webnovel

When Devil's Fall In Love

She can't see. She can't hear. She can't feel anything even her heart never beats. She's like a living corpse. Unless she wears her bead that makes her strong, see and hear everything even if its miles away. She thought she's not human anymore. Until she met him. The guy who taught her heart to beat and makes her feel human again. The guy who never failed her to smile everyday and taught her how to control herself from being demonic creature. But what will she do if he finds out her past and her true self? Will he be able to love her despite of all the chaos and dangers she might brought to him? Or Will he stay away from her like what others do when they find out who truly she is. All Rigths Reserved Itsmejollytheminion

Jollytheminion · 奇幻言情
分數不夠
77 Chs

Devil 70: Jack Ryder

Zero's POV

Nagising ako sa madilim na lugar. Hindi ko alam kung saan ito. Ang huling natatandaan ko ay umiiyak ako habang nagsusumbong kay Ally dahil nalaman ko na hindi ako isang Montero.

Nagpalinga linga ako sa paligid. Wala akong makita.

Parang nangyari na ito dati sakin subalit sa tuwing magigising ako ay palagi kong nakakalimutan ang lugar na ito.

Naglakad ako sa kadiliman. At kahit pa wala akong makita ay nanatili akong nakatingin sa unahan.

Hanggang sa manlaki ang mga mata ko nang makakita ng munting liwanag.

Agad akong tumakbo papunta rito. At napanganga ako sa ganda ng tanawin na nakita ko.

Isa itong lawa na napakalinis ng tubig.

Napatingin ako sa pinanggalingan ko.

Isang kweba? Galing ako ng kweba?

Takang iginala ko ang aking paningin. Tahimik at nakakarelax ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat.

Bahagya akong nagtungo sa lawa at malinaw kong nakikita ang aking repleksyon sa tubig.

Muli akong napatingin sa paligid. Bahagya akong napakunot noo nang makita ang maliit na bangka sa di kalayuan.

Parang pamilyar sakin ang bangkang iyon.

Noon ko lamang narealized na maging ang lawang iyon ay pamilyar sakin.

Isa ito sa mga naging pangitain ko noon. Nakita ko ang babae na sumakay ng bangkang iyon upang takasan ang mga humahabol sa kanya. Pero bakit..? Bakit ako nandito?

Napalingon ako sa aking likuran nang makarinig ng munting tawanan. Agad akong nagtago sa pinanggalingan kong kweba at bahagyang sinilip ang mga bagong dating.

Isang babae at isang lalaki na mukhang magkasintahan ang dumating.

Magkahawak kamay sila habang naglalakad at nagbibiruan.

Pamilyar silang dalawa sakin. Teka? Hindi kaya sila ang magkasintahan na nakita ko noon na pilit na pinaglalayo ng mga-! Wait...if I'm not mistaken. I heard their names was-!

"I like this place Ally. Just like us. Romantic and lovely." Nakangiting turan ng lalaki habang nakatingin sa babae.

Napangiti ang babae saka humarap dito.

"Really? I love you too Jack." Nangingiting turan nito na kinatuwa naman ng lalaki.

Napanganga ako sa mga narinig.

Ally? Jack?

What's the meaning of this? Naguguluhan akong pinanood ang dalawa.

Why their names was Ally and Jack? Is it just a coincidence or they really are a different person? But why they have to be Ally and Jack? That was both my girlfriend's name. What the hell..!

Habang papalapit sila ng papalapit ay di ko naiwasang kabahan dahil pakiramdam ko ay may matutuklasan ako na hindi dapat.

Bahagyang nakatagilid sakin ang babae haban nakaharap naman sakin ang lalaki at habang papalapit ang mga ito ay nagiging malinaw sa paningin ko ang hitsura niya.

"I'm going back to US tomorrow." Bahagyang nalungkot na saad ng lalaki. Napayuko naman ang babae at muling tumingin dito.

"But you're coming back here right?" Paniniguro nito.

Natawa ang lalaki at kinulong ang mukha ng babae sa mga palald nito.

"Of course, I'm not leaving yet but I feel like coming back here now." Natatawang turan nito. Napahagikhik ang babae at nagyakap ang dalawa.

"I love you, Love." Anang babae.

