Athena's PoV:
Mauti naman at nagkaPoV na rin ang napakagandang si ako, Author. You should do this more often, Miss A at nang ma-expose naman ang Dyosang si Athena.
Anyways, ganto pala ang feeling nang inlove. Hindi mo ma-explain 'yung mga bagay bagay. Parang kang nasa alapaap. Everuthing is magical. Parang sasabog ang puso ko sa saya at kilig. I'm really happy kapag kasama ko si Xyzrielle. Mas masaya pa because she loves me too.
Dapat lang. Tsk. Papatayin ko sya riyan kapag hindi. Just kidding na may half truth.
Papatayin ko sya sa sarap.
Napailing na lang ako sa kawalan. Dapat pala ay matagal ko nang inadmit sa sarili ko na love ko si Xyzrielle. Hindi na sana ako umiyak-iyak pa sa kanya. At hindi na rin sya mahahalikan ng Shane the Snake na 'yon. Argh!
Nag-iinit ang ulo ko sabtuwing naaalala ko kung paano nagdampi ang labi nila. Naiinis ako. Gustong-gusto ko nang kalbuhin ang babaeng iyon.
I heaved a sigh. Relax, Athena. Bawal ang mabad mood. Papangit ka nyan. Sige ka.
Ang sarap ng feeling tuwing kasama ko si Babyloves. The way she hugged and kissed me. Nakakainis! Nakakaaddict kasi.
Sumagi na naman sa aking isipan ang ginawa namin kagabi. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi. Well, we did 'it' finally. At ako pa talaga ang nag-initiate. Gosh.
Napakalantod mo, Self!
Wala sa mukha ni Xyzrielle na magaling sya pagdating sa ganoong sitwasyon. Tama nga sila. Don't judge the book by its cover. Instead make love to her to discover.
Geez. Kung ano-ano na lang pumapasok sa isip ko. Nahahahawa na ata ako ng kalandian ni Stacey.
"Girl, are you okay? Baka mamaya, mapunit na 'yang labi mo kakangiti." Pagtawag-pansin sa akin ni Ella. It's currently our break time at nandito na kami sa aming usual spot. I just rolled my eyes because of what she said.
"Yeah, yeah. I'm okay." I answered but I'm still smiling.
'Bahala ka. Kapag napunit 'yan, hindi mo na makikiss pa ang Babyloves mo.' Pagsabat ng mahadera kong utak.
Che! Shut up, Brain. Stop mo ang pagiging pa-epal mo ha. Hmp!
"Looks like someone is on a good mood today huh?" parinig ni Jared na alam kung ako naman ang pinapataaman nya. Isang matalim ang ibinigay ko sa kanya. Parang natakot naman ito sa aking ginawa. Well good for him.
"Girl, pansin ko lang kanina ha... bakit parang may masakit sayo? Iba kasi ang style ng paglalakad mo ngayon." Ngumisi pa ng nakakaloko si Stacey.
Isa pa ang babaeng ito. I know na may alam sya pagdating sa mga ganong bagay. Mukhang nahanap na rin kasi nya 'yung babaeng naka one night stand nya. At halatang baliw na baliw si Stacey kay Margarette.
Paano ko nalaman?
Paalala lang na may pakpak ang balita. Atsaka, napakadaming chismosa rito. Although hindi pa naman kinoconfirm sa amin 'yon ni Stacey pero halata naman kasi. That Margarette girl is one of Xyzrielle's friends. As long as she's happy then it's okay for us.
"Huh? Wala lang 'yon. Masakit lang ang paa ko kaya ganon ako maglakad." Palusot ko pa. Kailangang hindi ko ipahalata na hindi ako nagsasabi ng totoo sa kanila.
"Sus. Lokohin mo lelang mo, Athena. Nasabi sa amin ni Ella na nakita nya si Xyzrielle na may hickey. Imposible namang gawa ng lamok 'yon. Wag ako ha."
