webnovel

Kapitulo 6

Kapitulo 6

Shocked

Gumising ako ng maaga dahil pupunta ako ngayon doon sa tinutuluyan ng kapatid ko.

Nagpaalam na rin naman ako kay mommy pero kay daddy hindi pa. Galit siya at ayokong dagdagan pa iyon.

Isinuot ko ang isang white off shoulder dress pair with mini skirt. Tinignan ko muna saglit ang sarili ko sa salamin saka lumabas.

"Manong, 'wag mong sabihin kay daddy kung saan mo ako hinatid ha? I trusted you manong kaya sana 'wag mong baliin ang tiwalang iyon," sabi ko pagka-upo sa back seat.

"Makaka-asa po kayo ma'am," sagot niya.

Tumango lamang ako at tinignan ang sarili sa salamin na dala ko. Dumapo ang tingin ko sa labi ko. Naalala ko tuloy 'yong nangyari kagabi.

Hindi ko alam kung nangti-trip lang ba siya o 'di kaya ay pinapaikot na naman niya ako. I don't know. Gulong-gulo ako sa mga kinikilos niya.

Mahalaga siya sa akin.

Pero mas mahalaga ang sarili ko.

Mahirap masaktan, been there at hindi madali. Lalong-lalo na kung first love mo 'yong manloloko sa 'yo.

Noon, I just thinking about school and my passion, photography.

Pero no'ng nakilala ko siya. Everything went change at lahat ng mga pangarap ko ay nabago dahil sa kaniya.

Kung noo'y gusto ko ang photography, ngayo'y gusto ko na ang tourism.

Kung noo'y mahirap akong intindihin, ngayo'y kay bilis ko ng maawa at umunawa. Hanggang ngayon ay pinagpipilitan ko pa rin ang sarili kong balikan ang dating ako but...

Hindi ko kaya.

Hindi ko kayang ibalik ang dating ako.

Nang huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay na tinutuluyan ng kapatid ko. Bumaba ako at nagpaalam kay manong.

The street is rowdy but the people were good. I don't know if they're just acting or not. Nang nasa tapat ako ng pinto ni Ryleigh ay kumatok ako.

May narinig akong yabag papunta sa gawi ko. Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto at nakita kong naka boxer brief lang ang kapatid ko.

"Rei!" gulat niyang sinabi at tinakpan ang gitna ng hita niya.

Gusto kong matawa sa kinikilos niya pero pinigilan ko na lang dahil alam kong pikonin siya.

"Pwede ba akong pumasok sa munting palasyo mo?" tanong ko habang ngumi-ngisi.

"S-Sure, come in."

Pumasok ako sa loob at nakita ko ang lahat ng gawa niya. From my portrait to a girl who's not familiar with me.

Linapitan ko iyon para makita ng masinsinan. "Who's this girl? Si Jarmine 'to, 'no?"

Hindi ko kasi makita ang kabuuan ng mukha dahil nakatalikod ito. The girl was holding a violin and she's probably hiding something.

I want to know everything but I know it wasn't the right time to ask.

Umiling siya. "Nope."

Humarap ako sa kaniya. "Eh sino?"

"My girlfriend," casual niyang sagot.

Hindi na ako nagulat dahil hindi naman kaduda-duda iyon dahil alam ko namang maraming naghahabol sa kaniya. He's handsome but that wouldn't worth if he'll not gonna used it.

Pumunta ako sa kwarto niya pero agad niya akong hinarangan. Nagkasalubong ang kilay ko sa kinikilos niya ngayon. Para bang may tinatago siya sa silid niya.

"Ry..." tumaas ang boses ko.

"Ano kasi... may daga at kailangan ko pang linisin. Alam mo naman... ayaw mo ng daga, right?"

Ayoko talaga ng daga.

Takot ako sa daga.

Hindi ko nga makakalimutan 'yong ginawa ni Cerine sa akin noon. She put a rats inside my bag at pagkabukas ko no'n ay bumungad sa akin ang sang katerbang daga.

"Kamusta naman ang buhay mo rito? May makakain ka pa ba?" tanong ko nang maka-upo sa sofa.

Sasagot na sana si Ryleigh nang biglang may narinig akong ingay galing sa kwarto niya.

Tinignan ko ng masama si Ryleigh. Tumayo ako at pumnta sa kwarto niya.

"Rei!" sigaw niya.

Pero huli na nang makapasok ako sa kwarto niya. May nakita akong isang babae na nakataklob sa comforter. Kitang kita ang pagkagulat sa kaniyang mukha.

"Who are you?" 'di makapaniwala kong tanong.

Hindi siya makatingin sa akin. Pumunta si Ryleigh sa gawi ko at hinawakan ang braso ko. Hindi maalis sa utak ko na may ginawa silang kababalaghan rito.

"Sino siya?" tanong ko.

"Rei, calm down... she's my girlfriend and we're having a baby soon. Buntis siya at ako ang ama," sagot niya.

