang galing mo kanina, Calix, sobra. Napahanga mo ako." saad ko habang nakangiti ako sa kanya.

"Well, dapat lang magalingan ka 'no!" naiinis na saad ni Calix.

"Bakit parang masyado ka atang interesado sa painting ni Luna, Calix?" tanong ko sa kanya.

"Bakit mo inaalam? Ha? Kagatin kita dyan eh!" sagot ni Calix.

"Oh, kagatin mo." saad ko at binigay ko ang kanang kamay ko sa kanya.

"F*ck you!" sagot ni Calix at bigla siyang napabuntong hininga, "I don't know if maniniwala ka sa akin, Sol, or you'll think na baliw ako. But I've met this girl in my dreams. Actually, not once but a lot of times. As if magkakilala na nga kami eh. Minsan nga nag-uusap pa kami!"

"Naniniwala ka sa kanya? Kay Luna?" tanong ko.

"I don't know. But alam mo kung ano ang nakakamangha for me?" tanong ni Calix sa akin.

"Ano ang nagpapamangha sayo?" saad ko.

Bigla niyang tinuro ang painting ng Diyos ng araw kaya nagtaka ako.

"Anong meron sa kanya? Gwapo ba siya?" tanong ko muli.

"He looks like you, so he's ugly." Saad ni Calix.

"Grabe ka naman." saad ko.

"Pero, bukod sa kamukha mo siya, Sol, he's also showing up in my dreams. As in kung ano ang suot niya dyan sa painting, ganoon na ganoon. As if they are really alive. Weird." saad ni Calix.

"Sabi ni Dr. Luigi, totoo daw sila. Naniniwala ka na nabubuhay talaga sila?" tanong ko.

"Maniniwala ako kung hindi mo kamukha 'yung Diyos ng Araw. Eh kamukha mo kaya ayaw ko maniwala!" pabirong saad ni Calix.

Kaya naman napatanong ako sa kanya, "Paano, Calix, kung buhay si Luna pero nasa ibang katauhan siya ngayon. I mean reincarnation sa isang tao pero sa isang lalake siya napunta. Maniniwala ka?"

"Like I've told you before, I don't believe in reincarnation. Tara na nga! Umuwi na tayo! Ipagdrive mo na ako! I want to sleep in my bed!" saad ni Calix.

"Tara." nakangiti kong sagot at mukhang hanggang ngayon, maliit pa ang chance na maniwala siya na siya si Luna. Pero unti-unti, alam ko magigising din siya sa katotohanan... sana.

Nang makarating na kami sa parking lot, nagsidatingan ang mga media at bigla silang tumakbo papunta sa amin.

"Sh*t! Bakit ngayon pa sila nagpakita!" saad ni Calix.

"Bakit? Iinterviewin ka lang naman nila siguro?" tanong ko.

At nang makalapit na ang mga media ay dinumog kami ni Calix at may nagtanong na isang lalake, "Calix, totoo ba ang balita na ginagamit daw ng dad mo sa pangsugal ang pera mo?"

"Calix, sabi ng iba ay naglilip-sync ka lang daw sa mga performances mo?" tanong ng isa pang media.

"Calix anong masasabi mo na matutulad ka rin sa mga magulang mo na nalaos at wala ng offer?" saad ng isa pang media at nakita ko ang mga kamao ni Calix na parang nanginginig na sa galit.

"Calix, wag mo na lang pansinin." bulong ko.

"Ikaw, Mr. Sol, anong masasabi na pinunit ni Calix ang mga libro mo? Namataan pa nga daw si Calix na bumibili siya ng libro mo sa isang auction site!" saad ng isang media at napatingin ako kay Calix muli at mukhang hindi na maganda ang timpla ng mood niya.

"Sa susunod na lang namin sasagutin ang mga tanong niyo. Pagod na rin kasi kami dahil sa program kanina. Kailangan na namin magpahinga, lalo na si Calix." saad ko.

"May nakapagsabi na sa iisang unit na daw kayo nakatira ni Calix? Is that true, Sol? Are you and Calix... are live-in partners?" saad ng isang media.

"F*ck!" saad ni Calix at agad kong pinisil ang kanang kamay niya nang patago para hindi siya magmura.

"Totoo ba na dahil sayo, Calix, kaya naghiwalay ang parents mo at ikaw ang dahilan kaya nag suicide ang mom mo na si Mrs. Layla, ang isa sa pinakasikat na artista noong nabubuhay pa siya ngunit nalaos na?" tanong ng isang media.

At nakita ko kung gaano kabilis nag shift ang mood ni Calix sa pagiging iritable papunta sa malungkot na side niya.

At habang tinatapat ang camera sa mukha ni Calix, tinakpan ko ito ng kamay ko at sumagot ako.

"Saglit lang. Alam ko mga media kayo at trabaho niyo ang magtanong, pero hindi ba parang personal na ata 'yan masyado?" pangangatwiran ko dahil sinasama na nila ang pamilya ni Calix sa mga tanong nila.

Hindi ako pinansin ng media at muli ay nagtanong siya.

"Anong masasabi mo, Calix, sa pagkawala ng mom mo at pagkalulong ng dad mo sa sugal? Ikaw ba ay sugarol na rin?" saad ng media.

At dahil hindi ko na napigilan ang aking sarili...

