webnovel

Untuned Melody: Make Her Heart Beat Again

"I was a good singer back then. I sing from my heart because someone taught me that way. Someone first believed in me. He was once the reason why I'd continue to sing, but we can't predict things to happen. He left me without a single word and as the time goes by, slowly, a beautiful tuned melody turned into a monotonous melody...." ----- MJ "It's just that, I cannot tell her the truth. Ayaw kong makita kung anong magiging reaksyon niya sa oras na malaman niya yung totoo. Ayaw kong maulit yung nangyari saakin dati kay Joy--- Yung babaeng una kong minahal, 7 years ago." ----- Louie "You've been wanting to join the band 7 years ago, but I never allowed you to do so. It's not like hindi ko gusto, it's just that ayaw kong suwayin ang utos nina mama't papa. Noong una kitang pinakilala sa kanila, akala ko approve ka sa kanila, but I was wrong. Very wrong. Kasi nung umalis ka, doon sinabi nina papa saakin na hindi ka nila gusto. " -----Joy "I'm sorry. I'm really really sorry that I caused you pain back then, I'm so sorry na nararamdaman mo ang mga bagay na ito ngayon. Please, forgive me..." -----Luke

Bluesundae20 · 综合
分數不夠
45 Chs

Her Past

Louie's POV

Muling nagbuntong hininga si Carla at tumingin sa malayo at nagsalita.

"Hindi naman talaga ganyan dati si MJ eh. I've known her for almost 16 years. Sabay yan kami lumaki kaya kabisado na namin ang timpla ng isa't-isa. " Panimula niya. Taimtim lang ako na nakikinig sakanya.

"Si MJ? Napaka-friendly niyan dati, nung isang beses nga habang naglalaro kami sa isang playground malapit bahay namin, may nakita siyang batang babae na umiiyak. Nilapitan niya ito at tinanong kung bakit siya umiiyak. Ang sabi ng babae, nahulog daw yung lollipop niya, at alam mo kung anong ginawa ni MJ? Binigay niya yung kaisa-isang lollipop na nasa bulsa niya doon sa bata. Kaya napakaswerte ko dahil naging kaibigan ko si MJ..." Tumigil siya at nagbuntong hininga ulit.

"Isang araw, naglalaro kami ni MJ doon parin sa playground. Dala-dala namin yung mga favorite dolls namin. Nakaupo kami nung time na yun sa may damuhan habang nilalaro namim yung nmag dolls namin nang may nakita kaming nagbebenta ng ice cream. Since favorite namin dalawa ni MJ ang Ice cream, eh bumili kami. Iniwan ni MJ ang kanyang doll doon sa puwesto namin habang ako, kinarga ko yung doll. Pero pagbalik namin doon, wala na yung doll. Inisip ni MJ baka nagkamali lang kami ng puwesto na pinuntahan, kaya umikot kami sa buong playground, pero wala. Naguumpisa nang umiyak si MJ kasi favorite niya yung doll, inisip ko pa nga na baka may kumuha nun, pero sa dami ng batang naglalaro that time sa playground, mukhang imposible na naming maibalik ulit si Lily, yung doll niya. Kaya tumayo ako para sanang kausapin yung guard doon na baka may nakita siyang doll pero ang sabi wala." Sabi niya.

"Tapos? Anong nangyari?" Tanong ko.

"Natagalan ako na balikan si MJ kasi may binili ako na pangpa-comfort food niya pero pagbalik ko, hindi na umiiyak si MJ. Tinanong ko siya kung okay na ba siya, ang sabi niya lang is may nakilala daw siya na batang lalaki. Nangako daw yung bata sakanya na babalikan siya, kaya maghihintay daw siya ulit doon sa playground. Masaya naman ako kasi hindi na umiiyak si MJ dahil sa batang iyon. Kinabukasan, nagtungo si MJ doon sa playground para hintayin ang batang lalaki, sumama ako kasi gusto ko ding pasalamatan yung bata, naghintay kami doon hanggang sa umabot kami ng hapon, wala yung batang lalaki. Ang sinabi lang saakin ni MJ baka hindi daw pinayagan ng kanyang mama kaya ganoon." Sabi niya at kitang-kita sa mata ni Carla na gusto niya nang umiyak.

