"One of the most important things you've to keep in mind: YOU ARE GENUINELY UNIQUE IN YOUR OWN WAY."
FRANCHESSCA'S POV❤:
"Oh doon na muna tay--" naputol ang pagsasalita ng bakla.
"Doon na lang sa bahay, winniebells." nakaismid na tugon ni son.
"Pero namimiss na rin siya ni tita Jeya!" nabubugnot habang inaayos ang buhok na tugon nito.
"Ayun nga yung iniiwasan natin eh, dapat sa bahay--"
"Bawal ako magdesisyon sa sarili ko?" sarkastikong binalingan ko ang dalawa.
"Samin ka muna te! Hayaan mo yan si beki, hmp!"
"Oy hindi ako bakla ah!"
"Che! Lika na nga te, epsi yan!" maarte niyang inikutan ng mga mata si son habang ang isa namang ito ay napapakamot ng ulo na sumunod na lamang sa aming dalawa.
Hindi kalayuan ang bahay ng kaniyang tita rito. Ayun ang higit na nakakaintindi sa kaniya dahil may pagkakahawig sila ng mga pinagdaanan.
Nang tuluyan kaming makapasok sa bahay ay halos hindi ko na makilala ang lugar na ito. Naging magarbo, elegante at madisenyo.
"Franchesscaaa biii!" agad akong napangiti gayundin ang muntikan ng matawa ng makita ko si tita jeya na muntikan ng matalisod sa pagkataas-taas ng kaniyang heels habang pababa sa hagdan dahil sa pagmamadali nito papunta sa gawi ko.
"Tito, este tita jeyaaa!" tatawa-tawang
sinalubong ko ang mahigpit na yakap nito.
Siya ang tumayong magulang ni winniebells. Ang nag-aruga sa kaniya mula pa lamang noong maliit siya. Ang mga magulang ng bakla ay kung hindi adik sa pagsusugal ay yosi, droga at alak ang bisyo. Kung tutuusin nakabibilib na hanggang ngayon ay nanatili ang tibay ng loob ng bakla.
At hindi kayo nagkakamali ng iniisip, transgender si tita jeya.
"Ay jusq! Muntikan ko ng hindi makilala ang batang ito! Ang pogi kadiha!" si sonson naman ngayon na nakangisi rin ang niyakap niya.
Nang mapansin nito ang maleta ko ay agad siyang napataas ng kilay.
"Sa amin ka na titira, biii?" maligalig na inagaw sa akin nito ang maleta ng hindi ako sumagot sa tanong niya.
"Hindi man lang ako na-miss nung isa dyan." nakabusangot na drama ni winniebells na kasalukuyang pinagigitnaan pa namin ni son.
Bahagya kaming natawa sa banat niya. Maging si tita jeya ay nakangisi siyang binalingan.
"Echosera ka! Laki'ng jeya ka ng bakla ka ha! Wag kang mag-jinarte dyan! Hindi mo keri!" palong-palo ang boses na singhal nito.
Inirapan lang siya ni winniebells habang siya naman ay maarteng ipinalipad patungo sa likod ang kaniyang mahabang buhok.
"Oh ano pang hinihintay ninyo? Mga junakis, meryendahan na!"
Nanatili ang ngisi sa aming mga labi habang kasalukuyan kaming naglalakad patungo sa kusina.
Nang tuluyan kaming makarating dito ay hindi ko muli naiwasan ang mamangha sa nakita ko.
"Grabe naman mag-evolve yung bahay mo titaaa!" mapagbiro kong panimula sa usapan.
Dumagundong ang tawanan bago muling may magsalita.
"Mabilis lang ang panahon kaya ipinangako ko rin sa sarili ko na kailangan kong makapagpundar ng bahay at negosyo na ipapamana kay Jr. Willie." mapagbirong binalingan ni tita si winniebells habang ang isa namang ito ay nakangising napairap.
Bukod sa pagkakamangha ko sa pamamahay na ito ay higit din akong namangha sa mga ibinitiwang salita ni tita.
"Excuse me, Sr. Jeremie! 2 years from now ay kaya ko na ring tumayo sa sarili kong mga paa noh!" maarteng tugon ni winniebells na nakapagpahalakhak sa amin.
Hindi nagtagal ay nagsidatingan ang mga katulong sa mansion na ito at iba't ibang putahe sa kasalukuyan ang kanilang ibinababa sa nasa kalagitnaan naming malaking bilog na mesa.
"Oh hindi uso rito ang mahiya ah! Lumamon kayo ng bongga mga munting junakis!" mapagbiro na sabi ni tita.
Nakangisi kaming nag-unahan sa pagkuha ng siomai, kikiam, fish ball, squid balls, tukneneng, fries, burger at marami pang iba!
Mabilis muli ang paglipas ng oras at ng balingan ko ang orasan sa dingding ay kasalukuyan itong naglalaman ng alasingko-imedya ng hapon.
Hindi naiba ang pwesto namin kalaunan. Masaya naming binabalikan ang mga ala-ala ng nakaraan at ginagawa itong isang malupitang pang-alaska.
"Naalala pa ba ninyo yung ano-- yung! Aha! Yung unang nating nakilala to si winniebells son!?" nakangisi at tatawa-tawa kong sinimulan ang topic na asaran.
"Paano ko yon makakalimutan? Eh ang dungis-dungis ni winniebells non! Bwahahaha!" malokong humahalakhak na tugon nito.
"Leche! Leche! Ayaw ko yang marinig mga bakla kayo ha! Tigilan ninyo ako!" nakabusangot na ngayon si winniebells.
"Ay junakis parinig naman ng machurvang chikaness na yan! Gooo!" walwal na komento naman ni tita jeya.
