webnovel

Chapter 20

HINDI alam ni Alex ano ang gagawin.

"Alex,hindi mo ba ako papasukin?" ulit na tanong ng kaharap nang hindi siya makapagsalita.

"Alex?"

Saka lamang siya natauhan.

Agad agad niya itong pinapasok.

"Wala ka sa sarili mo." puna ni Nicole. "Pagkatapos mo mag message kanina na di ka papasok, i was worried napaano ka na. Everything is okay?"

"Yeah. Everything's fine. Nagulat lang ako sa bigla mong pagdating. Hindi ka kasi nag text man lang."

"I wanted to surprise you."

Pumasok sila sa loob ng bahay. Sa dining room niya ito dinala.

"Nikki", anang ina nang makita sila. Marahil ay para ipaalam kay Toni kung sino ang bisita nila.

Lumingon sa kanila si Toni.

Napatingin ito sa katabi niya.

"Hi Tita. Hi Tito. "

Humalik sa pisngi ng mga magulang niya si Nicole.

Lumapit ito kay Toni at tumayo naman ang huli.

"I'm Nicole but you can call me Nikki. You must be Toni?"

Tumango ang dalaga.

Nahihiyang tinanggap nito ang palad na inabot ni Nicole.

"It's so nice to finally meet you." ani Nicole.

"Me too." matipid na sagot ni Toni.

"Nicole, do you want to join us for dinner?" tanong ni Mrs de Guzman.

"No Tita. Thank you po. Napadaan lang naman ako dito."

"Sa sala muna tayo." ani Alex dahil ang akward na nasa dining room sila.

Nagulat siya ng hilahin ni Nicole si Toni.

"I have something to ask you Ton." anito ngunit nakangiti.

Nagpahila naman si Toni rito palabas sa sala.

Sumunod si Alex.

"Nasabi naba sayo ni Alex about my birthday sa Sunday?" tanong nito sa dalaga.

Tumango si Toni.

"So, anong desisyon mo? Please, tell me you said Yes. I really want to have you with us. You and DJ Trish."

Hindi mapigilan ni Toni ang di mapangiti.

Nicole is such a nice and sweet person.

She can't dislike her.

This woman in front of her is not what she imagined she would be.

Kaya tumango siya.

"Yes. I would love too." aniya.

Tuwang tuwa naman si Nicole.

Niyakap pa siya nito sa sobrang tuwa.

Hindi naman inasahan ni Alex na ganun kaopen agad si Nicole kay Toni.

Hindi na rin naiilang si Toni rito.

Nagpaalam din ito agad sa kanilang lahat at nagbilin na magkita kita na lamang sila sa Tagaytay sa susunod na araw.

Pagkaalis nito, kinausap ni Alex si Toni.

"Okey lang ba sayo?" tanong niya rito.

"I liker her. She seems very nice and sweet."

"But how about you?"

"Its okay Alex."

Pero hindi parin siya komportable.

Marahil ay kakausapin na niya si Nicole sa sunday.

Sa mismong araw ng kaarawan nito?

Hindi naman yata magandang pagkakataon yun.

Napabuntung hininga siya.

Sana walang mangyayaring di kaaya aya sa pupuntahan nila.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

MAKALIPAS ang mahigit isang oras, dumating sila sa isang beach resort na nirentahan ni Nicole para sa kaarawan nito.

Sinalubong sila ni Nicole sa entrance palang.

Agad itong humalik sa pisngi ni Alex na iniwasang tingnan ni Toni.

"Happy birthday." bati niya rito.

"Thank you hon."

Nagpasalamat si Alex dahil sa pisngi niya lamang ito humalik.

Niyakap naman nito si Toni.

"I'm glad you could make it." anito.

Ngumiti si Toni, at bumati rin rito.

Ipinakilala nila si Trisha rito at Aaron na hindi nagpaiwan.

Tuwang tuwa na naman si Nicole nang makilala na si Dj Trish.

Parang nakahanap ito ng mga bagong kaibigan.

Ito mismo ang nagturo sa kanila sa mga cottage house na nakahanda na para sa kanila. Si Trisha at Aaron ay nasa iisang cottage lang. Magkatabi naman ang cottage nila ni Toni.

"Meet me sa lobby mamaya guys. Nasa loob kasi ang buffet lunch." ani Nicole.

