Sumilip sa bintana si Alex. Mula sa kinatatayuan, nasisilip niya ang pamilyang bagong lipat sa katapat na bahay.
Ang atensyon niya ay nakatuon lamang sa batang babae na nakaupo sa damuhan habang nakamasid sa mga magulang nito na abala sa pagbubuhat ng mga kahon - kahong gamit.
Nakatali ang kulay itim nitong buhok at nakasuot ng pink na blouse at jeans na short. Hindi niya masyadong kita ang kabuuan ng mukha nito, pero alam niyang maganda ito.
Hindi na niya namalayan kung ilang minuto na siyang nakatitig dito, dahil tila may kung anong bahagi ng pagkatao niya ang humihila patungo sa bagong kapitbahay.
"Alex, bumaba ka muna. Let us say hello sa bago nating kapitbahay."
Sa narinig na sinabi ng ina, wala siyang sinayang na segundo, dali - dali siyang lumabas ng kwarto at bumaba sa sala.
"Aba, excited ang baby kong makilala ang bagong neighbour ah",tukso ng ina pagkababa niya.
"Ma, huwag niyo akong tawaging baby lalo na pag kaharap sila. Hindi na ako bata".
Tumawa ang ina.
"Sorry anak, nakalimutan ko. Halika na".
Lumabas sila ng bahay, patungo sa gate at lumapit sa gate ng kapitbahay na naiwang nakabukas. Nasa tapat pa nito ang truck na naghakot ng mga gamit ng mga ito.
"Hello!".
Tama namang nasa labas pa ang babae na kaedad lang din ng ina.
"Hi", ganting bati nito sa kanyang ina. Lumapit ito sa kanila.
Siya naman ay nakatingin na sa batang babae na nakatingin rin sa kanya.
Ngumiti siya rito.
At laking tuwa niya nang ngumiti rin ito at kumaway pa.
Hindi na niya pinansin ang ina na abala sa pakipagkilala sa ginang.
Tumayo ang batang babae mula sa pagkakaupo at lumapit sa kanila.
"Antoinette, say 'Hi' please".
Ngumiti ito at sa napakacute na boses, nagsabi ng Hi sa mama niya at huli ay sa kanya.
"Ito naman si Alexa,"anang ina.
"Alex nalang po",dugtong agad niya.
"Toni",sagot rin ni Antoinette.
Ngumiti si Alex.
"Ilang taon ka na?"tanong niya rito.
"Six".
"Eight naman ako",aniya.
"Tatawagin ba kitang Ate?".
Tumawa siya na ikinagulat naman nito.
"Alex nalang, ok lang ba?"
Ngumiti ito at tumango...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
.............................................
.........
............
Napatingin si Toni sa iniabot ni Alex sa kaniya.
"Ano yan?" tanong niya.
"Bulaklak, para sayo".
"Hmm, bakit mo ako binibigyan ng bulaklak?" tanong na naman niya.
"Wala lang. Ayaw mo ba? Ibibigay ko nalang sa iba".
Bago pa tumalikod ang kaibigan, pinigilan niya agad ito at kinuha mula rito ang isang pulang gumamela.
Inipit niya yun sa likod ng tenga at tumingin rito.
"Bagay ba?"
Abot tenga ang ngiti nito sa kanya.
"Bagay na bagay",anito.
"Alam mo bang madalas na akong tinutukso sa school dahil sayo?".
Gulat itong napatingin sa kanya.
"Dahil sa akin? Bakit naman?".
"Kasi po alam nila na lesbian ka. Lagi tayong magkasama, kaya akala nila may gusto tayo sa isa't isa".
"Magbestfriend tayo diba? Yun ang dahilan kaya tayo magkasama lagi. At tingnan mo naman, magkapitbahay pa tayo".
"I know",aniya.
Itinuturing niyang bestfriend si Alex. Since lumipat sila ng bahay, ito na ang naging malapit sa kaniya. Kahit minsan natutukso na siya ng iba dahil nga sa hindi itinatago nitong pagkatao; ang pagiging lesbian nito.
Hindi naman niya ikinakahiya ang kaibigan. Naiilang lang siya sa panunukso ng iba.
"Gagraduate ka na, magkakasama na tayo sa high school",anito mayamaya.
"Excited ako na kinakabahan",pag-amin niya.
"Don't worry, iisang high school na tayo kaya lagi mo akong kasangga. Hindi kita pababayaan".
Napangiti siya. Humilig siya sa balikat nito.
"Thank you Alex".
"I will always be here for you Toni. Because i care for you".
"Me too. Pangako ko rin na you will always be my bestfriend".
Kung tumingin lang siya sa mukha nito,nakita niya sana ang pag-iba ng mukha nito sa sinabi niya. Nakita niya sana ang sakit na naramdaman nito sa huling katanggang binanggit niya.
Napatingin siya sa ina nang lumabas ito ng bahay.
"Dinner time hun",
"Coming mom".
Tumayo siya.
"See you tomorrow Alex",aniya sa kaibigan na tumayo na rin.
"See you tomorrow Toni".
...
...
...
...
...
...
..........................................................................................
............
..................
.....................
...
...
...
...
......
.........
............
...............
"I can't wait to be in College".
Tumawa si Toni habang umiiling.
"You look good Alex. Bagay sayo ang palda. Hindi ka naman pwedeng magpants sa school since babae ka pa. Two more years nalang at hindi ka na magsusuot ng uniform".
"Naiilang tuloy ako dahil lagi mo na akong makikitang nakapalda".
Inayos nito uli ang uniform.
"Alex, kahit anong gawin mong pagbaliktad diyan sa uniform mo hindi yan magiging pantalon anak",ani Mrs. De Guzman nang lapitan sila.
"Bagay naman sa kaniya, right Tita Mabel?".
Tumango ang ginang na ikinainis lalo ni Alex.
"You look lovely by the way Toni. Segurado ako na marami- rami rin ang magiging manliligaw mo".
Lalong umasim ang mukha ni Alex na hindi nakaligtas sa mga mata ng ina.
"Bata pa po ako Tita Mabel. Hindi pa po pwedeng magpaligaw."
Nakahinga naman ng maluwang si Alex sa narinig.
"Tama yan hija. Alex, lets go na. Ihahatid ko na kayo sa school".
...
...
...
...
...
...................................................
.........
......
For Toni, high school was fun. Nagkaroon agad siya ng mga kaibigan first day palang ng school.
Ngunit may isang bagay na hindi niya gusto.
Alex being popular in school.
Hindi niya alam yun. Alam niyang kumakanta ito, pero hindi ang pagiging kilala nito sa eskwela.
Akala niya, dahil lesbian ito, hindi ito maging center of attraction. Pero mali siya, dahil marami sa school nila ang may crush rito, lalo na mga babae.
Napatunayan niya yun sa canteen nang lapitan ito ng mga babae.
At nagseselos siya.
Dahil hindi sa kaniya nakatuon lahat ng atensyon nito, marami rin ang may gustong mapalapit rito.