"Hindi kayo titigil?" seryoso kong saad, at dahil hawak ko ang isang camera na tinatapat sa mukha ni Calix, ito ay sinira ko ng isang kamay lamang at niyupi na parang isang papel.

Halos nagulat ang mga media sa nakita nilang pagsira ko sa camera at hindi sila nakapagsalita.

"May gusto pa ba magtanong sa inyo?" seryoso kong saad habang nakatingin ako sa kanila at nakatingala silang lahat sa akin dahil mas matangkad ako sa kanila.

Napailing na lamang ang mga media at wala ng nasagot. Tinago na rin nila ang kanilang mga camera sa kadahilanang ayaw nilang masira ang mga kagamitan nila.

"Tara na, Calix." saad ko at inakbyan ko na siya at hinatid patungo sa kotse ko.

Tahimik lang si Calix hanggang sa makarating kami sa loob ng kotse at tila wala siyang gana.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot at umiwas siya ng tingin. Pagkatapos ay humarap na lamang siya sa bintana.

"Anong gusto mo, Calix? Gusto mo ba kumain?" tanong ko sa kanya at sinusubukan kong pagaanin ang loob niya dahil alam ko na mabilis siyang makuha basta paboritong pagkain niya ang pinag-uusapan.

"Busog ako." saad ni Calix at nakatingin pa rin siya sa bintana at hindi ako pinapansin.

"Pag may gusto kang sabihin o ilabas, sabihin mo lang sa akin, Calix. Makikinig ako." saad ko.

Napatingin siya sa akin bigla at sinimangutan ako.

"Not in a million years, Sol." saad niya at napangiti na lamang ako.

"Okay ka na siguro kasi galit ka na naman sa akin eh." saad ko.

Napabuntong hininga na lang si Calix at sumandal.

"Nakakainis kasi sila! Lalo na 'yung tanong nila sa parents ko at sa pagkamatay ng mom ko. Gets ko' yung trabaho nila bilang media, but sometimes, sobra na kasing personal ang atake nila eh." saad ni Calix.

Sa totoo lang, ngayon ko lang nalaman o nakita ang ganitong side kung paano nila punteryahin si Calix.

Oo, sikat na sikat siya, pero ito ang downside ng kanyang kasikatan. Walang privacy si Calix pagdating sa labas dahil alam halos ng lahat ang buhay niya.

Nginitian ko na lamang si Calix at muli kong ginulo ang buhok niya.

"What the f*ck, Sol! Wag mo nga ginugulo ang buhok ko! Hindi ka nakakatulong! Nakakadagdag ka pa sa stress ko!" naiinis na saad ni Calix.

Napailing na lamang ako at sinimulan ko na ang pagda-drive.

"Gusto ko na manood ng movie pampatanggal stress!" saad ni Calix.

Sorry, Calix, hindi ka muna makakapanood ng movie. Nais kitang dalhin sa lugar kung saan makakalimutan mo ang mga problema mo panandalian.

...

...

...

Habang patuloy akong nagda-drive, napasigaw bigla si Calix at nagaalburoto.

"Sol! What's this sh*t all about!" saad ni Calix.

"Huh? Anong sh*t ang tinutukoy mo?" pagtataka ko.

"Don't play dumb with me! Ibang way na 'to! Hindi na' to 'yung pauwi sa condo natin! Saan mo ko dadalhin! Monster!" sigaw ni Calix.

"Sa langit kita dadalhin, Calix." nakangisi kong saad.

Biglang nanlaki ang mga mata ni Calix at tinakpan niya ang dibdib niya gamit ang kanyang mga kamay na tipong tinatago niya ito sa akin.

"F*ck you, Sol! Tatawag ako ng pulis if ever na gahasain mo ako!" sigaw ni Calix, "I know you are a big guy, pero lalabanan kita!"

Natawa na lang ako nang napakalakas dahil sa saad ni Calix.

"Anong gagahasain? Bakit ko gagawin 'yun?" tanong ko.

"Kasi... sabi mo pumapatol ka sa lalake at dadalhin mo ako sa langit! And there is a big chance na matagal mo na akong pinagnanasahan kasi nakita mo na' yung katawan ko! Stop the car and drop me off now! Uuwi na ako!" sigaw ni Calix.

"Masyado na malayo at gabi na para ibaba ka, Calix. Tsaka hindi kita pinagnanasahan. Dadalhin kita sa Tagaytay para mag unwind saglit." sagot ko.

"Tagaytay?" gulat na tanong ni Calix.

"Oo at dahil gabi, mas maganda mag overlooking doon." nakangiti kong saad.

"Hmmmm..." saad ni Calix habang tinitingnan niya ako at nanliliit ang mga mata niya.

"Bakit ganyan ka? Anong problema mo, Calix?" natatawa kong tanong.

"Grrrrr..." saad niyang muli.

"Ano nangyari sayo?" tanong ko.

Huminga siya nang malalim at saka sumagot.

"Fine! Maybe I needed to get away from everybody once in a while. Uuwi tayo, okay?" saad ni Calix.

"Oo naman. Uuwi tayo, gusto ko lang na makapag unwind ka kahit saglit." sagot ko.

"Sol, just to clarify things out, dahil tayong dalawa lang ang magkasama... this just a hang out and not a date! Okay?" naiinis na saad ni Calix.

