webnovel

Trying Again (Tagalog)

Nabigo ka na ba sa pag-ibig? Nawalan ng pag-asa magmahal muli? Hindi madaling umibig muli lalo na pag nasaktan ng sobra. Andyan ang takot na baka masaktan lamang muli pero hindi nito matatalo ang saya na mararamdaman sa muling pag-ibig. Subaybayan ang muling pagsubok ni Risa sa pag-ibig na muli niyang nakita kay Lance na kamukha ng dati niyang kasintahan na umiibig naman sa kanyang ate na si Liza o makikita niya ito sa iba. Photo by Artem Kim on Unsplash

wickedwinter · 青春言情
分數不夠
69 Chs

The Fifth Person

Agad agad akong umiwas ng tingin at tinulak siya, "Hay naku, ewan ko sayo. Kung ayaw mo magpagupit edi wag mo. Uuwi na lang ako at nasasayang ang oras ko dito."

Pagkatapos kong sabihin yun tumayo na ako at naglalakad papunta sa labas.

Akala ko susundan niya ako pero wala. Walang Lance na pumigil sa akin.

Papara na sana ako ng jeep ng biglang nagvibrate yung phone ko.

1 new message received. Si Lance. Ang sabi niya sa text niya ay ito, ' Pumasok ka na nga. Ayokong maiwan mag-isa sa mga bakla.'

Napangiti naman ako nung nabasa ko yun at syempre, bumalik na ulit ako sa loob. Pagkapasok ko, nakaupo na siya at ginugupitan na. Aaminin ko, ito lang ang tanging paraan na naisip ko para hindi ko na siya masyado maalala kay Lance. At kung paano niya nalaman, may idea na ako kung sino ang nagsabi sa kanya.

Lumipas ang ilang minuto at lumapit na sa akin si Lance. Yung ngiti ko abot ata sa tenga kasi napailing siya nung nakita niya ako.

"Ayos ah. Gwapo ka na ngayon," biro ko sa kanya na may halong hampas sa balikat niya.

"Matagal na akong gwapo," yabang niya sa akin. Nakangiti na din siya habang tinitingnan niya yung bagong gupit niyang buhok sa salamin.

"Yabang mo. Tara na nga at may pupuntahan pa tayo. Magbayad ka na," utos ko sa kanya at lumapit na nga siya dun sa naggupit sa kanya.

Pagkatapos niyang magbayad, kasunod pa niya yung naggupit sa kanya nung papunta na siya sa akin. Hindi pa rin nawawala yung ngiti sa mukha ko kasi for sure may gusto yung bakla sa kanya. Kung wala nga ako dito, nachansingan na tong lalaking ito ng todo.

"Tara?" aya niya sa akin. Yung right hand niya nakalagay sa pockets niya.

Tumango lang ako at napagsalamat ako dun sa bakla, "Salamat po."

"You're welcome iha," sabi nung bakla at may pahabol pa siya, "Gwapo naman talaga yang boyfriend mo at bagay na bagay kayo."

Nagulat naman ako dun at napaspeechless ako samantalang si Lance napatawa ng malakas.

Pagkalabas namin ng parlor, hinampas ko ulit siya.

Napahawak siya sa braso niya kung saan ko siya pinalo. Medyo nabawasan yung pagtawa niya. "Bakit mo ba ako pinalo? Kanina ka pa ah. Quota ka na."

"Pano ba naman kung makatawa ka parang wala ng bukas? Ano bang nakakatawa ha?"

"Kasi naman napagkamalan ka nung bakla ng girlfriend kita. Eh hindi naman kita type kaya nga nireject kita kahapon-"

Napatigil siya at mukhang narealize niya ata yung nasabi niya. Napasimangot naman ako.

"Sorry. Hindi ko naman gusto sabihin yun, natawa lang-"

Pinutol ko na yung sinasabi niya. "Ang yabang mo talaga at tska hindi naman ako magcoconfess sayo kung hindi ka-"

Natigilan din ako ng narealize ko na ang sasabihin ko ay, 'kamukha ka ni Keith.'

May tumigil ng jeep sa harap namin at sumakay ako. Wala na akong pakailam sa kanya bahala na siya sa buhay niya. Inis na inis ako sa kanya ngayon. Kainaman siya! Grabe siya magsalita. Ang yabang niya! Sana mabusted siya ng ate ko.