Nasaan na ba 'yung tape ko rito at nang matakpan 'tong bunganga ni Stacey. Walang preno talaga.
"Wala akong alam sa pinagsasabi mo." And rolled my eyes to her. Palibhasa ay may experience na sya pagdating sa ganong bagay.
Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pintuan ng cafeteria. Well as you can see folks, I'm waiting my babyloves.
'Parating na rin 'yun, Athena. Baka late lang nagdismiss ang prof nila.' Pagchecheer up sa akin ni brain.
Nakakapagtaka ka, brain. Marunong ka palang magcheer up sa akin. Hindi puro asar lang.
'Nagbago na pala ang isip ko. Hala ka, baka mamaya ay nakipagkita si Xyzrielle sa Babe nya.' Ayan at naging epal na sya uli.
I mentally rolled my eyes. May tiwala naman ako sa Babyloves ko. Pero sa mga babaeng nagngangalang Shane, wala. Tsk.
Patingin-tingin rin ako sa cellphone ko para malaman kung nagtext ba sya pero wala akong natanggap. Ang huli nitong text ay kagabi pa.
I groaned. Ano bang mayroon at hindi man lang nya ako ininform? Hindi ko maiwasang mag-alala.
Where are you?
Busy ka ba?
Hindi ka ba sasabay sa akin ngayon?
Kumain ka na ba? It's already our break time.
Ilan lang iyan sa mga text ko kay Xyzrielle. I'm really hoping na makakapagreply sya sa akin.
Parang bulang nawala ang masaya kong mood. Nawalan ako bigla ng gana. I finished the food I ordered. Napalinga-linga ako sa paligid. Baka kasi nasa kasama ni Xyzrielle ang friends nya.
Pero wala. Wala sya roon. Hindi ko rin nakita ang Shane na 'yon sa table nila. Mas lalo tuloy nagdiwang ang paepal kong utak dahil may chance na magkasama nga silang dalawa.
Pero stay positive lang, Athena. Malay mo ay nagkataon lang.
Parang gusto ko na lang bumilis ang oras at mag-uwian na agad. Hindi kasi ako makapagfocus sa class. Kahit sabihin pa natin na nakakasagot naman ako if ever some prof calls me.
I'm too pre-occupied kakaisip kay Xyzrielle. Geez. I really love that girl. Kahit na minsan ay may pagkahalaman sya.
Xyzrielle's PoV:
Once na nagdismiss ang last subject namin, agad akong dumiretso sa room ni Athena. Hindi kasi ako nakasabay kanina sa kanya noong break time. May pinagawa kasi si Ma'am Alvarez. Nagpatulong na nga lang ako kay Shane eh. Baka kasi hindi ko matapos 'yun noong break time.
Bakit kasi ako ang inutusan non ni Ma'am? Mabuti na lang talaga at binigyan ako ng pagkain ni Shane. Girl Scout eh. Laging handa. To the rescue palagi.
Parang malalim ang iniisip ni Babyloves. Ano kaya 'yon? Matanong nga mamaya. Inayos ko ang aking tayo nang makitang umalis na ang teacher nila.
"Hi, Babyloves!" Magiliw na bati ko kay Athena nang makalabas sya. Ngunit isang tipid na ngiti lang ang iginawad nya sa akin. Bad mood ata.
"Babyloves, wait lang. Antayin mo naman ako." Tawag ko kay Athena ngunit parang wala syanh narinig dahil tuloy-tuloy lang sya sa paglalakad.
Anong nangyari sa kanya? Kaninang umaga naman ay ang ganda-ganda ng mood nya ah.
"Athena, ako na magdala ng gamit mo." Pag-offer ko sa kanya. Agad na pinukulan nya ako ng matatalim na titig.
Parang umurong tuloy bigla ang lakas ko. I decided na wag na lang muna sya tanungin. Siguro ay mamaya na lang.
I reached for her hand at pinagsaklop ito sa akin. Wala akong narinig na violent reaction mula sa kanya. I think it's okay for her. I smiled because of that.
