Nilapitan ko ang driver ni Greige. Napansin niya kaagad ang aking presenya kaya laking gulat na lang ng makita niya ako. Tinago niya kaagad ang cellphone na kanina pa niya kinakalikot.
"Ma'am Athena, bakit di pa kayo nagbibihis?" Kaagad niyang tanong sa akin. "Pinasusundo po kayo sa akin ni Sir Greige eh."
"Bakit raw?" Nag-uusisa kong tanong.
"Di ko po alam basta pinapasundo niya kayo sa akin." sagot nito.
Magtatanong pa sana ako pero napag-isipan kong huwag na lang.
"Sige. Maliligo lang ako." sabi ko na lang.
"You can take your time, Ma'am." Nakangiting saad nito saka ako naglakad na palayo sa kanyang kinaroroonan.
Habang naglalakad hindi pa rin maalis sa isip ko kung ano nanaman bang pakana ni Kolokoy?
Pagkatapos ng mahigit trenta-minuto na paghahanda, kaagad na akong lumabas ng mansion.
Nakasuot ako ng colored peach dress na hanggang tuhod ang haba nito. Naglagay lang ako ng simpleng make-up sa mukha. Kulay pink pa rin na lipstick ang ginamit dahil iyon naman talaga si Athena. Sa paglalagay lang ng foundation ang nagkaroon ng pagkakaiba.
Bahala na nga. Di naman ata mapapansin ako nito. Wala naman si Greige sa cosmetics katulad ng make ups.
"Napakaganda niyo po, Ma'am." Compliment sa akin ni Kuya driver at nginitian ko lang siya pabalik saka na niya ako pinapasok sa kotse ni Greige.
Fifteen-minutes ang naging biyahe nakarating sa isang lugar. Nakita kong pumasok ang driver sa loob ng building. Sinunod ko lang siya hanggang sa may naririnig akong nag-play ng isang pamilyar na music. Sa aking pagkakaalala, "When You Say Nothing All", ang title nito.
Tapos may narinig din akong boses na sinasabayan ang kanta. Inaawit siya ng lalaking mahal ko. Patuloy lang ako sa paglakad habang palapit nh palapit ang pinagmumulan ng tinig hanggang sa lumitaw na siya sa harap ko kasabay ng pagbigkas ng mga lyrics ng kanta.
The smile on your face let's me know that you need me
There's a truth in your eyes saying you'll never leave me
The touch of your hand says you'll catch me wherever I fall You say it best When you say nothing at all
Mas lalo ako na-inlove pa sa boses niya. Damang-dama ko ang mga lirikong binibigkas ni Greige. Bumibilis pa ang pagtibok ng aking puso nang makita ko siyang nakatapak na sa isang stage at nakatitig lang sa akin.
Matapos ang music, nagsalita kaagad siya, "I love you so much, Athena Zerene. You are my everything. You're only my precious woman I will treasure in the rest of my life." saad niya dahilan para mag-blush ako. "Kahit madalas man tayo mag-away, hindi pa rin magbabago ang nararamdaman ko para sa'yo. Ikaw pa rin ang hinahanap ng puso." Naglakad siya palapit sa kinaroroonan ko. "Only heaven knows how much I crazy inlove with you."
Sinabi ko rin ulit sa kanya ang tunay kong nararamdaman. Alam kong bawal pero hinahayaan ko lang muna ang sarili ang maramdaman kahit sandali, kahit sa ganitong paraan na magiging masaya ako at kahit nagpapanggap lang ako maramdaman ko ang pagmamahal niya di akin. Masakit pero kakayanin at magiging masaya pa rin naman ako ngayon.
Susulitin ko na lang ang mga araw na kasama ko siya at nakikita dahil darating ang panahon na babalik na ako sa dating buhay na ikinagisnan ko na at babalik rin siya sa babaeng nagmamahal rin sa kanya, ang kakambal ko na si Athena Zerene.
"Why are you crying?" Kaagad niyang pinahiran ng tissue ang ibabang bahagi ng aking mga mata.
"Masaya lang ako." Aking pagsisinungaling dahil hindi na ako magiging masaya tulad ng dati. "I am happy to have you in my life." Muling tumulo ang mga luha ko pero kaagad niya iyon pinahiran. "I didn't expect this to happen most especially of what happened...."
Naudlot ang sasabihin nang sumingit siya, "Sshhh, forget that now. It is already in the past. Mag-focus tayo iyong sa ngayon." sabi niya hinawakan niya ang kamay ko. "Hindi ako makakapayag na di tayo magkakaayos. Hindi ko kakayanin na malayo ka pa sa akin, mi cielo."
Pagkatapos ng dramahan naming iyon niyaya na niya ako kumain dahil di pa raw ako nakakapg-breakfast. Kaya naman, kaagad niya ako binagyan ng maraming pagkain.
"Magpakabusog ka, mi cielo." sambit niya na may kasamang ngiti sa labi.
Habang kumakain kami, nanatili lang siya nakatitig sa akin kaya hindi tuloy ako makakain nanf maayos.