"I love you more, Love." Sagot naman ng lalaki at hinalikan sa noo ang babae ngunit ilang sandali pa ay magkahinang na ang mga labi nila.

Tulala akong napaiwas ng tingin sa kanila. Ang lakas ng tibok ng puso ko sa di ko maipaliwanag na dahilan.

Love? Why it has to be their endearment? Is it really a coincidence? Why do I feel something wrong about it?

"Mis disculpas señorita Allyna. El señor Foja estaba buscando al señor Ryder." (My apology Miss Allyna. Señor Foja was looking for Mr. Ryder.)

Natigilan ang dalawa sa pagdating ng tila katulong ng mga ito. Ngunit higit akong natigilan at napatingin sa mga ito sa aking narinig.

Espanyol ang salita ng katulong pero naintindihan ko iyon. Ngunit ang mas nakapagpagulat sakin ay ang pagtawag nito ng Allyna sa babae at Mr. Ryder sa lalaki.

This is not a coincidence. They are Allyna at Jack Ryder. But why??

Why are they..?

Hindi ko na namalayang naglakad na pala ako palabas sa kweba upang lapitan sila ngunit mukhang hindi nila ako napansin.

Paalis na ang mga ito.

"W-wait..!" Tawag ko sa kanila. Bahagya silang natigilan at sabay na napalingon sakin at ganun nalang ang gulat ko nang makilala ang babae.

Salamander..?!!

Hindi ako maaring magkamali. Sya ang Salamander ko. Pero bakit? Bakit sya nakikipaghalikan kanina sa lalaking ito?

"Is it just me or did you hear something too, Love?" Tanong ng lalaki kay Ally.

"Yeah, I guess so. But no one's here." Medyo may pagtatakang turan naman ni Ally.

They can't see me?

"Well, let's go?" Aya ng lalaki na umakbay pa kay Salamander.

"No!! No, Salamander no! Don't come with him. Ako ang boyfriend mo! Bakit ka sumama sa kanya?!" Mabilis kong sigaw ngunit waring wala silang narinig. Humabol ako at sumabay ng lakad sa kanila.

"Salamander ano ba? Ano bang ginagawa mo? Bakit mo sya hinalikan kanina? Nagchecheat ka ba sakin huh? Sino ba 'tong kumag na 'to? Mas gwapo naman ako sa kanya kaya bakit ka sumasama sa kanya? At san kayo pupunta?" Hindi magkamayaw na sigaw ko ngunit mukha akong tanga na panay lang ang sigaw ng walang nakakarinig sakin.

"Salamander!" Sigaw ko at hinawakan siya sa braso ngunit nagulat ako nang tumagos lamang sa mga balat niya ang kamay ko.

Anong nangyayari? Ally?? San ka pupunta?

Hindi ko mapigilang mapasabunot sa sarili kong buhok habang pinapanood silang maglakad palayo sakin.

Dugdug...

Hindi ito maaari!

Dugdug...

Napatingin akong muli sa dalawa. Parang may kung anong bagay ang dumagan sa dibdib ko. Sobrang sakit nito.

Ally..!! H'wag mo akong iiwan! Ako ang mahal mo, hindi ba?

Dugdug...

Mas lalo pang nadagdagan ang sakit na nadarama ko nang makitang muling naglapat ang mga labi ng mga ito na para bang walang pakialam sa paligid.

Nangilid ang mga luha ko. Napaiwas ako ng tingin at napakagat labi habang pinipigilang pumatak ang luha ko.

Hindi ito totoo. Hindi ako magagawang lokohin ni Salamander. This is not true. Hah!

Bahagya pa akong natawa ng pagak habang pilit na sinasabi sa sarili na hindi totoo ang lahat ng nakita ko.

"Wait for me my love, okay? Don't ever fall for the other guy while I'm gone okay?" Narinig ko pang wika ng bwisit na lalaking iyon.

Hindi ako tumitingin sa kanila dahil hindi yata kakayanin ng puso ko ang matinding paninibugho na nararamdaman ko ng mga oras na iyon kahit pa sabihing panaginip lang ito. Ayoko paring isipin na may ibang lalaking yumayakap at humahalik sa Salamander ko.

"I will wait for you my love. And I will never fall for someone else. If it's not you, then I won't fall in love anymore." Napapikit ako sa narinig kong iyon kasabay ng luhang kanina ko pa pinipigilan.