Pagkaupo ko, kumaha agad ako ng pera sa bulsa ko. Wala talaga akong hilig magdala ng bag pag gagala. Wallet at panyo lang dala ko at ayos na ako dun.

Nang iaabot ko na may pumigil sa kamay ko. Napalingon ako, si Lance pala. Inirapan ko siya at pinalo palo ang kamay niya hanggang bitawan na niya yung kamay ko.

"San ba tayo pupunta?" tanong niya pero hindi ko siya pinansin.

Mababaw na kung mababaw pero kahit sino naman sabihan niya ng ganun, ganito din siguro ang magiging reaction. Kahit pang sabihin na kamukha lang siya, mahirap din kayang maghanap ng lakas ng loob para magconfess sa kanya.

"Alyssa," tawag niya ng medyo mahina.

"Alyssa," inulit niya. Deadma pa din. Bahala siya.

"Risa," tawag niya ulit. This time tiningnan ko siya, tiningnan ko siya ng masama.

"Risa sorry na," simula niya, "hindi ko naman sinasadya."

Deadma pa din. Hanggang sa nagsorry pa ulit siya.

"Iha, pansinin mo na tong boyfriend mo. Pawis na pawis na oh. Mukhang iiyak na ata," sabi nung babaeng katabi ko na napagigitnaan namin dalawa ni Lance.

Napalingon ako dun sa babae at napangiti ng nakakailang. Tiningnan naman niya si Lance, "Siya iho, dito ka na sa tabi ng girlfriend mo."

Umisod na yung babae at tumabi nga sa akin si Lance tapos nagpasalamat siya dun sa babae.

Tiningnan ko ulit siya ng masama. "Oh bakit hindi mo idineny na hindi mo ako girlfriend?" tanong ko sa kanya na medyo pagalit.

"Wag ka na magalit Risa. Hindi ko naman talaga sinasadya. Sorry na. Sorry talaga."

Tiningnan ko siya. Tama nga yung babae, pawis na pawis tong si Lance. Hindi naman ganun kainit. Nakakaawa tuloy tingnan pero nakakatawa din.

Inabot ko sa kanya yung panyo ko.

Blangko lang yung mukha niya at hindi niya kinuha yung panyo ko.

"Punasan mo yang pawis mo. Ang baho mo na," sabi ko sa kanya.

"Sorry Risa ha. Hindi ko naman talaga gustong sabihin yun at tsaka joke lang yun," paliwanag niya. "At kung tutuusin, sinong aayaw na maging girlfriend ka, eh maganda ka din naman," bulong niya.

"Sus, nambola ka pa pero ang totoo naman talaga kaya ka lang ganyan kasi natatakot kang hindi kita tulungan sa ate ko."

"Hindi nu at alam ko naman na nagconfess ka lang sakin-"

"Hep!" tinakpan ko yung bibig niya, "Okay, alam ko na yang sasabihin mo at please wag mo ng banggitin kung ayaw mo na magalit ulit ako sayo at tuluyan ka ng mawalan ng pag-asa sa ate ko."

"Magbayad ka ng pamasahe at pupunta tayo ng mall," utos ko sa kanya.

"Gutom na ako," dagdag ko.

"Ako din," ngumiti siya at nag-abot ng bayad. Syet! Bakit kahit hindi na siya kahawig ni Keith, ang gwapo pa din niya. Bumagay talaga yung gupit niya. Medyo mas maikli na yung buhok at bangs niya kaya lumiwalas ang mukha niya.

Pagdating namin ng mall, sa mcdonalds ang punta namin. Sabay na kaming umorder at humanap ng upuan. Para tuloy kaming nasa date.

Talk about awkward. Kahapon rejected ako tapos ngayon tutulungan ko siya.

"So tapos na yung unang kondisyon," uminom ako ng sprite.

"May iba pa?" tanong niya.

"Yep," seryosong sagot ko sa kanya. "May kapalit ang tulong ko sayo. Wala ng libre ngayon."

"Una, ako ang masusunod. Bawal kang kumontra."

Magsasalita na siya kaso syempre inunahan ko na. "Bawal ka ngang kumontra eh. At bawal din banggitin kung sino ang kamukha mo."

