webnovel

What If? (Book 1 Of Questions Trilogy)

Jael_Balcoba · LGBT+
分數不夠
29 Chs

Chapter 21: Girlfriend

"Fate is inevitable."

FRANCHESSCA'S POV❤:

Hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat na gawin ko sa kasalukuyang nangyayari sa paligid.

Kasalukuyan kong hawak-hawak ang litrato ng kapatid ko at hindi ko kilalang babae. Napulot ko lamang ang isang ito ng tumusok ang gilid nito sa mga daliri ng paa ko.

Pati ba naman ang kapatid ko may nililihim din?

Nang bumukas ang pintuan ng kaniyang kwarto ay buong tapang ko siyang hinarap.

"Sino to?" mariin na tanong ko rito.

Saglit niyang sinulyapan ang litrato atsaka bumaling sa akin.

Paulit-ulit ang kaniyang pag-iling na lalong nagpagulo sa napakaraming posibilidad na tumatakbo sa isip ko.

"Sino sabi to Francisca?!" hasik ko sa kanya na bahagya niyang ikinagulat at dahan-dahang napayuko.

Marahas niyang kinuha sa akin ang litrato na nakapag-pakulo lalo ng dugo ko rito.

"A-ate." dahan-dahang bumigay ang mga luha niya kasabay ng paghawak niya sa magkabilang kamay ko.

Sa ganoong akto nito ay agad akong lumambot. Bihira lang tumulo ang luha ng kapatid ko. Kung hindi problema sa pamilya ang ipinanggagalingan ng mga luha nito ay ang nag-iisang tanong ay saan?

Dahan-dahan niyang iniangat ang paningin direkta sa akin.

"Siya yung naging ex ko." kusa akong napayakap sa kaniya habang siya ay patuloy ang paghagulgol.

"Anong pangalan niya?" marahang tanong ko rito habang tinatapik ng bahagya ang kaniyang likuran.

"Steffanie Chua."

IVER'S POV❤:

Sa tinagal-tagal ng "bakasyon" eh ngayon ko na lang uli naisipang mag laro ng video games!

Kasalukuyang nagtatalo ang isip ko kung ano ba ang lalaruin. Teken ba? Ml? Street fighter? Mario? Pati ba naman dito eh wala pa rin akong maisip na kasiguraduhan? Haist!

Bahagya akong nagulat ng tumunog ang aming door bell hudyat ng mayroong tao sa labas. Sa totoo lang hindi naman madalas na may nagdo-door bell eh kaya siguro kinakabahan ako sa ngayon.

Nang makabalik ang isa sa katulong namin sa game room na kinaroroonan ko ay agad nagsalita ito.

"Sir, kayo raw po ang hanap." saglit akong napaisip sa sinabi nito ngunit agad din namang itinunton ang daan patungo sa labas.

Naroon na ito sa bandang sala namin.

Nanlaki ang mga mata ko at gayundin ang napamaang ng makita kung sino ang kasalukuyang nasa baba ng aming bahay.

"Stef?"

Ngumisi ito ng pagkalaki-laki atsaka agad akong niyakap.

"Yes, your one and only girlfriend." she said throughout our hug.

Hindi ako nakagalaw hanggang sa kumalas siya sa yakapan.

"Kailan ka pa bumalik dito?" nakakunot ang noong tanong ko rito.

"Pwede bang papasukin mo muna ako?" she pouted.

"Okay." nagbigay daan ako upang makapasok siya.

"Kakarating ko lang kanina." panimula nito ng usapan habang kasalukuyan kaming patungo sa sala.

"Kumain ka na ba?" i asked.

"Hindi pa eh, ipagluto mo nga ako." she giggled while laughing.

"Uh ganon ah, sige umuwi kana." nagbibiro at sarkastiko kong banat dito.

Mas lalong lumakas ang tawa niya na umabot sa puntong hanggang makarating kami sa sala ay tumatawa pa rin siya.

Mamula-mula siyang unti-unting napatigil sa pagtawa.

"Make me some bacon." she pouted again.

"Bat kasi di ka pa kumain bago ka mag-flight? Bawal kaya yo--"

Naputol ang pagsasalita ko nang bigla niya akong halikan. Smack lang iyon at para bang nanibago ako sa biglaang pagkawala ng spark sa pagitan namin.

She smiled enthusiastically as she grabbed some apron which is happen to be on the side-walls.

"Sige na ako na lang magluluto, dun kana." parang bata nitong saad habang nanatili ang pagnguso.

"Akin na yan, napaka-ungentleman ko naman para gawin yan sayo." agad kong inialis sa kaniya ang apron at inilipat ito sa akin.

"Bacon, salad and smoothies, please." she demanded.

"Bat nadagdagan?" nakaismid na tugon ko sa kaniyang mga request.

"Let's say ganiyan ang pagmamahal ko sayo nadaragdagan." napatawa ako sa kaniyang banat.

"Nahawaan na kita ah!" iiling-iling na tawa ko.

"I miss you so much, Iver." she said while she hugs me on the back.

Hindi ako sumagot at ginawa na lamang busy ang sarili ko sa pagluluto.

I'll have to end this thing kung hindi na ako gaya ng dati, maybe naging panakip butas ko lang siya and I regret this whole-thing. I'm an asshole but as soon as possible, i should make this fair for her side.

~~~

A/N: Hi guys! I'll gonna update the next 4 chapters tomorrow! Enjoy reading and keep on supporting, ily'all!💜

I will edit those errors soon. I'm sorry for some errors such as wrong grammars and typos that you would encounter. Thanks!💞

(761 words)