At kahit hindi ko tingnan ay alam kong naghahalikan na naman sila.

Dahan dahan akong naglakad paalis. Tumaas baba ang dibdib ko dahil pakiramdam ko ay masusufocate ako anumang sandali.

My love..? Haha! Parang baliw akong napatawa sa sarili ko habang napahawak sa mga mata ko na basa na ng luha.

What the hell am I doing here in the first place? I should go back. My salamander is waiting for me. I'm sure of it. She's waiting for me to wake up. Maybe she's beside me at this moment while hugging me and kissing me gently, right?

Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako nang marinig ang hindi ko inaasahang pagtawag.

"Natsu..?"

Nanlaki ang mga mata ko at bahagya akong napangiti.

Salamander??!

Napuno ng pananabik ang puso ko at agad akong napalingon rito subalit agad ding nawala ang ngiti ko nang makita si Ally at ang lalaking kasama nya kanina.

They're looking at me like they're wondering why I'm here.

Napatingin ako kay Ally. At sa kamay nilang magkahawak.

Anong ibig sabihin nito? Why did she call me Natsu? Only Salamander has the right to call me that.

"Natsu...you're here. What are you doing here?" Tanong ni Ally sakin.

Bumaha ang pagtataka sa mukha ng lalaking kasama nito.

"You know him, love?" Tanong nito kay Ally.

Stop calling her love, you asshole! Gusto kong isigaw iyon sa mukha ng lalaking ito ngunit tila naumid ang dila ko.

Bahagyang tumango si Salamander.

"Who is he?" Tanong ng lalaki.

Napatingin dito si Ally at bumalik sakin.

"He's the one I thought I love when I can't remember you."

Tila may bombang sumabog sa loob ko sa mga narinig.

Agad na nanubig ang mga mata ko habang nakatingin kay Ally.

P-paano nyang nasasabi sa harap ko ang mga bagay na iyon?

"S-salamander..?" Utal na tawag ko. Marami akong gustong itanong subalit wala akong lakas ng loob na magtanong dahil pakiramdam ko ay lalo akong masasaktan.

"Ah! I remember it. So, he's the one you're talking about?" Anang lalaki at bahagyang naglakad palapit sakin.

Napangisi ito sakin.

"So you're the brat who made her weak and put her in danger? I must say. You're clever enough to make her fall for you. But sorry to inform you kid. Allyna was mine. And she will be mine no matter who you are." Anito na nagpaigting sa mga panga ko. Naikuyom ko ang mga kamay ko at walang sabing sinuntok siya sa mukha. Natumba siya sa ginawa ko ngunit hindi ko alam kung bakit parang maging ako ay nasaktan sa ginawa ko. Ngunit hindi ko yun pinansin bagkus ay muli ko siyang sinugod at akmang susuntukin ulit nang pigilan ako ni Ally.

"Stop it Natsu. There's no use for this. He's telling the truth. He's the one I love. He's name is Jack Ryder. And that's the only name I remember when I lost my memories that's why I used it as mine." Aniya at mabilis na dinaluhan si Jack Ryder daw.

Napakurap ako sa narinig.

"A-ano bang sinasabi mo? S-salamander...umuwi na tayo. Hindi na 'to nakakatuwa." Sabi ko na pinipigilang mapaluha ng tuluyan.

Tumingin siya nang may lungkot sa mga mata.

"I'm sorry Zero. I thought I love you because I can't remember him. I told you didn't I? I lost memories. But now it's back, that's why I came back where I belong." Aniya na parang dumudurog sa puso ko.

Bahagya akong napalayo sa kanya at napahinga ng malalim.

"Stop it Salamander. Nakakasakit ka na, alam mo ba? Nasasaktan na ako sa mga sinasabi mo. Ayoko ng marinig pa ang ibang kasinungalingan mo." Saad ko.

"I'm sorry Zero." Aniya.

"Ano ba!? Natsu ang tawag mo sakin at ikaw ang Salamander ko! Ikaw ang nagbigay ng pangalang iyon sakin at kahit kelan hindi mo ako tinawag na Zero! Nakalimutan mo na ba? At ikaw ang unang lumapit at nagsabing mahal mo ako? Kaya bakit mo ginagawa sakin 'to??" Hindi ko na napigilang sigaw. Napayuko siya at paulit ulit na humihingi ng tawad.

