Nginitian ko lang siya. Napailing naman siya pero nakangiti din siya. "Hoy, magpraktis ka ngang kumanta. Wala ka sa tono kanina."
"Che, nagulat lang ako kanina," sagot ko sa kanya. Binuksan niya yung bote at uminom din siya at saka ko lang napagtanto na indirect kiss pala yun. Bigla akong nahiya at tila'y kinilig ako. Napataklob ako ng bibig ko. Wala naman akong pakailam dati kung magkasalo man kami ng inumin.
"Gusto mo pa?" alok niya habang inaabot niya sa akin yung bote na wala ng takip.
Umiling kaagad ako. Lalong nag-init ang mga pisngi ko. Mukhang hindi niya napansin dahil uminom na lang ulit siya. Habang pinapayan ko yung sarili ko gamit ang kamay ko, tinanong siya ni Andy kung uuwi na siya. Biglang napawi ang mga ngiti ko dahil ito ang sagot niya. "Titingnan ko pa kung tapos na yung practice para sa graduation. Usher kasi si Denise. Ibibigay ko nga sana 'tong Nestea sa kanya kaso ininom na ng isang bata diyan."
"Edi bilihan mo na lang bago. Share din kayo," singit ko sa usapan nila.
Tiningnan lang niya ako tapos dinilaan ko siya. "Pahiram ako ng PS mo. Iuuwi ko. Tatapusin ko na yung isang route mamayang gabi."
"Lowbat na." Inabot niya sa akin yung bag ko. "Hindi ko dala ang charger."
"Eh? Asa, lagi mo kayang dala yun."
"Nakalimutan ko ngayon." Tumayo na siya at iniisod na niya ang upuan niya kaya wala ng patungan ang paa ko.
"Ayaw mo lang ipahiram sa akin. Damot mo," reklamo ko sa kanya.
"Bat ko naman ipagdadamot sayo?" sagot niya sa akin. "Tumayo ko na dyan at tara ng bumaba."
Pinalo ko siya ng bag ko bago ko siya nilampasan at saka ko pinuntahan si Mia at Dan. Nag-usap lang kaming tatlo tungkol sa pag-uuwi ng gamit sa room hanggang sa nakarating na kami sa baba. May ilang fourth year na sa lobby at ang ibig sabihin ay tapos na yung practice sa gym. At dahil sa abala ako sa pag-iisip, hindi ko napansin na nasa harap na pala namin yung girlfriend na sana'y umuwi na. Napasimangot tuloy ako ng hindi ko namamalayan.
Mahinang siniko ako ni Mia. "Masyado kang halata."
Tiningnan ko lang siya at mayamaya ay nilampasan na kami ni Stan at pinuntahan na niya si Denise. Pinanood ko silang dalawa at halos manggalaiti na ako sa selos lalo na nung itinuro ni Denise yung bote ng Nestea na hawak ni Stan, kalahati pa kasi ang laman. Pero abot tenga naman ang ngiti ko nang mukhang tinanggihan ni Stan ang girlfriend niya at uminom siya doon sa bote tapos sa papuntang cafeteria sila nagtungo.
Siniko ulit ako ni Mia. "Sinabing masyado kang obvious. Hindi pa din ako boto kay Stan."
Lalo ko lang siyang nginitian. Kahit sinabi ni Mia na baka nalilito lang ako pero ang alam ko lang ngayon ay masaya ako sa indirect kiss namin ni Stan at lalo na noong tinanggihan niya si Denise kahit na iba pa ang intensyon niya.
Naghiwalay kami ni Mia sa may gate pero bago siya umalis sinabi niya sa akin na sa Biyernes na lang namin pag-usapan ang lahat dahil ipapalabas ang gusto niyang episode ngayon at ako naman napanood ko na yung tinutukoy niya kaso sa original na lenggwahe at hindi dub.
Kaya noong bago magdress rehearsal, nagulat ako ng biglang tumabi sa akin si Keith. Kakatapos ko lang magpalit ng damit at naiwan pa si Aya sa cr pati na din si Mia dahil tinutulungan niya si Aya. Ako kasi ay tinulungan ng head ng costumes kaya mabilis akong natapos pati buhok ko ay itinaas na din niya. Kulang na lang ang makeup. Sa pangalawang row, sa dulo ng gitna ako nakaupo habang pinapanood ko yung mga lalalaki na naglolokohan sa stage.
Hindi naman talaga tumabi sa akin si Keith dahil sa kabilang side siya naupo. Nakadamit na din siya bilang prinsipe. Napalingon kasi agad ako sa kanya nang napansin ko na may ibang taong dumating. Nakapatong ang dalawa niyang braso sa upuan sa harap niya.
"Tama nga si Stan, bagay nga sayo yang role na yan," sabi niya habang nakatingin sa akin. There was a faint smile on his face.
"Err, thank you?" sagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung compliment ba yun o pang-iinsulto.
Natawa siya ng konti pero hindi umabot sa mata niya ang ngiti niya. "Compliment yun. Maganda ka pa din naman kahit ikaw pa ang pinakamasamang babae sa mundo."
Thanks for reading!
Twitter: @wickedwinter3
Like my writing? Buy me a coffee or tea because I don't drink coffee. Haha: www.ko-fi.com/wickedwinter