"Hindi ko naman naisip na date 'to, Calix. Gusto ko lang makapagrelax ka." saad ko.

"Tingin mo makakapag relax ako since I'm with you? I guess the answer is no! But mas okay na 'to and I need to get away from the toxicity for a moment." saad ni Calix.

"Payag ka na ba at sasama o gusto mo ibaba na kita dito?" pabiro kong tanong.

"Katawa 'yan, Sol? Masaya ka na?" naiinis na sagot ni Calix.

"Wag ka na mainis, Calix, basta ako bahala. Libre ko na din." saad ko.

"No! Ako ang manlilibre! I don't want to be indebted to you! Gusto ko ikaw ang mahihiya sa akin!" sagot ni Calix.

"Ako na, total ako ang nagsama sayo rito sa Tagaytay." pangangatwiran ko.

"No! It should be me! Basta ako ang manlilibre sa atin! This is for what you did a while ago for breaking their camera. Alam mo ba, Sol, matagal ko na gustong gawin 'yun! I just don't have the guts to do so. Una, hindi ako ganoon kalakas like you, and second, magiging tampulan ka lang naman ng report! Di na ako magugulat if mareport ka na nanira ka ng camera. Hintayin ko 'yung footage na 'yun! Haha!" natatawang saad ni Calix.

Nakatingin lang ako kay Calix habang nakangiti since natutuwa ako na tumatawa na siya.

"Why are you smiling at me? Get your f*ckin' focus on the road, Sol! Gusto mo ba mamatay tayong dalawa kapag nabangga ka because you are looking at me?" saad ni Calix.

"Masaya lang ako na nakikita kang nakangiti at tumatawa, Calix. Mas nakikita ko ang kagandahan mo." saad ko.

Hindi nagsalita si Calix kaya napatingin ako sa kanya upang malaman kung ano ang kanyang reaksyon.

Ngunit, nakaharap si Calix sa bintana at pinipilit ko siya na tumingin sa akin ngunit ayaw niya.

"Bakit ayaw mo humarap sa akin, Calix?" tanong ko.

"Naiinis ako sayo! Sinasabihan mo kong maganda! I'm handsome for God's sake!" sigaw ni Calix.

"Oo, gwapo ka, Calix. Pero hindi ko maiwasan na masabi na maganda ka." saad ko.

"F*ck you! Don't talk to me, Sol! I f*cking hate you!" saad ni Calix at hindi siya makatingin sa akin.

"Bakit hindi ka makatingin sa akin, Calix?" natatawa kong saad.

"Kasi... naiirita ako sa mukha mong ubod ng pangit! Mukha kang bakulaw! Kala mo ang gwapo mo kapag nakangiti ka? Kapag pinapakita mo 'yang mga magaganda mong ngipin? Kala mo kinagwapo mo 'yang namumula mong cheeks kapag nakangiti ka ng sobra? Hindi! Tss!" naiinis na saad ni Calix.

"Okay ka lang, Calix?" tanong ko.

"No, I'm not okay since I'm with you!" sagot ni Calix.

"Since papunta tayo sa Tagaytay, kumakain ka naman ng bulalo?" tanong ko.

"Natural! But, I just want to relax, drink, and chill while looking at the scenery." saad ni Calix.

"Okay, ako ang bahala sayo, Calix. Dadalhin kita sa lugar na tingin ko magugustuhan mo." sagot ko.

"Just make sure na magugustuhan ko 'yan! Kapag ang oras ko nasayang dito sa trip na 'to, I swear I'll curse on you!" sagot ni Calix, "Matutulog na muna ako. Wake me up when we are there!"

...

...

...

Pagkalipas ng mahigit isang oras, nakarating na rin kami sa kakainan namin ni Calix na overlooking na restaurant kaya ginising ko na siya.

"Calix... andito na tayo." bulong ko habang tinapik ko ang malambot niyang pisngi.

"Huh? Dito na tayo?" tanong ni Calix at huminga na siya nang malalim at nagunat.

"Yup! Medyo malamig. Dala mo pa 'yung coat na suot mo kanina noong nagperform ka?" tanong ko.

"Nope. I gave it to Demi... Wait! How about Demi? Alam niya ba na nasa Tagaytay tayo?" tanong ni Calix.

"Oo, pinaalam na kita sa kanya." saad ko at lumabas na kami sa kotse.

"Potek! Ber months na nga pala kaya malamig no?" saad ni Calix at niyayakap niya ang sarili niya dahil sa lamig.

Kaya naman hinubad ko ang suot kong coat at pinatong ko sa kanya.

"What's this!" naiinis na saad ni Calix at binalik niya sa akin ang coat ko.

"Para hindi ka masyadong malamigan." saad ko at inaabot ko muli sa kanya ang coat ko.

"I don't need your f*cking coat! Kaya ko ang sarili ko! Hindi ako malalamigan because I'm hot!" naiinis na saad ni Calix, "Tara na nga! Nagugutom na ako!" dagdag pa niya at nagsimula na siya maglakad habang niyayakap niya ang kanyang sarili at ginaw na ginaw.

Sinundan ko na rin siya at tumungo na kami sa entrance para makapag reserve ng pwesto.

"Good evening! Sir Calix and Sir Sol is that you? My gosh!" nakangiting bati sa amin ng isang babaeng staff na nasa entrance, "Grabe! Ang popogi niyo talaga! Pwede magpa-picture?" kinikilig niyang tanong.

