webnovel

UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog)

Welcome sa panahon na kung saan makikipaglaban ka sa mga naglalakad na patay at mga kapwa mo buhay para lang makasurvive. UNDEAD: Dawn of the Damned 1 Your zombie apocalypse story with a twist. Horror, Romance, Comedy, Adventure, Action in one. Book 1 of Dawn of the Damned series.

hoarderelle · 灵异恐怖
分數不夠
115 Chs

Chapter 81

Crissa Harris' POV

"A-ayaw ko po niyan. H-hindi niyo na po ulit ako mapapakain niyan.."

Boses ng batang lalaki yun ha? Pero wala namang batang lalaki sa grupo namin.

Kahit ayaw pang dumilat ng mga mata ko, pinilit ko pa rin dahil naramdaman ko ang sobrang pagkangalay ng likod at mga binti ko. Nakatulog kasi akong nakaupo at naka sandal lang.

Napagtanto kong gabi na base sa dilim ng paligid sa labas at dahil na rin sa isang kulay kahel na lang na ilaw ang nagbibigay liwanag sa loob nitong tree house.

Nang ipukol ko ang paningin ko sa pwesto ni Harriette sa kanan, nanlumo agad ako sa nakita ko. Kung hindi lamang may sumapong palad sa bibig ko, tiyak din ay napahiyaw na ako sa sobrang pagkagulat sa nasaksihan ng mga mata ko.

"Wag kang gagawa ng kahit na anong ingay kung ayaw mong magaya diyan sa kasama mo." nangingilid ang luha ko na tumingin sa kaliwa ko kung san nanggaling yung kamay na tumakip sa bibig ko.

I-ito yung tatay nung bata.

"Tibayan mo ang loob mo. At sa ngayon, magpanggap ka lang munang tulog." bulong niya ulit sakin.

Pero hindi ko sinunod yung utos niya at ibinaling ko lang ulit kay Harriette ang paningin ko.

Kaparehas namin nung tatay nung bata, nakaupo at nakasandal din siya sa kahoy na dingding. Yun nga lang, wala siyang malay. Hindi pa rin siya nagigising. At yung h-hita niya, ni hindi ko magawang tignan sa sobrang panlulumo; may napalaking hiwa o uka doon na parang may sumadyang tumapyas ng laman niya. At u-umaagwasa ang napakaraming dugo doon. Kitang-kita ko rin ang pamumutla ng mukha niya dahil na rin siguro sa dami ng dugo na nawala sa kaniya.

Tuluyan nang tumulo ang luha ko.

Ano itong lugar na napuntahan namin? Yung mga armas at ibang gamit namin, bakit nawawala? Paano namin ipagtatanggol ang mga sarili namin? Paano kami makakatakas dito?

At itong mga taong to? Ano ba sila?

"Ayan na sila hija, magpanggap ka munang tulog, magtiwala ka sa akin." nakikiusap na bulong sa akin nung lalaki sa tabi ko.

Hindi ko pa sana gagawin ang sinasabi niya kung hindi ko lang nakita sa kurtina ang isang anino na papalapit sa amin.

Mabilis kong pinunasan ang luha ko at agad akong nagpanggap na tulog.

"Tignan mo bata. Sariwang-sariwa yang laman na iyan. Tapos, tatanggihan mo ha? Tatanggihan mo!?" sigaw ng matandang babae.

"H-hindi po ako kakain niyan! H-hindi po! Ayaw ko n-niyan!" sigaw din ng bata. Naririnig ko na parang nagpupumiglas pa ito.

"Ah, ayaw mo!? Bakit, anong parte ba gusto mo? Puso? Ah, puso! Ayaw mo ng hita! Dahil laman-loob ang gusto mo. Sige, maghintay ka diyan at kukunin ko ang mga gagamitin ko."

Hindi ko alam kung paano ako magrereact dahil sa mga narinig ko. Kumakain ng tao itong dalawang matanda na ito? At yung sinasabi nung matandang babae na sariwang laman, ay yung, ay y-yung laman na mula sa hita ni Harriette?

Hindi ko na naman napigilan at tumulo na naman ang luha ko. Sinong tutulong samin ngayon para makaalis dito? Nasaan si Christian? Ilang oras na kaming nakatulog ni Harriette dito. Bakit wala pa siya? Bakit hindi niya pa rin kami pinupuntahan dito? Ano nang nangyari sa kaniya?

"A-ate please, wag kang umiyak. Tumakas na kayo habang nasa ibaba pa yung matandang babae." naramdaman ko ang mainit na kamay nung batang lalaki na yumuyugyog sa balikat ko.

