webnovel

UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog)

Welcome sa panahon na kung saan makikipaglaban ka sa mga naglalakad na patay at mga kapwa mo buhay para lang makasurvive. UNDEAD: Dawn of the Damned 1 Your zombie apocalypse story with a twist. Horror, Romance, Comedy, Adventure, Action in one. Book 1 of Dawn of the Damned series.

hoarderelle · 灵异恐怖
分數不夠
115 Chs

Chapter 2

"Uy d'yan muna kayo ha. Kung gusto nyo, manood na lang kayo ng movies. Ang dami dyan. O kung di nyo trip, magpaluan na lang kayo nung pala na binili ko." sabi ko.

Iniwan ko na silang tatlo dun na nangingisay kakatawa. Mga baliw yun e. Kay babaw na biro, galak na galak.

Umakyat na lang ako sa ground floor at dumeretso sa quarters ni Olga.

"Hey, Olga! Would you mind if I ask kung nasan yung susi ng pangatlong room sa basement?"

"It's okay Ms. Crissa. Si Bud po ang may hawak nun."

Napangiti ako nang malawak. Ilang taon ko nang kinukulit si Olga na sabihin sakin kung sino may hawak ng susi nun pero ayaw nya talagang sabihin.

Hmm. Nakonsensya siguro sya kaya sinabi na nya sakin finally.

"Hehe. By the way Olga, gusto mo ba ulit matulog dun sa basement? Andun diba kasi yung mga friends ko, join ka na samin. Mag-slumber party tayo. Ang dami ko ring corned tuna dun. Paramihan tayo ng mauubos." pag-aaya ko.

"Nako, hindi na po Ms. Crissa. Dito na lang po ako." nakangiting sabi nya kaya ngumiti na lang din ako nang pilit.

"Okay.. Hmm. One more thing, Olga. Thanks for everything.." nilapitan ko sya at niyakap.

Ewan ko pero trip kong gawin yun. Sa dinami-rami naman na kasi ng ginawa nya at ng pamilya nya para samin, kulang na kulang pa yung thank you at perang pinapasweldo namin sa kanila para maexpress yung gratitude namin.

Simula ng mamatay yung mommy at daddy nya na dating secretary ng family namin, sya na yung sumalo sa gawain. And at the age of 20 nung time na yun, naging secretary na namin agad sya. 26 na sya ngayon.

"Basta po para sa Harris family, I will do everything."

Nginitian ko sya at nagpunta na ako sa may pinto. Bago pa ako lumabas, parang may nahagip pa ang mata ko na tumulo galing sa mata ni Olga.

Hmm. Baka tinatamad na syang pumuntang banyo kaya yung mata na lang nya ang ginamit nyang pang-ihi. Hahahaha!

Nagpunta na lang ako sa quarters ng mga security. Dere-deretso na lang akong pumasok doon at naabutan ko si Bud na nag-a-assemble ng baril nya.

"Hi Mr. Who! Hehe. Gusto mong tulungan kitang mag-assemble dyan ng baril mo? Basta ba bibigyan mo ko ng reward e! Okay na sakin yung susi ng pangatlong kwarto sa basement. Wohooo!!" sigaw ko habang pinapaikot ang sarili ko dun sa may swivel chair ni Bud. Andun kasi sya sa isa pang table na maraming nakalapag na baril.

"Hindi na po kailangan, Ms. Crissa. Eto na po yung susi." sabi nya nang nakangiti habang inaabot yung golden key sa akin. Pinagmasdan ko namang mabuti yun pagkakuha ko.

"Weh? Talaga bang susi to nung pangatlong room sa basement? Baka naman susi lang to ng baul mo, Mr. Who."

"12 years na po akong head ng security ng family nyo at ni minsan po, hindi pa po ako nagsinungaling Ms. Crissa." tumatawang saad ni Bud. Napakunot naman ako ng noo.

Pinagtitripan ata ako nito ha? Tsk.

"Weh? So ito pala ang unang pagkakataon na nagsinungaling ka kasi hindi naman ito talaga yung susi? Nako! Ikaw talaga Mr. Who! Manang-mana ka kay Christian!" sigaw ko.

Pero joke lang yun. Alam ko namang ito talaga yung susi dahil minsan ko nang nakita si Marion na bumaba ng basement na dala to. Gusto ko lang talagang asarin si Bud.