"Mas importante ba 'yang picture kesa sa gutom ko? Tss..." naiinis na saad ni Calix.

"Sorry po, Sir Calix." nanghihinayang at malungkot na saad ng babae.

"Where's your phone? Tara, let's take a picture." nakangiti kong saad.

"Thank you, Sir Sol!" nakangiting saad ng babaeng staff at kinuha niya na ang kanyang phone.

"Pfft! Mr. Nice guy pa ang gusto!" bulong ni Calix.

"Tara, Calix, para makapagpapicture na tayo." saad ko at hinila ko na siya papalapit sa akin at inakbayan.

"Tsk! F*ck you, Sol!" saad niya at doon ko nabasa ang nasa isip niya, "F*ck! Sol's body is so warm! Ang lamig dito sa Tagaytay but when our bodies touched, I hate to admit it but grabe, nakakarelax na para kong gustong yakapin!"

"Bilisan mo, Miss, bago pa kumawala si Calix." nakangiti kong saad.

"Yes, pakibilis, nandidiri ako sa katawan ng Sol na 'to! And I'm damn hungry!" saad ni Calix.

"Ito na po!" nakangiting saad ng babaeng staff at kumuha na siya ng picture naming tatlo.

Camera shutter!

Tuwang-tuwa ang babae nang makapagpa-picture sa amin ni Calix.

"Sir! I'll make sure that you'll get the best spot!" saad ng babaeng staff.

"Dapat lang! Nalilipasan na ako ng gutom and every minute counts!" naiinis na saad ni Calix.

"Pagpasensyahan mo na 'to, Miss, gutom na kasi." nakangiti kong saad.

"Okay lang po! Hihi! Alam po naming mga fans ni Sir Calix na mainitin ang ulo niya. At mas nagiging hot po siya tingnan!" kinikilig na saad ng babaeng stuff.

"Pakidali! Daming kwento eh!" saad ni Calix.

"Let's go, sir Calix and Sol." nakangiting saad ng babae at sinundan na namin siya sa lugar kung saan makakakain kami ng Calix.

At siempre, hindi maiiwasan na pagtinginan kami ng mga tao. Isa pa, kahit saan pumunta si Calix, kilala siya. Ako naman, hindi ako umaasa na makikilala ako ng ibang mga tao masyado dahil nagtatago ako sa likod ng mga libro ko, di kagaya ni Calix na lumalabas talaga kahit saan.

"Here is the best spot for you two!" nakangiting saad ng babaeng staff.

"Ano 'to? Date? Tss." saad ni Calix dahil ang porma ng table at ng pwesto namin ay parang sa isang date na set up. Ngunit ang kagandahan ay malayo ito sa ibang mga kumakain rin at may privacy.

"Ililipat na lang po namin kayo, Sir Calix." saad ng babaeng staff.

"Don't bother. This is fine already. But just to let you know, Miss, hindi ako nakikipag-date kay Sol, okay? This is just a dinner!" saad ni Calix.

"Hihi! Opo! Hindi po ito date, Sir Calix." kinikilig na saad ng babaeng staff, "Ito po ang menu. Pag ready na kayo mag order or may kailangan po kayo, just press the bell button sa gitna ng table. Thank you!" saad ng babaeng staff at umalis na siya.

Pagkatapos ay inusog ko ang isang upuan para kay Calix.

"Upo ka na, Calix." saad.

"Tsk! Wag mo nga ako pinagsisilbihan, Sol! Nakakapikon ka eh!" saad ni Calix, "Uupo ako kung kailan ko gustong umupo!"

At habang nakatingin lang ako kay Calix na patuloy na nakayakap sa sarili niya, doon na ako tumayo sa harapan niya.

"Ano na naman gagawin mo, Sol!" naiinis niyang tanong habang nakatingala siya sa akin.

Napabuntong hininga na lamang ako, at muli, ay ipinatong ko sa balikat at likuran niya ang coat ko.

"Sol! I told you! I don't want your disguting coat!" saad ni Calix.

"Sige na, suutin mo na. Tayong dalawa lang naman nandito. Walang makakakitang iba." saad ko.

"No! I don't want to use your coat!" sigaw ni Calix.

"Malamig, Calix. Baka sipunin ka. May mga gigs ka pa na kailangan puntahan sa mga susunod na araw." seryoso kong sagot sa kanya.

Napabuntong hininga na lamang si Calix at mukhang wala na siyang nagawa.

"Fine! But para sabihin ko sayo, ayaw ko na nakapatong sa akin ang coat mo, okay? It's just that malamig lang talaga!" naiinis niyang saad.

"Sige lang, Calix." saad ko at inayos ko ang coat na pinatong ko sa kanya habang nakatingala lamang siya sa akin, "Bakit ka nakatingin sa akin, Calix? May madumi ba sa mukha ko?"

"Yes... Your whole face is goddamn dirty and ugly!" natatawa niyang saad.

"Hindi mo talaga ako titigilan asarin ano?" tanong ko sa kanya.

"Hindi talaga!" saad niya, "But thanks again sa coat mo. Hindi na ako nilalamig. But still, I hate that I had to do this. Wala lang akong choice, Sol, okay?"

"Sige, wala ka ng choice at hindi mo gusto na suot mo ang coat ko." nakangiti kong saad, "Pili na tayo ng mga kakainin natin."