Para akong nakalunok ng malaking buto sa sinabi niya. Pilit ko pa ring kinakalma ang sarili ko kahit na ganoon ang narinig ko. Magiging ama na siya at magiging tita na ako.

"Hindi ka ba maghahanap ng trabaho na fitted sa pinag-aralan mo?" tanong ko.

Pumunta siya sa gawi no'ng babae at hinalikan sa labi. Okay, kayo na may lovelife. Nakita kong hinawakan ni Ryleigh ang tiyan no'ng babae.

"Anak, sana 'wag ka magmana sa tita mo ha. Marupok kasi iyon, kahit na ilang beses na pina-ikot hindi pa rin magawang itakwil," ani Ryleigh sabay hagikhik.

Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang siya. Hindi ko talaga matanggap na magiging ama na ang kapatid ko. Ayaw niya bang maging successful muna bago mag-asawa?

"So... dito ka matutulog? I'm sorry sis, We can't no longer sleep each other. I have my wife in one bed. Doon ka na lang sa kabila. Ahm... Rei, pasensiya ka na talaga ha. Hindi ko nasabi sa 'yo," sabi niya nang nailapag ang pagkain sa mesa.

Wala ang asawa niya dahil natutulog pa ito. Kami lang dalawa ang narito sa mesa nila. In fairness maganda ang mesa nila rito. Hindi halatang naghihirap.

"It's okay Ry. Hindi mo naman kasalanan eh. You're just being in love at hindi naman iyon maiiwasan kahit kailan. Basta promise me na hinding-hindi mo siya sasaktan."

Ngumiti siya sa akin. "I won't, at saka why would I hurt my wife? Eh, mahal ko siya."

Ngumiti lang ako sa kaniya at sinimulan ang pagkain. Medyo maingay rito sa lugar nila pero okay lang naman at least nagkakasama silang lahat rito magkakapamilya. Hindi kagaya sa amin.

Makalipas ang dalawang linggo, busy ako ngayon dahil ngayon kami pupunta ng Cebu ni Jarmine. Naalala ko lang iyon nang tumawag siya sa akin kanina.

Isinuot ko na lang ang isang white cardigan at jeans para maka-alis na ako. Agad akong nag-ayos ng aking sarili dahil ayaw pa naman no'n na pinaghihintay siya.

Nang matapos ay bumaba ako at nagpaalam kay mommy na busy sa pag bi-bake. Pagkatapos ay lumabas ako ng bahay at agad na sumakay sa loob ng sasakyan.

Pagkarating sa bahay nila Jarmine ay nakita ko ang isang lalaking kasama niya. Tinignan ko iyong mabuti at napagtanto kong pinsan ko iyon. What is he doing here?

"Bakit kayo magkasama?" tanong ko nang makapasok silang dalawa sa loob.

Pumagitna ako sa kanila. Mahirap na baka da-da move 'yong pinsan kong iyon. Pinakiramdaman ko lang ang mga kinikilos nila. They were simply staring at each other.

"Magtitigan na lang ba kayo? I'm asking here!" iyamot kong sabi.

Agad din naman nag-iwas silang dalawa ng tingin. Nakita kong kinagat ni Jarmine ang pang-ibabang labi niya. Si Dariel naman ay palihim na ngumiti.

"Dariel just get arrived few days ago. Tinawagan niya ako kahapon kung pwede ba siyang sumama sa atin sa Cebu at... pumayag ako," humina ang boses niya sa dulo.

"Labag man sa loob kong isama 'yang tukmol na 'yan pero wala na akong magagawa. Bakit ka pa kasi bumalik?" tanong ko habang nakatingin ng masama sa pinsan ko.

"Why are you looking that way? Wala ka bang tiwala sa akin? Ganoon pa rin ba ang tingin mo sa akin? Manloloko?" seryoso niyang tanong.

"Oo, dahil hindi ko makakalimutan 'yong ginawa mo sa kaibigan ko. Dapat nga sana 'di ka na umuwi. Ginugulo mo lang ang utak ng kaibigan ko."

Natigilan siya sa sinabi ko. Siniko naman ako ni Jarmine. I just sighed. Hindi ko naman kasalanang magalit dahil first of all napaka tarantado niya para sa kaibigan ko.

"Hindi mo naman kasi siya masisisi Dal, you cheated on me several times kagaya ng ginawa ni Shan sa kaniya. Palibhasa, mga bugok kayo. Hindi niyo iniisip kung ano ang sinayang niyo," sabi ni Jarmine.

Yumuko si Dariel. "Sorry, hindi ko naman sinasadya iyon eh. I'm just... being irrational and pathetic but somehow I can be your leading man. I can protect and love you all the way."

I know he's just saying that para mapaniwala kami at lalong-lalo na ang kaibigan ko. Mga bugok sila! Hindi nila alam kung ano ang sinayang nila.