"Get in." She commanded. Napatingin ako kay Athena dahil sa kanyang utos.
Huh? Saan naman kaya kami pupunta? Akmang magtatanong pa ako nang magsalita syang muli.
"Wag ka nang umangal pa. Pasok sa loob." Mataray nitong saad. Sinunod ko agad ang utos nya. Tutal kalahi ko si Dora the Explorer, I'm up kung saan ang destination namin ngayon.
Sasabihin ko nga kila Erin at Margarette na may bago kaming recruit sa Cutie Explorer. Ayan ang pangalan naming tatlo.
Katahimikan ang namayani sa loob ng kotse. I didn't mind uttering a single word. Mahirap na. Baka mamaya ay bumulagta na lang ako bigla lalo na ngayon na bad mood ang aking Babyloves. May lahi pa naman syang dragon. Rawr~
"Stop staring at me." Athena said. Naramdaman nya siguro na nakatingin lang ako sa kanya. But na-uh. Ayoko nga. Ang cool nya kasing magdrive. Nakakainlove lalo.
"I said, stop staring at me. Tumingin ka na lang dyan sa labas ng magandang view." Ang mga mata nya ay nasa daan pa rin. I shooked my head.
"Ayoko nga. For me, you're the most beautiful view."
I saw how a tint of redness on her cheeks suddenly appeared. Napahagikgik ako sa kanyang reaksyon.
"You—— argh! Manahimik ka na lang dyan." Masungit nitong saad at humalukipkip pa.
Yey!
Xyzrielle won, Athena lose.
After 123456789 minutes...
Hindi ko namalayan na andito na pala kami sa kung saang trip pumunta ni Athena. Busy kasi ako kakatitig sa kanya. Nalaman ko lang nang tumigil na sya sa pagdadrive atsaka lumabas nang hindi man lang ako inaantay.
"Babyloves, wait for me." Nakanguso kong saad pero nagtuloy-tuloy lang sya sa paglalakad.
Hmp! Pasalamat talaga 'tong si Athena na lab ko sya. Kung hindi, nako!
Ang sarap paulanan ng ano eh...
ng halik.
Napakaharot mo talaga, Xyzrielle! Jusko po. Wag na wag kang magbabago ha. Ituloy mo lang 'yan.
Hindi ko napansin na nandito pala kami sa bahay—— err, mansion nila. Nakasunod lang ako kay Athena papasok. Hindi ko alam kung mabagal lang ba ako o mabilis lang talaga syang maglakad dahil nasa ikalawang palapag na sya kaagad habang ako ay nasa unang baitang palang ng hagdanan nila.
Nakarinig ako ng langitngit ng pintuan. Ibig sabihin noon ay nakarating na kaagad sya ng kanyang kwarto. Gosh. Siguro ay nagteleport sya.
I decided to knocked on her door when I reached her room kahit na hinihingal pa ako. Naka-ilang katok na ako pero hindi nya pa rin binubuksan.
Pinihit ko ang door knob at nalamang bukas pala ito.
Great! (insert sarcasm)
She did it on purpose, Xyzrielle dahil alam nyang nasa likod ka lang nya. Ang tanga ko. Aish.
Pagkabukas ko nang pintuan ay halos mapanganga ako sa aking nasaksihan.
Well, she's currently changing her clothes!
Nagsalubong ang aming mga mata. Kinabahan ako bigla kaya agad akong tumalikod. I coveres my eyes using my hands.. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi.
Hindi ko pa rin maiwasang humanga sa katawan ni Athena kahit na may nangyari na sa amin. Gosh. Erase, erase, erase. Wag mo nang isipin pa 'yon.
"I'm done. Pwede ka nang humarap." Whoo! Mabuti naman. Dahan-dahan kong ibinaba ang aking mga kamay at nakaayos na nga sya.
"Babyloves, sorry. Promise, hindi ko nakita 'yung kulay pula mong bra." Napasapo ako sa aking noo nang marealize ko ang sinabi ko.