At doon na kami umupo ni Calix at pumili ng mga kakainin.

"Gusto ko 'to, sinampalukang bulalo! Yum!" saad ni Calix, "Tsaka garlic rice and beer!"

"Yun lang?" tanong ko.

"Opo." nakangiting saad ni Calix.

Kaya naman napatingin ako sa kanya at halos pinipigilan ko ang tawa ko.

"Bakit ka nagpipigil ng tawa?" naiinis na tanong ni Calix sa akin.

"Hindi mo ba napansin? Nagsabi ka ng 'Opo'?" sagot ko.

"Did I? I did? Really? Bad mouth!" saad ni Calix at pinalo niya nang mahina ang bibig siya.

"Ako din, magbe-beer ako." saad ko.

"No! Hindi ka magbe-beer, Sol! You will be the one to drive! Tapos iinom ka? Gusto mo mamatay tayo?" saad ni Calix.

"Hindi naman ako mabilis tamaan." sagot ko.

"Tatamaan ka sa akin o iinom ka ng beer?" naiinis na tanong ni Calix.

"Pwedeng parehas na lang?" nakangiti kong sagot.

"F*ck you, Sol! Hindi ka iinom and that's the last of it!" saad ni Calix.

"Sige... hindi na ako iinom dahil utos mo." nakangiti kong sagot.

"Umorder ka na nga! Naiinis ako lalo sayo, Sol!" saad ni Calix.

Pinindot ko na ang bell button sa gitna ng table namin at bumalik na ang babaeng staff na nag-assist sa amin kanina.

Pagkarating niya, nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin kay Calix at tila nagpipigil siya ng kilig.

"Why are you doing that thing? Na para kang naiihi?" tanong ni Calix sa babaeng staff.

"Nothing! I'm just happy po, Sir Calix! I'm so happy! My fujoshi heart is happy!" saad ng babaeng staff at dahil nasanggi ng sapatos niya sa sapatos ko, ay nabasa ko ang utak niya, "Grabe! Is this real? Suot ni Sir Calix ang coat ni Sir Sol! Is this love? Oh my gosh! Kinikilig ako for them! Super bagay sila! Waaaahh!" saad ng babaeng staff sa isip niya at napailing na lamang ako.

"Oorder na ako." saad ko at sinabi ko na sa kanya ang mga nais namin kainin, "Isang order ng sinampalukang bulalo, isang platter ng garlic rice at 2 bottles of beer para sa batang makulit."

"I'm not a kid!" naiinis na sagot ni Calix.

"Hihi! Okay! Noted po, sir Sol! Basta press niyo lang ang bell button if may kailangan ulit kayo and tatakbo agad ako!" saad ng babaeng staff.

"Pakiuna na ang beer, please." saad ni Calix at umalis na ang babaeng staff.

Ilang saglit lamang, ay naihatid na ang nga bote ng beer na hinihingi ni Calix at nagsimula na siyang uminom.

"This is wonderful." saad ni Calix at tumayo siya upang pagmasdan ang nakapagandang tanawin kung saan kita mo ang mga ilaw sa mga siyudad at kasabay pa noon ay puno ng bituin ang langit at may full moon pa.

"Ayos ba, Calix?" saad ko sa kanya at tumayo ako sa tabi niya.

"Yes, actually, I'm feeling peaceful right now." saad ni Calix at tumahimik siya.

Pagkatapos ay lumapit ako ng kaunti para mabasa kung ano ang kanyang iniisip ngayon.

"Actually, it's not that bad being alone with Sol for a while. With his coat, I feel that someone's hugging me at napakainit sa katawan. I just wish na it's always peaceful gaya nito. Kung saan walang problema na iisipin and just staring at the beautiful scenery." saad ni Calix sa isipan niya.

"Napasaya ba kita, Calix?" tanong ko sa kanya.

"No, I'm not happy." sagot niya.

Pero, ang sabi niya sa kanyang isipan, "Good thing that Sol doesn't know what I really think. Right now, I'm so much happy... and he doesn't even need to know. I'll admit, it's because of him."

Napangiti na lamang ako at natuwa sa sinabi ni Calix. Tipong hindi ko mapigilan ang sarili ko na sumabog sa nalalaman ko mula sa kanya.

"Ang ligalig mo, Sol! Baka naiihi ka na!" saad ni Calix.

"Hindi naman." saad ko habang nakatingin at nakangiti ako sa kanya.

Ngumiti nang bahagya si Calix sa akin, at pagkatapos ay tumingin siya muli sa mga ilaw na nanatatanaw namin sa malayo at napabuntong hininga.

"I wonder what my life would be right now if buhay pa ang mom ko? Maybe I won't be as lonely as I am right now. I just miss my mom and my bestfriend." biglang saad ni Calix.

"Ang mom mo ang tinuturing mong bestfriend, Calix?" tanong ko sa kanya.

"Yes." saad niya, "Ever since, I had few friends to none. Even though my mom and dad are the most highly acclaimed artists of their time, nobody wants to be with me. Iniisip kasi nila mayabang ako, na I'm infamous, na ako si Calix ang pinagpalang anak, na ako si Calix ang pinakapasaway na anak. Though, Demi was already there for me, but I never had lots of friends at siya lang ang tanging nagtiis sa akin."

