GULAT na gulat si Mrs. de Guzman nang biglang dumating si Alex sa bahay nila.
Kitang kita nito ang bakas ng takot at pangamba sa mukha ng anak.
Hindi mapakali si Alex.
Sinusundan siya ng tingin ng ina habang palakad lakad siya sa sala.
May pagkakataong itaas niya ang mga kamay ,ihampas sa hangin, ilagay sa beywang, ilagay sa mukha. Nahihilo na kakatingin sa ginagawa niya ang ina.
Kinakabahan siya.
Natatakot.
What will happen kapag makaharap niyang muli si Toni.
Twelve years.
Twelve fucking years.
She really don't have any idea how to react in front of her,or what she should do.
"Shit!."
"Language Alex."
Napahinto siya.
"Sorry Mom", pag sorry niya bago palakad lakad uli.
"Alam mo anak, nakarating ka na sana ng divisoria sa kakalakad mo dito sa loob ng living room. At makakaabot ka na nang Mall of asia kung di kapa titigil.
Maupo ka kaya muna at pag usapan natin kung anuman yang bumabagabag sayo ngauon."
Sumunod siya sa ina. Naupo siya sa tabi nito. Pero hindi siya nagsalita agad.
Ilang minutong katahimikan.
Hinayaan din siya ng ina.
"Toni is back", aniya pagkakuwan.
"I know. Dumalaw siya rito pagkarating niya galing airport".
Nanlaki ang mga matang napatingin siya sa ina.
"Hindi niyo man lang sinabi sa akin?"
"I thought mas mabuting siya ang susurpresa sayo kaya di kita tinawagan or itext para sabihing umuwi na siya. Ano ba kasi ang nangyari at ganyan ka nalang mag drama ngayon?", paliwanag ng ina.
Napabuntung hininga si Alex.
"Kung di ko pa siya narinig sa programa sa radyo ng dati naming kaibigan, hindi ko malalaman na umuwi na pala siya," aniya.
"Hay naku anak,antayin mo nalang na makauwi siya para makapag usap kayo ng maayos. Teka lang at sisilipin ko kung nakauwi na sila".
Iniwan siya saglit ng ina sa sala. Lumabas ito sa terrace para silipin kung nkabukas na ang ilaw sa kabilang bahay.
Bigla siyang napatayo sa kinauupuan nang marinig ang sigaw ng ina.
"Alex, i think nakauwi na sila".
Ngunit hindi siya makagalaw. Nanatili siyang nakatayo.
"Alex."
Binalikan siya ng ina.
Napailing ito ng makita siya.
"Sasamahan na kita kung gusto mo".
Umiling siya.
"I think i can manage na Mom",pag sisinungaling niya.
Tumango ang ina ngunit hinila siya nito para makalabas na siya ng bahay.
"Go anak".anang ina bago nito isinara ang pinto.
Pakiramdam niya ang bigat bigat ng mga paa niya habang naglalakad palabas ng gate.
Basang basa na ang mga palad niya sa pawis sa sobrang kaba at takot.
Or pananabik?
No.
Bakit siya mananabik kung ang babae mismo ang unang nakalimot sa kanilang dalawa.
Baka dahil ito sa galit.
Inis.
Tampo.
Marahil dahil don.
Nasa tapat na siya ng gate sa kabilang bahay nang bumukas ito.
"Alex", tawag sa kania ng babaeng lumabas ng gate.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.