Estupida, Xyzrielle! Isang masamang tingin ang ipinukol nito sa akin and I just gave her my sweetest smile. Parang kumalma sya bigla. Yey!
"Come here." At tinapik-tapik ang kanyang tabi. She's currently sitting on her bed. Hindi ako nagdalawang-isip na sundin sya.
"Nasaan ka nung break time?" Tanong nito sa akin. I guess, nagsisimula na ang interrogation session ko withe Detective Athena. I cleared my throat first before answering.
"Ahm... may pinagawa lang sa akin 'yung teacher ko." Pag-eexplain ko. She's eyeing me intently na parang tinatantya kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi.
"The whole time? Ayon ang ginagawa mo?" Nakataas-kilay nitong tanong. Mukhang hindi nga sya naniniwala.
"Opo, Babyloves. Ang dami nga eh. Feeling ko kapag mag-isa lang ako ,hindi ko mayang tapusin 'yon."
"Wait. What do you mean by that? May kasama ka? Sino?" Tuloy-tuloy nitong tanong. Magkasalubong na ngayon ang dalawa nyang kilay.
"Si Shane an---"
"What?!" Napatayo sya bigla dahil sa gulat. Grabe naman ang reaction ni Babyloves.
"Kasama mo ang Snake na yon?!" Galit nitong tanong. I gulped because of that.
"Uhm... yeah. Atsaka, binigyan nya rin ako ng pagkain kani--" Hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko when she suddenly slammes the nearest table. Napaigtad ako sa gulat.
"I'm gonna kill that bitch?!" Halata ang panggigigil sa tono ng kanyang boses. Hindi ako mapakali sa aking pwesto. Nabaling ang kanyang tingin sa akin.
"She's clearly flirting on you! At ikaw, nagpapalandi ka naman!" She keeps on pointing me. Parang nag-aapoy sa galit ang kanyang mata.
"Magkaibigan lang naman kami, Babyloves." Mahinahon kong saad.
"Magkaibigan? Baka magka-ibigan." Ramdam na ramdam ko ang pagkasarcastic sa tono ng kanyang boses.
"Nanggagalaiti ako sa babaeng 'yon!" I saw how her jaw clenched. Halatang galit na nga sya. Hindi ko maiwasang kabahan.
"A-Athena, calm down..."
"What did you just called me?" Naniningkit ang mga mata nitong tanong. Uh-oh. Huli na nang marealize ko ang sinabi ko.
"Ah... eh... Babyloves."
"No. Hindi 'yon ang narinig ko." Napakadilim ng kanyang aura. Parang any minute ay kakain na sya ng tao. So scary.
Nag isip-isip ako kung paano ko mapapabago ang kanyang mood. Hmmm... Ano kaya?
"I love you" I blurted out of nowhere. Nakita ko kung paano sya natigilan. Parang naestatwa sya sa kanyang kinalalagyan.
Lihim akong napangisi. Ito pala ang magic word na kailangang sabihin. Agad ko syang hinapit papunta sa akin. Napaupo si Athena sa aking kandungan.
"I love you, Babyloves." Marahang dinampian ko ng isang halik ang kanyang labi. Wala pa rin syang reaksyon.
"Aish. Salubong na naman ang kilay mo. Dibale, cute ka pa rin naman sa paningin ko." I quickly earned a smack from her.
"Hindi ako cute because I'm freaking gorgeous."
"Sige na nga, pagbibigyan na kita." I chuckled after saying that.
"Sorry." We both said.
"Sorry kung hindi ako nakapagpaalam sayo kanina. Hindi rin ako nakapagtext sayo. Nalowbat kasi ang cellphone ko." Pag-eexplain ko. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.
"Sorry din, babyloves kung ganon ang reaksyon ko kanina." I smiled widely. Malaki na talaga ang pinagbago ni Athena. Marunong na syang humingi ng sorry.
