webnovel

University Series: Athena Louise Sarxel

Athena Louise Sarxel, ang babaeng hinahangaan ng SU o Sarxel University. Sya ang cheerleader captain. Sya rin ang tinuturing na Campus Bitch Queen. Don't mess with her or you'll end up living in hell. Xyzrille Cameron Garcel, isang scholar pero hindi nerd. In fact ay marami ang nagkakagusto sa kanya at sya'y kilala rin sa SU. Pero focus si Xyzrille sa pag-aaral nya. Halos hindi nga sya updated sa mga bagong ganap sa paligid nya. What would happen if their world collide? Well, it can be a total chaos.

KillerInDuty · LGBT+
分數不夠
54 Chs

Epilogue

Athena's PoV:

'Love moves unexpectedly...'

Dati ay hindi ako naniniwala sa quote na 'yan kasi duh, parang ang oa naman kasi talaga. Hmp.

'In life, there will always be a reason why you meet someone. It's either you need him/her to change your life or you'll be the one that will change theirs.'

I can say that quote makes sense. I guess, pasok sa akin 'yan because I've already experience it. Xyzrielle really changed my life. Ang laki ng impact ever since I met her.

Sa una ay hate na hate ko sya. Imagine, someone stole your first kiss?! Then nasundan nang nasundan. That time ay inis na inis ako sa kanya. Sino ba naman kasi ang hindi diba?

Sinimulan kong gumawa ng kung ano-ano para mabwiset sya sa akin. Para maramdaman nya na I freaking hate her. Pero ang siste, napakatatag. Parang walang pakielam sa mga natatanggap nya.

That time sa bar na muntik na akong magawan ng kahalayan ng hinayupak na 'yon, I'm really scared. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nawawalan na ako ng pag-asa non. Mabuti na lamang at dumating si Xyzrielle. She saved me from that asshole.

Totoo nga siguro 'yung sinasabi nila na 'the more you hate, the more you love'. Masyado lang kasi akong indenial kaya ayaw kong iadmit kung anong totoong nararamdaman ko sa kanya dati.

I think, it's okay lang din naman because we're only pretending. Atsaka may lahi atang halaman ang babaeng 'yon. Napakamanhid! Tinarakan ata ng napakaraming anaesthesia sa katawan. Argh!

Pero habang tumatagal ay hindi ko namamalayan na nafafall na pala ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano at kailan nangyari. Basta na lang nagpalpitate si heart tuwing kasama ko sya.

I can't stand seeing her with someone. Gusto ko na ako lang. Gusto ko na ako lang ang babyloves nya. Ayokong may kahati.

Gosh. Ang corny talaga. Ayoko na ngang magreminisce. Nakakatamad magflasback. Nabasa nyo naman na siguro ang story namin diba kaya kayo nakaabot dito.

Anyways, ilang weeks na rin matapos nang ipakilala ko si Xyzrielle kay Mom and Dad. Tuwang-tuwa sila at full support ang ibinibigay nila sa amin. I remembered that I freaked out when they commanded me to break up with my Babyloves.

Marami na rin ang nagbago. Well, official na si Margarette at Stacey. Finally, nakahanap na rin ng someone ang lukaret na 'yon.

Si Ella naman, kahit hindi sya nagkukwento sa akin, I know na may something fishy sa kanila ni Erin. Kumbaga, parang nasa indenial stage muna sila katulad ng sa amin dati.

Si Jared? Ayun single pa rin hanggang ngayon. Forever single na ata sya.

Xyzrielle is now living in her true parents' house. Kakilala pala ni Dad ang Daddy nya because they're business partners. Small world diba?

If you peeps are wondering kung anong ginagawa ko ngayon...

I'm currently waiting for Xyzrielle to come here in my room. We decided kasi na manood ng movie tonight. Kumbaga, netflix and chill ang peg namin ngayon. It serves as bonding na rin naming dalawa. By the way, we both love watching movies.

I checked the time. It's now 7:00 pm but still, there's no sign of her. Hindi ko man lang nakikita ang anino nya.

Napakunot-noo ako bigla. Weird. Lagi naman syang maaga tuwing may usapan kami. Wala din syang new text sa akin.

Patience, Athena.

Malay mo ay natraffic lang or may inutos sa kanya sila Tita. Papunta na rin 'yon for sure. I decided na magscroll na lang sa social media account ko habang inaantay ko syang dumating.

Suddenly, I saw a post from someone na her boyfriend broke up with her. Why? Hindi na raw sya kinayang ihandle. Kaya ayun, nakipagbreak at naghanap na lang ng iba.

Suddenly, I felt something grew inside me. Kinabahan ako bigla. What if... Ganon din ang mangyari sa amin? What if mapagod na sya sa akin? What if isang araw ay mabagok na lang bigla si Xyzrielle and decided to end our relationship?