"Ano ba kinamatay ng mom mo, kung okay lang na sabihin mo. Pero kapag hindi, wag mo na sabihin." tanong ko.

"Actually, si Demi pa lang ang sinabihan ko nito. But since you are now my roommate and siguro naman hindi mo ipagkakalat?" tanong ni Calix.

"Hindi." nakangiti kong saad.

"It's all because of me and my stupid career." saad ni Calix, "Though this career helped me to get where I am now, ang kapalit noon ay ang buhay ng mom ko, which I really regret."

"Bakit? Anong dahilan?" tanong ko.

"You know that artists gets their fame once in while, and there will come a time na mawawala sila sa limelight. Am I right? Even me, I know someday mawawala ako sa limelight at malalaos ako, that's why I'm seizing every opportunity that comes in my way." saad ni Calix, "And nagsimula ang lahat noong nalaos na sina mom and dad and wala ng offer na projects sa kanila. Mom got depressed and dad became a gambler." dagdag pa niya at mas lalo siyang napabuntong hininga.

"Calix, kung masasaktan ka lang kapag kinuwento mo sa akin ang nangyari, okay lang kahit hindi mo na ilahad." saad ko.

"Are you for real, Sol? Sinimulan ko na oh? I'm already getting hurt! Inuungkat ko na ang past ko tapos patitigilin mo ko?" naiinis na saad ni Calix.

"Wag ka na magalit, Calix. Sige na, tuloy mo na." saad ko at inakbayan ko na siya.

"Tsk! Bigat ng kamay mo, Sol! Get your arm off of me!" naiinis na saad ni Calix.

"Sorry! Sorry! Sige, tuloy mo na, at makikinig ako sa kwento ng buhay ni Calix." saad ko at tinanggal ko ang pagkakaakbay sa kanya.

"Ayun na nga... I was highschool back then noong nalaos na sila mom and dad. So, we had no income and mas lumalamang ang expenses namin. Isa pa, dad is using his hard earned money sa gambling, which made my mom's depression even worse. Then, there was that time noong sinangla ni dad ang bahay namin just for the sake of gambling kaya napilitan kami mag rent. Of course, he lost at halos walang wala kami. My mom tried to beg for acting roles na kahit maliit kukunin niya. Kahit nga yaya roles pinatos niya na. Imagine, from being a big star and lahat ng main roles nakukuha niya dati, but now, isa na lang hamak na yaya ng bida ang role niya. It was devastating not only for my mom, but for me as well na makita siyang ganoon." saad ni Calix at habang tinitingnan ko siya, nakikita ko na nagsisimula na siyang maluha.

"Ano nangyari noon habang walang-wala kayo at kumakayod pa rin ang mom mo?" tanong ko.

"Siempre, hindi enough 'yung nakukuha ni mom na sweldo from her acting career unlike before. I was also forced to stop sa pag-aaral since wala na kaming pera. And I was bullied a lot since bagsak kami. Our family was at the lowest point at that time. Tapos, we were just renting since wala na kaming bahay eh. Binenta ni dad sa sugal. Amazing, right?" saad ni Calix.

"Anong ginawa mo noong tumigil ka sa pag-aaral?" tanong ko sa kanya.

"Just like them, I tried to enter acting as well. Sinubukan ko na pumasok sa career na 'yon, hoping that I can reclaim what was lost. But, sadly, hindi siya ganoon kadali, Sol. I wasn't good at acting. I suck, to be honest." natatawang saad ni Calix habang nakatingin siya sa malayo," Imagine, I'm the son of the two known great artists of their generation, but ang anak nila ay hindi marunong umarte! The irony!"

"Eh paano ka napunta sa singing career kung ganoon?" tanong ko.

"Sol, I'm not yet done. Masyado kang advance eh! Ako nagkukwento dito tsaka nagdadrama pa ako eh! Wait ka lang, okay? Dadating ako dyan!" saad ni Calix.

"Sorry, Calix, interesado lang talaga ako. Gusto ko malaman." saad ko.

"Why? Are you going to use this information against me? Iba-black mail mo ko? Ha?" naiinis na saad ni Calix.

"Hindi naman ako ganoon. Kailan kita pinahamak, Calix?" tanong ko sa kanya.

"Actually... 'yun ang nakakainis! Hindi mo pa ako ginagawan ng masama except sa pag stalk sa akin noong nagsasayaw ako ng Boombastic habang nakahubad!" saad ni Calix.

"Interesado ako kasi gusto ko malaman ang buhay ng isang Calix. Kung ano siya sa likod ng marangyang buhay niya. Kung sino talaga siya sa likod ng lahat ng kasikatan at kayamanan na meron siya." saad ko.

"Tsk! Wag ka nga, Sol! Ewan ko sayo! Kung ano ano mga pinagsasasabi mo! Pwede ko na ituloy ang kwento ko? Pinuputol mo ko eh!" naiinis na saad ni Calix.

"Go, kwento mo na ulit at makikinig lang ako sayo." nakangiti kong saad.

At pagkatapos ay ngumiti na rin si Calix at muling tumingin sa malayo at nagsimulang magkwento.