In just a blink of eye, I just found out that we're now kissing each other. She pulled my nape to deepen our kiss while I'm sucking her tongue. Nagtagal ng ilang minuto ang halikan namin.
"You're mine and mine alone, Xyzrielle! Tandaan mo 'yan!" She said after our kiss ended.
"Opo, Babyloves. Syempre, sa akin ka lang. Ataka ikaw lang naman 'yung lab ko. "
She hissed. "Dapat lang. Wag na wag ko lang talagang malaman-laman na may babae ka dahil kung hindi, paniguradong hindi mo magugustuhan ang anong gagawin ko sa inyo!"
_____//_____
Ilang linggo na rin ang lumipas at going strong pa rin kaming dalawa ni Athena. We're out na sa school katulad nila Margarette at Stacey. Gulat kayo noh?
Well, inlababo sila sa isa't isa kaya chereenn! They're finally official na.
"Hala. Tapos na kaagad? Ang bilis naman. Bitin." Nagmamaktol si Athena habang nakatingin sa TV.
Today is Friday at nandito sya ngayon sa apartment ko. Dito sya natutulog tuwing Friday. Yep. Ganito na po ang ganap namin. Samantalang tuwing Wednesday naman ay sa kanila ako natutulog.
Marami na akong nalalaman tungkol kay Athena. Pero hindi ko pa rin nakikita ang parents nya tuwing natutulog ako sa kanila. Marahil ay busy ang mga 'yon.
Napangang a ako nang maramdamang bigla na lang syang umupo sa aking kandungan.
"Babyloves." She called me. Napakalambing sa pandinig. Isa rin ito sa nalaman ko sa kanya. She's a fan of physical contact. She loves it whenever I hug her and many more.
Himala. Parang ang lambing nya ata ngayon. Masungit pa rin naman sya pero nabawasan naman ng mga 0.000001% percent.
"Hmmm... bakit?" I asked while gently stroking her hair. Napakagat-labi sya.
"Parang matagal-tagal na rin pala noong last time na nagmake love tayo." She said. Inilapit nya ang kanyang sarili sa akin. I can smell her addictive scent. So sexy.
But Athena's right. Matagal na rin pala noong huli naming ginawa 'yon.
"What if we did it again? What can you say?" Nang-aakit anh kanyang boses. Her voice, it's so sexy. Gosh. It's turning me on.
"Make love to me again, Babyloves"
"Are you sure?" Paninigurado ko sa kanya.
"Freaking yes!" And pulled me for a kiss.
We kissed and sucked each other's lips. Nang matapos na ay unti-unting bumaba ang aking halik. Ramdam na ramdam ko nag namumuong tensyon sa pagitan naming dalawa.
Akmang tatangalin ko na ang hook ng kanyang bra nang biglang...
*Ding Dong*
"Don't mind it. Naka nagpaprank lang." Athena said. Napatango-tango ako.
*Ding dong*
*Ding dong*
"Stay here, babyloves" I said. Mukhang may gusto talagang kumausap sa akin.
"Argh! Panira naman oh!" Rinig kong turan ni Athena matapos kong lumabas ng kwarto. I giggled. Ganto pala sya kapaag nabibitin.
Agad kong binuksan ang pintuan para malaman kung sino ang nang-istorbo sa amin. Isang lalaking nasa late 40s ang aking sumalubony sa akin. Hindi ako magaling sa edad. Mahahalata mo pa rin ang kakisigan nyang taglay.
Hindi sya pamilyar sa akin. Pero parang kamukha ko sya?
"Sino po sila?" Magalang kong tanong. Ngunit isang mahigpit na yakap ang isinagot nito sa akin. Hindi kagaad ako nakareact dahil doon.
"Anak, mauti naman at nahanap na rin kita sa wakas." Parang naiiyak nitong turan. His voice is a littlw bit shaky. Nagbawi sya matapos nya akong yakapin.
Hindi ko maiwasang maguluhan. Huh? Anak? Ano bang tinutukoy nya?