"Yes, I admit that I'm fucking numb. Hindi ko man lang nakita na isang diyosang ang niloko ko. Fuck it!" padabog na sabi ni Dariel.

Natigilan si Jarmine sa sinabi ni Dariel. Balak niya pa sanang magsalita pero hindi na niya naituloy nang huminto ang sasakyan.

"Nandito na po tayo," sabi ni mang Jefrey.

Bumaba agad kami, inalalayan ako ni Dariel pero hinawi ko ang kamay niya. Ngumuso siya at inalalayan si Jarmine.

Nagkatinginan silang dalawa at para bang sabik na sabik ang mga titig na 'yon.

Tumikhim ako. "Tara na?"

Nauna akong naglakad sa kanila. Wala akong pakialam kung ano ang gagawin nila sa likod ko. Naiirita talaga ako t'wing nakikita ko 'yong pinsan kong iyon.

Nang makapasok kami sa loob ng eroplano ay hinanap namin ang airline seat namin. Ang airline seat ko ay nasa pangatlo at samantalang magkatabi naman ang dalawa.

May katabi akong lalaki na naka sunglasses. Ang lakas rin ng topak ng isang 'to. Hinagod ko siya ng tingin simula ulo hanggang paa. He's tall and we have same lips.

"Why are you staring at?" he asked in britone.

Halos mapatalon ako sa gulat nang magsalita siya. I looked away and bit my lower lip.

Makalipas ang ilang minuto ay bigla siyang nagsalita. Gusto ko sanang umalis sa upuan ko pero hindi pwede. Ah! Bakit ngayon pa?

"What's your name?" tanong niya habang kumakain ng chips.

"R-Reilyn," malamig kong sagot.

"Reilyn? So you're that girl, huh? No wonder..."

Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi niya. Bakit ba kasi dito pa ako napunta? May kakaiba sa lalaking iyon.

Gusto ko sanang tanungin kong bakit niya ako kilala pero tawag nang tawag si Jarmine.

"Ano ba?! Kanina ka pa tawag nang tawag?" naiirita kong tanong.

Ngumuso siya. "Hindi mo ba alam kung sino ang katabi mo?"

"Huh?" tanong ko.

Itinuro niya 'yong lalaking katabi ko. Tumingin naman ako doon sa lalaki at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya. Paanong...

"Ryleigh? Why are you here? Nasaan ang girlfriend mo?"

"Nasa likod natin. Sinama kasi ako ni Jarmine kahapon para kumuha ng ticket at kumuha na rin siya para sa 'yo. Sinadya niya talagang magkatabi tayo. Cool, 'di ba?" sagot niya sabay ngisi.

"Sinong kasama ng girlfriend mo?" tanong ko.

"Guess who?" aniya sabay ngisi.

"Ryleigh..." tumaas ang boses ko. Pero tinawanan lamang niya ako.

Ang hilig niya talagang asarin ako. Sinamaan ko siya ng tingin at tumigil naman siya sa pagtawa. Bahagya akong tumayo para makita ang katabi ng girlfriend niya.

Nang dungawin ko ito ay nanlaki ulit ang mga mata ko. This is ridiculous! Bakit siya nandito? How could he...

"Shan?" gulat kong sinabi.

Ngumiti siya. "Rei..."

Hindi pa rin ma process sa utak ko ang mga pangyayari. Nananaginip ba ako? Siguro pinlano nila ito.

Umupo ako ng maayos at tinignan ng masama ang magaling kong kapatid. Ngumisi lamang siya habang nakatingin sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Pinlano niyo ba 'to? Bakit nandito si Shan?"

"Easy Rei, Shan and Lysa are siblings. Kuya ni Lysa si Shan at alam ni Shan na magpapakasal kami ni Lysa kaya nga pupunta tayong Cebu para mamanhikan."

Para akong nabingi nang nagpaulit-ulit sa utak ko ang huli niyang sinabi. Alam niya ba ang pinasok niya? Alam niya ba ang buhay ng may pamilya?

"Are you kidding me?! So, that's why you want me to go there kasi mamamanhikan ka? Ganoon ba, Ry?"

Tumango siya. "Exactly."

Napahawak ako sa aking sentido. Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko. Gusto ko siyang suntukin pero hindi ko magawa. Nakakainis lang na alam mong magiging tatay na 'yong kakambal mo.

"Okay, alam na ba ni dad 'to?" tanong ko.

"Yes..."

Mabuti naman at sinabi niya sa magulang namin na ikakasal na siya. 'Di yong naglilihim siya.

Maya-maya, nag landing na 'yong eroplanong sinakyan namin. This would be my first time going in Visayas. I've been in mindanao but never in visayas.

"So, kailan ba talaga ang kasal niyo?" tanong ko kay Lysa nang makalabas kami ng airport.

"Maybe next month," sagot niya habang nakasandal sa balikat ni Ryleigh.

Lumaki ang mga mata ko. "What?!"