Idinilat ko ang mata ko at nakita ko nalang siya na kumuha ng isang kutsilyo na nakadikit sa ilalim nung papag.

"Anak, kuhanin mo pa yung isa at ibigay mo sakin. Kalagan mo yung isa pang babae. Dali." rinig kong utos nung lalaking nasa kaliwa ko.

Napatingin ako sa lalaki. Namumutla rin siya katulad ni Harriette. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya, isang mapait na ngiti na lang ang ibinigay niya sakin.

"Wala na tayong oras hija. Gawin mo na ang lahat ng makakaya mo para makaligtas kayo ng kasama mo." kinuha niya yung kutsilyo at kinalag yung nakatali sa kamay ko. "At pakiusap ko lang, isama ninyo ang anak ko. Iligtas niyo rin siya." bulong niya sakin at hindi nakaligtas sa tainga ko yung mahinang paghikbi niya.

"C-crissa.." napabaling ako nang marinig ko yung dumadaing na boses ni Harriette.

"Harriette.." tumulo na naman ang luha ko nung makita ko yung kalagayan niya.

Pero imbes na panghinaan lalo ako ng loob, pinilit kong magpakatatag pa para magawa kong mailigtas siya pati na rin tong mag-ama. Kailangang pare-parehas kaming makaalis dito ng ligtas. Walang maiiwan.

Humarap ako sa lalaki at sabay nagsalita siya. "Dalian niyo na, hija. Yung mga armas ninyo, siguradong naitago na nung dalawang matanda sa kubo sa ibaba. Pero ito, kuhanin mo ito." inilagay niya sa palad ko yung kutsilyo.

"Hindi ko po kayo iiwanan dito." pagmamatigas ko. Bakit ko naman gagawin yun? Na iwanan siya sa mga halimaw na ito? Para uubusin na nila yung katawan niya para ipanglaman sa mga halang nilang bituka?

Oo. Ngayon malinaw na sa akin. Hindi kaano-ano ng mag-amang ito yung dalawang matanda. At oo, hindi nakagat ng undead itong lalaki dahil kaya nawala ang dalawang binti nito, kinain na ng mga halimaw na matanda na to. Yung mga piles ng damit at mga pares ng sapatos na nasa sahig, pagmamay-ari yun iba pang mga nabiktima nila

Mga walang puso. Mas masahol pa sila sa mga undead. Yari sila sakin.

"A-ayan na ate, naririnig ko na sila." takot na sabi nung bata.

Pero bago ako nagpanggap ulit na tulog, binulungan ko muna yung lalaki. "Alam ko na po ang gagawin ko, kuya. Ako nang bahala dito."

Tumango lamang siya sa akin na para bang assured siya na magagawa ko ngang mailigtas kami.

Narinig ko ang yabag na paparating kaya ipinikit ko na ulit ang mga mata ko. Pinakiramdaman ko ang bawat kilos nung matanda at batid kong nag-iisa lang siya ngayon. Narinig ko rin na parang may ipinatong siya sa may di kalayuan samin. Parang tunog ng stainless na lalagyan.

"Oh ano? Nainip ka ba kakahintay? Wag kang mag-alala, kakain ka na ngayon." dumilat ako ng kaunti at nakita kong hawak na nga ng matandang babae ang palanggana na stainless. Sa kanang kamay niya naman ay may napakahabang kutsilyo. Mukha ring napakatalim nito.

"Yun nga lang bata, hahatian mo ang asawa ko sa puso ha? Paborito niya rin kasi iyon.." dagdag pa niya. Buti na lamang, natatakpan ng buhok ko ang mukha ko kaya hindi niya napapansing nakadilat na ang isang mata ko.

Kung kanina tinablan pa ako ng takot dahil sa mga nakita at nalaman ko, ngayon mas lalo pang lumakas ang loob ko. Sa ganitong sitwasyon, hindi pwedeng hahayaan mong madaig ka ng takot at kaba na namumuo sa loob mo. Mas mahihinder kasi nun yung kakayahan mong makapag-isip at makapagplano ng mabilis.

Ngayon, kukuha na lang ako ng magandang tiyempo para gawin yung naiisip ko.

Pinagmasdan ko yung kilos ng matandang babae. Lumapit siya kay Harriette at hinawakan ang pisngi nito. "Maganda kang bata. Siguro, maraming nag-aagawan para sa puso mo. Yun nga lang, kami ang maswerteng makakakuha non.."

Yun ang akala mo.

Bago pa niya mahawakan yung parteng dibdib ni Harriette, mabilis ko nang sinipa ng buong lakas yung kamay niya na may hawak na kutsilyo.