Halos sabay silang umuo rito.

Nang iwan na sila nito,unang nagsalita si Trisha.

"Alex, mabait si Nicole at friendly. Pero parang magbestfriend lang kayo at hindi magsyota."puna nito.

"Oo nga." sang ayon naman ni Aaron.

"Ganyan talaga kami. Hindi kami ganun ka sweet sa isa't isa." aniya.

Tumingin siya kay Toni. Tahimik lamang ito.

.

.

.

.

.

.

Nagkanya kanya na sila ng check sa mga cottage nila.

Namangha naman si Alex dahil hindi lang normal cottage ang sa loob.

Parang hotel room lang.

May malaking kama sa gitna, at  wala man lang harang ang banyo sa bandang kanan ng kwarto na may malaking bath tub.

May sofa at tv, may ref at mini kitchen sa kaliwa.

Isang set ng table and chairs.

She feels at home.

Sana okey lang si Toni sa sariling cottage nito.

Kinuha niya ang phone at nagsend ng text nessage rito.

"Do u like ur place?"

Matagal bago ito sumagot.

"Yes."

"Magsa shower lang ako at magbibihis. I will be there after that."

"Ok"

Parang hindi okey ang dalaga.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Twenty minutes later, kumakatok na si Alex sa pintuan ng cottage nito.

Nang buksan nito ang pinto, nakabihis na rin ito.

She's wearing a floral maxi dress.

Napatingin siya sa nakalantad nitong hita dahil sa mahabang slit ng damit pataas sa dibdib nito.

Kalahati na yata ng dibdib nito ang nakikita niya.

Tiningnan lamang siya nito at para bang sinadya pang biglain siya nang ipakita nito ang nakalantad na likod.

"You need to change."

"Why?" kunot noong tanong nito.

"Pagtitinginan ka ng mga lalaki."

"Huwag kang o.a Alex ha. Nasa beach tayo, alangan namang magtatakip ako ng kumot. Paano nalang kung mag to- two piece ako mamaya."

"Mas hindi ka lalabas ng cottage."

Hinampas siya nito sa braso.

"Halika ka na at baka malate pa tayo. Huwag kang parang selos na selos na boyfriend diyan. Birthday ngayon ng girlfriend mo. You have to behave."

Hindi niya alam kung maiinis siya sa sinabi nito.

Pero tama naman ito.

Sumabay na sa kanila sina Trisha at Aaron.

Tama namang dumating sa lobby si Nicole nang pumasok sila.

Ngumiti ito agad at may mga kasama itong tatlong babae. Ang mga kaibigan nito.

"Hi guys, meet my three bestfriends." excited na wika nito.

Nameet na niya ang tatlo. Sina Loisa, Patricia at Liza, mga kaibigan nito mula pagkabata.

Nagpakilala ang mga ito sa isat isa. Saka bumaling sa kania at niyakap siya.

"How are you Alex?" tanong ni Liza.

"Good. How about you?"

"Fabulous as always."

Tumawa siya.

Pumasok na sila sa isang function hall.

Madami rin pala ang mga bisita ni Nicole. Mga ka opisina nila,halos nandon.

Mga kilalang celebrities, imbetado din.

Mga  singers na under sa kompanya, halos nandon lahat.

Napatingin si Alex kay Toni nang bigla itong napahawak sa braso niya.

Bakas sa mukha nito ang pag aalala. At takot?

Wala na sa mukha nito ang confidence na pinakita nito sa kaniya kanina lang.

Kumalas ito sa pagkakahawak sa braso niya at tila wala sa sariling niyakap ang sarili habang nakatingin sa loob na maraming tao.

Naiwan na sila ng grupo sa entrance ng malawak na function hall.

Hinawakan niya ito sa kamay.

"Whats wrong?" nag aalalang tanong niya rito.

"I didn't expect there's a lot of people here." anito na nasa boses ang takot.

"Sorry kung di ko nasabi. But Nicole came from a wealthy family. Kaya.marami rin siyang mga bisita. "

Tumingin uli ito sa paligid.

"Let's go out muna." aniya at inalalayan ito.palabas.

Hindi niya alam kung bakit ganito ang reaksyon ni Toni.

May phobia ba ito sa maraming tao?

.

.

.

.