And worse, she'll meet someone na mabait. 'Yung tipong hindi ma-attitude katulad ko. I can't imagine it. Hindi ko kaya.

So many what ifs are starting to appear on my mind and I fucking hate it. Naninikip bigla ang dibdib ko. Ang sakit.

Hindi ko namalayan na 30 minutes na pala ang lumipas dahil sa kakaisip ko. I decided to call her.

*ringing

*ringing

*ringing

*ringing

Naka-ilang ring na pero hindi pa rin nya sinasagot. Argh. Bakit naman kaya?

Sumagi sa isipan ko na baka alam ni Margarette kung nasaan sya kaya tinawagan ko si Stacey. Ngunit ganoon din ito. Hindi nya alam kung nasaan ang kanyang nobya. Paniguradong mamaya ay may away na magaganap sa kanila.

Sinubukan ko ring tawagan si Ella dahil baka mamaya ay alam nya kung nasaan si Erin. Well, lagi kasing magkakasama ang tatlong 'yon.

"Hello? Gorgeous Ella is speaking." Bungad ni Ella sa akin. I mentally rolled my eyes. Ang hangin, grabe.

"Bitch, please." I said but I just heard that she laughed at me. Ganito kami magbiruan.

"Ang attitude mo talaga kahit kelan. Okay lang 'yan para twinning tayo. So, bakit ka nga pala tumawag sa akin?"

"I'll just ask kung alam mo ba kung nasaan si Erin..."

"What kind of question is that? Hindi ako hanapan ng nawawalang bata." I smirked. Aysus, bata raw. Baka 'baby' nya kamo.

"Duh. Wala kasi si Xyzrielle rito even Margarette. Parehas naming hinahanap ni Stacey kung nasaan sila. Since friend nila si Erin, baka may alam sya." Paliwanag ko.

"Wala rito si Erin." Confirmed Magkakasama nga ang tatlong 'yon. Kumpleto na naman ang Cutie Explorer. Aish.

"Nagpaalam sya sa akin na pupunta raw silang bar ngayon." Napahigpit ang pagkakahawak ko sa aking cellphone. Halos mandilim ang paningin ko sa akin narinig.

What the fuck?!

Bar?

Ramdam na ramdam ko ang namumuong inis sa aking dibddib. Napapikit ako nang mariin.

"Sige, thank you sa info. Bye, bitch." Nagtitimpi kong saad. I ended the call. Agad ko itong binalita kay Stacey at parehas lang kami ng reaction.

Damn you, Xyzrielle! Just wait until you get in here!

Xyzrielle's PoV:

"Woah! Mabuti naman at present kayo ngayon." Saad ni Kelly kung natatandaan nyo pa sya.

"Syempre naman. Kami pa ba?" Proud na turan ni Margarette. Napatawa naman ang lahat. Nagkayayaan kasi kami na magbonding. We missed each other na kasi.

"Aysus, hindi na nga kayo nakakasama sa amin. Palibhasa ay may mga jowa na kayo." Leanne said and faked a sniff.

"Sila lang noh. Single po ako at ready to mingle." Mabilis na sagot ni Erin. Medyo denial pa ang kaibigan naming ito. Halata naman kasing may something fishy sa kanila ni Ella.

"Tampo ka na nyan, Leanne? Sige na nga, sorry na agad." I gave her a side hug. Maya-maya ay naging group hug na ito.

We started chitchatting with each other. Chismisan here, chismisan there. It's good na you're surrounded by good people.

I'm very thankful na nakilala ko silang lahat. Kahit na medyo hindi kami nakakapag-usap nitong mga nakaraang araw ay hindi pa rin nawawala ang closeness ng isa't isa. We're all matured enough to handle that situation.

Naks, English. Wala lang, tinry ko lang talaga.

"C'mon, Guys. Tara na sa baba at makiparty na tayo. Let's go!" Hyper na saad ni Kathrina. And we all agreed with her.

Akmang patayo na sana ako nang bigla akong mapatingin sa aking cellphone. At doon ko nakita na tumatawag pala si Athena.

Hmm... Bakit kaya nakasilent 'tong phone ko?

"Wait lang, guys. Sasagutin ko lang 'to."

"Si Babyloves mo 'yan noh? Under ka talaga." Alexa said. Lahat sila ay napahagikgik. Napaanguso ako dahil doon.

"Hala, hindi noh." Giit ko pa. Top kaya ako.

"Patunay nga." Alam kong inaasar lang ako nito but might as well na sakyan ko na rin. Tutal hindi naman talaga ako under diba?

I answered the call at niloud speaker pa para marinig nila.