"Sorry ka inang pero may nagmamay-ari na ng puso niya. At alam kong kahit na kailan, hinding-hindi niya sasaktan yun, o titikman man lang!" sigaw ko kasabay ng pagsugod uli dun sa matandang babae.

Buong lakas ko rin siyang itinulak sa pader. "Sorry rin inang. Kasi kayo yung kauna-unahang tao na masasaktan ko." sabi ko bago ko ibinaon sa batok niya yung kutsilyo na kanina ko pa itinago sa may likuran ko.

Napasubsob siya sa sahig dahil doon. Hindi ko naman na inaksaya pa ang pagkakataon at dinampot ko na yung mahabang kutsilyo na bitbit kanina nitong matanda. Inalalayan ko rin patayo si Harriette na dumilat na ulit.

"Kayanin mong makababa please.." bulong ko sa kaniya.

Lumingon ako doon sa lalaking nakasandal pa rin sa pader at isang ngiti na lang ang isinukli niya sa akin.

Alam ko na ang ibig sabihin non. Ang hayaang maiwan siya doon at iligtas na namin ang mga sarili namin kasama ang anak niya. Dahil alam niyang hindi namin siya makakayang isama pa.

Pero teka, si Christian? Pwede siyang maibaba ni Christian.

Kailangang masabihan ko ang kakambal ko.

"Umalis na kayo! Dalian ninyo!" hiyaw nung lalaki lalo pa nung makita niyang gumagalaw ulit yung matandang babae.

Inakay ko ng mabilis si Harriette at sabay hinaltak ko yung batang lalaki na umiiyak habang nakatingin sa tatay niya.

"Si papa ko.. Wag nating iwan dito, ate. Kakainin ulit nila siya.."

Binitiwan ko saglit si Harriette at hinarap ko yung batang lalaki. Ang init niya pa rin pero halata kong pinipilit niya lang tumayo at umarteng normal para sa tatay niya.

"Listen to me, huh? Ate will do everything. Babalikan namin dito ang papa mo, okay? Promise ko yan sa iyo. Just trust me. Now, lets save ourself first. Ikaw at ito pang isa mong ate, you need to be saved first." pag kumbinsi ko dun sa bata. Tatango-tango lang siya sakin habang pinupunasan yung mga luha niya. Mukhang nakuha ko na ang loob niya.

Si Harriette naman ang hinarap ko. Gusto ko na namang maluha sa sobrang pamumutla ng mukha niya. Pero mas pinili kong tatagan ang loob ko.

"Please, Harriette.. Kayanin mong bumaba ha? Kahit yun lang.."

"Y-yes. I will.. Dalian na natin." nanghihinang sabi niya.

Nagmamadali kong hinaltak yung bata papunta sa may hagdanan. "Go kid, ikaw ang mauna. Gawin mo yung pinakamabilis mong magagawa na pagbaba pero mag iingat ka.."

Tumango yung bata saka humakbang na pababa. Ako naman ay sumunod sa kaniya. Nakita kong sumaludo pa sakin yung tatay niya bago siya mawala sa paningin ko.

"Ikaw naman, Harriette. Do your best para makahakbang pababa and I will do my best din para maalalayan ka, okay? Please be strong.."

Nilingon ko yung bata at nakita kong nakababa na siya agad. "Go to the car! Look for my twin brother!"

Shit! Asan na ba si Christian? Hindi niya ba nakitang hirap na kami dito? Bakit hindi niya pa rin kami tinutulungan?

Ibinalik ko kay Harriette ang tingin ko nang dumaplis kaunti yung paa niya sa baitang. "C-crissa, dali.. Bumabangon yung matanda.."

Mabilis akong tumalon hanggang sa lapag at hindi ko na ininda yung kaunting kirot sa paa ko. Inalalayan ko si Harriette nang makababa na siya at sinundan ko yung bata na kumakatok sa bintana ng driver's seat.

Sobrang dilim na sa paligid at yung liwanag nalang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa paligid. Kaya medyo nahihirapan na kong umaninag.

"Ate, wala po atang tao sa loob." sabi nung bata.

Napasuntok ako sa sasakyan. Shit! Nasan na yung lalaki na yon?

Sarado lahat ng pinto kaya wala na akong ibang nagawa kundi kumuha ng isang malaking bato at binasag ko yung bintana sa may passengers seat. Nakita ko na lang na nandun si Christian sa driver's seat at nakasubsob sa manibela. Naamoy ko na naman yung masangsang na amoy ng kemikal na naamoy ko kanina kaya hindi na ako nagaksaya pa ng oras at binasag ko na lahat ng bintana para mawala yung amoy na yun.

Shit shit. Yung kakambal ko. Gaano katagal na siyang naka expose sa kemikal na to? Nang kulob na kulob pa yung sasakyan?