"Then, since hindi nag work out ang acting career ko, I was forced to work as a helper sa isang karenderia together with my mom. Imagine, si Calix na hindi marunong maglinis at gumawa ng gawaing bahay ay naging isang boy sa karenderia? Haha! Though, I had no choice but magtiis. Pero, sabi ko sa sarili ko na that is not the life that I wanted. I know there's something that I can do to help my family. So 'yun, one day, Demi asked me to audition for a singing competition. Back then, it was only Demi who knew that I had talent in singing since I rarely show my talent even sa harap ng parents ko, hindi ako kumakanta." saad ni Calix.

"Ah! I think I remember! Ikaw ata 'yung contestant na pinataob lahat ng candidates since ikaw lang ang naiiba ang genre. Is that you? Ikaw 'yung kumakanta ng mga rock-opera songs?" tanong ko kay Calix.

"Wow? Tanda mo pa ba? But yes, that was me. And after that contest, kung sinubaybayan mo, you should know that I won. That changed my whole life and my career and I skyrocketed to fame. All along, singing pala ang magpapaangat sa akin. Dad pushed me and si Demi na ang naging manager ko noon ever since that contest at noong hindi ko pa nabubuo ang pangalan ko. So after that contest, kabi-kabilaang offers ang natanggap ko. I was able to earn lots of money, at nakabili ako ng bagong bahay para sa amin. Everything was good according to plan, and mom and dad was so happy kasi nabalik ko na ang nawala sa amin." saad ni Calix at doon na siya muling napabuntong hininga.

Hindi rin pala madali ang pinagdaanan ni Calix. Pero natutuwa ako na nagagawa niya itong sabihin sa akin. Tipong nalalaman ko ang mga nakaraan niya na hindi ko nasubaybayan.

"Pero siempre, it's not always rainbows and butterflies. Dad was still continuing his gambling and as for mom, she's still the same old mom I had. When I was at my lowest point, andoon siya with me. So, she really knew what I've gone through just to get where I am. All the sacrifices I've made. Sa totoo lang, never pa ako nakapagtapos ng pag-aaral, Sol. Ang natapos ko lang is 3rd year high school to be honest. Kasi, noong nag stop ako, hindi na ako nagkaroon pa ng chance makapag-aral since tuloy tuloy ang nangyari. Bur mag-aaral ulit ako soon. So, ayun, when I won the contest, I was always busy. Up until now." nakangiting saad ni Calix.

Nakatingin lamang ako pabalik sa kanya at hindi na muna ako nagsasalita, dahil gusto ko maramdaman niya na may nakikinig sa kwento ng buhay niya. Tingin ko, kailangan ni Calix ng kausap... at nandito ako para gawin 'yun.

"Ayun na nga, since naiangat ko ulit ang family ko from our lowest point, Dad literally changed. Bigla siyang naging sabik sa pera lalo na parang takam na takam siya. So, since naranasan namin ang mawalan ng pera, I tend to give dad money since isa siya sa mga nag push sa akin sa singing career ko. If it wasn't for him as well, hindi ako sisikat ng ganito. But, dahil sabik siya sa pera, he forgot about mom. Nakalimutan niya na may asawa siya at tipong ang asawa niya na lang ay ang pera." saad ni Calix.

Doon ko na inakbayan si Calix dahil alam ko kailangan niya ng karamay. Sa pagkakataong ito, hindi tinanggal ni Calix ang kamay ko mula sa pagkakaakbay at hinayaan niya lang ito.

At dahil hawak ko siya, nababasa ko kung gaano kalungkot ang pakiramdam ni Calix sa ngayon, at nais ko lamang gawin ang lahat para mapasaya siya.

"Even though marami na kaming pera, only dad was happy, pero si mom, she was not. Before, Dad would always treat mom in the best way possible. But then, everything changed nga noong nagkaroon na ako ng pera at nabibigyan ko na si dad for his needs. Mom wasn't happy about it kasi ginagastos lang lahat ni Dad sa pagsusugal. Until one day, si mom ang naghawak ng pera ko and dad was so furious since bakit daw siya pinagdadamutan sa pera at dapat nakikinabang siya kasi siya ang tatay. Then that was the issue, because of the money that I'm earning from my singing career kaya nagkagalit sina mom and dad." saad ni Calix.

"Anong sumunod na nangyari noong tinatago na ng mom mo ang pera mo?" tanong ko.

"I don't know what happened to dad, but lagi siyang galit at wala sa sarili. One day, I was on my way home after a concert and I was about to greet my mom, only to find out na sinasakal na siya ni papa just to give him my money. But then, it was too late, Sol, mom died... because of dad and my f*cking money." saad ni Calix at humarap siya sa akin bigla habang tumutulo ang mga luha niya nang tuloy tuloy.

At dahil hawak ko siya at akbay, damang dama ko ang sakit sa puso niya na tingin ko hindi kayang tumabasan ng kahit anong saya.

"Though it was not me who killed my mom, but, sa isip at puso ko, it's still because of me dahil sa pera ko na labis na pinagkakainteresan ni dad. So, fame and fortune has a price to pay, and in my case, it was my mom's life that I had to pay for." saad ni Calix habang patuloy siyang umiiyak, "Sol, I was a good kid... Why do I have to suffer? I just wanted to have a happy and peaceful life after all. Ano bang nagawa ko to suffer this?" saad ni Calix at doon na mas bumuhos ang luha niya.

Habang ako naman ay patuloy kong hinahaplos ang likod niya at dinadamayan ko siya.