"It's okay kung ayaw mo nang icontinue. Maiintindihan ko." Sabi ko kahit sa loob-loob ko ay curious na curious ako sa nangyari.

"No it's okay. So the other day, naghintay kami ulit doon pero wala yung bata. Paulit-ulit lang yung ginawa namin ni MJ, hinintay namin na bumalik yung bata, pero hindi siya bumalik. Hindi umiyak saakin si MJ, pero ang sabi ni Tita yung nanay niya, umiiyak daw si MJ pagkauwi niya sa bahay. Akala ko hindi ganoon kalaki yung epekto nun kay MJ pero ang laki pala yung tipong ayaw niya nang makihalubilo sa ibang bata, ako lang yung naging kaibigan niya, limit na rin siyang makausap o sumagot sa mga tanong mo. Nagbago si MJ. Nagbago yung bestfriend ko." Sabi niya at hindi niya na napigilan yung kanyang mga luha na tumulo.

"I missed my bestfriend so much! Kung alam ko lang na magiging ganito siya, edi sana hindi ko na lang siya iniwan dati sa may playground. Edi sana hindi niya nakilala yung batang lalaki na yun, at sana hindi siya nagbago ng dahil doon sa batang iyon!" Iyak parin siya ng iyak. Hindi ako magaling magcomfort ng babaeng umiiyak, pero para walang issue ang magaganap lalo pa't nagkalat ang mga tsismosa't tsimoso ay naghanap parin ako ng paraan para patigilin siya sa pag-iyak.

"Do you really love your bestfriend ano?" Ewan ko din kung bakit lumabas yan sa bibig ko. Napatingin naman siya saakin at ngumity nang malungkot.

"No words can describe how much I loved my bestfriend.. Kaya alam ko na nasasaktan parin siya hanggang ngayon sabihin man niya saakin o hindi." Sabi niya. Sa wakas, hindi na siya umiiyak pero bakas sa mukha niya na malungkot parin siya.

Nakaisip ako ng paraan para kahit papaano, ay maibsan yung nararamdaman ni MJ.

"Carla, do you want to bring back the old MJ you once knew?" I asked her. Seryoso siyang tumingin saakin.

"Yes." That's the cue!

"May naisip ako na paraan pero hindi ko alam kung magwowork to ah!" Sabi ko. Ngumiti naman siya ng konti.

"Oo ba. Let's try it!" Sabi niya. Akala ko yun lang yung sasabihin niya pero may isa pa siyang sinabi na nakapagpatigil sa tibok ng puso ko.

"Do you really like my bestfriend uh?"

"Huh? No, you're misinterpreting my ---" I tried to defend myself but sino bang niloloko ko? Napabuntong hininga na lang rin ako at tumingin sa mga ulap.

"Kaya ka gumagawa ng paraan para maibalik ang kinang sa mga mata ni MJ right? At kaya ring pinilit mo ko na mapasali si MJ sa banda kasi nga interesado ka sakanyang upbringing, tama ba ako?" Tama siya. Una palang, naging interesado na ako sakanya. Mula nung nasa garden siya at di sinasadyang mapakinggan yung pagkanta niya.

"Don't worry, magtulungan tayo para maibalik natin yung dating MJ. And your secret is safe with me. Don't worry." She said that made me smile.

"Thank you , Carla." Sabi ko nalang at isinagawa na yung plano.

This will not be easy lalo't mailap si MJ sa mga tao kaya si Carla lang talaga ang makakatulong saakin.

Maibabalik kita sa dati MJ, pangako yan.