"Hi, Babyloves" masayang bati ko.

"Xyzrielle, where the hell are you?! And don't think to freaking lie to me." Ramdam ko ang diin ang sa bawat salitang kanyang binibitawan.

I gulped. Nako po. "Ah... eh... nagkayayaan kasi kami, Babyloves I'm currently here at the bar."

"Damn you! May plano tayo ngayon diba?"

Automatic na nanlaki ang aking mata at napanganga. Nanlamig bigla ang katawan ko. Ugh! Sabi ko na nga ba at may nakalimutan ako eh. May plano pala kami ngayong manood ng movie. Bakit nawala 'yun sa isip ko?

"Huh? Meron ba?" I said innocently. Baka kasi kagatin nya at makalusot ako.

"Hindi ako nakikipagbiruan sayo ngayon ha." Napakamot tuloy ako bigla sa aking ulo.

"Umalis ka na riyan. Get your ass in here!" Matalim nitong turan sa akin. I looked at my friends. Nakatingin silang lahat sa akin habang nakangisi. They're mouthing the word 'under'

"Hindi pwede!" I quickly said on the line.

"What do you mean by that huh?! We've made a plan already. And ayaw mong pumunta rito? I'm counting on you, Xyzrielle. If hindi ko makita ang mukha mo after 20 minutes, you wouldn't like what would I do to you."

Hindi ko maiwasang mapalunok. Parang kinilabutan ako sa sinabi nyang 'yon.

"Chill, babyloves. Mali ka nang interpretation. What I mean is hindi pwedeng tanggihan ang gusto mo." Palusot ko pa ngunit binaba na nito ang telepono.

Parang nalugi tuloy ang itsura ko ngayon.

Okay na po, tanggap ko na. Under nga ako kay Athena.

"Narinig nyo naman siguro 'yon diba? Mauuna na ako. Siguro ay next time na lang uli. Baby time na eh." I said to them and they all agreed with me.

_____//_____

Halos liparin ko na papunta rito sa bahay nila pero syempre, hindi ko makakalimutan ang safety first. Prevention is better than cure ika nga.

Inayos ko muna ang aking sarili bago kumatok sa kanyang pintuan. "Pasok." Rinig kong saad nya.

I entered her room at nakahanda na pala ang lahat. Ako na lang ang kulang doon. Hindi ko maiwasang maguilty. Nag-effort kasi si Athena.

"Hi, babyloves." Bati ko sa kanya. Saglit lang syang tumingin sa akin. I gulped. Nakakakaba naman.

"I'm sorry." I said nang makalapit ako sa kanya. Nakacrossed arms si Athena habang matamang nakatingin sa akin.

I slowly wrapped my arms on her. She didn't protest at all which is a good thing.

"I admit na nawala sa isip ko kung anong gagawin natin ngayon. I'm really sorry, babyloves. Please forgive me?" I gently plant small kisses on her shoulder. Alam kong weakness nya 'to.

"Okay fine. Apology accepted." She said at ginawaran ako ng isang halik sa aking pisngi. Shet. Kinilig ako bigla.

"Hindi naman kita pinagbabawalan na makipagkita sa friends mo pero sa susunod sana, magpaalam ka sa akin ha." Pangaral sa akin ni Athena. I flashed my sweetest smile to her and nodded as an answer.

"May tanong lang ako." Naintriga ako bigla dahil doon.

"What if you get tired of me? Lalo na sa kamalditahan ko? I'm scared, Xyzrielle." Napakunot-noo naman ako bigla. Hinayaan ko syang ituloy ang kanyang sasabihin.

"I'm scared na baka isang araw, mapapagod ka rin kakaintindi sa akin. And then you'll met someone na mas better. Na-iinsecure ako."

"Don't, babyloves. Stop thinking those things. Uulitin ko lang ang sinabi ko sayo dati. You're the best for me. I'll never get tired understanding you. I know that you're not a perfect person pero tanggap kita. Tanggap ko kung sino ka man." I said while directly looking at her eyes. She softened up.

"I love you. Ikaw lang." And that's the time that her lips crashed into mine. Parehas kaming nakangiti matapos ang aming halik.

"I changed my mind. Bukas na lang tayo manood ng movie. May naisip akong mas magandang gawin ngayon." Athena said. Sumilay ang mapaglarong ngiti sa kanyang labi. Mukhang alam ko na kung ano ang ibig-sabihin non.

In life, you'll meet someone that can change your life forever.

I love her from the beginning and to the end.

Alam kong malayo-layo pa ang lalakbayin naming dalawa but we're trying our best to reach the end together.

I'm Xyzrielle Cameron Collins and I'm head-over-hills with the girl named Athena Louise Sarxel...

and we're both signing off.