Imagine, makikita mo na happy-go-lucky lang si Calix sa panglabas, ngunit ito pala ang tinatagong hinanakit sa puso niya at walang ibang nakakaalam nito.

Malamang napakasakit para sa kanya ang mga pinagdaanan niya. Ang nakikita lang ng lahat ay ang kasikatan at karangyaan niya, pero hindi nila alam kung sino si Calix sa likod nito.

Tapos, bigla siyang tumawa at pinunasan niya ang mga luha niya.

"I look like a fool crying in front of you, Sol. Now, you can mock me all you want." saad ni Calix, "Now, you know my secret. You can be disgusted."

"Hindi ako nandidiri sayo, Calix. Sa totoo lang, bilib ako sa tapang at sa pagtitiis mo." saad ko.

"Hoy, Sol!" saad ni Calix habang umiiyak at tumatawa siya ng sabay, "I told you my secret, but it doesn't mean that we are already friends! Tandaan mo, sa level ng friendship natin, nasa 2.5 out of 100 ka na."

"Okay lang, Calix, hintayin ko 'yung araw na matanggap mo ko bilang kaibigan. But now, papakinggan ko lahat ng hinaing mo sa buhay. Pwede mo ibato sa akin lahat ng kalungkutan mo." saad ko kay Calix.

"Don't be such a Mr. Nice guy, Sol. If ever, I might get used to this, and I don't want it. Ayoko na hahanap-hanapin kita isang araw!" saad ni Calix.

"Pwede ka naman masayanay, Calix. Wala naman akong problema doon. Basta, nandito lang ako kapag gusto mo ng kausap." nakangiti kong saad sa kanya.

"Just please, don't smile at me. Naiirita ako." saad ni Calix at tinakpan ko na lamang ang bibig ko para hindi niya ako makitang ngumingiti. At doon na rin siya natawa, "Abnormal ka, Sol, alam mo 'yun? Ang weird ng pagkatao mo!" dagdag pa niya at napabuntong hininga na lamang siya.

At muli, tumingin lamang siya sa kalangitan at sa buwan na nagbibigay ng liwanag sa amin.

Doon ko rin nabasa ang nasa isip ni Calix na hindi ko sinasadyang malaman.

"I may not be able to say this to you personally, Sol, dahil hindi kaya ng dila ko at umuurong ito... But I want you to know that thank you for listening to me. I've never had someone listen to me for this long since my mom died. Well, andyan si Demi, but, unlike you, Sol, I was able to cry and tell you my deepest story and I actually felt good about it. As if you have helped me lift the heaviness inside my heart for a long time. So again, thank you, Sol, for listening to me kahit na masama ako sayo." saad ni Calix sa kanyang isipan na hindi niya masabi sa akin nang harapan.

At natulala na lamang ako sa nalaman ko. Nais kong maiyak sa tuwa dahil sa mga tinuran niya, pero kailangan kong pigilan dahil maghihinala na naman si Calix kung anong nangyayari sa akin.

Ilang saglit lang ay tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Bakit ka nakangiti sa akin, Calix?" pagtataka ko.

"Nothing. I just want to tell you that you are ugly." natatawa niyang saad.

"Ikaw naman, kahit sinasabi mo na pangit ako, gusto ko lang sabihin na ikaw ang pinaka marikit sa mga mata ko." saad ko.

"Marikit? F*ck you, Sol! Don't use those flowery words on me! It won't work on me!" saad ni Calix, "Ang tagal naman ng order natin! Nasabi ko na sayo 'yung past ko but wala pa rin hanggang ngayon?"

"Hindi naman tayo nagmamadali, Calix, hindi ba?" nakangiti kong saad.

"Well, sort off." saad ni Calix habang nakatitig lang din siya sa mukha ko.

"Bakit ka nakatingin sa akin?" tanong ko sa kanya.

"Wala lang. Nahihiwagaan lang ako bakit kapag nakatingin ako sa mukha mo... napapangitan ako sayo." saad ni Calix habang nakangiti siya.

Ngunit sa isip niya, "Bakit kapag nakatingin ako sa mukha ni Sol, I don't understand why he looks really good and handsome in my eyes. Asar! Am I gay? I think there's one way to find out!"

Napangiti na lamang ako nang mabasa ko ang isip niya.

Maybe, may chance nga talaga ako na mapaibig ang isang Calix. Kaya lang, mahihirapan akong paaminin siya dahil sa ugali niya.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili ngunit habang nakaakbay ang kanang kamay ko sa balikat ni Calix, kusang gumalaw naman ang kaliwa kong kamay at nilagay ito sa pisngi niya.

At pagkalapat ng palad ko sa mainit at malambot na pisngi ni Calix, nakatingala lamang siya at nakatingin sa akin.

Doon ay dahan-dahan ko na rin ginalaw ang aking ulo palapit sa mukha niya...

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko, ngunit nais kong halikan si Calix ngayon.

Ang nakapagtataka, hindi umaalma si Calix at tila hinahayaan niya lamang ako.

Calix... bakit hindi mo ko pinipigilan?

Kaunting tulak na lang at maglalapat na ang mga labi namin ni Calix.

Marahan na rin na sinara ni Calix ang mga mata niya, hudyat na gusto niya ito?

Gusto mo ba na mahalikan kita? Pinapayagan mo ba ako, Calix?

End of Chapter 10