"Because you were just like me. That's why she fell in love with. Your attitude, your hobbies, your smile, your reactions. That's just like me." Anang lalaki na noon ay nakatayo na at nakayakap kay Salamander.

Naguguluhang napatitig ako rito. At noon ko lang din napansin na pareho ang tindig at katawan namin. Pareho din ang taas namin. Halos magkamukha rin kaming dalawa. Magkaiba lang kami ng kulay ng buhok at mas gwapo ako sa kanya.

"I'm sorry..." Ani Ally at tumingin sakin.

"...but it's time for us to say good bye." Aniya at inaya na ang lalaki na umalis.

Napanganga ako sa narinig at napakurap kurap.

G-ganun nalang yun?

Salamander??

Napakagat labi ako ngunit hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Napaluhod ako sa damuhan.

Salamander...ang sakit..! Nasasaktan ako, alam mo ba?

Bakit..? Bakit mo 'to ginagawa sakin? May galit ka ba sakin? Sana sinabi mo nalang handa naman akong gawin ang lahat para sayo eh.

Hindi ko napigilang mapaiyak at napatakip nalang ako ng mukha ko habang inaalala ang lahat ng mga pinagsamahan namin ni Salamander.

Ang una naming pagkikita. Ang pagtitig niya sakin kung saan ko unang napansin ang mga purple niyang mata.

"Never fall in love with this face if you still wanted to live long." Iyon ang unang salitang binitiwan niya sakin. Nanlaki pa ang mga mata ko noon sa sinabi niyang iyon at nang tingnan ko siya sa mga mata ay napalunok pa ako ng nakangisi na siyang nakatingin sakin ng deretso.

Napatayo pa ako sa pagkagulat at kinakabahang dinuro siya.

"A-ano bang ginagawa mo? Balak mo ba akong halikan ha?" Sigaw ko pa sa sobrang katarantahan. Ngunit bahagya lang siyang tumingin sakin saka umayos ng upo.

At ang unang beses na iniligtas niya ako nang sumakit ang dibdib ko.

"When I press this, breath heavily okay?" Utos niya na pinagtaka ko pa.

"C'mon Natsu, breath away in count of three." Nakangisi pang sabi nya.

"One.."

"Two..."

"Three. Breath."

Napahawak ako sa dibdib ko habang nakapatong ang isa kong kamay sa damuhan.

Muli kong naalala ang iba pang mga nangyari sa pagkikita namin ni Salamander.

"Good morning Jack." Nakangising bati ko pa sa kanya. Natigilan naman sya saka may kinuhang salamin sa bulsa ng leader jacket nya at sinuot iyon saka humarap sakin. Gaya ng dati ay di ko na naman makita ang kabuuan ng mukha nya dahil sa nakatabing na buhok at idagdag pa ang kakaibang salamin na suot nya. Mukha itong reading glass pero mukha ring hindi.

"Hello Natsu! Good morning!" Nakangisi ring bati nya kaya nawala ang ngisi ko.

Lintek na..ang ganda na nga ng bati ko sa kanya eh. Magsisimula na naman ba sya? Sino ba kasi ang Natsung tinatawag nya sakin?

"Tsh, Sino ba kasing Natsu yan?" Di ko na napigilang tanong. Lalo naman syang napangisi sa tanong ko.

Damn that smirk!

"He's a total opposite of Salamander." Sagot niya.

"Ah, so ibig sabihin...ikaw si Salamander?" I smirk.

"Tss, if you say so." Aniyang lalo pa atang natawa sa tanong ko.

Iyon ang panahon na nabuo ang tawagan naming 'Natsu at Salamander'.

Ang eksena sa pool party at ang mga sinabi niya. Lahat ba ng iyon ay pawang pagkukunwari lamang?

"You will be my Natsu and I'll be your Salamander. You and I will going to be one. You are the only antidote for my future self."

What is she talking about?

"If I change and can't control anymore. Just call me by your heart and I will listen."

Bahagya niyang inilayo ang kanyang mukha sakin.

And for the first time. I saw her geniune smile. Not a smirk but a beautiful smile shining under the darkness of the water.

Napaawang ang bibig ko sa nakita.