"May dumi ba ako sa mukha?" Kaagad kong tanong sa kanya.
"Wala. Masama bang tumingin?" Balik niyang tanong sa akin kaya napanguso ako habang tutok sa kinakain.
Pagkatapos namin kumain bigla na lang nagpalit ang music at nagplay ang isa mga kanta ni Daniel Padilla, "Sabay Natin".
Niyaya niya akong sumayaw kaya di na ring nagdalawang isip na kumapit sa kanya. Violin ang naging background ng kanta.
"Isa 'yan sa kinakanta ko noong High School Life." Bungad niya sa akin. "Do you like it?" Mabilis akong tumango bilang tugon.
"Very familiar din ako sa song." saad ko kaya napatitig siya ng diretso sa akin.
"Kinanta 'yan ni Daniel Padilla." Dugtong ko pa.
"I don't know na marami ka rin pala alam na songs." saad niya. "Hindi ko nga alam na music lover ka rin pala. Di mo lang nabanggit sa akin noon."
Music lover naman talaga ako pero si Athena hindi. Mas prefer niya ang fashion trends katulad ni Mom.
Marami pa kaming napag-usapan habang sumasayaw kaya may time na naaapakan ko na ang sapatos niya. Sobrang tutok kasi ako sa usapan naming dalawa kaya't di na napapansin iyong pagsayaw ko.
Pagsapit ng alas-tres ng hapon, napagdesiyon na rin naming umuwi. Hinatid ako ni Greige hanggang sa loob ng mansion. Bubuksan ko na sana pintuan ng kwarto nang may pahabol pa siyang sasabihin.
"I love you, mi cielo." saka hinalikan niya ako sa pisngi na ikinapula ng aking mukha. "Keep safe."
Naglakad na rin siya palayo sa akin habang ako naman ay medyo natulala pa rin sa nangyari. Hindi na siya first time sa akin pero sa tingin ko na parang ganoon pa rin.
Nagbihis na ako ng pambahay nang biglang tumawag si Gin. Kaagad kong nakita ang kanyang mukha sa screen ng aking phone.
Gin: Good evening, bez.
Me: Good evening din. Matagal-tagal din di tayo nagkausap.
Gin: Sobrang busy. Maraming pinagawa sa akin si Ma'am Crystal. Wait, where have you been?
(Napansin niya siguro ang itsura ko ngayon.)
Me: Niyaya ulit ako mag-date ni Greige.
(Napanganga na lang siya sa naging tugon ko.)
Gin: Really?
(Tumango lang ako kaagad at sumeryoso. Gusto ko na kasi sabihin sa kanya ang totoo. Ang totoong nararamdaman ko kay Greige.)
Me: Bez, mayroon akong sasabihin sayo.
Gin: Nako, don't tell me you're pregnant.
(Inirapan ko siya kaagad.)
Me: It's not just like that.
Gin: Kidding. Ikaw, di man lang mabiro ngayon?
Me: I love him na.
Gin: Is it Zen?
Me: No. Si Greige.
Gin: OMG. Why?
Me: Bigla ko na lang naramdaman na hindi ko namamalayan.
Gin: Paano na si Zen?
Me: I don't know, bez. Ayaw ko siyang masaktan pero ganito na ang nangyayari.
Gin: Ang hirap niyan bez pero I am here for you.
Me: I just wanted to keep this a secret. Wala ng ibang pagsasabihan kundi ikaw lang.
Gin: Your secrets are safe with me. You are my friend, Cas. You trusted me, right. Walanh iba makakaalam tungkol dito. I will promise that. Hindi kita masisi dyan. Di rin biro ang mga pinagdaanan mo.
Me: Sasabihin ko pa rin naman kay Greige ang buong katotohanan sa tamang panahon.
Gin: How about Zen?
Me: Babalik pa rin ako sa kanya at magsisimula muli kami. Pipilitin ang sarili na manumbalik ang pagmamahal ko sa kanya katulad ng dati.
Gin: Sana nga Bez. Alam mo namang botong-boto ako sa inyong dalawa eh.
Napatitiv ako sa relos na aking suot at napansin kong mag-aalas diyes na pala ng gabi.
Me: Sige Bez, good night. Talk to you next time. Sobra akong napagod ngayon kailangan ko na ang magpahinga.
Gin: Sige, Cas. Matulog ka na. See you.
Matapos ang pag-uusap namin binalik ko ulit ang aking cellphone sa kinalalagyan nito.
Nakakaramdam ako ng sakit ng katawan at pagkapagod kaya halos tinatamad akong bumangon para lumabas muna ng kwarto.
Ganoon na lang kabilis ang pagtakbo ng oras kaya't di ko namamalayang gabing-gabi na pala.
Sobrang bigat talaga ng aking karamdaman ngayon. Kailangan ko na ipahinga ang aking katawan at matulog. Kaya, pinatay ko na ang ilaw at tanging lampshade na lang ang nagbibigay ng liwanag sa buong kwarto ko.