Tumawa lang si Bud sa sinabi ko kaya nilapitan ko naman sya.

"Wow. Turuan mo naman akong gumamit nyan, Mr. Who." manghang sabi ko habang pinagmamasdan yung mga baril.

"Sooner po, Ms. Crissa. Matututo rin kayo."

"Waaahh! So tuturuan mo na rin ako bukas na bukas?"

"Hindi po. Mas mainam po kung matutunan nyong gumamit nito nang sarili nyo lang."

"Eh, kelan naman yun?"

"Sooner po, Ms. Crissa. Matututo rin kayo."

Gulat kong tinignan si Bud. Nakangiti sya pero parang hindi naman masaya. Pero ang unli naman nya. Paulit-ulit ng sinasabi.

Umalis nalang ako sa tabi nya kasi baka ma-shotgun ko lang sya. Hahahaha. Joke lang!

"Mr. Bud Bartolome, salamat po pala sa pagliligtas sa amin palagi." nakangiting sabi ko at niyakap ko sya.

Bud is our superhero. Sa 12 years nyang pagiging head security, ilang beses na rin syang muntik mamatay para ipagtanggol kami sa mga gustong pumatay samin. Kilala kasi na mayamang angkan ang mga Harris kaya ang dami ring naghahabol samin para patayin kami. Pero kung wala sila Bud, siguro patay na nga kaming lahat. Yung magulang kasi ni Bud, namatay dahil sa pagtanggol samin. Bata pa ako nun kaya di ko na matandaan ang bawat details. Pero syempre, kahit na kailan hindi naman namin makakalimutan yung sakripisyo nila.

"Basta para po sa Harris Family, hindi ako magda-dalawang isip na ibuwis ang buhay ko, Ms. Crissa."

"Sus! Drama mo, Mr. Who! Barilin kita dyan e!"

Tumawa lang uli si Bud. Pagpunta ko sa pinto, nakita ko pa syang nagpunas ng mata gamit ang bimpo nya.

Hmm. Sinisipon siguro sya. Pero nagkataon naman na sa mata nya lumabas kaya pinunasan nya. Hahahaha!

Masaya akong lumabas ng quarters ni Bud. Nung mapadaan ako sa may kitchen sa baba, nakita ko dun si Yaya Nerry na mukhang nagpe-prepare ng pagkain.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at niyakap ko sya mula sa likod.

"Yaya Nerry, gabing-gabi na nagluluto ka pa rin. Ano ba yan?"

"Gumagawa lang ako ng palaman, anak. Tuna spread, favorite nyo ni Christian."

"Nako naman, Ya. Bukas na yan. Matulog ka na."

"Hindi. Patapos na rin ako, anak. Gusto ko kasing paggising nyo, may nakahanda ng pagkain. Mahal na mahal ko kaya kayo." napabitaw ako sa pagkakayakap kay Yaya Nerry nang marinig ko syang suminghot.

"Umiiyak ka, Ya? Marami pa tayong stock na corned tuna. Wag kang mag-alala." niyakap ko uli sya.

"Naiyak lang ako sa sibuyas, anak." tumawa sya.

Hinubad ko naman yung kwintas na suot ko tapos isinuot ko sa kanya.

"I love you, Yaya Nerry. Salamat sa pag-aalaga samin nila Marion, Zinnia, Christian at Scott."

Ayokong maiyak pero hindi ko na rin napigilan na maluha ng kaunti. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin naming limang magkakapatid kung wala si Yaya Nerry. Complete package na kasi sya e. Nanay na, lola pa. Sya ang nag-alaga saming lahat umpisa kay Marion hanggang kay Scott. Wala kasi sila mommy at daddy. Busy sila sa Japan kaya hindi sila nakakauwi. Pero naiintindihan naman namin yun.

"Kayo pa ba, anak? Mahal na mahal ko kaya kayo. Osya, ito pala oh." inabot sakin ni Yaya Nerry yung dalawang mahabang kutsilyo na nakalagay pa sa kahon.

"Ano to, Ya? Inuutusan nyo po ba akong magsuicide?" biro ko.

"Nako, ikaw talaga anak! Ibigay mo yan dun sa dalawa mong kaibigan. Yung mga HRM student. Wala namang gumagamit nyan dito. Saka matibay yan. Galing pa yan ng Japan. Padala sa akin ng mommy mo." tumatawang sabi ni Yaya Nerry.