Ngunit bago pa ako makahuma ay muli niyang sinakop ang aking mga labi.

"And from this day forward. You have no right to leave this devil or die before me. Because if you do. No one will ever be alive on this planet ever again."

At ng unang beses niyang sinabi na liligawan niya ako. Hindi ba yun totoo?

"Tell me Jack, are you falling for me?" Tanong ko saka bahagyang naglean upang magpantay ang mga mukha namin.

"I think so." Ako naman ang natigilan sa bilis ng sagot nya.

Bahagya akong napalayo sa kanya at tiningnan syang mabuti. Seryoso lang syang nakatingin sakin.

"Yes Natsu, I think I'm falling for you." Ulit pa niya na mas kinabigla ko.

"H-huh?" Gulat na bulalas ko. Hindi ko inaasahan ang sinabi nya.

Shit! I'm supposed to tease her pero bakit parang tinatablan ako sa sagot nya.

"What? Are you being serious? Haha. I was just teasing you Jack." Hilaw akong tumawa saka umiwas ng tingin dahil ang totoo para na akong matutunaw sa klase ng tingin nya.

Ngunit nagulat pa ako nang bigla niya akong hilahin sa kamay kaya naman napalapit ako sa kanya at halos maduling ako sa sobrang lapit ng aming mukha sa isa't isa.

Dugdug...dugdug...dugdug...

"I said I'm falling for you and you have nothing to do with it." Aniya na medyo paos ang boses.

Napalunok ako nang dumako sa labi ko ang tingin nya.

I know it's gay but I think I wanted to close my eyes and wait for her next move.

I stiffened when she held my chin and lock my gaze.

"Natsu, I want to court you."

What the hell is she talking about!!!?

At bago pa ako makahuma ay bigla nya nalang akong siniil ng halik sa labi.

Nanlaki ang mga mata kong napatitig nalang sa kawalan.

It's my first kiss!!

Inakala ko pang iyon ang unang halik naming dalawa.

"Are you his girlfriend?" Nagulat ako sa tanong na iyon ni Jack kay Heart. At maging si Heart ay nagulat din saka bahagyang napalingon sa paligid.

Alam kong malabo ang relasyon na meron kami pero umaasa ako na sanay kahit ngayon lang. Sabihin nyang boyfriend nya na ako. Dahil kaya kong ipagsigawan sa buong mundo na girlfriend ko sya at mahal na mahal ko sya.

Sandaling naghari ang katahimikan.

"Why can't you answer? Are you this guy's girlfriend?" Ulit ni Jack na bahagya ng tumataas ang boses. At pansin ko rin na unti unti na namang nagiging kulay black ang purple eyes nya. Is that really a lense that change its colors everytime she's mad?

"N-No." Para akong sinaksak sa sagot ni Heart.

"B-but I'm his best friend. At madalas-!"

"Enough! If you're not his girlfriend then don't act like one. If I win the game. I want you to stay away from Natsu. Ever." Seryosong wika ni Jack na kinatahimik ng lahat.

Iyon ang unang beses na pinagdamot nya ako sa iba na para bang pag-aari nya ako.

Pagkatapos niyon ay muli niya akong iniligtas during the game and after that I claimed her as mine.

At marami pang ibang nangyari na syang nagparealized sakin na mahal ko na pala siya.

Kaya paano nyang nasasabi na ang lahat ng iyon ay nangyari dahil lang sa katulad pala ako ng lalaking mahal nya?

This is unbelievable...hindi nya yun gagawin sakin.

Ang Salamander na kilala ko ay hindi ako magagawang saktan. Maging ang mga taong mahalaga sakin ay mahalaga narin sa kanya.

Kahit sandaling panahon palang kaming magkakilala ay alam kong sapat na iyon upang masabi ko na mahal nya ako at mahal ko sya.

Kaya hindi totoo ang sinabi nya kanina. Hindi yun totoo.

Hindi ako kayang saktan ng Salamander ko.. Hindi...!!

Hindiiiii!!!!

"Clear..!" Isang malakas na sigaw ang narinig ko kasabay ng mga pag-iyak at pagtangis sa paligid ko.

"Zero!!! Wake up!" Rinig kong sigaw ng pamilyar na boses habang panay ang pump sa dibdib ko.

Salamander...

"Clear..!"

"Doc, sagad na po ito."

