webnovel

#19. Unang pag-ibig

Buong-buo ang imahinasyon,

Sa pagguhit ako'y nakatuon;

Lapis at pambura,

Upang mukha'y maiporma

Lumipas ang oras,

Natapos na;

Ito ay isinasabit,

Pangalan mo pa'y sinasampit

Bumalik sa upuan,

Tinititigan ang larawan;

"Unang pag-ibig"

Ikaw ang tangi kong bukambibig.