"Ah. Kay Alessandra at Renzy? Sige po. Pero Yaya, sayo pala to e. Bakit mo ipapamigay?"

"Mas magagamit kasi yan nung dalawang bata na yun. Hindi masasayang ang mga yan kapag sila ang gumamit. Naniniwala ako."

"Sus. Sige na nga po. Hehe. Pero Yaya Nerry, sino favorite mo saming limang magkakapatid?" malambing na tanong ko.

"Lahat kayo syempre."

"Ehhh!! Dapat isa lang po!"

Imbes na sagutin yung tanong ko, niyakap na lang nya ako ng sobrang higpit saka bumulong. "Sino pa ba? Edi yung pinakamalambing. Hmm. Sige na anak. Puntahan mo na sa may garahe si Jackson. May ibibigay ata sayo."

Tumango na lang ako kay Yaya Nerry bilang pagsagot. Bago pa ako lumabas ng kusina, nakita ko pa syang nagpunas ng panyo sa mata.

Pawisin si Yaya Nerry kaya ultimo sa mata, lumalabas yung pawis nya. Hahaha!

Dumeretso na lang ako sa may garahe at nadatnan ko dun si Jackson na nagpupunas ng van. Nakatalikod sya sakin kaya naisipan kong gulatin sya.

"WAAAAHHHH!!!"

Napatalon si Jackson sa sobrang gulat at natapon pa yung liquid na pinampupunas nya.

"Ay, Ms. Crissa! Kayo lang pala yan! Full tank na po lahat ng sasakyan. Saka nakabili na po ako ng gasolina. Sinampu ko na po."

"Hala! Bakit sampu? Magsswimming ka ba sa gasolina, Jackson?"

"Ay, hindi po! Sinampu ko na po para mas madali nyong sunugin tong mansyon! Hahahaha!"

Nagpamewang naman ako sa harap nya. "Aba, Jackson! Ginagaya mo na ata ang paraan ng pang-iinis ko! Hmp. Asan na yung ibibigay mo raw sakin?"

"Ay, eto po Ms. Crissa." inabot nya sakin yung isang malaking box ng posporo. "Para hindi na po kayo mahirapang sunugin itong mansyon."

Uto-uto talaga to si Jackson kahit kelan. Nanlambot tuloy ang puso ko.

Hindi ko na pinansin yung sinabi nya at mabilis ko na rin syang niyakap.

"Salamat, Jackson. Hindi ka napapagod na ihatid at sunduin kami kahit saan. Saka di ka rin naiinis kapag inaasar kita."

Wala nang pamilya si Jackson Buen at nakita lang sya nila mommy na nag-aapply sa isa naming company. Pero dahil college undergraduate sya, hindi sya natanggap. Nung nalaman nila mommy at daddy na napakabait nito ni Jackson at mabuti talaga syang tao, kinuha na sya as a personal driver naming magkakapatid. 8 years na namin syang driver. And katulad ni Olga, 20 lang din si Jackson nang magtrabaho sya samin. Hindi naman nasayang ang tiwala nila mommy kay Jackson dahil hanggang ngayon, wala pa kaming nagiging problema sa kanya.

"Basta po para sa Harris Family, hindi ako magsasawa, Ms. Crissa."

Bumitaw ako sa pagkakayakap.

"Tse! Turuan mo muna akong magdrive para bestfriends na talaga tayo."

"Malapit na po kayong matutong magmaneho, Ms. Crissa."

"Anong malapit na!? Hindi pa nga ako sanay maglusot ng susi, matututo na agad?" pagtataray ko.

"Ang ibig ko pong sabihin Ms. Crissa, malapit na po kayong matutong magmaneho nang walang nagtuturo sa inyo." nakangiting sabi ni Jackson. Balak pa ata akong hayaang malagay sa peligro nitong lalaki na to.

Inirapan ko na lang sya at hinampas sa balikat. Bago ako umalis sa garahe, nakita ko pa syang nagpunas ng mata gamit ang likod ng kamay nya.

Sa totoo lang kasi, gutumin yan si Jackson. Sa sobrang dalas nyang magutom, pati mata nya, naglalaway na minsan. Hahahaha!