"Nagkakamali po ata kayo, Sir." Saad ko ngunit umiling lamang sya sa akin.
"No. Hindi ako nagkakamali. You're Xyzrielle Cameron Garcel right? At iyang necklace mo na 'yan ay ang palatandaan ng nawawala kong anak." Napahawak ako bigla sa tinutukoy nya. Iyon nga ang sabi sa akin ng mga Madre na nag-ampon sa akin.
The man heaved a sigh. "Anak, I'm your true father."
"Po? Pano naman po kayo nakakasigurado?" Tanong ko pa dahil hindi ako makapaniwala. I'm really surprised right now.
"Do you know Richard? Shane's dad? He's one of my friend at alam nya ang tungkol sa nawawala kong anak at ang palatandaan nito. Tumawag sya sa akin na there's someone na mayroong ganoong pendant na nagdinner sa kanila." He explained.
"PinaDNA ka na rin namin, Anak. Sorry knt walang consent. We used the spoon na ginamit mo at nakakuha si Jane which is Shane's Mom ng buhok mo when she hugged you."
Wow. I'm completely speechless. Hindi ko ma-explain kung anong nararamdaman ko ngayon. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Parang napunan ang pangungulila sa aking dibdib.
I didn't think twice and hugged him. He hugged me back. Ramdam ko ang tinawag nilang lukso ng dugo.
"Pasok po kayo." Pag-aya ko sa kanya.
"Salamat, Anak. Ako nga pala si Xian Collins. If you're wondering kung bakit hindi Garcel ang apelyido ko, it's because that is your Mom's surname nung dalaga pa sya." Now, I know.
Nagkwentuhan lang kami at naikwento ko sa kanya ang ilang pangyayari sa buhay ko. Panay ang hingi ng tawad ni *ehem* Dad dahil iniwan nya ako sa bahay-ampunan. Kailangan daw kasi para maging ligtas ako laban sa mga kalaban nya sa business world.
Patuloy lang kami sa pagkukwentuhan nang isang tao ang lumabas mula sa aking kwarto.
"Babyloves, hindi mo na ako binalikan. Nabitin tuloy ako." Nakasimangot na turan ni Athena. Nakita kong napatingin si Dad sa kanya.
"Sino sya, anak?" Tanong ni Dad sa akin. Parang kinabahan ako bigla. Whoo! I can do this.
"Dad, si Athena po pala, girlfriend ko. Athena, si Dad." Pagpapakilala ko sa kanila. Umupo sa tabi ko si Athena at hinawakan pa talaga ang kamay ko. Nakita ko kung paano kumunot ang noo ni Dad.
"Okay lang naman ako sa reaksyon nyo mga, Iha. Pero Xyzrielle, ang sabi ni Richard ay girlfriend mo ang anak nya na si Shane? Two-timer ka ba anak?" Dad asked. Naramdaman ko kung paano humigpit ang pagkakahawak ni Athena sa aking kamay.
"Hindi po! Si Athena po talaga ang totoong girlfriend ko. Parang acting lang po 'yung sa amin ni Shane." Agad kong sagot.
"Ah... ganon ba." Dad nodded his head. Suddenly, may nagtext sa kanya.
"Anak, I gotta go. My something lang sa company. I hope na makalipat ka na agad sa bahay natin. Gusto ka nang mameet ng Mom at kapatid mo. And Athena, you're a lovely lady. Bagay na bagay kayong dalawa ng anak ko." Ayan ang huli nyang sinabi bago nagpaalam sa akin ng tuluyan. He kissed me on ny cheeks.
"Babyloves?" She called me. I hummed as a response.
"Tara. May pupuntahan tayo." Pag-aya nya sa akin. Hindi na ako nagtanong pa kung saan. Nagpalit ako ng damit atsaka sumama sa kanya.
We're now on her car nang maisipan kong magtanong.
"Uhm... Babyloves, saan tayo mag-eexplore ngayon?"
"Sa bahay namin uli. Ipapakilala na kita kila Mom and Dad."