Napangisi ako ng todo habang unti-unting binabalikan ang mala-mmk na buhay ni winniebells ng matagpuan namin siya ni son.
*Flashback
"Ano yang nilalaro ninyo?"
Boses ng isang bagong salta sa aming seksyon ang narinig namin ni son habang kasalukuyan kaming kumakain at naglalakad patungo sa classroom.
"Aha! Gusto mong sumali no?" boses ng isang babae'ng mukhang tuso.
"Pwede ba?" nahihiyang tugon ng lalaking transferee.
"BAKLA NGA! AHAHAHAHAHA!" sabay sabay na nagsitawanan ang grupo ng mga babae na kasalukuyang naglalaro ng chinese garter.
Nanlulumo namang napayuko ang transferee at maglalakad na sana papalayo ngunit hinigit ng kanina niyang kausap na babae ang nananahimik na braso nito.
"Alam mo bang sabi ni papa na mga salot daw kayo ng bayan! Ahahahaha!" muling sumunod sa pagtawa ang iba pang mga kababaihan na nakapalibot na ngayon sa kaniya.
Hindi ko na napigilan pa ang paglapit.
Agad hinigit ni sonson ang braso ko ngunit agad akong mariing nagpumiglas at ipinagpatuloy ang pagpunta sa kinaroroonan ng pambubulas.
"Alis!" iritado kong marahang itinulak ang ibang mga babae na ipinalilibutan ang bagong salta.
"A-aray! Anuba!" maarte nilang tugon.
Inirapan ko lang sila at agad iniharap ang leader ata nila. Mukha namang palaka eh.
"Tara." agad kong hinigit ang kaliwang braso ng bagong salta ngunit napahinto rin dahil sa pakikipag-agawan ng panget sa kabilang braso nito.
"Bitiwan mo siya." marahan ngunit mariin kong ibinalingan ang babae.
"At bakit? Sino ka ba sa akala mo ha?" nakataas ang kilay na tugon nito.
"Alam ninyo bang masama ang ginagawa ninyo?" nakakunot ang noo na sabi ko sa kanila.
Muling nagdagundungan ang mga mapang-insulto nilang tawa.
"Hahahaha! Eh wala naman kaming sinabing mababait kami eh! Hahahaha!"
"Alisin mo na sabi eh!" tiim-bagang ko siyang tinitigan.
"Ayaw ko nga! Bakit mo ba ako pinipigilan ha!" namumula nitong singhal sa akin.
"Hindi ka ba talaga makaintindi ha!?" nanlilisik ang mga matang singhal ko pabalik.
Sa huli ayun, principal's office ang uwi namin.
Pinatawag si mima at sobra akong kinabahan dahil sa nagawa ko.
"Mommy, bigla niya lang po akong sinuntok ng malakas kaya po namaga yung pisngi ko!" humahagulgol na pagsisinunghaling ng palaka.
"Sinunghaling! Pinagkakaisahan ninyong mga salbahe kayo si Willie!" nanggigigil kong tugon dito.
"At bakit mo naman sinapak ang anak ko ha!?" sabat ng nanay niya.
"At tingnan mo rin naman ang itsura ng anak ko oh!" masungit na sagot ni mima rito.
"Pupwede ba mga misis, huminahon muna ho tayo, eh baka mamaya niyan ay magpang-abot na rin ho kayong dalawa." masungit at istriktang tugon ng principal.
Di kalaunan ay dumating si tita jeya.
"Bakit Willie? Anong nangyari sa iyo?"
nakayuko lang ito at umiiyak din.
"Pinagkaisahan po siyang asarin ng grupo nitong salbahe nato!" hindi ko napigilan ang pagsusumbong.
"H-ha? P-paanong inasar?" nagtataka ngunit mariin ang boses na tanong nito.
"Inaasar po nilang bakla si Willie!" muling nakangusong tugon ko.
Itinanggal nito ang paningin sa akin atsaka humarap kay principal.
"Marami na po kaming nilipatan na eskwelahan yan ni Willie, ma'am. Lapitin po talaga siya ng mga bully at ang hindi po katanggap-tanggap ay maging sa ganitong eksklusibong paaralan ay hindi pa rin ito kayang mabigyang solusyon." seryosong reklamo nito.
Sa huli ay lumipat ang babaeng palaka sa ibang eskwelahan at napahiya rin ang nanay nito dahil biglaang nagsipuntahan sa principal's office ang iba pang ibinulas nito.
*End of flashback
"Ay naalala ko yon! Ang echosera maging ang mukhang paa na nanay nung bata na yon!" mapagbiro at masungit na tono na komento ni tita matapos kong ikwento sa kanila ang nakaraan.
Napatagal ang kwentuhan at ilang sandali pa ay sumapit ang alas-siyete imedya ng gabi. Maging si sonson ay nagpasyang magpalipas ng gabi rito.
"Huy tukmol, i-text mo si tita ha!" paalala ko sa katabi kong kasalukuyang nagdudutdot sa telepono niya.
"Opo nay." malokong sabi nito na nakapag-paismid sa akin.
Kasalukuyan naming tinatanaw ang mag-tiyahin habang naglalakad ang mga ito pabalik sa pwesto namin.
"May surprise ako sa inyo mga junakis!" nakangisi at maligalig na muling umupo si tita sa couch.
"Ano yon titaaa!?"
"Ano yon titaaa!?"
Nagkasabay na tugon namin ni sonson na bahagya naming ikinatawa.
"CHARANNNN!"
Nagningning ang mga mata ko ng makakita ng isang case ng mucho.
Talagang wala ng mas sasaya pa sa mga taong ang nagsisilbing turing sa iyo ay isang kapamilya.
~~~
I will edit those errors soon. I'm sorry for some errors such as wrong grammars and typos that you would encounter. Thanks!💞
(1,490 words)