"Clear!!"

"Bunso..!"

Salamander...nasasaktan ako, alam mo ba? Ayokong gumising kung wala ka rin naman sa tabi ko.

Kaya pakiusap...gusto kong ikaw ang gumising sakin...

"Clear..!" Kasabay ng sigaw na yun ay ang pagdaloy ang kuryente sa katawan ko.

Ayoko..! Ayokong gumising..!

Natsu...!

Sukat sa narinig ay bigla akong napamulat ng mata at habol ang aking hininga na napabangon at napatingin sa paligid.

"S-salamander..?" Agad kong tawag habang hinahanap siya sa mga taong naroon. Ngunit mga nurse at si Kuya Eros lang ang nakita ko.

"Zero, are you okay?" May pag-aalalang tanong ni Kuya Eros sakin.

"N-nasan sya?" Nanghihinang tanong ko.

"What?" Takang tanong niya sakin.

Napatingin ako sa labas ng silid at nakita ko sa glass window sina Dad, Mom, Erhis, kuya Eros, Edward, kuya Eric, pati si Third, sina Cody at Drew at maging sina Shane at Jichell. At lahat sila ay nag-aalala sakin.

Ngunit sunod sunod na bumagsak ang mga luha ko nang wala roon ang taong hinahanap ko.

Tinangka kong bumaba sa kama ngunit agad akong pinigilan ni Kuya Eros.

"You're not supposed to get up yet. Hindi ka pa pwedeng-!"

"I need to see her!" Asik ko na kinagulat niya.

Marahas kong tinanggal ang kung ano anong nakakabit sa katawan ko at bumaba sa kama.

Napasinghap sa gulat ang mga naroon ngunit wala nang naglakas loob na pigilan ako maging si Kuya Eros ay inalalayan na lamang akong maglakad.

Nang makalabas ako ay agad akong sinalubong nina mom and dad na labis na nag-aalala.

"D'yos ko anak, anong nangyari? Bakit ka umalis agad? Okay ka na ba?" Agad na tanong ni mom.

"Zeroin, what did-!"

"Bunso-!"

Ngunit hindi ko sila pinansin agad kong nilapitan si Shane na halata ang pagkagulat sa mukha.

"Z-zero..?" Takang napatingin siya sakin maging ang lahat ng naroon.

"T-tell me, who is Jack?" Tanong ko habang muling nanunubig ang aking mga mata.

Bumaha ang pagtataka sa mukha ni Shane at mukhang hindi niya naintindihan ang tanong ko.

"Sabihin mo sakin Shane. S-sino si Jack Ryder?" Marahas kong tanong kasabay ng pagtulo ng luha ko.

Naghari ang pagkalito at pagtataka sa mga mukha nila.

"Zero, h-hindi mo naaalala si Jack?" Gulat na tanong din ni Shane.

Napapikit ako at bahagyang napayuko saka muling napatingin sa kanya saka hinawakan siya sa mga braso. Naalarma naman si Drew sa ginawa ko at akmang lalapitan ako ngunit pinigilan sya ni Shane.

"I'm not talking about Salamander. I'm talking about that ASSHOLE JACK RYDER WHO STOLE MY SALAMANDER! Now tell me Shane, kilala mo ba sya? Sino ang walang hiyang Jack Ryder na yun? Sino sya at bakit nila sinasabing kasintahan sya ni Ally? Sabihin mo sakin!" Sigaw ko. Hindi ko na napigilang mapaluha ng tuluyan habang sinasabi ang mga katagang iyon habang inaalala ang mga nangyari sa panaginip ko.

Napamulagat sakin si Shane.

"P-paanong...mong nalaman ang tungkol sa kanya?" Hindi makapaniwalang tanong niya na nanubig narin ang mga mata.

Seeing Shane like this ay parang mas napatunayan ko pa na totoo ang lahat ng panaginip ko.

Napayuko ako at tahimik na napaiyak.

"So totoo nga? Na magkaibang tao sina Ally at Jack? Na dati silang...Oh God!" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang muling sumigid ang sakit sa dibdib ko kasabay niyon ang pagdidilim ng paningin ko.

The last thing I remember was they're screaming my name in shock.

Salamander.

You promised not to leave me, right?

Ang daya mo love.

Sana....sana sinabi mo.

--