Pero nakakainis! Simpleng paglalambing lang ang ginawa ko, apat na agad ang napaiyak ko! Hmp. Ang sensitive naman nila!

Dumeretso na lang ako papuntang basement. Nasa hagdan pa lang ako pababa, natanaw ko na agad yung pangatlong room na nasa pinakadulo. Hindi ko alam kung anong meron sa loob nito pero maraming beses ko nang nakita na pumasok dito si daddy at mommy. Kasama si Marion at Zinnia.

Ngayon, hawak ko na ang susi para mabuksan ito. Pero dahil hindi ko nga alam kung anong meron sa loob nito, hindi muna ako basta-basta papasok.

Huminto ako sa harap ng pintuan ng kwarto na kinaroroonan ni Christian at huminga ako nang malalim..

"Hoy Christian! Buksan mo to!!! Ilabas mo si Alex at si Elvis!! Christian!!" sigaw ko habang kinakalampag yung pinto. Agad namang bumukas yun at sumambulat sakin ang pokerface na itsura ng magaling kong kakambal.

"What do you want?" walang gana nyang tanong.

"Ang sabi ko, ilabas mo si Alex! Pati si Elvis!"

"Why are you shouting? Parang akala mo naman, kinidnap ko sila. E ikaw nga nagtapon sa kanila dito."

"Shut up!" binuksan ko nang maluwag yung pinto at nakita ko naman agad si Alex na natutulog na. Hinanap naman agad ng mata ko si Elvis at nakita kong naglalaro sya ng pocket knife sa kamay nya habang nakatulala. "Oy, Elvis! Wag kang gumanyan. Para kang kriminal. Hahaha! Tara nga dito."

Tumawa naman sya nang mapansin nya ako tapos tumakbo na sya papunta sa may pinto. Ngayon ko lang din napansing wala na pala si Christian sa harapan ko. Nandun na sya sa may sahig at nakaupo kasama pa ang tatlong lalaki na nakasuot ng headphones at may ginagawa sa mga laptop nila.

Hindi nila ko napapansin kaya sinamantala ko na ang pagkakataon at tinitigan ko sila para makilala.

Si Tyron Matsumoto yung isa. Madalas ko syang makita na kasama ni Christian. Medyo tahimik ang isa na yan at masungit. Palagi pang nakakunot ang noo at busangot ang mukha. Parang galit sa mundo.

Naramdaman kong namula ang pisngi ko nang makita ko yung isa pa. Bakit naman hindi? E crush ko ang isang yan. Sya si Sedrick Hilton. Sikat yan sa school dahil ubod ng pogi. Saka mabait at matalino pa. Haay. Kinikilig tuloy ako. Barkada rin ni Christian yan.

Nung madako naman ang tingin ko dun sa isa pa, bigla naman akong naawa para kay Harriette. Mortal na kaaway nya ang isang to. At kung di ako nagkakamali, ito yung tinutukoy ni Renzy na kuya nya. Sya si Renzo. Renzo Tiangco. Hindi ko kasi alam ang last name nya dati kaya hindi ko alam na magkapatid pala silang dalawa. Barkada rin sya ni Christian. Mahangin at may pagkabastos din ang isang yan kaya inis na inis dyan si Harriette.

Bale silang apat ay magbabarkada. At sikat sila sa school. Bukod kasi sa sobrang gwapo nila, sobrang gwapo rin nila at nag-uumapaw talaga ang kagwapuhan nila.

"Hanggang madaling araw ka bang tititig na lang sa kanila, Crissa? Bakit mo ba ako tinawag?"

Bumalik naman ako sa sarili ko nang magsalita si Elvis. Mabilis kong sinarado yung pinto nila Christian at humarap sa kanya. Naka-pokerface na sya sakin. Hinaltak ko nalang sya papunta dun sa may tapat ng pinto ng pangatlong kwarto at iniabot sa kanya yung box na may lamang kutsilyo.

"Teka. Hawakan mo saglit." sabi ko at kinuha ko yung susi sa bulsa ko.

"Gagawin mo lang pala akong taga-hawak. Dapat pala natulog na lang ako."

"Tse! Wag ka ngang madrama. Samahan mo ako dito sa loob. Baka mamaya, may chupacabra na pala dito." pagkasabi ko nun ay sinusi ko na yung doorknob. Nag-click naman kaya ito talaga yung susi.

Waaaahh! Eto naaaa!!..