"Pangalwa, ililibre mo ako ng lunch sa loob ng dalawang buwan."

"What?" tanong niya at kitang kita sa mukha niya na gulat na gulat siya.

"Kung makareact naman to, parang hindi mayaman. Patapusin mo muna ako ha."

"Oo na. Sige tapusin mo na yang sasabihin mo," sabi niya at kumagat siya ng burger.

"Pag busted ka kay ate ko, isang buwan na lang. Syempre ang kapalit nun lahat ng kailangan mong malaman o tulong sa ate ko, sagot kita. Diskarte mo at sigurado akong magugustahan ka ng ate ko pati na sina mama."

"Yun lang?" tanong niya.

"Last, hindi dapat malaman ng ate ko na nagconfess ako sayo. So deal?" inabot ko sa kanya ang kamay ko para sa handshake. Nakangiti ako ng nakakaloko.

"Deal," hinawakan niya ang kamay ko at nakipaghandshake.

"Risa? Lance?"

Sabay kaming napalingon sa tumawag sa pangalan naming dalawa. Si Aya at si Andy. Mukhang naguguluhan ata sila sa nakita nila.

"Tatawagan kita mamaya," inunahan ko na si Aya bago pa siya makapagtanong at ang luka, ngumiti din ng nakakaloko.

"Okay," sabi niya ng nakakaloko, yung o ay humaba ng todo. "Siya uuna na kami at may date pa kami ni honey ko."

Napatawa na lang ako nung nakaalis na yung dalawa. Napakamalisyosa talaga nung babaeng yun.

Pagkatapos naming kumain, inaya ko siya gumala since nasa mall na din naman kami. Sa laruan kami unang nagpunta kahit wala akong masyadong hilig dun.

"Oh bakit dito tayo nagpunta?" tanong niya sa akin nung andun na kami.

"Bakit? Diba hilig mo din naman magpunta dito at tsaka, gusto din ni ate dito," paliwanag ko sa kanya.

"Hindi naman ate mo ang kasama ko ngayon at ang alam ko ayaw mo talaga sa ganito," sabi niya habang nagtitingin tingin.

Nagtaka naman ako kung paano niya nalaman at mukhang nabasa niya yung isip ko.

"Nakwento sakin ni Stan," sagot niya at naglakad na siya palabas, "Tara, sa iba na lang tayo magpunta."

Sinundan ko na lang siya palabas at nakita ko siya na may kausap na lalaki. Pagtingin ko dun sa lalaki, lumaki yung mata ko.

"Dan!" sigaw ko sabay turo sa kanya.

"Risa?" lumapit siya sa akin at inakbayan niya ako.

"Anong ginawa mo dito?" tanong niya sa akin. Ano ba yan? Ang buong barkada ata ay nasa mall ngayon. Pangatlo na to.

Tiningnan niya si Lance tapos ako at inulit ulit niya yun hanggang sa binatukan ko na siya.

"Aray!" reklamo niya habang nakahawak sa ulo niya.

"Oo, magkasama kami," sabi ko sa kanya kahit hindi pa siya nagtatanong kasi halata naman sa mukha niya na kating kati na siyang itanong yun sa amin.

Si Lance natatawa lang at cool lang sa isang tabi.

"Hoy, wag kang malisyoso dyan," hinampas ko naman siya ngayon sa braso.

"Naman Risa, nakakadalawa ka na."

"Hilig nga yan mamalo nu. Tama si Stan," side comment naman nitong si Lance.

"Che! Tigilan niyo nga ako. Ano bang ginagawa mo dito?"

"Ano pa ba nga ba? Syempre may date ako," pagyayabang niya saming dalawa ni Lance.

"Weh?" sabay naming sabi ni Lance. Nagkatinginan kami at natawa.

"Ang yabang niyong dalawa. Akala niyo nagsisinungaling ako? Nasa cr lang yung kadate ko."

"Dan?" may tumawag sa kanyang babae.

Napalingon ako, ang una kong nakita, siya ang pang-apat, si Denise. Tapos ang katabi niya, si Stan. Magkaholding hands silang dalawa. Nagkatitigan kami ni Stan at ang sama ng tingin niya sa akin.

Alam ko naman na galit siya sa akin gawa ng post ko kagabi sa fb.

Ano Stan? War na ba to?