Pinihit ko yung doorknob at..

"O..M..G.." binunot ko yung susi sa doorknob at pumasok ako nang mabilis sa loob. Naramdaman ko naman na sumunod din si Elvis.

"Wow.. Just wow like holy cow.." bulong nya.

Manghang-mangha ako sa mga nakikita ko. Kaya lumapit na ako ng ilang hakbang dun sa long table na nasa gitna ng kwarto na kung saan maraming nakahilerang baril at armas. Iba't-ibang uri ng baril at explosive device na sa Grand Theft Auto at Counter Strike ko lang nakikita. Pati iba't-ibang uri ng mga kutsilyo, itak, palakol, samurai at sibat.

Sa sobrang amazed ko, gusto ko na talagang lumapit at dumampot ng isa. Pero nagulat na lang ako nang haltakin ni Elvis ang braso ko.

"Wag. Wag mong susubukang lumapit pa kahit na isang hakbang nalang. Kung ayaw mong matadtad yang katawan mo."

Napaatras ako bigla at takhang tumingin sa kanya.

"Protected ng laser detector ang table na yan. Kung matalas mata mo, makikita mo yung parang sapot na nakapalibot dyan sa table."

Pinagmasdan ko namang mabuti yung paligid ng table at may nakita nga akong kulay pulang maninipis na linya ng ilaw na parang sapot na nakapalibot sa table.

"Eh, pano mawawala yang mga laser detector na yan?"

"It is powered by electricity so, kapag nawalan ng source ng kuryente, pwede na."

Hmm. Kung pasabugin ko kaya yung transformer namin sa labas para mawalan kami ng kuryente? Oo nga! Para makakuha na ko ng armas at para masindak ko na si Christian pati na yung mukhang sama ng loob na si Tyron.

"Alam kong kating-kati ka na talagang gumamit ng ganyan Crissa. Ako rin naman e. But, let's take it slow. Let's wait until tomorrow. Mahahawakan na rin natin lahat ng yan. For now, matulog muna tayo."

Let's take it slow? Let's wait until tomorrow?

Aalma pa sana ako sa malabong sinabi nya nang haltakin na nya ako palabas. Hindi na ako nag-abalang magtanong pa at nilock ko na lang uli yung kwarto. Sinecure ko rin yung susi sa bulsa ko para hindi ko ma-misplace.

Naglakad na kami parehas papunta sa mga kwarto namin pero tumigil si Elvis pagkatapat sa pinto. Seryosong-seryoso yung mukha nya.

"Wait, Crissa.. Yung totoo, nararamdaman mo na rin ba?.."

Napaisip naman ako sandali. Tapos sinamaan ko na sya ng tingin.

"Hoy, anong naramdaman ha, Elvis!? Para sabihin ko sayo, wala akong gusto sayo no! At kahit pa ikaw, magkagusto ka sakin, di ako papatol sayo dahil friend lang tingin ko sayo!"

Tumawa sya nang malakas at pinaggugulo ang buhok ko. Inabot nya rin sakin yung box na may kitchen knife.

"Tss. Hindi mo pa pala nararamdaman. Sige na. Matulog ka na." sabi nya sabay pasok sa kwarto nila Christian. Pumasok na rin ako sa amin at nilock ko.

Baliw na Elvis yun. Parang may sayad. Kung anu-ano sinasabi. Tss.

Pumunta ako sa may tv. dahil nakalimutan yung isarado nung tatlo at nakatulog na sila. Tss. Wala nang slumber party na magaganap.

Yikes. Ano ba naman tong pinanood nila. Zombie Apocalypse 2012? Ang corny! May Alvin and the Chipmunks naman dito, hindi pa yun ang pinanood!

Sinarado ko na nga yung tv. at nahiga na ako. Kailangan ko ng pahinga dahil napagod ako kaka-bili sa mall. Saka feeling ko rin, kailangan ko ng matinding lakas para bukas.

Hay ewan. Baka matuloy kasi yung pag-alis namin e.

Pero napapaisip naman ako sa sinabi ni Elvis. Alam kong hindi talaga LOVELIFE ang ipinupunto nya dun sa sinabi nya. Sinadya ko talagang magreact na lang ng ganun dahil alam kong may malalim pang meaning yun..

At kung ano man yun, kinakabahan talaga ako..

Sobra..